Araw ng sabado. Ngayon na din ang meeting na na-set niya. Isa pa, mamaya pa iyong hapon at nagset na din siya ng party sa gabi. Inimbitahan niya ang mga malalapit niyang kaibigan. Isa pa si Rhea lang naman iyon? Kumusta na kaya ang babaeng iyon? Hinahabol pa din kaya no'n si Caleb? Baliw na baliw pa din kaya iyon kay Caleb? Baliw na baliw sa great lawyer niya. Bumangon siya pero, dahil nakayakap si Shino sa baywang niya kaya hindi siya makawala. Tumagilid siya paharap dito. "Shino." sambit niya sa taong tulog na tulog. Niyugyog niya ito. "Gising na." dumilat ito ng paunti-unti. Napangiti na lang siya. "Good Morning. Cherry blossom." bati din nito. Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi na agad naman niyang tinugunan. Naglakbay ang mga kamay nito patungo sa gitnang hita ni

