“HMM. So, your place or mine?” Napatingin ako sa kanang kamay ng blonde na kausap ko nang dumapo ito sa kaliwang hita ko. Pilit akong napangiti at umusog papalayo sa kanya dito sa couch na kinauupuan namin. Kami na lamang dalawa ang nandidito lalo na at nauna nang umalis si Sky. Ang tapang tapang ko pa kanina pero ngayon mukhang nagsisisi ako sa ginawa ko. “E-excuse me, I’ll just go to the restroom,” sambit ko saka nagmamadaling tumayo at iniwan ito. Habol pa ang hiningang bumaba ako ng hagdan palabas ng bar. Napabuga ako ng hangin. H-hindi ko kaya. I just realized na hindi ko pala kayang baguhin ang sarili ko. Nandidiri ako sa naging haplos nito sa hita ko. Fuck! Napamura ako sa isipan ko. I look so desperate. Behind my beautiful looks, nagmumukha naman akong desperada. And this is

