SIMULA NANG IKASAL kami ni Jam ay wala akong ginawa kundi lumaban sa kanya. Sinasagot ko siya sa tuwing inuutusan niya akong gawin ang ganito, ganyan, ganire, at kung ano-ano pa. Minsan ay hindi ko rin siya kinakausap hanggang sa siya na ang sumuko, pero ni minsan ay hindi niya ako sinasaktan. Ewan, para akong nagrerebelde sa kanya. Sumasakit ang ulo ko at tila ako mababaliw. Napahinga ako nang malalim at umalis sa pagkakatayo ko sa harap ng bintana. Napansin ko na tila wala si Jam sa paligid. Usually kasi ay ilang minuto lang ay susulpot na iyon sa harap ko, pero ngayon ay himala at wala sa tabi ko. Naisipan ko na lumabas ng kwarto dahil baka nasa labas lang siya. Nais kong magpaalam na lumabas at sana ay hayaan niya ako. May nakita akong tauhan niyang lalake na may pinipindot na code

