"Hi. Elaiza." bati sa kaniya ni Shikaya. Hindi din ito makatingin ng diretso. Hindi naman siya nagagalit dito eh. Sumasakit lang ulo niya. Tsk.
"Look at me." aniya. Ilang segundo lamang tumingin na ito sa kanya pero, minsan ay tumitingin sa ibang parte ng kwarto nito. May problema ba ito? Huminga siya ng malalim. "Alam mo, galit dapat ako sayo ngayon ehh." aniya. "Pero, hindi naman ako ganoon. Dahil hindi mo naman sinaktan ang mahal ko sa buhay. Sinaktan mo lang ako, pero, ayos lang iyon sa akin. Hindi ako mapagtanim ng sama ng loob. Nalaman ko din na, ginawa mo lang iyon para sa pamilya mo. Dahil ayaw mo din na masaktan sila kagaya ng ginawa sa inyo ng bruhang si Rin." aniya at bigla na lang dumilim ang mukha niya.
Humanda sa kaniya ang babaeng iyon. Nakita din niyang dumilim din ang mukha ni Shikaya. "Magbabayad ang babaeng iyon sa ginawa niya." Anito "sorry pala sa ginawa ko sayo four years ago. Sorry dahil sinampal kita. Sorry kasi, mas naniwala ako sa investigator na iyon." nagulat siya sa narinig.
"Alam mo?" tanong niya.
"Oo. Nito lang din. Umuwi ako noong isang araw sa Pilipinas. Nakausap ko si Shimon sa telephone at may nalaman din siya tapos, sinabi niya agad sa akin ang mga iyon. Tapos, kinausap ko ang pinsan mo at sinabi niyang binayaran siya ni Rin. Nagpabayad siya para mabayaran nila ang utang nila." dagdag nito. "Kapag pera ang pag-uusapan. Nakakalimutan ng mga tao ang lahat. Kaya ka nilang sirain para lamang sa kanilang mga luho."
Tumango siya. "Yeah. Mukhang pera kasi ang pinsan ko. Mabuti na lang at nasa kulungan na ang mga iyon." aniya at ngumiti. "Pagaling ka, okay?"
Tumango ito. "Can I asked you something?" she just nodded. "Do you still love my brother?" Nag-init tuloy ang pisngi niya sa tanong nito. Paano niya ba sasabihin na sila na? Magagalit kaya ito? "I think, you are. Your blushing again." anito. "If you love him. Shout it out. If your not, say it."
Hindi tuloy siya makatingin ng diretso dito. Paano kung hindi siya nito gusto para sa kapatid nito? Ang daming negative thoughts ang pumapasok sa utak ni Elaiza. Huminga siya ng malalim. "Ano kasi, ah. Kami na ni Shino." aniya sa mahinang boses.
"Talaga!?" sigaw nito at napabangon pa sa hinihigaan. Sumakit tuloy ang katawan nitong may mga sugat. "f**k!" sigaw nito.
Dahil sa sigaw nito, pumasok tuloy ang pinsan niya. Kasama sina Rhea at Shimon. "Anong nangyari?" tanong ng pinsan niya.
Napalingon si Shikaya do'n at namula din ang pisngi nito. Ay. Mukhang may bagong love team. "Wala." sagot nito at dahan-dahan din itong humiga pabalik. Sinungaling! Ang totoo naman ay sumakit ang katawan nito. Ayaw lang sabihin dahil nasa harap ng ex-boyfried niya.
Paano niya nalaman na Ex boyfriend nito ang pinsan niya? Sinabi kasi sa kaniya ni Shimon. Hindi niya alam kung paano nagkakilala ang mga ito. Basta ang mahalaga sa kaniya ngayon ay maayos na si Shikaya.
Lumingon siya kay Rhea at tumango. "Let's go." aniya. Ngumiti din ito at yumakap muna kay Shimon bago lumabas ng kwarto ni Shikaya. "Kuya. Una na kami, pupunta pa kami sa Jail."
"Okay. Dito muna ako." anito.
"Okay. Sige ikaw bahala." aniya at nagpaalam na din siya kay Shikaya at sumenyas na aalis na siya. Tumango lang ito at nag- thank you sa kaniya.
