NAPAGOD AKO SA naging byahe kaya agad akong padapa na nahiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko at kinuha ang unan. “Hera, magpalit ka muna ng damit mo,” sabi ni Jam sa akin ngunit hindi ko na pinansin ito dahil hinihila na ako ng antok. Rinig ko ang paghinga niya nang malalim at paglundo ng kama. Hinawakan niya ang isang paa ko at inalis ang suot kong stelleto kaya hindi na ako nakapag-react at hindi ko na rin alam ang nangyayari dahil tuluyan na akong kinain ng antok. Kinapa ko ang kumot dahil parang ang lamig-lamig, pero may nararamdaman naman akong mainit na bagay na nakapulupot sa katawan ko. Napadilat ako nang maramdaman ko ang isang malaki at mainit na kamay na pumipisil sa dibdib ko. Napatingin ako sa katawan ko na nasa ilalim ng kumot at napasinghap ako nang makita na tanging

