CHAPTER 03

3817 Words
Anisha Just like what he told me, nag-text nga siya after an hour. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko kung gaano ka-ayos iyong paraan ng pagkaka-type niya roon sa message niya. Kagabi pa iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan. Para akong uminom tapos may hang-over naman ngayon. I shook my head to stop whatever I am thinking. Kailangan kong mag-stick sa orihinal na plano ko. Kailangan ko iyong panindigan kung gusto kong makawala sa buhay na naghihintay sa akin dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko. I just hope that my plan works dahil kung hindi, mawawalan ng saysay lahat ng ginagawa ko ngayon. As crazy as it may seem, but I am going to use him for my own good. Sounds selfish, too, but I am becoming desperate. Kailangan ko na nga lang ding kapalan at patatagin ang sikmura ko dahil kahit saang parte ako lumingon, sumisigaw ang kasuka-sukang gagawin ko, pero hindi. Kailangan ko ito at gagawin ko 'to kahit ano pang mangyari. Malakas na lang akong napabuntonghininga. I should stop thinking about it kahit na ilang saglit lang. I shouldn't cloud my mind with it dahil iniisip ko pa lang, nahihirapan na ako at parang nasasakal. It was so early when I woke up. Nakaupo ako sa nag-iisang sofa sa aking unit. I'm fine with it, though. Ang mahalaga ay may natutuluyan ako sa ngayon, iyon na lang ang pinaka-importante sa ngayon. Tahimik pa ang paligid kaya hindi ko maiwasang hindi mag-space out. Naisip ko lang na parang walang patutunguhan ang buhay ko habang pinagmamasdan ang usok na kape na nasa harap ko. Life just won't you have the happiness that easy. Kailangan daw kasi munang dumaan sa sakit bago ka sumaya kasi roon daw natututo ang tao. Inisip ko tuloy na hindi ba puwedeng matuto ang isang tao na may kasamang saya rin? Bakit palaging sakit at hirap ang kaakibat ng salitang pagkatuto? Amidst reflecting, bigla kong narinig ang pagtunog ng aking ringtone para sa text. Kaagad akong napatingin doon. Kumunot kaagad ang noo ko nang nakita ang pangalan ni Spade roon. Ang aga niya ring nagigising, huh? I quickly got my phone as I read his message. Spade: Good morning, miss! Iyon ang una kong nabasa. Awtomatiko akong napangiti ulit. I needed to bite my lower lip to stop myself as I typed my reply. Anisha: Good morning, too! Mabilis din naman ang naging reply niya. Spade: Maaga ka ba talagang nagigising o ngayon lang? Maaga pa kasi. Akala ko tulog ka pa. My forehead creased. Anisha: Akala mo tulog pa ako pero nag-text ka ng good morning? I pressed my lips together while waiting for his reply. Spade: Actually, I was just trying my luck. He said. May sumunod ding siyang chat sa akin pagkatapos n'on. Spade: By the way, about the party. Anisha: What about it? Formal party ba iyon or something for fun lang? Mabilis talaga siyang mag-reply. Naisip ko tuloy kung wala ba talaga siyang ginagawa dahil umabot kami sa mahigit isang oras sa pag-uusap. It was six when I said I was going to take a bath dahil may pupuntahan din naman ako ngayong araw bago pa roon sa sinasabi niyang party kasi bukas pa rin naman iyon. I need to buy my stock of groceries. Ayokong maubusan lalo na at mukhang malapit na rin ang tag-ulan. Kung magpapa-abot pa ako, sigurado akong mamumuti ang mata ko rito. Kapag gan'on pa naman, ayokong lumabas. Mas gugustuhin ko na lang manatili sa loob ng unit ko at manood ng random na mga movies o kaya ay mag-sound trip. I tried to call Fiona, but she said na mayroon din silang lalakarin today. Naiintindihan ko naman. Actually, busy rin talaga siyang tao. Medyo mataas din ang expectations sa