Anisha
"Thanks for the help. Nagulat kasi talaga ako kanina. Though I'm kinda used to it nama—"
"I told you I don't take 'thank yous'." mariing putol niya sa mga salita ko.
Nagkunwari akong nagulat doon. Siyempre, dapat pang-Oscars ang labanan dito. Naglalaro ako sa isang palabas, kung saan kailangan ko ng siguradong panalo.
Natatandaan ko naman iyon. Sadyang pinaulit ko lang at baka nagbibiro lang siya kanina o ano.
Nasa labas na kami ngayon ng Zafire Club, kung saan kami nagtungo. He insisted na ihatid ako at bilang may maitim na plano, sino ba naman ako para tumanggi gayong pabor ito sa plano ko? Ni hindi ko na nga alam kung nasaan na si Fiona, e. The last time I saw her, she's laughing while dancing with guy.
Tatawagan ko na lang iyon mamaya kapag naghiwalay na kami ng landas ni Spade.
"Give me your phone," he said.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Noong una ay nablangko pa ang utak ko at hindi nakakilos kaagad. I blinked thrice bago ko na-digest ang sinabi niya.
"Oh, sorry." I laughed awkwardly before getting my phone in my bag. Ibinigay ko iyon sa kaniya.
Pinindot niya iyon sa side at nang nakitang may password ay binalingan niya ako. "May password." aniya na para bang hindi ko pa iyon napansin.
"My bad. Here..." I said as I extended my index finger for the fingerprint pass. Kaagad siyang may kinalikot doon at mukhang alam ko na kung ano.
Thanks, G! Paborito mo talaga ako, ano? Pinagpapala mo talaga ako ng bonggang-bongga!
"I registered my number on your contacts. I'll text you when I want a payback for your favor." seryoso niyang usal.
Tumango ako bilang tanda na payag ako sa gusto niya. "Sure. Free naman ako almost anytime. If ever na busy ako that day... can you like...change the day instead?" I asked him a favor again.
"That's another favor asked." He uttered those words like he's doing some business thing.
Ganoon ba ito kaseryoso sa mga bagay-bagay? May narinig nga akong loko rin ang isang ito... pero bakit parang hindi naman?
"And you don't take thank yous... of course may kapalit din 'yon. Just tell me anything." I smiled at him.
Hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan niya lang ako at hindi ako makapaniwala na halos mahigit kk ang sarili kong paghinga sa titig pa lang na iyon.
Ano ba, Ashi? Umayos ka nga?!
Akala kk ay magtititigan na lang kami doon. Mabuti na lang at nakahugot pa ako ng lakas ng loob para magpaalam na sa kaniya.
Nag-aalala rin naman kasi ako sa lukaret kong best friend. Baka mamaya napa'no na iyon. Hahanapin ko pa muna bago ako magsaya.
"I think I should go, Mr. Spady." I chuckled as I tried hard to give a playful wink.
Akmang tatalikod na ako nang natigil na naman nang nagsalita siya. "Where's your car?" He asked.
I tilted my head on one side. Salubong ang kilay dahil sa pagkamangha sa kaniyang sinabi. Nothing's new, but I find it somehow impressive. I know it's weird, but whatever!
"Bakit mo naman tinatanong?" I raised a brow on him. Bahagya pa ring nakataas ang gilid ng labi.
Diretso niya akong tinitigan. Nakakatunaw iyon para sa akin, samantalang siya ay parang normal lang ang lahat.
"Just wanna make sure that you'll head straight to your house. You really should be home by now. Hindi iyong nandito ka pa sa labas." seryoso niyang sambit.
You've got to be kidding me! Ganito ba talaga kumilos ang lalaking ito para makuha ang loob ng isang babae? Well... if it is, medyo gumagana, ha?
Halos sampalin ko pa ang sarili ko sa iniisip na iyon. Napaka-easy to get mo naman yata, Ashi?!
"Huwag mo'ng sabihin na susundan mo pa ako hanggang sa makauwi ako sa condo ko?" I tried him.
"I will. Just to make sure you'll be home safe." Walang bahid ng anumang pagbibiro ang bawat pagbigkas niya sa kaniyang mga salita.
I was about to speak when we heard someone called out his name near us. Pareho kaming napalingon doon.
"Spade. Let's go, dude! Hinihintay ka na doon sa loob. Hinahanap ka na ni Maris." iyon ang sinabi ng lalaking hinuha ko'y isa sa mga kaibigan niya.
