MATAPOS naming magkasarilinan ng anak kong si Ashette ay binuhat ko ito palabas ng kwarto. Ramdam kong naiilang at nahihiya pa siya sa 'kin pero ayos lang naman iyon. Natural iyon at matagal kaming nawalay sa isa’t isa. Pasasaan ba't makukuha ko rin ng tuluyan ang loob niya. Ang importante ay kahit bata pa siya ay nauunawaan niya na ang sitwasyon. At alam niya na nanay niya ako. Sapat na iyon sa akin ngayon. "M-mommy, I want to play with Gabino," bulong niya tila nahihiya pa. Napangiti naman ako at hinalikan ito sa kanyang noo. Binaba ko siya at masuyo itong pinagmasdan na tumakbo papunta sa pamangkin ko. Lumapit ako kay Clara. At sa unang pagkakataon sa apat na taon, niyakap ko siya. Humagulhol ako sa balikat niya at paulit-ulit na nagpasalamat. Sa kabila ng ginawa niya sa akin noon, sa