kaniya kasi ng halos lahat ng taong nasa paligid niya, lalo na iyong Lola niya dahil nag-iisang anak na babae ng mga magulang niya. Pero kumpara naman sa akin, mas may laya siya. As long as she's doing great on those things na gusto ng kaniyang mga magulang, puwede niyang gawin ang kahit na ano'ng gusto niya. Iyong tipong may freedom ka pero parang wala rin. When I was ready to go out, kinuha ko na iyong susi ng sasakyan ko. Good thing na kahit broke ako, may sasakyan pa rin naman which is helpful talaga lalo na kapag ganitong may mga lakad ako. Ang hassle lang din kasi talagang mag-taxi para sa akin. Sa pinakamalapit lang din akong grocery store pumunta dahil sayang sa gas. It's just a ten minute ride from my condo. Nang nakarating doon ay kaagad akong kumuha ng cart. Hindi talaga ako mahilig maglista ng mga bibilhin dahil hindi ko rin naman madalas sundin iyon. Kung ano na lang ang maisip at makita kong kailangan ko ay iyon na lang ang bibilhin. Thankfully naman ay naaalala ko lahat ng kailangan ko sa condo. Inuna ko muna iyong mga toiletries bago sa mga pang-kusina kasama na ang mga pagkain at mga utensils na napansin kong wala ako. Hindi naman ako madalas kumain sa condo. Kapag lang tinatamad ako, wala sa mood lumabas o kapag bumisita si Fiona. Napuno ko rin iyong cart pero pakiramdam ko ay may kulang pa. I scanned what's in my cart at napansin na kailangan ko pala ng pads. Dapat inuna ko iyon kaninang nasa toiletries section na ako kasi katabi lang naman, e. Feeling ko rin kasi dadatnan na ako. Kaso lang ay kapag bumalik ako, that'd mean I need to either push my cart again kahit na hirap na ako or iiwan ko rito. Kaso baka may kumuhang staff dahil akala'y hindi tinuloy na bilhin o di kaya ay galawin ng iba. While I was torn between those decisions ay nakarinig ako ng pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Kaagad akong nag-angat ng tingin at tama nga ako. It was Spade who just called me. Nakakunot ang kaniyang noo na para bang nagtataka kung bakit ako nandito kahit na obvious naman na bumubili ako. "Done shopping?" tanong niya. May naisip kaagad ako. Mukhang nasolusyonan na iyong problema ko. "Actually, hindi pa nga, e. May kukunin pa sana ako kasi ang hirap ng itulak ng cart. Nakapila na rin ako at kung babalik pa ako, baka maagawan ako ng puwesto at pipila ulit. Kaya puwedeng mag-ask ng favor?" nakangiwi kong tanong. A smirk appeared on his face. Alam ko na naman kung bakit kaya sinundan ko kaagad iyong sinabi ko ng, "Don't worry, alam kong may kapalit. Pero kung hindi ka pa aalis. Puwedeng pabantay muna ng cart ko? Kukuha lang ako ng pads," I said. Lito man siya noong una ay pumayag din naman. Ngumiti ako at kaagad na umalis para puntahan iyong pakay ko at alam kong nakakaabala rin naman ako sa kaniya. Mabilis lang din naman iyon kaya kaagad din akong nakabalik. Nakita niya kaagad ako kahit may kalayua pa ako sa kaniya. "Ang bilis mo naman?" he asked, half chuckling. "Nahanap ko kaagad iyong pakay ko, e. Thank you sa pagbabantay ng cart ko. Add this to my favor list. Babawi ako," usal ko habang inilalapag iyong kinuha kong pad sa cart ko. Hindi naman siya gumalaw kaagad kahit imunuwestra ko na na ako na ang magtutulak. Ayos lang daw at wala naman siyang ibang lalakarin pa. Maraming pinamili iyong nasa unahan namin kaya nagkaroon kami ng oras para makapag-usap. Sobrang dami niyang kuwento na hindi ko alam kung totoo ba o ini-echos niya na lang ako. Ang random ng nga naiisip niyang topic pero iyong iba naman ay may natututunan ako. When it is finally our turn, tinulungan niya ako sa paglalapag ng mga pinamili ko sa counter kahit