Who's Maris? Girlfriend?
"Pass na ako. Hatid ko na pauwi girlfriend ko." aniya sabay turo sa akin.
Para kong nahigit ang sarili kong hininga sa sinabi niyang iyon. Dahan-dahan kong nilingon ang direksiyon niya.
"How about Maris, dude?" Napakamot sa batok iyong lalaki.
"Ihatid niyo na pauwi, Jaye. Make sure she's safe. Don't do any funny business on her. She's drunk. May mga kapatid na babae at Mama kayo. Dapat alam niyo na 'yan. Pasensiya na at bawal akong maghatid ng iba. Hindi na kasama iyon sa concern ko, lalo pa at kayo naman ang nagdala sa kaniya rito. Alis na kami." Diretso niya iyong sinabi sa kaibigan niya bago ako maingat na hinigit palayo roon.
"I promise. Ihahatid lang kita. Then we'll have our separate ways." he said, almost like begging.
Humalukipkip ako at natagpuan ang aking sarili na nakangisi sa kaniya. "Isn't that a favor?" I raised a brow on him for the nth time. Tunog nanghahamon pa.
"That's an offer, not a favor. There's a big difference between those two words." aniya sa akin.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon.
I can't even believe this guy's logic! What the heck? Just...
"I... I know that's two different things!" depensa ko sa aking sarili, pero mukhang huli na ang lahat dahil natawanan niya na ako.
"Stop laughing!" I glared at him. "That's not even an offer. Pinipilit mo ako and pinilit is different from offering help or something." I proudly said. Taas noo ko siyang tinignan.
Akala mo ba ikaw lang ang nakapagbaon ng utak ngayon? Ha! I've got tons of brain tonight.
"So ayaw mo?"
Natigilan ako ng bahagya sa tanong niya. I actually find it favorable on my side. I'll get to know him more. Isa pa... mas malapalapit din ang loob ko sa kaniya. The closer I get with him, the better the outcome of the plan.
"Nevermind." I breated out. Nagkunwari akong hindi interestesado sa offer niyang parang namimilit. "Let's go. Just follow my car if you doubt it so much that I won't head straight home." Inirapan ko siya bago ko siya tinalikuran.
I smiled devilishly.
Humanda ka sa akin, Spade Villafranco.
***
Imbes na dumiretso sa condo kagaya ng napag-usapan, natagpuan ko ang sariling kong nagpapark sa tapat ng isang convenient store. Nag-crave ako bigla sa ice cream. Alam kong wala akong stock ng gan'on sa condo kaya bibili na lang ako rito.
Napangiti ako nang nakita kong gan'on din ang ginawa ng sasakyan ni Spade. Interesting talaga 'tong guy na 'to, ha?
"I'll just buy some ice cream. Nag-crave ako bigla. If you wanna go home, okay lang. Ilang blocks na lang naman na mula rito ang condo ko," sabi ko kahit ang totoo ay gusto kong nandito pa siya.
Let me see kung gaano ba katuta ang Villafranco na ito. I was told that they like it so much to play along with the girls. Patingin nga ng play along, Spade?
"Sabi mo didiretso ka na?" Tunog nagmamaktol niyang sinabi. Napatigil ako sa paglalakad. I pouted to stop myself from smiling. I turned to look at him. I scanned him from head to toe. Hmm... guwapo rin naman. Puwede na.
"I said, Mr. Villafranco... you can go home now. Ayos na ako rito. Ice cream ang bibilhin ko kaya imposible na hindi pa ako dumiretso sa condo. Unless you wanna accompany me hanggang sa condo ko? Ice cream date gan'on?" I joked.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli ko siyang tinalikuran. Hinagis hagis ko pa sa ere iyong susi ng kotse ko habang naglalakad.
Alam kong nasa likod ko pa rin siya kaya kampante akong naglalakad hanggang sa makarating na ako sa harap ng pinto. Normally, mayroong isang staff na magbubukas para sa'yo, pero dahil gabi na ay wala na rin.
I was about to hold the handle of the glass door when someone did it for me. Walang kahirap-hirap na itinulak iyon... ni Spade. Nilingon ko siya at nginitian.
"Thanks..." I mouthed bago ako tuluyang pumasok.
