HUMIGPIT ang hawak ni Mara sa strap ng kanyang bag habang lulan sila ni Denver sa elevator. Nilagpasan na nila ang palapag kung saan ang excutive office nito. Kinakabahan siya hindi dahil sa iniisip niyang may gagawing masama si Denver sa kanya kundi sa idea na silang dalawa lang ang tao sa napakalaking building na iyon. Huminto ang elevator sa 11th floor. Hindi niya alam na may ganoong palapag pala sapagkat madalas niyang nakikita na hanggang 10th floor lang pinipindot nang mga nakakasabay niya sa elevator. “Welcome to my Penthouse,” wika ni Denver na nagsimula nang humakbang palabas sa elevator. May binuksan ito na nag-iisang pinto sa palapag na iyon at pagkatapos ay inalalayan na siyang makapasok. Namangha siya nang tumambad sa kanya ang napakagagarang living room. Elegante at moder