na isang gatorade lang iyong sinasabi niyang kaniya roon sa cart ko. "Ako na ba magbabayad?" he offered kaya kaagad ko siyang sinimangutan. "Gatorade lang sa'yo diyan, 'no? Libre ko na 'yon sa'yo," sabi ko. "Mababawas ba 'yan sa favor mo? Kasi kung oo, ako na lang ang magbabayad. May naisip na kasi akong kapalit, e." Grabe talaga 'to. Akala mo talaga buwis buhay ang ginawa niya kanina kung makapag-isip ng kapalit, e. Pero sige na nga. Para din naman sa plano ko 'to. For sure ay makakatulong ito kaya sino ba naman ako para tanggihan ang grasya na lumalapit? *** Umuwi rin ako pagkatapos ng pamimili. I wasn’t just in the mood to go on a ride or walk. Hindi ko alam pero tinatamad talaga ako. Spade offered me a ride, o kahit convoy na lang, but I declined. Kahit hindi niya naman sabihin sa akin ay alam kong busy siya. Ayokong mag-expect na gumagana na kaagad iyong plano ko pero kung gan’on nga… ang bilis naman? When I got home, inayos ko iyong mga pinamili ko. Inilagay ko sa ref iyong mga frozen food at itinabi ang mga dapat. Hindi na rin naman ako magluluto dahil kumain na kami ni Spade kanina sa labas. So the next agenda for today’s probably just to watch random movies or documentaries. Pabagsak akong umupo sa couch. Iyon lang naman ang ginawa ko pero napagod na ako. What more kung nag-jogging na ako? This is the reason why I hate doing exercise. I don’t pay much attention to my body anyway. Napapansin ko lang siguro kapag may gusto akong landiin or whatever. Speaking of landi… I am flirting with Spade Villafranco, right? Because of that ay napatingin ako sa katawan ko. He doesn’t seem to care, though. O baka naman hindi niya lang sinasabi at pinapahalata? Ugh! Whatever. As long as I feel like my plans are working so well, tama na iyon. I shouldn’t care about my body. Basta ang alam ko… maganda pa rin naman ako. That’s all that matters. In the middle of thinking, naramdaman kong nag-vibrate iyong cellphone ko. Kaagad akong napatingin sa screen and to my surprise… it was my brother calling. Kumunot ang noo ko habang nag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit siya napatawag. Noong una ay nagtatalo pa ang isip ko kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli ay naisip kong sagutin na lang din. I took a deep breath before swiping the answer button. Hindi ako nagsalita. I waited for my brother to be the first one to utter a word, and he did. “Anisha,” was the first word he said. “Any important and good news for me, Kuya?” I replied in a monotonous tone.. Wala akong inaasahang good news mula sa kanila. I just said it so that he’d realize na hindi nakakatuwa iyong ginagawa nila sa akin. “Kailan ka uuwi rito?” he asked. Worry was evident in his voice. “I don’t know… or maybe never? I am not on good terms with our parents, Kuya. I can’t live with them knowing how much they wanted to make me feel like I am some material thing na puwede nilang ipamigay. I mean… who does that?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa bugso ng damdamin. I just can’t let it go. Hindi naman kasi parang paghinga lang ang pagkalimot. I don't even know if I’ll ever forget about what they did to me. Siguro naman ay hindi nila ako masisisi kung makaramdam ako ng ganito sa kanila. I was betrayed! Ni wala nga akong kamalay-malay na naipagkanulo na pala nila ako sa anak ng isang mayamang kakilala nila. "I know you're still at them, Anisha. But can you please pay us a visit here sometimes? We just want to make sure that you're doing fine," sabi ni Kuya. "Hindi ko pa kaya, Kuya. Mad isn't even the right word to describe my feelings for our parents. Hindi