Anisha
"Alam mo? Kanina pa tayo paulit-ulit dito, ha? Yung totoo nga…" Nakahalukipkip akong humarap sa kaniya. "Ano talagang balak mong gawin? Baka naman gusto mo lang akong i-date tapos kunyari lang na nagpapasama ka?" I smirked at him.
Hindi kaagad siya nagsalita. Pinanood niya lang ako at pinatapos sa panghuhusga sa kaniya bago siya bahagyang natawa na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Totoo naman kasing kanina pa kami paikot-ikot, e. Kung saan-saang boutique na rin kami pumasok. Kung hindi siya nilalandi ng mga saleslady, pumapasok lang siya tapos aalis din kapag wala "raw" interesting.
Akala ko naman kasi may naisip na siyang bilhin kaya mabilis. Kado mukhang aabutin pa kami ng bagong taon dito sa mall tapos ni isa wala pa kaming nabibili. Sa totoo lang, parang mas may chance pa na ako iyong bumili kesa sa kaniya.
"Pagod ka na ba?" Tanong niya pagkatapos ay luminga sa paligid. Nang natapos ay ibinalik niya sa akin ang kaniyang mga titig.
Napatingin ako sa aking relong pambisig. It's already almost twelve. Gan'on na kami katagal na palakad-lakad.
"Kumain muna kaya tayo? Kahit libre ko na. Pero huwa doon sa mahal, hindi ko pa afford ngayon. Babawi ako kapag—"
"Sagot ko na. Nakakahiya naman na ako ang nagyaya tapos ikaw pa manlilibre. Sa susunod ka na lang manlibre," aniya. At dahil gutom na ako ay hindi na ako nakipagtalo. Gusto ko na ring umupo na lang kasi pakiramdam ko ay sobrang bigat ko na. Napunta na lahat ng timbang ko sa talampakan kaya ang hirap ng ihakbang ng mga paa ko. Masakit na dahil sa pagkangawit.
Nang nakapasok kami sa isang restaurant na medyo maraming tao ay kaagad akong maghanap ng upuan. Hindi naman mahirap dahil may isang waitress na lumapit sa amin kaagad. Nang nakaupo na ay binuklat ko na kaagad iyong menu.
"Sobrang gutom ka na talaga 'no?" Nahimigan ko ang pang-aasar. As much as I want to glare at him, hindi ko na ginawa dahil naglalaway na ako sa mga nababasa kong pagkain sa menu.
"Yeah," iyon na lang ang naisagot ko, without looking at him. Itinuon ko na ang buong atensyon ko sa pagpili ng pagkain. Iyong madali na lang lutuin para 'di na rin matagal maghintay.
Nang pareho na kaming nakapili ay nagtawag na kaagad siya ng attendant. He mentioned our orders and when the waiter left, nang-asar na naman siya.
"Sungit mo pala kapag gutom," sabi niya. Kung may maibabato lang akong kutsara sa kaniya, ginawa ko na.
Ang lakas mang-asar! E, sa ganito naman ako kapag gutom. Ano'ng magagawa ko?
"E, Sino ba kasi itong nagsabi na sandali lang ang lakad? Next time, hindi na ako sasama o 'di naman ah magbabaon na ako. Hindi ko ma-gets trip mo, e," ganti ko pero tumawa lang ulit.
"Sorry na po, Miss. Sige na. After natin nito, dadalian ko nang mamili."
Para akong nakahinga ng maluwag. Hindi pa man nagagawa ay naginhawaan na ako. As in hindi ko na kasi kayang maglakad pa ng matagal. Kung puwede nga lang gumulong gagawin ko na rin.
Humanda talaga siya sa akin kapag ako naman ang nakabawi. Akala niya ba ay siya lang ang may kayang magbigay ng parusang ganito? Hindi naman ako papayag 'no!
When our order came, kaagad akong kumain. It felt like I haven't ate for a long time. It's all this Spade's fault.
"Here..." aniya sabay lagay ng pagkain sa plato ko.
