DALAWANG linggo nang nagtatrabaho si Mara bilang sekretarya ni Denver at medyo nasasanay na siya. Sa katunayan ay mayroon na siyang kaibigan na mga empleyado rin sa kompanyang iyon. Pero mas marami ang nagtataas kilay sa kanya dahil bulong-bulungan sa office na malakas daw siya kay Denver kaya nakuha niya ang trabaho at kaya inilipat ang desk niya sa loob ng opisina nito. Maging siya ay nagtataka kung bakit kailangan pa nitong gawin iyon. Bagama’t siya ang nagbubukas ng pinto ay naiistorbo pa rin ito dahil direkata nang kumakatok ang sino man na may kailangan dito. May nakapagsabi sa kanya na masungit na CEO raw si Denver. Hindi namamansin o ngumingiti sa mga empleyado at lagi raw seryoso ang mukha ngunit nang dumating daw siya sa kompanya ay umaliwalas daw ang mukha nito. Hindi na mukha

