MULA NANG MAKALABAS na ako ng ospital at makita ko na buhay pala ang bunsong kapatid nila Jam ay naging masaya na ang pamilya na kinabibilangan ko sa mga Esteban. Nagkaroon ng kaunting salo-salo para sa pag-uwi ni Grace. “Ate Hera!” Napalingon ako kay Grace nang malakas niya akong tawagin. Napangiti ako nang makita ko siya. Ang ganda niya kasi tapos ay nakakadagdag pa sa ganda niya ang pagngiti niya. Siya rin kasi ang pinaglihian ko noon at ngayon nga ay kabuwanan ko na. Napakalaki ng tiyan ko at natatakot akong manganak dahil hindi lang isang buhay ang nasa loob ng tiyan ko, kundi tatlo. Yes, triplets. Tuwang-tuwa nga ang siraulo kong asawa dahil nakatatlo raw siya. Paano kasi ayaw pa akong tigilan hanggang sa mag tatlong buwan na ang pinagbubuntis ko noon. Kaya ayan dumami tuloy ang