Pansamantala akong natigilan dahil sa ginawa niyang paglapag ng hipon sa plato ko. Iyong ready to eat na. Ang hirap din kasing balatan. Kapag ako nga nabanas baka kainin ko na ng buo. Medyo wrong move din pala talaga na ito ang in-order ko, e. Dapat iyong puro nguya na lang.
"Thanks. Ganito ka ba bumawi?" Ako naman ang nang-asar. Umiling siya at natawa na naman.
Sobrang masiyahin niyang tao, e. Kanina pa siya tumatawa kahit sa simpleng bagay lang naman.
"Nope. Just being a gentleman."
Napairap ako. "Gentleman mo mukha mo. After mo akong gutumin at paglakarin ng matagal, sasabihin mo 'yan? Excuse me..."
"Kung gusto mo, e di bubuhatin na lang kita mamaya para hindi ka na magreklamo." Sabi niya kaya sinimangutan ko ulit.
"Kaya ko namang maglakad, pero huwag naman iyong para tayong nag-aalay lakad. Miss na miss mo na bang maglakad?"
"Nope. Just wanna enjoy the moment," he said bago siya nagpatuloy sa pagkain.
"Enjoy iyong nakakapagod na lakad?" Naguguluhan kong tanong. Pangit niya naman pala ka-bonding kung ganito iyong tinatawag niyang moment.
"You know... when you're with someone na nag-eenjoy ka kasama, hindi ka naman mapapagod. I am enjoying this moment kasi kasama kita," diretso niyang inusal nang 'di man lang kumukurap.
Bigla tuloy akong napaubo. May mga kanin pang tumalsik at nakakahiya! Bakit kasi bigla na lang siyang nagsasabi ng gan'on? Wala bang warning man lang para maging handa ako?
"B-Bakit ka naman nag-eenjoy na kasama ako? Kasi naaasar mo ako gan'on?" I tried to rebuild my composure. Aba hindi puwedeng matanggal ang angas ko dahil sa lalaking 'to.
"Something like that. Pero there's more to it than just the teasing," sagot niya. Ayoko ng magtanong kasi baka mabaliktad ko na iyong lamesa kapag nagsabi pa siya ng kung ano na hindi ako handang marinig.
Papalakpakan ko na lang ang sarili ko kasi mukhang effective talaga iyong plano ko. O baka sadyang malandi siya at assuming lang akong tao. Pero kahit na gan'on, i-eenjoy ko na lang 'tong moment na 'to at paniniwalaan na the best plan ever iyong naisip ko kahit na sa totoo lang ay para na akong nasasakal.
"Kumain ka na nga lang. Ang dami mo ng sinabi. Para kang lasing na nag-coconfess kasi torpe ka kapag sober ka." Naiiling kong sinabi. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain kahit nakikita ko siyang nakatitig lang sa akin. Nakakailang noong una pero hinayaan ko siya.
"Kanina ka pa nakatingin sa akin, Spade. Finish your food, hindi iyong kung makatingin ka sa akin... parang gusto mo akong kainin."
"I would love to do that if only you'd ask. Don't challenge me too, cause I might really do that."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa tingin ko pa nga ay narinig ng katabi naming lamesa kaya nagpipigil ng tawa iyong babaeng naroon.
"Hoy 'yang bibig mo naman, Spade. Nabibiro naman ako, pero bakit ikaw seryoso ka? My gosh
..." Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha ko. Feeling ko nga rin ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Pati iyong mga balahibo ko ay nagsisitindigan na rin.
"Sabi mo kasi kainin. Sino ba naman ako para tumanggi kapag nagkataon 'di ba? Grasya na ang lumalapit, tanggihan ko pa ba?"
Oh my gosh to this guy! He's making me feel like I'm some angel kahit na hindi naman na bago sa akin iyong mga sinasabi niya. I've heard it multiple times before, pero nagkakagulo pa rin ang mga paru-paro sa tiyan ko ngayong naririnig ko sa kaniya ang mga katagang iyon!
***
Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin kahapon. No matter how much I try to make my words seem a joke, palagi siyang ibabatong hindi ko inaasahang mga salita. Halos hindi na nga ako nakatulog dahil hindi maalis sa isip ko iyong huling sinabi niya bago siya tuluyang umuwi.
Hindi puwede 'to. I can't be this too occupied most of the time. I need to be sane kahit ilang saglit lang! My goodness, Anisha. Get your sh*ts all together!
Padabog akong bumangon mula sa higaan ko. It's already six in the morning at mamayang gabi na iyong party pero mukha pa rin akong sabog. Ni wala nga yatang isang oras iyong naging tulog ko kasi kahit anong pan-di-distract ko sa sarili ko, hindi naman effective.
Ano ba 'tong ginagawa sa akin ng Villafranco na iyon? Is this some kind of spell? Argh!
Halos sabunutan ko na ang sarili ko o 'di naman kaya ay iuntog na sa pader. Kahit saan ako lumingon, si Spade ang nakikita ko, dagdag pa iyong ngisi niyang nakakaloko at nakakairita.
Kahit noong kumakain na ako ng agahan ay siya pa rin ang nasa utak ko. Literal yatang kinain na ako ng sistema. Iyong tipong para siyang virus na kumalat sa katawan ko at ngayon ay malubha na ang lagay ko.
Hindi pa makatulong iyong natanggap kong text mula sa kaniya noong patapos na akong kumain. I tried my best to ignore his messages, but I just can't! Tila ba kabisado na ng mga kamay at daliri ko ang gagawin nila kapag tumunog iyong cellphone ko.
Spade:
Good morning, miss. Sana gising ka na. See you sa party mamaya!
Then it was followed by some weird emoji. Ang agang pang-aasar na naman ni Villafranco! I'm starting to hate his name, really. Nakailang irap pa ako bago ako nakapagtipa ng isasagot ko sa kaniya.
Anisha:
You seem to be enjoying teasing me, Villafranco. Umayos ka nga. Kahapon ka pa ganiyan. Kapag hindi ka tumigil, sasapakin kita mamayang nagkita tayo!
Mabilis pa sa kidlat siyang nag-reply. Seriously? What's up with this guy? Wala ba siyang ibang gagawin kaya nandito siya at pinapainit ang ulo ko?
Spade:
Ay sorry naman, babe. Nagagalit ka naman kaagad, e. Papayag naman akong masapak, basta may kiss kung saan mo ako sinapak. Kahit buong katawan ko pa ang sapakin mo.
Anisha:
Napakabastos mo, Villafranco!
Wala ka bang gagawin? Why are you pestering me early in the morning?
Spade:
Siyempre kinakamusta ko ang misis ko. Inaalam ko lang ang ano'ng mood mo today. Bawal na bang maging concerned?
Anisha:
Ugh! I hate you na talaga! Stop calling me weird names, Spade! And concerned? Sa totoo lang, you don't sound concerned at all. Swear when I see you later, I'm gonna punch you in the face!
Gigil na gigil pa akong nagtipa then I hit send. I expected him to reply immediately, but my eyes widened when I him calling!
Ilang segundo akong natulala bago ko pa napagdesisyonang pindutin iyong answer button gamit ang nanginginig na hintuturo.
Bahagya kong inilayo iyong cellphone sa akin para makahinga ako ng malalim. When I think I was ready, inilapit ko na ulit sa tainga ko iyong cellphone.
"What?" I asked, sounding annoyed kahit na nanginginig pa rin iyong kamay ko.
Balak siguro talaga niya akong bigyan ng sakit sa puso kaya siya ganito! Hindi ko na talaga maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Ano ba 'to? Am I riding on a roller coaster?!
"Are you mad?" He asked. His voice sounds like he just woke up. I swallowed he bile on my throat as I think about how deep his tone too.
"Why'd you ask?" Pumikit ako ng mariin to stop my hands from trembling.
I even bit my lower lip dahil pato iyon ay nanginginig na rin. I think I need to see a Doctor for this. Ayoko ng ganito.
"Your message sounded mad. I'm sorry…" he said but it was almost like a whisper. Kumunot ang noo ko. Galit ako pero nagulat pa rin ako na ganito ang epekto sa kaniya ng mensaheng iyon. I mean yes… I got pissed, maybe? Pero hindi naman iyong tuluyang galit sa puntong hindi ko siya papansinin. Alam ko namang nasa nature niya na ang pang-aasar, e. Sometimes, he just really gets into my nerves.
"I wasn't mad, okay? You sound so broken hearted, Spade. Ang aga-aga you're being a big baby again," I said para naman gumaan iyong pakiramdam niya. Kasalanan niya rin naman, pero feeling ko may nasabi rin naman akong hindi dapat kaya super guilty niya tuloy ngayon.
"Do you really hate me though?" Tanong niyang nakapagpatigil sa akin. Is he for real? For me, it was like an expression kapag naiinis ako, pero sh*t! How will I even explain it to him?
Humugot ako ng maraming hangin bago ko sinagot iyong tanong niya. "Nope. I don't hate you. Gan'on kasi ako kapag naaasar or something. It just comes out naturally from my mouth. If it offended you, I'm sorry din, Villafranco," sabi ko.
"At saka bakit ba ang drama mo today? We shouldn't be arguing this way. Siguro hindi ka pa nakakabangon 'no? You know what, Villafranco? You should hang up now, get up from your bed, and eat your breakfast."
I said those words like a pro. Gosh… I probably sounded like his mom. Minsan ang pakialamera ko na lang din talaga.
"What if I wanna stay in line? Kahit hindi ka na magsalita or even if you're away from your phone. I just wanna be connected to you," he muttered those words without any hint of humour. Once again, I felt like I was some kind of show being paused.
Pero dahil ayoko namang maging obvious. Pinilit kong maging firm iyong boses ko. I just hate it when I almost run out of words kapag may kung ano siyang nasasabi sa akin. The thing is, for him… parang natural lang na sabihin iyon. Without blinking or thinking twice. I hate to think about it, but it's giving me false hope.
"You sounded like a boyfriend who missed his girlfriend, Villafranco."
"Hmm… really? I do miss you for real though."
Excuse me, Mr Spade Villafranco? Did you just say those words like it was the most natural words to say?
"You're unbelievable, Villafranco…" iyon na lang ang nasabi ko dahil wala na ako sa katinuan para mag-isip pa ng kung ano pang puwede kong masabi sa kaniya.
"You always call me, Villafranco. Maybe if I kiss you, you'll call me by my first name, huh?"
F*ck you, Villafranco! I really hate your guts!
***
Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nakatulog pa ako. It was past four in the afternoon when I woke up. Nagmuni-muni ng ilang saglit bago ako naligo. Simpleng spaghetti strap yellow dress lang iyong isusuot ko na above the knee ang sukat. Iyong tipong magmumukha lang akong mamamasyal sa park.
The party wasn't grand after all. Parang getaway lang talaga kaya any outfit naman ang allowed. Mas natatakot nga ako kapag naiisip kong baka ma-overdressed ako.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili ko. That Villafranco told me na susunduin niya raw ako at around six par sabay na raw kaming pumunta roon sa bahay ng kaibigan niya kung saan gaganapin ang party. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan iyon kaya pumayag na ako. Besides, gusto naman kahit paanong mag-enjoy. Palagi na lang akong nakakulong dito sa apartment and sometimes, it's just suffocating.
I also called Fiona kanina. Mabuti naman ay nagpa-reach out na iyong babaeng iyon. She's always kind of busy and I understand dahil kumpara sa akin, mas marami naman iyong pagkaka-abalahan sa buhay. She's just a busy person, and I respect that kahit gaano ko kagustong kasama o isama siya sa mga lakad. Alam ko kung gaano ka-importante sa kaniya ang lahat ng ginagawa niya.
It was five thirty when I heard my phone rang. As expected it was from Spade. I rolled my eyes before picking the call up.
"Yes?"
"Chill. I claim peace here, miss…" He said as he chuckled.
"Hintayin na lang kita rito. Katatapos ko lang mag-ayos. May gagawin lang din muna ako," sabi ko habang iniisip iyong mga labahin kong hindi ko pa pala naaalis sa dryer.
I blew a loud sigh after that. For a second, I forgot that I was talking to Spade on the other line.
"I'm actually outside."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. It was just past five! Any aga naman? Sabi niya around six siya magsusundo? Sobrang excited ba talaga siya?
"Are we gonna go now? I mean I need to fix my clothes first. Tutupiin ko pa because I don't want to leave thinking about my unfolded clothes. Baka hindi lang ako makapag-enjoy," I confessed kasi totoo naman.
Tamad akong tao, but I don't want to leave the house with an unfinished chore. It will just run in my mind tapos iyon na lang ang iisipin ko, imbes na mag-focus sa isang bagay.
"I can help you with that," he offered. Asa naman siya na papayag ako?
"Nope. I can do it alone. Hintayin mo na lang ako saglit. Besides, it's your fault na maaga kang dumating. You said around six ka pa darating kaya you deserve to wait."
I heard him chuckle. I rolled my eyes for thea nth time. Bakit ba ako palagi iyong naaasar imbes na siya?
"Sure, miss. I'll wait here then. Take your time…"
I said goodbye before hanging up. Kinuha ko kaagad iyong mga gamit ko at tinupi. I made him wait, pero may puso pa naman ako. I didn't want him to wait for an hour.
Hindi rin naman ako nagtagal sa paggawa. I did my best to accomplish the task as fast as possible. Nasa labin-limang minuto lang ang itinagal. After checking kung ayos na bang lahat ay lumabas na ako.
Kaagad ko siyang nakita roon sa labas. May kausap pa siyang isang lalaki at mukhang maganda iyong pinag-uusapan nila dahil pareho silang nakangiti. Mabuti pa sa iba mukha siyang matino. Kapag kasi sa akin, kulang na lang magsuot ako ng damit pang-clown kasi happy pill niya na yata ako.
Ayoko rin namang maging bastos kaya hinayaan ko silang mag-usap. Malayo ako dahil ayoko rin namang marinig. Hindi niya pa rin ako nakikita dahil nakatalikod siya sa akin. Humalukipkip ako as I patiently waited. I played with my nails noong medyo na-bore na ako.
"Hey…"
Nag-angat ako ng tingin nang sa kaniya nang narinig ko iyong boses niya. Napalinga ako sa likod niya. Wala na iyong lalaki.
"Hi. Ano? Let's go na?" Bati at tanong ko na hindi naman kaagad nasagot dahil nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. I saw how his eyes glittered in adoration or sadyang assuming lang ako.
"Villafranco," I called his name dahil mukhang nawawala na siya sa sarili niya.
"Ang ganda mo," he mouthed.
Napangiwi ako. Napatingin ako sa sarili ko. What the heck?
"Whatever, Villafranco. Stop staring at me, okay? Para namang 'di mo ako nakikita araw-araw." The I walked pass him. Dami pang sinasabi, e.
"Wait up. Totoo nga. I mean… you look lovely everyday, but today's extra," pahabol niya pa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Lakas mambola kasi siguro baka may gusto.
"Ano'ng gusto mo? Wala akong pera, ha?"
"Tss. Bawal ka na bang i-complement?" Nagtaas siya ng kilay.
I stopped to face him. Humalukipkip ako at pinagtaasan ko rin siya ng kilay. I titled my head, too.
"Bawal, Villafranco," I said firmly.
"Fine fine. I'll just keep it to myself, then. I just can't help it. Last na… ang ganda mo talaga."
I sighed deeply. Fine. "Thank you." Pagkatapos n'on ay pumasok na kaming pareho sa loob.
As always, he's talkative. Wala pa nga kami sa party pero ang dami niya ng pinapakilala sa akin. As of kaya ko namang i-identify ang isang tao with just a given name. Hindi naman ako gan'on ka-talented.
Nang nakarating kami sa bahay ng kaibigan niya ay marami nang tao. Akala ko nga maaga na kami sa lagay na iyon, pero may mga mas maaga pa pala. It's just six after all.