Habang naglalakad sila sa hallway. May sumasambit ng pangalan niya. "Elaiza! Wait!" sigaw ni Shimon. Napalingon siya sa likuran niya. Huminto siya. Nauna na si Rhea Aquino sa kaniya. Hindi makapaghinatay ang babae. Tsk. Nang nasa harapan na si Shimon. "Sasama ako." anito.
Tumango siya. "Okay. Tara na." aniya at naglakad siya. "Magiging okay lang ba ang kapatid mo, kasama ang pinsan ko?" tanong niya dito.
"Yeah. She'll be fine there." anito.
Nang nasa sasakyan na garahe na sila hinintay sila ni Rhea. Busangot ang mukha na nakatingin sa cellphone nito. Kumunot naman ang mukha niya. "Anong problema?" tanong niya.
"Wala. May problema lang sa headquarters." sagot nito.
"Headquarters? What do you mean?" hindi niya kasi maintindihan kung ano ang pinagsasabi ni Rhea.
"Huwag mo ng isipin iyon." anito. "Let's go. We need to go there as soon as possible. Baka hindi na tayo umabot sa visiting hours."
Tumango siya at agad na pumasok sa sasakyan. Nang makasakay sila ay nasa tabi siya ng driver. Gusto niyang magmaneho pero, mukhang naunahan siya ni Rhea. Kaya, agad niyang binigay ang susi dito. Rhea put the key in the ignition.
Pinaandar nito at agad siyang nag-seatbelt. Kinakabahan siya, mas malala yata ang mararanasan niyang kaba kapag ito ang magmaneho. "Put your seatbelt on." anito.
Agad na minaneho nito ang sasakyan. "Here we go again. Don't do this! You b***h!" sigaw ni Shimon sa likuran.
"Oh. Sorry." anito at agad na inatras nito ang sasakyan palabas ng hospital parking lot. Nang nasa highway na ay binilisan nito ang pagmamaneho.
Siya naman ay nananalangin na naman na walang mangyayari masama sila. Sigurado siyang may maghahabol na naman sa kanila nitong mga traffic enforcer.
Mas mabilis pa itong magmaneho sa pinsan niya. "Ahh!" sigaw niya. "Dahan-dahan!" grabe ang kaba niyang nararamdaman. Mas domoble pa sa nararamdaman niya kanina.
"Bwisit ka talaga, Rhea!" sigaw ni Shimon sa likuran. Siya naman ay sigaw pa din sigaw. Bahala sila magsigawan ng mga bad words wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay sumigaw siya dahil kung hindi ay hihimatayin na siya sa upuan niya dahil sa kabang nararamdaman.
Nang makarating sila sa police station. Nauna na siyang lumabas. Pakiramdam niya ay gumagalaw ang paligid niya. Nasusuka na din siya. She need to vomit. Si Rhea naman ay tumatawa lang.
May mga police na sumundo sa kanila. "Rhea-san!" sambit ng isang Japanese police.
"Tito. We're here to visit the bitch." anito na may sinusupil na ngiti sa labi.
"Oh. The b***h. She's in jail right now. Call your lawyer and process the papers to transfer her to the place she belong to."
"Yeah. Don't worry. Miss Elaiza has the best lawyer and he's handsome too." Nakita ni Elaiza na namula ang pisngi nito. Tsk. In love eh.
Napalingon naman ang pulis kay Elaiza. "Is she alright?" tanong nito.
"Yeah. She is, but for now, she felt dizzy. I think uncle, she needs a comport room first." anito.
Tumango naman naman ang pulis sa sinabi ni Rhea. Isa pa itong si Rhea. Malihim din.
"Water please." aniya. Hilong-hilo na siya. Kanina pa siya gustong masuka pero, pinipigilan lang niya. Kasalanan kasi ito ni Rhea at ng pinsan niya. Inalalayan siya ni Shimon. "Thank you." sabi niya dito.
"Walang anuman. Sorry. Sana ako na lang ang nagmaneho. Nahilo ka pa tuloy. Nakalimutan ko kasing sabihin. She's a license agent and a racer too." sa sinabi ni Shimon sa kaniya napanganga tuloy siya.
Totoo ba ang narinig niya? Parang hindi siya makapaniwala sa narinig dito. Nakakatakot naman pala ang babaeng ito. Mas nakakatakot pa sa kaniya. Agent? Tapos, racer pa. Wow! Parang gusto niyang matuto kung paano mag- race. Sa pagkakaalam niya, racer din ang pinsan niyang si Hanrich.
"Let's go." anito. Nauna ng umalis si Rhea at iyong pulis. Tumango naman siya at nag-umpisa ng maglakad. Nakaalalay lang sa kaniya si Shimon. "Dahan-dahan lang." anito. "Anong nararamdaman mo?"
"Gusto kong sumuka ngayon. I need comport room and water too." aniya. Hindi na niya kaya pa. Baka maduwal na lang siya bigla.
"Don't worry, may CR sa loob ng police station. Sasamahan kita. Hindi ka pwedeng humarap kay Rin na ganiyan ka kahina." anito.
"Tama ka. Hindi ako pwedeng humarap kay Rin na ganito ang kundisyon ko. Kasalanan kasi ito ni Rhea Aquino na best friend mo." aniya. Maninisi na talaga siya ng tao ngayon dahil sa nararamdaman niya. Hilong-hilo pa siya.
Pakiramdam niya talaga, kailangan niyang matulog ng buong araw. Pero, hindi pwede. Kailangan niyang makaharap ang bruhang si Rin. "Caleb." sambit niya sa pangalan.
"Si Caleb? Bakit?" tanong nito habang papasok sila.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at binigay niya dito. "Call him now, please. Tell him to process some papers para maiuwi ng Pilipinas si Rin. Kahit hindi natin gawin iyon. Ipapa-deport pa rin siya ng mga taga dito dahil, may kasalanan siya sa Pilipinas at may kasalanan din siya dito." aniya.
Nang makapasok sila ay agad silang dumiretso sa CR. Kasama niya si Shimon. Napailing na lang siya dahil kahit nasa CR sila ng babae eh, walang pakialam ito. May mga cubicle naman at siya, ang kailangan niya ay toilet bowl or lababo para sumuka.
Nang makakita siya ng lababo agad siyang sumuka doon. Pakiramdam niya naisuka na niya lahat ng kinain niya kanina. Hinahagod naman ni Shimon ang likod niya. Nang tumingin siya sa salamin medyo putla ang labi niya. Malamig din ang mga kamay niya.
Naghilamos siya at agad na humarap kay Shimon pagkatapos. Huminga siya ng malalim. Binigyan naman siya ni Shimon ng panyo. "Use it." anito. Binuklat niya ang panyo at pinunasan ang mukha para matuyo.
Nang okay na ang mukha niya ay humarap ulit siya sa salamin. Inayos niya ang buhok niya at pinabayaan lang na nakalugay. "Let's go." aniya at nauna ng lumabas.
Okay na siya, nababawi na din niya ang lakas niya. "Hey. Hintayin mo ako." anito.
Inakbayan siya ni Shimon papunta sa kulungan. Habang naglalakad sila, napapansin niyang nakatingin ang mga babaeng pulis kay Shimon at sa kaniya. May dumi ba sa mukha niya? Nang tingnan niya kanina wala naman ah. "Elaiza-san." sambit ng isang police.
Napalingon naman sa likuran si Elaiza. Ngumiti siya, "konnichiwa." sabay yuko ng konti.
"What are you doing here? Is Mr. Tanaka-kun are in jail again?" tanong nito.
"Nope. I have a friend here, whose in jail." should she say, the enemy. Tsk.
"Oh." Tapos tumingin ito kay Shimon. "Is this about your sister's case?" Tumango lang si Shimon. "Oh. Okay, you can visit her and asked some question." anito at ngumiti.
"Okay. Thank you." aniya.
"Is Mr. Caleb around?" Umiling siya, disappointment show in his face. Oh. Nakalimutan niyang suki nga pala silang dalawa ni Edzel dito. Si Caleb ang parati nilang lawyer sa kabaliwan. Tapos, naalala niya na palaging nagdadala ng pagkain ang mokong na iyon. Lahat ng police pinapakain.
"Oh. Okay. I see you around." tumango siya at nauna ng maglakad sa kaniya ang pulis na kausap.
Sila naman ni Shimon ay nagkibit-balikat na lang at naglakad ulit.
Nang makita nila ang signs na visiting area. Pumasok sila do'n. Nandoon din si Rhea at nakikipag-usap sa ibang mga pulis. Chissmosa din pala ito? Tsk. Kasalanan ng babaeng yan kung bakit siya hilong-hilo kanina. She experiences something, that she never wanted to do it again.
"Rhea." sambit niya. Napalingon naman si Rhea at pati ang mga pulis sa kanila. Tumango ito at may sinabi sa mga pulis. Umalis sa kinauupuan ang pulis at sila naman ay umupo sa upuang bakal na nakadikit sa semento.
"Maghintay lang tayo dito." anito na may evil smile. Napansin iyon ni Elaiza at tumaas ang isa niyang kilay. "Anong gusto nating gawin sa kaniya?"
"Natin? Kasali ka?" Mataray niyang tanong.
"Yeap. Ako lang naman ang humuli sa babaeng iyon. Dapat lang siyang magbayad sa ginawa niya kay ate Shikaya." anito.
"Wow! Ikaw na. Pwedeng maging ikaw?" tumango naman ito.
Ilang sandali lang ay dumating na ang hinihintay nila. Si Rin. Nakayuko ito at nakapusas ito ng bakal sa kamay at paa. "Here she is. I'm so excited." anito. Grabe. Mukhang may mas sadista pa sa kaniya.
Pina-upo si Rin sa harap na upuan at nilagay nito ang mga kamay sa mesa. Naghintay si Elaiza na tumingin si Rin sa kaniya. Ilang segundo lang tumingin na ito. Kumulo na agad ang dugo niya. "Bitch." sambit nito sa kaniya.
"Me? b***h? Who's the b***h among the two of us?" sabay ngisi. "Do you like it here? Oh. Girl sorry. Pero, ibabalik ka namin sa Pilipinas at doon ka makulong kasama sina Diana." aniya na may ngisi sa labi.
"Hindi mo magagawa iyon. Isa pa, Bakit ka ba nandito sa Japan? Mahirap ka lang naman ah. Ah. Gold digger ka kasi, siguro nilimas mo na ang pera ng mga Yamamoto no?" tumingin ito kay Shimon. "Pagkatapos kay Shino sa iyo na naman siya Shimon. Hindi mo ba alam na pera lang ang habol sayo ng babaeng iyan."
Gusto niyang tumawa. "Why would I? Oh, girl. Hindi mo pa ako kilala. Pwes magpapakilala ako sayo. I'm Elaiza Hanazono Recuelles of Hanazono Group. I think you know that company, right?" aniya na may ngisi sa labi. "So, sino sa atin ang mukhang pera? Diba ikaw. Oh my bad pero, iyon ang totoo. You b***h!" aniya.
Nang hindi na makapagsalita si Rin agad niya itong sinampal ng dalawang beses. "Oh. Are you hurt? Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sa akin. Be thankful dahil nandito sila Shimon at Rhea dahil kung wala hindi lang iyan ang aabutin mo girl." aniya.
Napalingon naman si Rhea sa kaniya. "What do you mean?" pero, nakangisi siya. tsk. "Oh. I think I know. Let's go." anito at tumayo. Agad na pinatayo si Rin at sila naman ay nakasunod lang din dito. Ano kayang binabalak ng babaeng ito?
Nakita nila na pumasok si Rhea sa isang silid na medyo madilim na parte. Torture room? Oh. She's so excited.
Nang makapasok silang dalawa ni Shimon sa kwarto ay may isang ilaw do'n sa gitna.
Pina-upo ni Rhea si Rin sa may upuan sa gitna. May mesa din do'n at isa pang upuan sa harap. Umupo si Elaiza sa harap ng upuan. "Anong gagawin niyo?" tanong nito sa kanila. Nakikita ni Elaiza na natatakot si Rin. Kaya napangisi na lang siya ng wala sa oras.
"Are you scared?" tanong niya na hindi mapuknat ang ngisi.
Tiningnan siya ng masama ni Rin. " oh. Ikaw pa may ganang tumingin sa akin ng masama? Matapos mo iyong gawin sa akin!" sigaw niya sabay sampal ng malakas. Medyo namanhid ang palad niya.
"You b***h!" sigaw din ni Rin na nakahawak na ngayon sa pisngi nito.
"Yes. I am a bitch." sabay sampal na naman sa kaliwang pisngi. Nakangisi pa din siya. "Oh. My bad." sabay tingin ng masama. "Kasalanan mo iyan. Sinagad mo ang pasensiya ko girl." aniya.
"Umeepal ka kasi!" sigaw nito.
"Really? Oh..so kasalanan ko pa? Trabaho ang kailangan ko hindi pera nila." sabay tayo at nilapitan si Rin.
