BIGLA AKONG NANLAMIG at para akong hindi makahinga sa tagpong hindi ko inaasahan. Ang makita ko muli ang aking Inay na kasama ang anak niya sa ibang lalake. Hinawakan ko ang braso ni Jam kaya napatingin siya sa akin. “T-tara na . . .” aya ko sa kanya. Naguguluhan siya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa anak ni Inay sa labas. Naiintindihan ko siya kung bakit siya naguguluhan. Magkahawig kasi kami ni Maricris, pareho naming namana ang mukha ni Inay. Kinakabahan ako dahil alam ko na nag-iisip si Jam kung bakit kami magkahawig. Natatakot ako na baka si Maricris ang nakita niya noon at hindi ako. “Hera, anak!” tawag ni Inay at lumapit sila sa amin kaya napayuko ako. “Anak, mabuti at nakita kita,” sabi ni Inay at akmang hahawakan niya ako ay umilag ako kaya napatigil siya. “