naman ako aso na puwedeng ipamigay o ibenta. Lalong hindi naman ako materyal na bagay para i-trade. My goodness, Kuya! Don't tell me you'll just condone that act of our parents?" Palibhasa paboritong anak. Alam ko rin naman na minsan ay hindi niya na gusto iyong pinapagawa sa kaniya ng mga magulang namin, but he was just so obedient. Siguro ay natatakot pa na talikuran o itakwil sa pamilya. Me? Goodness, I don't even care. Siguro magpapa-party pa ako kung gan'on nga ang mangyayari. I'd be more than willing to be disowned. Kung puwede nga lang mamili o magpalit ng magulang, ginawa ko na sana. "Kung gan'on… hindi na kita pipilitin, Ashi. For me, palagi kang welcome sa bahay, okay?" He reminded. Kung siya nga lang talaga ang nasusunod, puwede pa iyong sinasabi niya. As if naman gusto ko pang bumalik doon kapah hindi nag-work ang plano ko. Sobrang gulo. Minsan pati ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko at ang mga pangyayari. One time I have a plan, sa susunod naman… parang wala na. Maybe I should fix myself first. Kailangan kong magkaroon ng kongkretong plano. Kung paninindigan ko man ang gusto kong mangyari, dapat ay handa rin ako sa anumang kabayaran. Gan'on naman ang buhay. Hindi puwedeng puro take; hindi rin purp give. Kung may kinukuha, asahan dapat ang kabayaran. When the call ended, ilang sandali pa akong nakatunganga lang. I tried to contemplate everything, pero parang wala. For a moment, my mind went blank. Saka lamang ako naibalik sa katinuan nang natanto kong masyado ko ng sinasayang ang oras ko sa paninitig sa kawalan. I was about to reach for the remote when my phone vibrated because of a text message. Galing iyon kay Spade. I swiped the phone open to view his message fully. Spade: Busy ka ba at the moment? That was the first one. Then it was immediately followed by another one. Spade: Puwede ka bang yayain? Magpapasama sanang mamili ulit? I bit my lip to stop myself from laughing. Hibang ba 'to? Ano na naman bang naisip niya at balak pa akong isama? Anisha: Not so much. Matatagalan ba? Then I hit send. Wala nga talaga ako sa mood, pero hindi naman iyong tipong hindi na ako mahahatak. Papayag din naman ako for sure. I just want to make this a little bit of exciting, maybe? Seconds later. He replied with another message. Spade: Depende pa, e. Pero go ka nga? Anisha: Fine. Less 'to sa favor mo ha? Biro lang naman dapat, pero nagulat ako noong pumayag siya. Napangiti ako. Ang obedient naman nito. Napagkasunduan naming susunduin niya na lang ako dahil wala rin ako sa mood mag-drive. Inisip ko tuloy kung ano bang nakain ko para tamarin ako ng ganito kalala ngayong araw para maiwasan ko. As much as possible kasi… gusto kong maging productive ang mga araw ko kahit na wala naman talaga akong pagkaka-abalahan. Just minutes after, he arrived at our meeting place. Sa labas lang naman ng village kung nasaan ang apartment ko iyon kaya ayos lang. "Matagal na kitang pinaghintay? Sorry medyo traffic," he said. Mabilis akong umiling. Matagal? Nope… ni wala pa nga yatang ten minutes. "Okay lang. Saan na tayo?" Hindi siya sumagot kaagad. Tinitigan niya lang ako kaya bigla tulog akong na-conscious. Sa paraan kasi ng titig niya, parang binabalatan ako. "Ang ganda ko ba kaya ka nakatitig ng ganiyan?" I said. Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko dahil nagsisimula na akong tubuan ng hiya dahil sa ginagawa niya. "Sobra." Walang pag-aalinlangan niyang sinabi kaya napakurap ako sa bahagyang pagkagulat. Those words seemed normal to him. Pero sa akin? Ewan ko pero para akong kinuryente sa narinig ko. Isang salita lang naman 'yon. Ano ba naman 'to? Ang corny naman na n'on, e. Palagi ko na nga iyong nababasa sa libro, pero bakit gan'on?! "K-Kupal nito. Tara na nga!" Sinubukan ko na lang ikubli sa pamamagitan ng mga salita iyong kuryenteng naramdaman ko. Tumawa lang siya pero iyong reaksiyon ko pagkatapos ay para na akong nabigyan ng sampung milyon. Pati ba naman 'yon ngayon may epekto? Parang ang unfair naman n'on! Ako yung may plano pero mukhang ako pa ang unang mabibitag? Aba! Hindi puwede 'to! Hindi ako papayag! *** "Are you ready for tomorrow's party?" Tanong niya habang nagmamaneho. I don't even know where we're heading. Basta ang alam ko lang ay halos labinlimang minuto na siyang nag-da-drive. Tumango ako at bahagyang humarap sa kaniya. "Oo naman, mukhang exciting…" sabi ko. Miss ko na rin namang um-attend ng mga parties kahit na kailangan nga lang noong nag-clubbing kami. "Mahilig ka talaga sa parties 'no?" He said while his eyes were on the road. "Yeah. Doon kasi, feeling ko free ako sa lahat. Siguro hindi maiintindihan ng iba, but that should be on the least of my concerns. For once, gusto ko namang isipin na walang kumukontrol sa akin." Then silence ate the space between us. Hindi nga alam kung bakit sa kahit anong usapan, naiisisingit ko ang isyu ko na 'yon. Sobrang laking impact lang sa akin kaya palagi ko ring naiisip. "I'm sorry to hear that," he said. Ngumiti ako sa tumango kalaunan. Wala naman siyang kasalanan, but his words just made me feel the burden less. Para akong nabunutan ng tinik. Siguro ay dahil malimit ko lang marinig na may humihingi ng tawad sa akin kaya gan'on ang epekto. "It's fine. Malayo pa ba tayo? Aasa ba akong surprise 'to?" I tried my best to avert the topic into something more light. Para naman hindi awkward. I am trying my best to build the connection between us kaya dapat masanay na ako. Hindi iyong kung ano ano na naman ang naiisip ko. "Bibisita muna tayo sa kakilala bago tayo pumunta sa talagang lakad natin. Di ka naman busy sabi mo kanina 'di ba?" "Wow. That sounds like a plan, Mr. Villafranco. Talagang sinama mo pa talaga ako?" Natatawa kong usal dahil sa tono niya, tila na napagplanuhan niya ito ng mabuti. "Sabi mo kasi bibili ka lang at sasamahan kita. Tapos ngayon we're going to visit someone pala? Relative mo?" I asked and he nodded. Bigla tuloy akong kinabahan. "Uy, grabe ka naman. Sana you informed me para nakapag-ayos ako into something decent. Mukha akong timang, Spade!" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa paghampas sa braso niya. Mas nairita pa ako noong tumawa lang siya at lalo pa akong inasar. "You look decent naman po, Ms. Conyo, e. Okay lang nga. Hindi naman maarte iyong pupuntahan natin tapos sandali lang din tayo. If you're uncomfortable talaga kahit mag-stay ka na lang sa sasakyan. Promise may sasabihin lang talaga ako," aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag ulit. Akala ko required bumaba, e. Minor heart attack kasi talaga. "Okay. Mag-stay na lang ako sa car. And stop calling me Ms. Conyo. Akala mo na hindi ko napansin yung sinabi mo? Normal na 'to sa akin 'no. Napaka-bully mong tao." Then I rolled my eyes on him. Lalo pa siyang natawa. Tuwang tuwa talaga kapag may naaasar na tao. Pasalamat siya hanggang hampas pa lang ang nagagawa ko sa kaniya. Nananabunot din kaya ako. Try ko nga minsan sa kaniya para madala. Muli akong napatingin sa damit ko. I was just wearing a black statement shirt and a ripped jeans. Malay ko ba kasing may daraanan pa siya, e ang sabi niya ay magpapasama lang naman siya kaya 'di na ako nag-abala pa. Nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang matayog na gate ay sinubukan niya pa akong kumbinsihin ulit pero hindi niya ako napapayag kaya ang ending, siya lang iyong pumasok sa loob. True enough to his words, ni wala pa ngang sampung minuto ay nalabalik na siya kaagad. Seryoso ang kaniyang mukha paglabas, pero pagpasok niya sa driver's seat ay umaliwalas ulit iyong mukha niya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang lumingon sa akin. Ayoko namang ako iyong mauunang bumasag sa katahimikan. As much as I want to tease him sometimes, siyempre ayoko pa ring makialam sa personal niyang problema. "Let's go?" Siya pa ang nagtanong, e siya naman ang driver. Hindi ko na lang sinabi kasi baka madagdagan pa iyong pagkabanas niya kaya um-oo na lang ako. Sa unang mga minuto ng pagmamaneho niya ay kinain kami ng katahimikan. Okay lang din naman sa akin dahil inaantok ako. Kung hindi nga lang siya nagsalita ay baka tuluyan na akong nakatulog habang nasa biyahe. "Can I ask you something?" Aniya na siyang dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Sure." "What would you feel if someone confesses his feelings to you?" My forehead creased with his inquiry. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kasama ba 'to dun sa pinag-uusapan nila nung pinuntahan niya kanina? Talaga bang tanong niya sa akin 'to o baka naman para may mapag-usapan lang? "Bakit? May nag-confess ba sa'yo?" Imbes sa sagutin ay binato ko siya ng isa pang tanong. "For future purposes kasi. Pero paano nga kung may nag-confess sa'yo na gusto ka niya. Ano'ng mararamdaman mo?" Napa-isip ako roon. Ilang beses ko ng naranasan pero siyempre hindi ko naman masasagot kaagad kasi biglaan namang tanong. Para tuloy akong na -hotseat. "Based on experience…" I paused to think of a more concrete answer. "Siyempre matutuwa kasi naiiisip kong may nakaka-appreciate sa akin kahit na madalas iyong iba halata namang trippings lang yung confession. Pero kapag tumagal na… parang hindi na rin ako natutuwa kasi madalas sa mga umamin sa akin, gusto lang nilang ma-satisfy iyong needs nila… lalo na when it comes to carnal. Sa una lang siya nakakakilig pero kapag tumagal na parang nakakaumay rin," I answered. Totoo naman kasi iyon base sa karanasan ko. Naaalala ko pa nga iyong muntik na akong mapagsamantalahan. Kung hindi nga lang ako naabutan ni Kuya, baka natuluyan na ako noon. "Paano mo ba masasabi kung seryoso iyong lalaki sa'yo?" Muli niyang tanong. "Grabe naman 'to. 'Di mo naman ako nasabihan kaagad na question and answer pala 'to. At saka I'm starting to think na either may nag-confess sa'yo or may plano kang mag-confess. Alin ba d'0n? Baka I can help?" I offered kahit na alam kong hindi ko gagawin. That'd ruin my plan of course, pero siyempre… kailangan kong magpanggap na may mabuti akong intensiyon. "It's more like the second one," he replied. My lips turned into an "o". Mukhang magiging challenge talaga 'to sa akin. Akala ko pa naman madali lang akong magtatagumpay sa plano ko, pero hindi pala kasi may balak pala siyang ligawan. Iyon ay kung papayag iyong plano niyang aminan ng feelings niya. "Ay nice. Good luck sa'yo, Mr. Villafranco. Sino ba 'yan? Kung kilala ko, puwede akong maging wingman." Nakangiti kong sinabi kahit na para akong sinasakal. It felt like eating your own words with bitterness. "Hmm…" he hummed. Half smiling while a smirk was plastered on his face. "Right. Wingman…" iyon lang ang narinig ko sa mga sinabi niya dahil iyong mga huling salita ay mahina ang pagkakabigkas niya. I asked him what were his words but he just shook his head then stared at me intently.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD