“BAKIT kailangan natin manatili dito nang ilan pang mga araw?” tanong ni Robin habang nagmamaneho. “Akala ko ba hectic ang schedule mo?” “Huwag na puro tanong,” sagot ni Denver. Himas ang kanyang baba. Tense. Gusto niyang mainis sa sarili sapagkat kinakabahan siya sa muli nilang pagkikita ni Mara. Daig pa niya ang isang binatilyo kung umakto. Hindi niya dapat maramdaman iyon sa babaeng may malaking atraso sa kanya. Binabagtas nila ang daan patungo sa shelter. Nakasunod sila sa isang maliit na truck na karga ang kanyang pinangakong donation gaya ng mga laruan at pagkain bukod pa doon ay nakahanda na rin ang iaabot niyang pera. Mabuti na lang at nakakuha na sila ng tauhan na doon nakatira kaya may nautusan siya. “Bakit ang weird nang kinulos mo kahapon, Pare? Basta ka na lang nanghablot.”

