CHAPTER 05

4540 Words
Anisha Natigil lamang kami sa halikan nang pareho na kaming kinapos sa hininga. It was a long, needy, and heated kiss. Gayunpaman ay nanatili akong nakaupo sa gitna ng kaniyang mga hita habang nakaalalay ang isa niyang kamay sa likod ko at ang isa naman ang isinasabit sa tainga ko ang takas kong buhok. "Didn't know you were a good kisser," he teased as he caressed my lower lip with his thumb. I titled my head so he'd stop on what he's doing. "Shut up, Villafranco. Let's just say we both got curious," dipensa ko para isalba ang aking sarili. It's the vodka's fault. Pero tatlong lagot lang din naman ang nainom ko, a? "Curious, huh?" Hr shook his head as he chuckled. Pinanood ko lang siyang natutuwa na naman sa pang-aasar sa akin. Ang sarap kurutin ng pisngi para manahimik! May sarili talaga kaming mundo dahil kahit gaano karaming tao, walang sinumang nanggugulo o nangingialam. Hindi ko alam kung gan'on ba talaga ang mga tao rito o sadyang natatakot silang lapitan kami. Anuman iyon, pasalamat na lang ako. He pulled me closer to him pagkatapos ay muli niyang isinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg at nararamdaman ko roon ang mainit na buga ng kaniyang paghinga. "Inaantok ka na ba talaga? You act like a baby, Spade," saway ko sa kaniya. Natampal ko pa ang likod niya dahil sa muli niyang pagpatak ng halik sa aking leeg. Abusado talaga, Villafranco! "Yeah. What about we go home now?" Pagtataya niya na kaagad kong hindi sinang-ayunan. "Hoy, Villafranco. Mahiya ka naman sa kaibigan mo! Ano 'yon, pumunta lang tayo rito para maghalikan? My gosh…" Napahilamos pa ako ng palad sa aking mukha. The audacity of this guy's really something. Hindi na nahiya! "Okay, fine… galit na naman kaagad, e. I was just asking or maybe trying my luck." Try my luck, my a*s. Akala niya naman hindi ko alam na gusto niya lang ituloy iyong naudlot kanina. Though I kept on reminding myself na hindi ngayon. Mahaba pa ang gabi and that v card would be my greatest hit on on. Alam kong lalaki lang din siya. May kahinaan. He decided to have his own drink. Ako naman ay pinanood lang siya dahil ayaw niya na akong payagang uminom ng kahit na ano'ng beverage maliban sa mga juice o iyong tubig. For a moment, I hated him for that, pero kapag naaalala ko na mahirap makipag-deal sa hangover ay nagpapasalamat na lang ako sa kaniya. Lumipat kami sa isang sofa malapit sa pool. Dala niya pa rin iyong bote ng binili niyang beverage. Our seat was facing the pool kaya kita namin iyong mga naliligo. Maayos naman ang lahat until I noticed two girls which kept on passing by in front of us. Two piece bikini lang iyong suot nila pareho pero magkaibang kulay lang. They were holding their drinks. Hindi na lang ako umimik at hindi na rin sana sila papansin hanggang sa mapasinghap ako dahil sa naramdamang likido na natapon sa akin. "What the…" sa gulat ko ay iyan lang ang lumabas sa aking bibig. "I'm so sorry, Mr…" paghingi ng tawad noong isang babae kahit sa akin naman pinakamaraming natapon iyong alak. The urge to pull her hair was so strong, but I tried my best to stay calm. Hindi ko 'to party at ayokong mangggulo no matter what it takes. I was just praying na sana umalis na sila because the more they stay, the more I become provoked simply by their presence. "It's fine. Hindi naman ako Ang gaanong natapunan. I think it'd be better if you say sorry to my girlfriend instead?" I heard Spade say habang sinusubukan kong isalba pa ang sarili ko sa nagbabadyang pagsabog. The girl looked disappointed… and disgusted. Ilang sandali rin siyang nakatingin lang sa akin bago siya humingi ng tawad, but I can almost taste the sarcasm. Hindi ako nagsalita dahil ayokong magpaka-plastic. The heck if I can accept that kind of apology! These papansin b*tches are getting on my nerves. "Pasensiya na talaga," she said almost like dragging the words to life. "Excuse me. I just need to go to the bathroom. I need to clean myself," sabi ko at tumayo na. I was getting more pissed sa bawat segundong dumaraan na nakikita ko iyong dalawang babae, more so… them secretly sharing smiles dahil sa tingin nila ay nagtagumpay sila sa plano nila. "Sasamahan na kita," he offered. I already expected that. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat noong dalawang babae. "Sure. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang CR dito. It'd be better if you'll accompany me." Ngumiti ako. Tumingin ako doon sa dalawang babae at ngumiti rin. "Excuse us, ladies…" I said before turning my back on them with head held high. Hindi na rin ako lumingon pa. I just know he's behind me. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Binagalan ko ang paglalakad. "Here," he directed as he pulled me to the right side of the mansion. Nagpatianod na lang ako. Nanlalagkit na ako at gusto ko na lang maligo. Kung puwede na nga lang umuwi at hindi nakakahiya dahil hindi pa pormal na nagsisimula ang party ay uuwi na ako. Pakiramdam ko tuloy ay nasira na ang gabi ko. Pumasok kami sa isang kuwarto. I asked him if we're allowed to enter but he said it was alright. According to him, it was his room whenever he visits his friends' house. I don't know if I'd be able to enjoy the party o magmumukmok na lang ako sa isang gilid sa mansion na ito. After all, ayoko rin naman sa atensiyon. Iyon ang iniiwasan ko dahilan din para hayaan na lang iyong dalawang babae kanina kahit na gusto ko na silang pagbuhulin. They're just too obvious! Hindi na lang diniretsong nilapitan si Spade. As if naman pipigilan ko sila. Good luck nga lang kung papayag naman 'tong kasama ko. "I'm sorry for what happened back there," I heard him say. Nasa loob kami pareho ng isang banyo. Ni hindi ko nga alam kung bakit sumama pa 'to hanggang sa loob, e. "It's not your fault. I get pissed, yes, but thankfully I didn't put up a fight there. My gosh those b*tches. They could've asked directly instead of doing a stunt like that," iritato kong sambit habang pinupunasan iyong damit ko na malabo naman ng matanggalan ng mantsa. Ugh! I really hate those two! "Remove your dress. I'll go get you some of my spare clothes here. We're not going back to that party anyway. We can stay here for tonight. You don't have to worry, too dahil hindi naman kita gagapangin. I'll sleep on the sofa while you can have the bed." *** Just like what he said, doon nga kami sa bahay ng kaibigan niya nagpalipas ng gabi. Hindi na rin kami lumabas pa para makipagsaya sa party. We just stayed inside the room. Nanonood na lang din kami ng random documentaries bilang pampalipas oras. It was like a movie date for us. Popcorns and drinks made it even more realistic. I don't know if I should laugh or just feel whatever. Ako rin naman kadalasan ang namimili ng panonoorin namin dahil aniya'y pareho naman kami ng gusto. Honestly, mad nararamdaman ko rin na at home ako kapag nandito ako o hindi ko alam kung iyon ba talaga ang rason ko kasi baka iyon lang ang itinatatak ko sa isip ko, because the truth is… I feel at home because of his presence? It was eight in the evening when we finished watching an over an hour long documentary about a country's crime rate. Gayunpaman, hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Kumain na rin kami kanina kaya bukod sa panonood ay wala na akong ibang alam na dapat gawin kung hindi ang matulog o kaya naman ay manood pa. "You can lay your head here." Napalingon ako sa kaniya nang narinig ko siyang nagsalita. He was motioning me to lay my head on his leg. I looked at him, weirded out. "I'll massage your head," he added which convinced me so I did what he wanted me to do. Inaayos ko ang aking sarili hanggang sa maging kumportable na ako. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kaagad na nagtama ang mga mata namin. I smiled at him as he carried the top of my head. "You can sleep, too. Kung gusto mong maaga tayo bukas, I'll wake you up early, but do know that we can stay here whenever we want to." Tumango ako. "Thanks…" I said as I closed my eyes. From then, nakaramdam na ako ng antok dahil sa lambot ng kamay niyang dumadampi sa ulo ko dahil sa pagmasaheng ginagawa niya. "Why are you still single when you can have girls easily wrapped up," I asked with my eyes closed. I don't even know why I inquired. Those words just came out naturally on my mouth. Wala akong narinig na sagot sa ilang mga segundo kaya