BAGO ko pa man marinig ang sunod na sasabihin ni Catherina ay agad na akong tumalikod. No, I don't want to feel another pain and heart ache again. Ako na ang unang iiwas. Ako na ang magpapakalayo. Ayoko nang maulit pa ang pagpapakatanga ko noon. Sobra na akong nasaktan sa mga lalakeng dumaan sa buhay ko ngayon. I put my left hand into my mouth para maiwasan ang pagkawala ng hikbi ko. Nakayuko pa akong lumabas ng unit ni Miss Chinay. I don’t know if it’s a good thing at bumalik ako sa unit at nalaman ko ang pagtataksil ni Josen. O sana mas gugustuhin ko na lamang na hindi nalaman ang nangyari ngayong gabi para hindi gaanong kasakit. Ngunit alinman sa dalawa ay parehong mababasag pa rin ang puso ko. They had a one night stand. Sa tatlong taon namin ni Josen, mahirap man paniwalaan ngunit

