2 “GRABE! I wasn’t expecting that I could really see him today! Tapos pumasok pa siya sa block natin kanina!” histirikal pa ring ani Mutya. Gamit pa nito ang kaniyang kamay bilang pamaypay dahil tila naiinitan ito. I shook my head at her and continued typing on my laptop. Nasa kasukdulan na ang nobelang isinusulat ko. At ilang kabanata na lang ay matatapos na ito. “Hey! Are you listening?! Ligaya, that’s Messiah we’re talking about. What’s wrong with you?” singhal nito at hinampas ang balikat ko. Natigil at nabitin sa ere ang kamay ko dahil sa itinanong niya. Bukod sa halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita si Messiah, anu pa ba ang mali sa akin? I shook my head again. I know in myself that even this was the first time I met him (well not literally) this has to stop—this f