Nang nakababa na kami sa sasakyan niya, kaagad niya akong dinaluhan bago pa man may nakakapit sa amin. It was Monthe, iyong may party. So far, magaan naman siya kausap. He's also good looking, but not enough for me to be attracted to him. Basta guwapo lang. Puwede naman sigurong i-complement ang tao na guwapo nang hindi nagkakagusto.
"Enjoy the party, Spade, Anisha…" he said before he excused himself. Naiwan kaming dalawa ni Spade. I looked around and I saw how the others were partying na. May mga naliligo pa sa pool. Parang gusto ko rin kasi… ayoko namang mabasa pa. Mamaya na siguro.
"Let's get ourselves a drink?" I heard him say. Napalingon ako sa kaniya at tumango.
"Sure."
Gusto ko ring uminom today. Naiirita ako kay Spade pero may tiwala naman ako sa mokong na 'to na iuuwi niya ako ng ligtas sa apartment ko kung sakali mang mapasobra ako. Though I don't want to be wasted, kapag lang nagkataon.
I said my drink and he said mine. Luminga ulit ako sa paligid habang hinihintay iyong inumin namin. The suddenly, a guy sat beside me. Hindi ko sana siya papansinin kung hindi siya nagsalita.
"Hi, miss. You alone?" Tanong niya.
Hindi pa man ako nakasagot ay sumingit na si Spade.
"Hey, man. The last time I checked, hindi pa naman ako invisible," he intervened. For the first time gusto ko siyang pasalamatan. Wala pa ako sa mood makipag-usap ngayon. Mamaya na siguro kapag may alcohol na sa katawan ko. Medyo mas hyper kasi ako kapag gan'on, e.
Umalis na iyong lalaki pagkatapos niyang humingi ng tawad. Dumating na rin naman iyong drinks namin. Kaagad akong uminom.
"Hinay hinay, miss. I don't wanna kiss you drunk. Baka kasi mamaya sabihin mong tinetake advantage kita." He said which made me avert my gaze on him.
"I just wanna drink, Villafranco…" I said as I tried to snatch the class of vodka from him. Nakatingin lang siya sa akin habang inalalayo o kaya naman ay itinataas ang kamay para hindi ko makuha iyong baso sa kaniya.
"Malalasing ka na, Ashi…" he said in a gentle voice. Naramdaman ko rin iyong kamay niya pumulupot sa bewang ko para lamang kabigin ako palapit sa kaniya.
"Hindi pa ako malalasing. I have high alcohol tolerance kaya akin na 'yan," pamimilit ko. Sinubukan ko ulit abutin iyong baso pero hindi ko magawa dahil hawak niya ay at idiniriin para hindi gaanong makagalaw.
"Akin na nga kasi 'yan, Villafranco!" I glared at him pero wala namang talab at nagulat na lang ako nang bigla niyang tinungga iyong laman ng baso ko. My jaw dropped for what he just did. I stared at him completely clueless.
Padabog niyang ibinaba iyong baso sa counter. Sinundan ko ang bawat galae niya. He's just unbelievable! My goodness. Ano bang problema nito?
Mas naidiin pa ako sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi na ako nakapagsalita ng kahit na ano'ng salita. I just kept on watching him as his jaw clenches tightly every passing second.
"If you want to drink, bibilhan kita ng marami, pero you need to drink it inside your apartment, Ashi. Kahit laklakin mo pa lahat ng kaya ko, just not here. Yes, you can drink but you need to stay sober kahit nandito ako. I trust my friend, but the other people here? No," he stated as if he's some professor na pinangangaralan ako bilang kaniyang estudyante.
Sa huli ay nagbaba na ako ng tingin bilang tanda ng pagsuko. "Fine. I'll stop drinking now," sabi ko. I felt his finger slowly caressing the back of my waist.
"Thank you."
Tumango ako at unti-unti siyang nginitian. Marami namang puwedeng gawin dito, but I just wanna sit na lang muna. Luminga ako sa paligid at nakitang may kaniya kaniyang mundo ang mga tao. Some arr swimming on the pool, iyong iba ay sumasayaw, umiinom, nagkukuwentuhan… and making out.