Binati kami ng staff na naroon sa counter. Siya na lang mag-isa ang naroon. Tumango ako at dumiretso doon sa may bandang freezer para makapili na. I have some flavor in mind. Rude ko naman kung di ako magyayaya sa kasama ko.
Binuksan ko iyon at kumuha kaagad ng cookies and cream at vanilla flavor ng ice cream. Binalingan ko siya para sana tanungin siya kung anong flavor ang gusto niya kaso lang ay naabutan ko siyang naglalabas na ng wallet.
"Huwag mo'ng sabihin na ikaw ang magbabayad nito?" Natatawa kong sinabi. Nang hindi siya sumagot ay umiling na lang ako. Baka naman bibili siya ng sa kaniya tapos malamang ay babayaran niya rin.
"Ano bang flavor ang gusto mo?" I asked while I was busy digging. Naghahanap pa kasi ako ng flavor na baka magustuhan ko rin kaya di ko na siya mabalingan. Nakahanap ako ng isa pang rocky road kaso kinailangan ko pang yumuko para maabot ko iyon ng bongga.
Kulang na lang ay ipasok ko na ang sarili ko sa loob ng freezer pero hindi ko pa din makuha iyon. I was about to ask for some help sa kasamo ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang para bahagya akong alisin sa puwesto ko para siya ang pumalit. I didn't have to ask dahil naunahan niya na ako.
"Iyong rocky road ba?" He asked. Ilang segundo pa bago ako nakasagot.
"Yup," tipid kong sagot.
Nakuha niya iyon ng walang kahirap-hirap. Pero ang hindi ko talaga mawala sa isip ko ay iyong kamay niyang nasa bewang ko pa rin kahit na nakuha naman na niya iyong kinukuha ko kanina.
Kumuha rin siya ng kaniya. Chocolate iyong flavor bago niya isinarado iyong glass ng freezer. Pagkatapos naming mamili ay iginiya niya ako sa counter. Naroon pa rin sa bewang ko iyong kamay niya.
"I'll pay for these, please?" Bulong niya sa tainga ko. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Lalo pa nang ipatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. I can literally feel his breath on the crook of my neck.
"S-Sure..." Wala sa sariling sinabi ko habang pinapanood ko iyong staff na ipina-punch na iyong pinamili namin. Ngiting-ngiti pa siya sa akin na para bang nang-aasar. Palagi na kasi ako rito ay ngayon lang niya akong nakitang may kasamang lalaki tapos ganito pa kung makahawak. Akala mo naman boyfriend!
Nang natapos na ay siya ang ang nagbayad. Hanggang sa nakalabas kami ay nasa bewang ko pa rin iyong kamay niya. Pati iyong pinamili namin ay siya na rin ang nagbitbit.
"Uuwi ka na kaagad o hindi pa naman?" He suddenly inquired. Tumigil ako sa paghahalughog ng ice cream sa paper bag para tumingin sa kaniya.
"Bakit? You have something in mind?" Balik tanong ko sa kaniya.
"I just wonder if you mind eating ice cream with me inside my car?"
Mas nagulat ako roon. Kinailangan ko pang kagatin ang dila ko para lang mapigilan ang pagsilay ng ngiti.
"I mean sure! Ikaw nga 'tong iniisip kong gusto ng umuwi, e." I bluffed. Umiling naman siya kaagad.
"Makalat akong kumain. Okay lang?" Dagdag ko pang sinabi kasi totoo naman.
"It's fine. I'll just do something about that," aniya.
Kagaya ng request niya ay doon nga kami sa loob ng sasakyan niya kumain. Nasa driver's seat siya habang ako naman sa shotgun. In-adjust niya pa iyong sandalan ng likod para daw kumportale ako habang nakaupo.
He played some random music while we eat. Parang date na rin pero ayaw ko na lang magsalita dahil baka sabihin niyang nag-aassume ako.
"Can I ask you some question?" I said to break the silence. Ang tahimik kasi, e. Mabuti na lang at may music na nakaplay sa background para ma-lessen iyong awkwardness.
"Itong tanong kasi na 'to, dapat tanong ko para sa sarili ko. Pero as a... friend? Or at least that's what I think we are, tatanungin kita para meron naman akong opinion from other perspective," panimula ko.
Tumango naman siya kaya nagpatuloy ako.
"What if one random day. Yung akala mo okay lahat. Tapos pag-uwi mo, malalaman mong you're bound to marry someone else you haven't even met in person. What would you do and feel?"
Natigilan siya sa pagkain ng ice cream dahil sa tanong ko na iyon. Para bang iyong tanong ko na iyon ay hindi niya dapat marinig.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumikhim at umayos mula sa pagkakaupo.
"Uy, pero kung hindi okay sa'yo yung tanong, puwede naman mag-no, ha? Tinanong ko lang naman. Baka mamaya kasi biglang sabihin mo na lang sa akin na "get out of my car". Oh, e di sana hindi na ako nagtanong," pambawi ko sa tanong ko.
Kumunot ang noo niya noong una pero nang nakita kong ngumiti siya. Medyo naibsan naman iyong kaba ko.
Akala ko kasi bigla na lang niya akong papalabasin dahil sa tanong ko. Kasi sa ekpresyon niya kanina, para siyang na-offend doon sa sinabi ko. Iyong tipong iyong tanong ko kanina ang most avoided question niya.
"No," aniya. "Nabigla lang ako. What made you ask that? Based on experience ba?" Imbes na sagutin, binalikan niya ako ng isa pang tanong.
Ngumuso ako at humugot ng malalim na buntonghininga. Dahan-dahan akong tumango.
"Really? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakikilala iyong lalaki?" He asked. He shifted on his seat. Mas nakaharap na siya sa akin ngayon.
"Bakit ka ba interested? Ikaw nga iyong tinanong ko kanina tapos biglang ako na ang nasa hotseat? Ang galing mo rin, 'no?" Inirapan ko siya pero nangingiti pa rin naman.
Hindi ulit siya sumagot. There is really something in him that's making me feel like we had a deeper connection before.
"I was just asking. Puwede rin namang tumanggi if you find it too personal," bigla niyang bawi. Kunyari pa siya, e. Alam ko namang sumisimple lang siya.
I don't know if I am just assuming things again. Pero kasi… hindi naman ito ang unang pagkakataon na may ganito. Nothing's new sa ganitong estilo.
"Ang saya siguro kapag ikaw mismo ang pipili ng taong gusto mo 'no? Iyong tipong there's no need for you to feel the pressure because you have the freedom to choose. You won't feel the doubt kasi may assurance ka na mahal ka nung taong 'yon. Kesa naman sa akin na parang ginawang laro ang pagpapakasal. You know that? It's just… frustrating," hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Naaalala ko na naman iyong naging usapan namin nina Papa. Bagay na ako o ari-arian na basta na lang nilang ipagpapalit sa yaman?
Alam na nila na may nararamdaman din ako kasi tao lang din ako?
Bakit ang hirap intindihin para sa kanila na kung nakaya nila, baka para sa akin, hindi? Sa tingin ba nila… lahat ng fix marriages ay successful dahil iyong kanila ay oo? Sa tingin ba nila porque nag-work sa kanila, applicable rin sa akin?
It's just… What the heck?
"Nakakainis na ewan, e. Everytime na sinusubukan kong ipaliwanag ang sarili ko sa kanila, palagi nilang sinasabi na nag-iinarte lang ako."
I stopped to calm myself. Baka kasi hindi ki maipigilan ang sarili ko at mabasag ko iyong salamin ng kotse niya.
"Sinusubukan ko namang intindihin iyong point nila pero bakit gan'on? Ang pointless lang kasi, e. Alam mo yung gusto mo na lang makipagpalitan ng buhay sa iba kasi sawang-sawa ka na sa buhay mo?" Pagak akong natawa.
Bitterness is really starting to eat me up again. Parang gusto ko munang pumunta sa isang lugar kung saan mailalabas ko lahat ng galit at pagkalito ko sa buhay. Pagod na pagod na akong i-explain iyong side ko palagi. Nakakaubos ng lakas.
"E, paano kung gusto ka naman pala nung taong ipapakasal sa'yo?"
Napatigil ako sa paghinga sa tanong niyang iyon. Napa-awang ang bibig ko dahil sa gulat.
Seryoso ba siya sa tanong niyang 'yan?
"E, ano namang magbabago roon? Paano niya ako magiging mahal kung hindi pa naman namin nakikilala ang isa't-isa? Hindi naman kasi 'to magic. Not everything we read in books is applicable in real life. Hindi palaging love at first sight," I explained to him.
Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangang maging parte ang isang tao sa isang kasunduan na ni minsan ay hindi ko naman dapat concern?
Hindi naman nalulugi ang parents ko para ipagkanulo nila ako sa isang estranghero pero bakit ganito? Ni hindi man lang nila hiningi ang opinyon o approval ko?
"You know what? Mabuti iyong honest kang tao, pero minsan ba kaya mo namang i-filter yung mga ginagamit mong masasakit na salita? You know… baka kasi may nasasaktan ka na?" He suggested.
"Bakit naman? Truth hurts. Kung hindi nila kayang tanggapin, it's their problem, not mine to think about. Isa pa, as far as I am concerned, I am just stating what's inside my head and heart. Take it or leave it."
"Kaya siguro lapitin ka ng mga lalaki kasi ganiyan ka. Boys loves the thrill," aniya at nag-iwas ng tingin.
"And I hate boys who love the thrill. Minsan nga naiisip ko na sana naging invisible na lang ako. I mean… sinasabayan ko naman kapag may lumalapit, but sometimes it's just too much to handle. Nakakainis din kasi iyong iba. Namimilit."
Ilang beses ko na rin iyong naranasan. Gusto ko naman minsan iyong may halong excitement sa buhay ko, pero ang pinaka-ayoko sa lahat ay iyong pinipilit akong gawin ang isang bagay na ayoko.
There should always be my consent, because why not? Ako iyong pinakamag-susuffer, e. Hindi naman iyong namimilit.
"Last question," aniya. Napatingin ulit ako sa kaniya.
"Shoot," I said.
"Paano kung nakilala ka na pala noong lalaking gustong ipakasal sa'yo at nalaman kong ikaw ang pinaka-hate niyang tao sa buong buhay niya? What would you feel?" He asked.
Tumango ako at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. I pursued my lips as I smiled at him.
"Then that would make me the happiest. Kasi honestly, I don't really care if that guy hates me or what. Mas gusto ko ngang hate niya ako because the more he despise me, the bigger the chance na hindi matuloy ang kasal. That would be favorable to me. Kung mangyari man iyon, instead of hating him, magpapasalamat pa ako sa kaniya because he made my life easier." I answered him with full honesty.
After that conversation, nagmadali na akong ubusin iyong pagkain ko. Nagyaya na rin siya na umuwi dahil lumalalim na rin naman ang gabi. Bigla akong napagod kahit wala naman akong ginawang nakakapagod.
Siguro nga, totoo iyong sinasabi nila na mas malala at mahirap kapag napapagod ka emotionally, sa halip na physically.
He tailed my car until we reached my condo. Bumaba siya sandali nang nasa space na kami kung saan ko ipinapark iyong sasakyan ko. Hindi naman gan'on kalakihan dahil hindi kagaya ng ibang mamahaling condo, parang isang buong bahay lang din iyong akin. Mukhang apartment na nga lang din kung tutuusin.
I was planning to sell my car soon para pandagdag gastos din. Alam ko rin naman kasing maluho akong tao at kailangan kong alisin ang kaugaliang iyon kung gusto ko pang mabuhay ng matagal malayo sa kontrol ng mga magulang ko.
Ayoko lang din na gumastos sana ng gan'on kalaki sa titirhan kung puwede at kaya ko namang tumira sa mga simpleng bahay.
"Sinong mga kasama mo rito?" He asked as he wandered his eyes on the house in front of us. Nakakunot ang noo niya habang nakapamaywang na sinusuri iyong bahay.
"Wala," I answered. Napatingin siya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Hindi ka ba natatakot? What if someone breaks in to your house. How are you going to defend yourself?" He inquired with an angry tone.
I smirked inwardly at the thought of him worrying about my safety.
"Do I need to remind you na kahit maliit 'to, I still have neighbors and may guard naman sa labas," I told him as I pointed at the guard we just passed by earlier.
Hindi ko alam kung hindi niya ba napansin o iniisip niyang unsafe talaga ako eevn with all that information I have said.
"There are other places na mas safe dito. Gusto mo bang hanapan kita?" He offered that made me shook my head. Humalukipkip ako at napanguso na lang.
"I am safe here," I said but he still looked unconvinced with my statement.
We argued kahit hindi ko naman kung para saan. Pursigido lang talaga siyang palipatin ako kahit pa ilang beses ko namang sinabi na ayos lang ako sa tinitirhan ko ngayon.
Sa huli ay sinabi ko na lang na pag-iisipan ko iyong suhestiyon niya para matahimik na siya.
