“SILA ANG MGA ANAK natin,” sabi ni Jam habang nakatingin kami sa tatlong lalakeng bata na mahimbing na natutulog habang magkakatabi. Cute at masasabi ko na kamukha ni Jam ang tatlo. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng saya nang makita ko ang kanilang mukha. Wala talaga akong maalala pero kung ganito ba naman ang magiging anak ko ay sino ba ang hindi maniniwala. Napakahirap ng sitwasyon ko, parang napakahirap na hindi ko man lang maalala kung nagkaanak ba talaga ako. Napahawak ako sa tiyan ko. Matagal nang katanungan sa akin kung bakit pakiramdam ko ay may dating laman ang tiyan ko. Pakiramdam ko noon ay may anak nga ako. Pero palaging sinasabi sa akin ni Enrico na wala, pero ngayon ay sinasabi ni Jam na heto ang mga anak ko. Sino ang dapat kong paniwalaan? Naguguluhan ako. May kumatok

