TINABIG ko si Claudio sa balikat niya. Napaismid ako bago ako sumandal sa bintana ng sasakyan niya. Talagang tinamaan na ako ng alak. Nahihilo na ako at ayoko na munang makipagtalo sa kanya. Kampante naman ako na hindi siya gagawa ng masama sa akin. Iniwan lang ako ni Claudio noon pero alam ko naman na hindi niya ako pisikal na sasaktan. “Rest from everything that hurting me?” ani ko saka mapait na natawa. “Nagpapatawa ka ba? Manhid na ako, Claudio. Matagal na. Sa lahat ng mga sakit na idinulot sa akin ng mga taong mahal ko. Paano pa ako magpapahinga? Ni ultimo pagtulog ko, napapanaginipan ko ang mga nangyari noon,” dagdag ko pa. Everything that happened in the past hunt me. Mula sa nalaman kong may asawa na si Claudio, sa pantatraydor sa akin ng sarili kong kapatid na si Clara, sa pagpap