akala ko ay hindi na siya sasagot. He doesn't have to though. Sobrang bored lang siguro ako kaya ko naitanong iyon sa kaniya. "I don't allow myself to have one. I feel like I am committed to someone who's not aware she's to be wed to me." Awtomatiko akong napangiti. "Sucks to be like one, yeah? Pareho lang naman tayo. We are bound to marry someone na ni hindi nga natin kilala," I said. Nanatili akong nakapikit dahil nawalan ako ng lakas para magmulat ng mga mata. "Funny how you said you're not allowing yourself to but you let me kiss you, Villafranco," dagdag kong biro. "I guess I can break my own rules sometimes?" Tumango ako. Gawain ko rin naman iyon minsan— breaking my own promise and rules. Hindi ko namalayang nakatulog na rin ako kalaunan. I slept for about three hours. Nagising ako nang madaling araw na, but I was surprised to see Spade still awake. Hindi ko alam kung gising na siya o gising pa. Nasa Kama na rin ako. Sigurado akong binuhat niya ako kasi imposible namang naglakad ako habang tulog? "Woke up? Or can't sleep?" I asked. He was with his laptop. Pinadala niya iyon sa isang kakilala kanina. Maybe he's working? Or just doing something. Kung ano man iyon, wala na dapat akong pakialam. "Can't sleep yet. Just finishing something," he replied. "You want water?" He asked but I shook my head. I want one but I don't want to disturb him. "Ako na lang ang kukuha. Besides nandito lang naman sa loob," sabi ko dahil may fridge naman sa loob ng kuwarto. Kumuha ako ng tubig at mabilis na uminom. I glanced at him and I saw him looking at the hem of my shirt or should I say… his shirt dahil kaniya naman iyon. Then his eyes got back to my face. Nakita ko rin na may nakalapag na Heineken sa lamesang nasa harap niya beside his laptop. May dalawang can doon. I shrugged bago ako bumalik sa kama. Kapag pa naman nagising na ako, mahirap na akong nakatulog ulit. "It's just almost two. Puwede ka pang matulog. Don't worry, I'll wake you up," he said. Tumango lang ako. "Salamat. Ikaw din… you should sleep na rin after mo diyan. It's okay to rest sometimes, you know." I smiled at him. "Yes. I'll test after this. Dream of me, Miss…" then he gave me a wink, and he earned a middle finger from me. Humiga na ulit ako. I turned my back on him so I won't see him. Baka pareho lang kaming ma-distract. Knowing this Villafranco. He's just so flirty sometimes. When I thought I can still sleep, I was wrong. Kahit ano'ng pihit ko ay hindi ko na magawang makaramdam ng antok. Geez! This is what I hte about fvcked up sleeping pattern. Iyong tipong gusto ko pa namang makatulog pero ayaw na ng sistema ko. Sa pagpihit ko sa kabilang banda ay hindi ko napigilang mapalingon doon sa sofa. I saw Spade closing his laptop. Kinuha niya na rin iyong mga lata ng Heineken at itinapon ang mga iyon sa basurahan. Pumikit ako para hindi niya na makitang gising pa ako. Ang hirap palang magpanggap na tulog! But whatever. I'll just fake it kesa naman makita niya pa akong gising tapos pareho kaming dilat hanggang mamayang umaga. Maganda rin ito para makapagpahinga na rin siya. Knowing him, he won't sleep until I'm awake. Minutes passed and everything went peaceful kaya akala ko ay safe nang magmulat ng mata. Only to see Spade wearing nothing but the towel wrapped on his waist. Muntik na akong mapasigaw sa pagkabigla. I muttered silent curses inside my head. Oh my goodness! What was that? Just whay the heck was that?! "You don't have to act like you didn't see me at all, you know? Hindi naman ako magagalit din. It's just too obvious na gising ka pa kasi kahit malayo ako nakikita ko ang mini vibration ng pilik mata mo." Nahimigan ko ang pang-aasar niya kaya padabog akong lumingon sa kaniya. "I… I was asleep! Nagising lang a-ako 'no!" I tried my best to save myself from the embarrassment kahit na gusto ko na lang lumubog sa kama. He just laughed. Ni hindi man lang siya magabalang magbihis na. Talagang ibabalandra niya pa sa akin iyong katawan niya?! "Defensive ka na naman. Fine… fine. You were asleep." Naiiling niyang sinabi. "Matulog ka na nga! Tss. Niyayabang mo na naman sa akin iyang katawan mong…" hindi ko naituloy dahil hindi ko na alam ang isusunod ko. I just can't find the right words to utter. "Katawan kong ano?" He urged me to continue but I made up my mind to just shut up, afraid that I'd mention words I can't take back. Lumapit din siya kaya lalo lang akong napipi. Para akong naipako sa kinaroroonan ko. My throat suddenly went dry. Hindi ba talaga siya magbibihis muna?! My gosh! This boy is really something! My mind just couldn't! He crouched so our face would level. I smelled his minty breath. Hindi ko na talaga kinakaya 'to. "You won't even have to ask. You can always touch every inch of my body, Ashi…" he whispered and just with that… I lost my senses. *** Maaga akong umuwi kinabukasan, but I cannot forget how I slapped him hard that night when we got a bit wilder. That imp managed to touch my boobs! Nagulat ko kaya ko nasampal. Gayunpaman, siya pa ang humingi ng tawad dahil hindi niya raw napigilan. Noong ihinatid niya ako ay wala na kaming kibuan. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ring mag-sorry, pero 'di ko magawang iutas Ang bawat salita kaya sa huli ay nananahimik na lang. It was a normal day for me. Balik sa pagiging bilanggo sa loob ng apartment. I probably look like a monk for now. Bahala na. Wala naman akong balak lumabas ngayong araw. I just wanna be a bum all day. I sat on the sofa as I put the popcorn and the softdrink on the table. Manonood na naman ako ng kung ano-ano kasi ito lang naman ang alam kong gawin. I seriously should find a job dahil sa tingin ko ay kaunti na lang ay mauubos ko na iyong perang naipon ko. Kung hindi lang naman din kasi ako nag-quit sa trabaho ko noong nakaraan edi sana may pinagkakaabalahan ako. Bukas nga maghahanap na ulit ako. I just can't be like this all the time. Kailangang may gawin din ako kung hindi baka maging palaboy na lang ako nang wala sa oras. When I got tired of watching ay nagdesisyon akong mag-jogging na lang muna. Baka sakaling sipagin naman ako kahit na plano ko na talagang humilata lang. Aba. Sabi nga nila, galaw galaw dahil kung hindi ay baka pumanaw. I changed my attire. Inihanda ko na rin iyong water bottle ko dahil ayokong tumigil tigil pa sa mga store para bumili ng tubig. Mabuti na iyong may sariling dala. Nang handa na ako ay lumabas na ako. I started with warm up dahil baka bukas hindi na ako makalakad ng maayos dahil binigla ko. Siyempre kahit hindi naman ako madalas magehersisyo ay alam kong kailangan munang mag-strech bago magsimula. Maliliit na mga hakbang ang una kong ginawa bago ako tuluyang tumakbo. While jogging, it felt like I became more free. Sa ikasampung minuto ng pagtakbo ko ay naabot ko ang isang playground. Tumigil ako pansamantala para panoorin ang mga batang masayang naglalaro. Watching them felt like torture to me. Ganito ako noong bata ako kasama ang mga magulang, but now… alaala na lang iyon lahat. It hurt to think about the laughter and how genuine they are. Masaya ako para sa mga batang nakikita ko at sana lang ay hindi sila matulad sa akin. I wish they stay in love with their parents until they grow up. Mapait akong napangiti bago ako nagpasya na magpatuloy na sa pagtakbo. I shouldn't have stopped dahil para lang akong sinaksak ng isang milyong beses. I felt bitter dahil ngayon ay malayo na ang loob ko sa mga magulang ko, for I felt like they betrayed me. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. I stopped because the voice was familiar. Napalinga ako sa paligid at nakumpirmang tama nga ako. It was him. Napatingin din ako sa batang babaeng kasama niya. Kumaway iyong bata sa akin habang malapad na nakangiti. "Hi…" he greeted na para bang nahihiya. Siguro ay iniiisip niyang galit pa rin ako when the truth is… I want to apologise to him, too. "Hi!" I waved my hand back to them. Mas lumapad ang ngiti ng batang katabi niya sa akin. Sa tingin ko ay nasa apat o limang taon pa lang iyon. "Is she Tita Ashi?" Magiliw niyang tanong kay Spade. The latter looked at the young girl as he nodded. Kumunot ang noo ko. What's happening here? "Oh my gosh! You're Tita Ashi! Oh my gosh!" Sigaw ng bata saka siya tumakbo palapit sa akin. He hugged me on my legs. Napasinghap ako sa ginawa niya pero hinagod ko na lang din iyong likod niya. Naguguluhan akong napatingin kay Spade na palapit na rin sa amin. "My Tito Spade always tell stories about you. He said you're kind… and beautiful and lovely! It's true! It's true!" Hindi pa rin mawala Ang bakas ng tuwa sa boses ng bata. "What's this?" I mouthed to Spade. Napakamot siya sa kaniyang batok saka niya lumuhod para tawagin ang atensiyon ng batang babae. "Charlotte, let go of your Tita Ashi. You could've let me introduce you to her first…" aniya sa bata saka niya ito walang kahirap hirap na kinarga. "This is Charlotte. My half brother's daughter," sabi niya. "Charlotte… this is your Tita Ashi," ako naman ang ipinakilala niya sa bata. "Hello…" I said as I smiled at Charlotte. Ang gandang bata. I bet she's not a pure Filipina? Blonde kasi iyong buhok niya, plus her eyes were green. "Can I cry? You're so pretty po…" aniya habang nakalabi. Nagkatinginan kami ni Spade. Napakurap kurap ako nang natanto iyong sinabi ni Charlotte. "Ikaw din naman po. You're so pretty," papuri ko rin sa kaniya. Nagulat din ako nang sabihin niyang gusto niyang kargahin ko siya. "I'm sweaty, baby…" sabi ko kasi totoo naman. Baka mamaya sensitive pala siya tapos kasalanan ko pa kapag may allergies pala siya. Pero gusto ko rin naman siyang kargahin! I never wanted to carry a child like this before! "It's okay, Tita. I'm sweaty rin naman po, e." She giggled as she offered herself to me. Napangiti ako at saka tuluyan na siyang kinuha kay Spade. At first, I was worried dahil baka malaglag ko pero kalaunan ay naging ayos din naman dahil hindi naman siya malikot. Sometimes, she'd kiss me. Ipinapatong niya rin iyong ulo niya sa balikat ko. "What?" I asked when I caught Spade just looking at eyes. His eyes were soft as if he's witnessing a heart touching scene. "I was just happy… parang ready ka na maging Mommy," he said. I'd like to think he's just joking. Ni hindi ko nga maalagaan sarili ko… what more sa isa pang buhay? Though if I'm ready, gusto ko ring maging isang responsableng Ina sa mga magiging anak ko. Ngumiti ako. Sana nga maging responsable ako pagdating ng araw. We went silent for a while until I remembered what happened last night. Tumikhim ako bago ko sinabi iyong hindi ko nasabi kagabi at kanina. "I'm sorry nga pala sa nagawa ko kagabi. I was just shocked…" I said then bit my lower lip afterwards. I heard him chuckle bago niya sinabing ayos lang kasi may kasalanan din naman daw siya. At the end, pareho na lang kaming nag-move on dahil ang mahalaga ay nakahingi na kami ng tawad sa isa't isa. Imbes na magpatuloy pa ako sa jogging ko ay nakipaglaro na lang ako sa kanila sa playground. Wala raw kasi iyong mga magulang ng bata para ipasyal siya kaya si Spade muna ang nagdala sa bata sa playground para kahit paano ay malibang naman ito. "Tito Spadey always tell us story about you, Tita that is why I was excited to meet you!" Kuwento ni Charlotte. She was talkative and jolly. Ni hindi ko nga naramdaman na mahigit isang oras na kami rito, e. Ang saya niya pala talaga kasama. "Oh, really…" I arched a brow as I averted my gaze on Spade na painosente pa. Hindi ko naman alam na ako pala ang bukambibig niya sa pamilya niya? "Yes po, Tita." Tumango pa siya na para bang kulang pa iyong pangungumbinsi niya sa akin kapag hindi siya tatango. I chuckled at how cute she is. Gusto ko tuloy kurutin sa pisngi kaso lang ay natatakot naman ako kasi baka mamaya biglang umiyak. "What else pa bang sinasabi niya?" I asked nang hindi pa rin pinuputol ang titig kay Spade. "Ayoko pong sabihin kasi I made a promise po na I'll keep it a secret. Sorry, Tita…" she pouted. Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa inasal niya. It's actually fine, pero naisip ko na grabe iyong loyalty niya. Ano kayang sinuhol no Spade sa batang ito? Parang mas na-curious pa ako roon kesa sa mga sinasabi ni Spade sa kaniya tungkol sa akin, e. "It's okay, baby. You don't need to tell me about it," sabi ko bago ko siya nginitian. We stayed there for another minutes bago nagyaya si Spade na kumain kami sa kung saan. I refused lalo na at out of place pa iyong suot ko dahil wala naman ito sa orihinal kong plano kaya nagdesisyon siyang mag-take out na lang para sa sasakyan niya na lang kami kakain. "Can I get to see you often, Tita Ashi?" Charlotte asked. Nasa likod siya ng sasakyan habang kumakain ng burger na binili namin sa isang kilalang fast-food restaurant. "Why though?" I asked dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit. Not that I don't want to see her. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit. "Because you're the only pretty Tita I have. Plus you're kind po… plus I think you love me— wait… do you love me po, Tita?" Nagtataka niyang tanong. Nagkatinginan na naman kami ni Spade at natahimik ng ilang sandali. It felt like I was in a hot seat. Bigla akong nakaramdam ng bara sa aking lalamunan. "O-Of course… Tita Ashi loves you," sabi ko. I just don't know why but I felt a pain in my chest as I said that. Sana ganito rin ako mahalin ng mga magulang ko. "E, si Tito Spade po? Do you love him?" Naibuga ko iyong iniinom kong inumin dahil sa tanong niyang iyon. Umuubo pa ako nang naramdaman ko ang palad ni Spade na humahagod sa likod ko. Sinenyasan ko siyang ayos lang ako. "Charlotte… you don't get to ask that to your Tita," saway nu Spade sa bata. "Why not? I was just asking po kung love ka rin niya just like how she loves me." "Basta you don't ask questions like that to other people, okay?" Aniya habang umuubo pa rin ako. "Noted, Tito. Sorry po, Tita…" she apologized and I nodded. Mabuti na lang naman din at hindi na niya ipinilit. Hindi naman kasi ako prepared sa mga tanong, e! Nakakabigla! Tumahimik na rin naman ang paligid nang nakatulog na si Charlotte. Magpapababa na sana ako pero hindi siya pumayag. He insisted na ihahatid niya na raw ako kahit sa labas lang ng apartment. "Pasensiya na talaga sa mga tanong niya kanina. Plus the fact na ikinukwento kita. Don't worry… hindi kita sinisiraan, promise." Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon. Sanay naman na akong may naninira sa akin lalo na kapag nakatalikod ako. Even my friends before betrayed me. Gan'on nga siguro talaga na masasanay ka na lang kapag palaging ginagawa sa iyo. You'll get used to it and it'll become a norm. That's life. Meron at meron talagang maninira sa'yo kahit gaano ka pa kabait sa kahit ka kanino. "It's fine. Mukha rin namang maganda iyong kuwento mo sa kanila lalo na sa bata. I was just surprised," I confessed. His car stopped because of the red light. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakatuon ang kaniyang mga mata sa akin. Hinayaan ko siyang gawin iyon hanggang sa Hindi ko na nakayanan. "What?" I raised both brows on him. "Nothing. I just can't believe I can be this close to you," aniya. Ang weird talaga nito madalas. May mga sinasabing out of the blue. "Ha? Lagi naman tayong magkasama, a?" Naguguluhan kong untag. "It's a privilege to me, you know? You're just so angelic. You look unreachable…" he said. His voice was a bit lower than usual. Salubong ang kilay ko siyang muling tinitigan. "Baliw! Ano'ng unreachable? Are you sure with that? Ako lang 'to, Villafranco. I'm super reachable like literally. What privilege are you talking about?" Isang ngisi lamang ang kaniyang isinukli sa akin. Then the light turned green. Hindi na rin siya umimik hanggang sa makarating na kami sa labas ng apartment ko. Akala ko ay hindi na siya bababa pero nagulat ako nang bumaba siya. "Thank you sa paghatid. I enjoyed my time with you and baby Charlotte…" "We enjoyed more than you do. Salamat sa pagpapaunlak mo sa imbitasyon ng bata." Tumango ako at ngumiti. "It's fine. It's my pleasure. She's nice. You're lucky to have her," sabi ko. "She can be luckier kung magiging Tita ka talaga niya," he said but it turned out almost like a murmur. Narinig ko naman pero gusto ko lang sanang kumpirmahin. "I'm sorry. Come again?" I urged but he shook his head. "Nevermind. Thank you for today, Ashi. I hope maulit 'to," aniya bago siya humakbang palapit sa akin. I kind of have an idea what he's going to do next pero nablangko iyong utak ko at hindi na ako nakagalaw pa lalo na noong sinabi niyang gusto niya akong halikan. The last thing I know was that I nodded my head before I felt his lips touching mine in a very soft way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD