Umuusok na ang ilong ni Elaiza dahil sa galit. Nakalabas na silang dalawa ng secretary niya sa elevator. Nakatingin lang siya sa dalawa. Tinitingnan lang niya ang dalawa ng masama. Nakakuyom na ang kamao ni Elaiza. Naiisip na nga niya na suntukin at sipain ang dalawa sa mukha. Dahil sa sobrang galit. Nasa harap pa din sila ng elevator. Hindi sila gumagalaw. Ang mukha naman ni Shino na nakatingin sa kaniya ay nagmamakaawa sa kaniya. "My... Cherry... Blossom... Sorry... Hindi ko iyon sinasadya." anito sa kaniya. "Sadya mo man or hindi!" sigaw niya "halik pa din 'yon!" wala siyang pakialam kung may makarinig man sa kaniya na sumisigaw. Building niya ito! "Hindi ko nga iyon sinasadya." anito at lumapit sa kaniya pero, umatras siya. Napahinto naman si Shino sa p