Ang dalawa naman ay nakatingin lang sa kanila. Walang imik ang mga ito. Agad niyang pinatayo si Rin at tinulak ito. Kaya natumba. Sinakal niya ito.
"Help." anito sa mahinang boses. All she can see is red. She needs to release her anger.
Pinatayo niya si Rin. "Ako pa. Ako pa ang may kasalanan ng lahat!" sigaw niya sabay sipa sa tiyan nito. "Wala akong ginawa sayo!" sabay sipa sa mukha nito. Nahimatay ito sa ginawa niya.
Tatapusin na niya. Akmang lalapitan na niya si Rin may isang kamay na humawak sa kaniya. Nang lumingon siya dito si Shimon at umiling ito. Huminga siya ng malalim. She need to calm herself. "Malas naman!" ani Rhea na nasa tabi na ni Rin ngayon. "Nahimatay! Dapat ako iyong una eh. Tsk. Sayang. Hindi man lang ako nakasampal." anito.
Tiningnan niya ito ng masama. Okay ka rin eh no! Mas malala ka pa sa akin. Sadista rin." aniya.
"Heh! Ikaw may kasalanan nito. Nahimatay tuloy." anito na nakanguso pa. Tinaasan niya lang ng kilay si Rhea. Binalingan nito si Rin. "Hoy! Gising!" sigaw nito.
Malakas ba siyang sumipa? Ilang sandali lang ay binuhusan ni Rhea ng tubig si Rin sa mukha. Napabalikwas tuloy ng bangon ang bruha. Tumingin ito kay Rhea ng masama. Pero, ang huli ang sinagot ay ngisi.
Tumingin din si Rin sa kaniya at kay Shimon ng masama. Ngumisi lang din siya bilang sagot. "Bwisit ka!" sigaw nito at tumayo pero, nakangiwi naman.
"Talaga? Bwisit ako? Pasalamat ka mabait pa ako sa lagay na iyan." aniya na may nanunuyang ngiti. "Gusto mo ilabas ko lahat sa'yo?" sabay lapit dito at binulungan ito sa tenga "baka gugustuhin mo ng mamatay dahil sa gagawin ko? You want to try it? I'll show how. " aniya. "Be careful b***h. If I asked you something, answer it. Okay?"
"Hindi ako baliw. Para sagotin lahat ng mga tanong mo." anito. . agad niyang sinuntok ito sa tiyan. Kaya napaigik ito sa sakit. "Bitch." sinuntok niya na naman.
"Elaiza!" sigaw ni Rhea. Agad naman na inilayo ni Rhea si Rin sa kaniya. "Do'n ka nga. Ako naman." anito. Tsk. Agad siyang lumayo dito. Pina-upo naman ni Rhea si Rin sa upuan nito kanina. "Sino ang nag-utos sayo para imbistigahan si Elaiza? I know you b***h from the start. Don't lie to me!" sabay palo ni Rhea sa mesa.
Napa-igtad naman si Rin at Elaiza. "None." anito. Sinampal siya ni Rhea sa mukha. Ouch! Masakit iyon.
"Really? Ako pa ba ang pagsisinungalingan mo? Agent ako, at marunong din ako mag-imbistiga at kumilatis ng tao." anito sa mahinang boses pero. Alam niyang galit ito.
Tiningnan lang ni Elaiza sina Rhea at Rin ng walang emosiyon. Nasa kiliran niya si Shimon na nanunood lang din dito. "Tan. Si Mr. Tan." sagot nito. "Ang kalabang kompanya nila Shino." sagot nito.
Tama. Naalala niya dati na nagnakaw si Rin ng mga files. Ito siguro iyon. Napalingon siya kay Shimon na ngayon ay galit na galit na ang mukha. "Bakit mo binundol si ate Shikaya?"
"Dahil nalaman niya ang totoo. Kaya ginawa ko iyon." Mas lalong dumilim ang mukha ni Rhea at agad niyang hinablot ang buhok ni Rin at pinukpok ito sa mesa.
"Walang yaka! Gusto mong mandamay ng iba! Gaga ka pala eh." anito sabay pokpok. Si Shimon naman ay nakakuyom na ang mga kamay.
Gusto niyang pigilan si Rhea pero, wala siyang magagawa. "Walang kasalanan sila sayo, pero, anong ginawa mo!" sigaw nito.
Bahala siya diyan. Kasalanan naman ni Rin eh. Duh!