KATULAD ng sinabi ni Ivan ay nagtungo ako sa second floor upang puntahan ang opisina ni Miss Chinay. Panay pa ang pagbuntong hininga ko dahil sa hindi ko gusto na muling makaharap si Claudio. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay napabuga muli ako ng hangin at pinanatili ang blangko kong itsura. Tatlong beses akong kumatok sa pinto bago iyon bumukas at hindi ko naman inaasahang si Claudio ang magbubukas ng pinto sa akin. “Come in,” I heard him said but I just ignored him. Hangga’t hindi si Miss Chinay ang nagpapapasok sa akin ay hindi ako papasok. Nanatili ako sa labas ng pinto habang nakatingin ng diretso sa loob ng opisina. Hindi ko inintindi ang presensya ni Claudio. Hindi ko alam at ayokong mag-assume kung bakit nandidito siya. Baka dahil lang sa business kaya ganoon. “Come in, Nona