"Sit here," I heard him say. Napalingon ako da kaniya. I saw him tapping his leg motioning me to sit in there. Kunot ang noo kong tumingin sa kaniya— nagtatanong.
"I can just sit her—"
Before I could even finish my words, I was seated on his right leg. Sa gulat ko ay nahampas ko siya sa balikat.
"Villafranco!" I called his name firmly para ipakitang hindi ako natutuwa sa biglaan niyang ginawa.
But instead of saying anything ay naramdaman ko lang iyong baba niyang pumatong sa aking balikat. I can feel his hot breath on nook of my neck. I can also smell the alcohol through it.
I felt him at ease while he stroke my waist with his palm. Hinayaan ko na lang at inabala ang aking sarili sa panonood sa mga tao sa paligid namin.
"I'm sleepy," he whispered. Mabuti at mahina naman ang music mula sa kung nasaan kami kaya naririnig ko pa siya.
"Nakaisang tungga ka pa nga lang ng vodka, e. That's not even your drink, Villafranco." I rolled my eyes.
He chuckled.
Nanuot iyon sa aking tainga. I felt goosebumps just because of that. When I was ready to move on from his chuckle, I felt him leaving small kisses on my shoulder, then to my collarbone tapos balik ulit sa pagkakapatong sa balikat ko. Isinubsob niya ang mukha niya roon na parang wala lang iyong ginagawa niya.
"You're so soft…"
"Are you really drunk because you talk like one. Kanina ka pa rin humahalik sa akin," I pointed out.
"Nope. I just can't get enough of you. Actually, I want more than just the kissing." Narinig ko ring nasundan iyon ng marahas na mura.
"Ang dami naman dito. If you want to get laid tonight, go on. Kanina pa nga may umaaligid sa atin, e. If you just try to distance yourself from me, sana na-fulfill na iyang feeling mo na 'yan. Want me to find a girl for you?" I offered but he did not say anything.
"Paano kapag sinabi kong ikaw nga iyong gusto ko? Tama ka naman. Kanina ko pa nakikita iyong mga gustong lumapit but I only want to be with you tonight. Pero kapag iniisip ko pa lang, I can't help but feel guilt. Pakiramdam ko tinetake advantage na kita. You're drunk."
Ngumuso ako sa narinig ko sa kaniya. "First and last, I am not drunk."
"Still. You're not sober enough kasi with all that I am saying, kapag 'di ka nakainom alam kong mamumula ka lang. You're confident tonight, so no…" he said as he burried his face in between my head and shoulder.
"We can kiss," wala sa sarili kong sinabi. I don't even know where those words came from. Ang alam ko lang, it's too late to take them back.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. I can see shock from his eyes, but that was just for s moment dahil napalitan iyon ng pagkunot noo. His aura became more serious and intimidating.
"Stop teasing me cause I might do as you say," he warned. I smiled inwardly. Totoo namang hindi ako lasing. His kisses earlier just made me want to taste his lips, for it felt soft on my neck. I got curious if it feels the same on my lips.
D*mn this, Villafranco. He just knows how to control me with just a kiss.
"I'll initiate if you don't kiss me no—hmm…"
My words faded with the way he slammed his lips on mine. Nagulat ako noong una, pero habang lumilipas ang bawat segundo ay kumalma na rin. His kisses weren't gentle —it was ruthless needy. Nahirapan akong sabayan siya, especially that he's just taking almost all the control.
His kisses went deeper. I moaned his name when I felt his bite my lower lip pero nawalan na rin ako ng pakialam kalaunan dahil mas itinuon ko na ang atensiyon ko sa pagsukli sa kaniyang malalalim na paghalik sa akin.
The last thing I know, I was seating in between his lap as we both kissed as if our lives depends on it. When our lips separated, we were both panting habang hinahabol namin ang aming paghinga. My heart was just booming like a thunder inside my chest.
"F*ck. I might get addicted to this," he said, and I felt his lips on mine again. Gently this time.