HINDI KO AKALAIN NA dadating sa buhay ko ang ganitong sitwasyon. Halos hindi ko alam ang iisipin nang malaman ko ang tunay na sitwasyon ni Jam. “Hija, patawarin mo kami kung bakit ka nahihirapan ngayon sa anak ko. Akala namin ay hindi na siya sinusumpong kaya hindi namin siya pinigilan sa gusto niya,” sabi ni Mom. Napatingin lamang ako sa kamay ko na kanina ko pa pinipisil dahil parang namamanhid iyon. “Kung gano’n ho ay isa lamang po pala akong obssession ng anak n’yo? ’Yong pinapakita niya ay hindi po iyon isang pagmamahal, kundi ang tanging nais lamang niya ay palaging akong makita o ’di kaya po ay palaging nasa tabi niya? Dahil ako lang ang tanging daan para makaiwas siya sa bangungot na kinakaharap niya?” sabi ko sa kanila at hindi ko mapigilan na mapalunok dahil parang bumabara