"If you need help, my number's registered on your phonebook. Just text or call me. Anytime, I'd try my best to attend to you."
My forehead creased at what he just said. "Is this how you flirt with your girls?" I asked out of nowhere.
"This isn't flirting, miss." He smirked at me.
"Then what is it?"
"Hindi ba puwedeng I'm just showing some concern? You are a girl and this place looks unsafe or someone like you. Isang pitik lang sa'yo, baka tumba ka na," he narrated.
I scoffed at his words. "Excuse me? Anong isang pitik lang ako? I am a woman but that does not mean that I cannot fight for myself. Masyado mo yatang minamaliit ang kakayanan naming mga kababaihan?" I raised a brow on him.
That caught him off guard. Nabigla yata sa mga sinabi ko. It is true though. Most of the time, people would always see girls as fragie, well... we are, but in some things, kaya rin naman namin iyong ginagawa ng mga kalalakihan.
It is just so wrong for me to hear na ina-underestimate kaming mga babae.
"I am sorry if I offended you with that." Iyon na lang ang nasabi niya pagkatapos ng lahat. I nodded and smiled at him.
At least he apologized. That is already enough for me.
Kung hindi ko pa sinabing umuwi na siya, mukhang wala talaga siyang balak umuwi. Lumalalim na ang gabi at baka may iba pa siyang gawin. Honestly, gusto ko na rin magpahinga.
Kahit naman wala na ako sa bahay, nararamdaman ko pa rin iyong pressure. At the end of this all, alam kong darating pa rin iyong time na hindi ko na kayang takasan ang kung anumang gustuhin ng mga magulang ko sa akin.
No matter how I try my best to convince them that I don't want to marry for convenience, hindi nila iyon maintindihan kasi hindi naman sila ang magdurusa.
Hindi pa lang matanggap sa ngayon kung bakit may mga taong kailangang maghirap para sa ikasasaya ng ibang tao. Why is there always a need to sacrifice? Hindi ba puwedeng maging masaya pareho?
"We'll see each other for tomorrow, then?" He asked while I was playing with my car keys.
Ang dali naman pala nitong paikutin. Parang siya nga iyong isang pitik lang, bibigay na kaagad, e.
"See each other for what? Para-paraan ka rin, ha? Bakit hindi mo na lang kasi aminin that you're flirting with me? Maiintindihan ko naman," I joked and he laughed.
"Ang lala mo naman mag-imagine, miss."
I rolled my eyes on him. "Sige na nga. Go home already. Inaantok na rin ako. Kung may time ka, text mo na lang ako, pero kung wala naman. Ayos lang. I hope safe kang maka-uwi sa inyo," sabi ko.
Ang hirap niya lang din itaboy kasi hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. With the way he look at me, may gusto pa siyang sabihin kaya tinanong ko na para matapos na at makapagpahinga na kami pareho.
"Sabihin mo na sa akin 'yan at baka hindi ka pa makatulog kakaisip."
Mukhang iyon lang din naman ang hinihintay niya.
"About nga pala sa kapalit ng favor mo sa akin. May naisip na ako roon."
Napaayos ako ng tayo. I was just too tired. Ayaw niya talagang ipagpabukas na ito?
"What is it?" I asked.
"My friend will throw a party at his place sa susunod na araw. I was just hoping kung free ka by that time. Invite sana kitang samahan ako," he finally declared.
"Ano ka bata? I'm sure you can go with that party alone. Isa pa, ang daming girls diyan. Sure naman akong sa kisig mong 'yan, imposibleng walang mga babae ang nagkakandarapa sa'yo?" Wika kong tila ba nanghahamon sa kaniya.
Gusto ko rin naman talaga bilang parte ng plano ko pero siyempre, kailangang hindi magpahalata.
I need to be careful with my words kung gusto kong mag-work iyong mga balak ko sa buhay. I can't fvck this up. Ngayon pa na buo na ang desisyon ko?
"Okay lang naman tumanggi," he said pero ngumisi ako.
"Fine. I'll go with you on that day. Siguraduhin mo lang na worth it doon, ha? Kung hindi lagot ka sa akin."
A smile appeared on his lips. Nagpipigil pa noong una pero hindi na niya rin napigilan until it became a chuckle.
"I promise it'll be worth it," aniya bago tuluyang nagpaalam.
"Goodbye, miss. I'll text you when I get home."
Then, he waved his hand goodbye.