PINAKIRAMDAMAN KO MUNA si Jam na ngayon ay nasa banyo. Nang marinig ko na patuloy pa rin ang pagtapon ng tubig mula sa shower ay bumaba ako ng kama at kinuha ang phone ko na nilagay niya sa drawer. Agad kong tinawagan si Mom. Gusto kong magtanong kung naiinom ba ni Jam ang gamot niya no’ng mawala ako nang isang taon. “Oh, hija. Napatawag ka?” “Mom, gusto ko lang ho sanang itanong kung naiinom po kaya ni Jam ang gamot niya noong mawala ako nang isang taon?” “Bakit, sinusumpong na naman ba siya?” “Kanina po kasi parang nagalit siya nang sabihin ko po na baka hindi niya nainom ang gamot niya. Pero po ngayon ay hindi na.” Narinig ko ang paghinga niya nang malalim bago ko narinig ang ilang kaluskos sa background. “Ang totoo n’yan, hindi ko rin alam, hija. Kapag kasi tinatanong ko rin ay

