Nang marinig ni Elaiza na may kumatok sa pinto. Agad niyang binaba ang gunting sa mesa pati na din ang binabasa niyang mga documents. "Pasok!" aniya sa malakas na boses. Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary niya. "Maupo ka." aniya. Nakita niyang may dala itong notepad. "Gusto ko mag- set ka ng meeting. Kasama na doon ang buong board members. Specially ang chairman of the board. Kailangan nandiyan siya. Naintindihan mo ba?" tumango naman ito sa sinabi niya at sinulat ang mga sinabi niya. "May meeting ba ako this afternoon?" tanong niya. Tiningnan nito ang notepad at umiling. "Good." aniya. "Iyan lang po ba ma'am?" tanong nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Sorry." "It's okay." aniya at agad na binalik sa normal ang mga kilay niya. Tumingin siya sa kaniyang mga binabasa at

