"Hoy! Kanina pa ako tawag ng tawag hindi kita makontak!" sigaw ni Elaiza sa kabilang linya. Nasa bahay na sila dahil na- discharge na ang pamangkin niyang si Shiro. "Sorry. My cherry blossom." hingi ng tawad ni Shino sa kanya. Huminga siya ng malalim. "Nako! Shino hah. Kapag nalaman kong may babae ka. Lagot ka talaga sa akin. Gugulpihin kita hanggang sa hindi kana makilala pa!" aniya. "Sorry na. Naiwan kasi ang cellphone ko sa bahay tapos, low bat na low bat talaga. Pasensiya na po. Hindi na mauulit." anito. "Tsk. Alam mo bang nag-alala ako sayo dito? Tenext kita walang reply. Tinawagan hindi makontak. Nako naman!" "Patawad na. May kasalanan ka din sa akin ah. Bakit ako lahat ang may kasalanan? Diba dapat nagpaalam ka sa akin ng personal? Pero, nalaman ko na lang nandiyan kana sa Japa

