CHAPTER 37

2688 Words
"Hoy! Tama na yan." pigil ni Shimon dito. Pero, si Elaiza, nakatayo lamang at pinapanood  pa din si Rin na pinopokpok  ni Rhea. Panigurado. Magkaka-amnesia  iyan. Pero, dahil matigas  naman ang ulo niyan pati pagmumukha  hindi mangyayari iyon. Duguan na si Rin. Nilapitan ni Shimon si Rhea at inilayo ito kay Rin "Ano ba! Hindi pa ako tapos!" sigaw ni Rhea kay Shimon. Pero, niyakap ni Shimon ito ng mahigpit sa likod  at lumabas na ang mga ito ng torture room. Kaya silang dalawa na lang ang naiwan. Tiningnan niya si Rin na walang emosiyon. Lumapit siya dito at kumuha siya ng tubig sa balde at binuhos  niya sa ulo ng dalaga.  Napatingala  ito sa kaniya at tiningnan siya na gamit ang isang mata. Ang isang matang nakapikit at ang isa ay nakabuka.  Puro dugo ang tumatagas  dito galing sa ulo. "So, how's the feeling?" tanong niya. "Please. Tama na. Please." anito sa mahinang boses. "Please? Kailan ka pa humingi ng pakiusap? Oh. Now? Okay. Hindi na kita bubogbogin. Answer my question first or else you meet my fist." Tumango ito. "Good." Huminga siya ng malalim. "Anong kailangan ni Tan?" "Pababagsakin niya ang lahat ng kompanya. Lalong-lalo na ang Yamamoto group of company pati na din ang Aquino Corporation." sagot nito. "Wait. Malalaking kompanya iyan sa Pilipinas. Bakit naman niya naisip iyon?" "Dahil sagabal  sila sa lahat ng negosiyo niya." anito. "Oh. Well. Kahit sinuhulan  ka niya hindi niya pa din mapapatumba  ang Yamamoto at Aquino. Kahit anong gawin niya. Malas lang  niya." aniya. Hindi pansin ni Rin na naka-record  ang mga pinag-uusapan  nila. Ngumiti lang siya dito. "Nasagot ko na lahat. Ilabas mo na ako dito." anito sa mahina pa ding boses. "Okay. Wait here. Ilalabas  ka namin dito at makakauwi ka pa ng Pilipinas." aniya. Nakita niya ang takot sa mukha ni Rin ng sinabi niya ang salitang Pilipinas. Bakit? Ayaw ba nito sa Pilipinas? "Please. Kahit dito na lang ako makulong sa Japan. Huwag mo lang akong iuwi  sa Pilipinas. Hindi ako tatakas. Huwag lang akong makabalik sa lugar na iyon." anito na takot na takot. Kumunot naman ang noo niya. Napuno  ito ng pagtataka. "Hindi pwede. Naproseso  na namin ang lahat para makabalik ka ng Pilipinas. Kahit na hindi ka namin pabalikin, iapapa-  deport ka pa din ng mga taga dito dahil TNT ka. Isa pa, may kasalanan ka din." aniya na wala ng emosiyon. Hindi siya papayag na mananatili si Rin sa Japan. Hindi nila ito hawak. Kailangan na magsama  ito at ang mga pinsan niya. At may banta pa sa kompanya niya. Sisiguraduhin niyang mananagot  din ang Mr. Tan na iyon. "Please. Nagmamakaawa ako. Dito niyo na lang po ako ikulong. Please. Hindi talaga ako tatakas. Huwag niyo lang akong pabalikin sa Pilipinas." "Nope." aniya at tumayo. Iniwanan niya si Rin sa loob ng torture room. Kailangan niyang mahanap sina Rhea at Shimon. Pero, dahil mabait naman siya konti at may konsensiya  din siya kahit papaano. Kailangan na gamotin ang mga sugat sa ulo ni Rin na si Rhea ang may gawa. Ang ginawa lang naman niya ay sampalin, suntukin at sipain ang dalaga. Naiisip pa lang nga niya ang ipokpok  ang ulo ni Rin sa pader hindi sa mesa. Kaya lang, naunahan  siya ni Rhea kaya hindi na lang niya tinuloy. May nauna na eh. Nang may makita siyang pulis na naglalakad. Tinawag niya ito. Kilala niya ito eh. "Tadashi-kun." sambit niya sa apiliyedo  nito. Napalingon naman ito sa kanya at kumaway. Nilapitan niya ito dahil huminto naman kasi sa paglalakad ang lalaki. "Can you help me?" tumango ito. "Arigato." sabay yuko ng konti at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Tinuro niya ang torture room at nanlaki ang mata nito. "No way." anito sa kaniya. "Is Rhea-san, tortured again someone?" tumango siya. "She did it again?" Kibit-balikat lang sagot niya. Malay ba niya. Akala nga niya eh, mahirap lang ito at nagtatrabaho sa hotel. Iyon pala, sa kanila ang hotel. Tapos, malalaman  niya na agent ito and car racer pa. Nang mailabas nila si Rin sa torture room. Hindi na siya nagdalawang  isip na manghiram  ng first aid kit. Agad naman siyang binigyan ng mga pulis. Pinahiga si Rin sa mesa ng visiting area. Alangan naman sa magarang kwarto ano siya, sinuswerte. "Please. Huwag niyo na po akong ipapadala  sa Pilipinas. Kahit habang buhay po akong makulong dito. Ayos lang po sa akin. Huwag niyo lang akong dalhin sa Pilipinas." anito. Nilinisan  ni Elaiza ang mga sugat sa ulo ni Rin. Galit pa din siya dito pero, kailangan nitong pagbayaran  ang lahat ng ginawa nito sa kanila at sa pamilya Yamamoto. Hindi biro ang ginawa nito. "Alam mo. Galit pa din ako sa'yo.  Gusto na nga kitang patayin eh, but, I restrained myself to kill  you. Dahil hindi iyon tama. Dapat kang magbayad sa batas sa lahat ng ginawa mo sa amin, sa Yamamoto at Aquino. Kaya pala excited si Rhea na patayin ka. Sinali mo pala ang pamilya nila. Mabuti nga buhay ka pa. Baka tinuluyan  ka na din no'n." Prangka  niyang sabi dito  at diniinan ang paglagay  ng gamot sa ulo ni Rin. Napangiwi  naman ang dalaga sa ginawa nito. Pero, siya, walang pakialam. Tsk. Bakit ba siya naaawa sa  babaeng sugatan? Anong meron ito? Lumalambot  na naman ang puso niya. Hindi pwede, may kalaban pa sa paligid na handang sumira  sa kanila. Hindi lang siya ang maaapektuhan  kapag hindi nasugpo  ang mga kalabang iyon. Ang pamilya niya, ang mga kaibigan niya at lahat ng empleyada at empleyado  niya. Mawawalan  ng trabaho ang mga iyon. Kaya sa lalong madaling panahon, kailangan niyang mahanap at patigilin  ang lahat ng balak ng taong iyon sa kanila. Dahil lahat maaapektuhan. Hindi siya papayag sa ganoon. p*****n  kung p*****n  ang labanan. Hindi siya papatalo  dahil nakasalalay sa kaniya lahat ng responsibilidad. Lalo na ang kompanya ng Yamamoto. "Aray." anito sa kaniya. Napakurap-kurap siya. Napatingin siya kay Rin. Mukhang malalim ang iniisip niya hindi niya alam na may ginagamot  siyang tao. Pero, hindi siya humingi ng  sorry dito. Tsk. Aalis na sana siya pero, tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumawag agad niyang sinagot ito. "Hello." aniya. "Where are you? Are you alright?" tanong ng kuya Harold niya sa kabilang linya. "Opo kuya. I'm  fine. Don't worry about me, okay? Uuwi na po ako. Diyan po ako kakain ng dinner." aniya. "Hay. Akala ko napano  kana. Alam mo bang galit na Otosan at okaasan dito? Nag-aalala na sila sayo." anito na may pag-aalala sa boses. "I'm fine, kuya. Uuwi din ako diyan at kasama ko sina Rhea at Shimon. Isa pa, alam naman ni kuya Harry ah, kung saan kami pupunta? Hindi ba sinabi sayo?" aniya. "Kambal!" sigaw ni Harold sa kabilang linya at napangiwi  sa boses nito. Kaya inilayo niya ang cellphone sa tenga. Nang medyo humupa na ay binalik niya na sa tenga. Nakarinig  siya ng mga yabag ng paa na nagtatakbuhan. Parang mga bata pa din. Napangiti na lang siya. Hindi na mag-aalala ang mga ito sa kaniya. "Kuya." sambit niya. Narinig kaya nito? Bahala na nga, tapos agad niyang pinatay ang cellphone at binalik sa bulsa. Hinarap niya ang ibang pulis na nandoon. Narinig din niyang umubo  si Rin. Tsk. "Return her in the jail." utos niya sa mga ito. Napailing na lang ang mga ito sa kaniya. Kumunot ang noo niya pero, ginawa naman nito ang inutos  niya. Tsk. Pinapatagal  pa eh. "Please. Huwag niyo akong ibalik  sa Pilipinas." sabi pa din nito sa kaniya habang akay-akay  ng mga pulis. May seki ( cough) pa siya. Tsk. Hindi siya ang may kasalanan. Baka may zensoku ( asthma) na talaga si Rin dati pa. Tsk. Pakialam ba niya dito. Baka nga may netsu (fever) na ito. Paano niya naman malalaman eh? Hindi naman siya isya (doctor). Kung may ubo nga ito ede, painumin  nila ng kousei busshitsu  (antibiotics). Ang dali lang naman. Bakit ba ang dami niyang alam? Dahil may sakit ang nanay niya noon? Or dahil may arerugii (allergy) ang boyfriend niya? Ano nga ba? Bahala na nga. Dinala niya ang kyuukyuu youhin (first aid  kit) at lumabas na siya ng visiting area. Mababaliw siya sa araw na ito. Ang daming nangyari. Nang nasa labas na siya ay nakita niya ang mag Best friend na nag-uusap. Umiiyak si Rhea? Ang palaban na si Rhea Aquino? Akala niya hindi ito marunong umiyak. Napaka-astig kasi ng dalaga. Tao lang din naman ito. May puso na katulad niya. Huminto siya saglit at pinakinggan ang pinag-uusapan  ng dalawa. "Nang dahil sa Tan na iyon. Namatay ang nakakabata kong kapatid." anito. Hinahagod naman ni Shimon ang likod nito. Hindi din naman napansin ng dalawa na nasa likuran siya. Nagulat siya at lumaki ang mata. Tan? Iyong kalaban din nila ngayon sa kompanya? Totoo ba ito?  Kaya pala galit na galit ito. Naglakad na siya ulit ng walang ingay. Kailangan niyang malaman lahat ng tungkol sa Tan na iyon. Hindi din siya papayag na may madamay sa pamilya niya. Magkamatayan na. Mga gahaman  kasi ang mga hinayupak. Hindi makontento  kung anong meron sila. Nang nasa harap na siya ng mga mesa ng pulis ay agad niyang binagsak  ang first aid kit na dala niya. Napatayo tuloy ang tao ba nagsusulat. "Elaiza-san!" sigaw nito. Napatingin siya dito at ngumiti. "Gomenasai. Tadashi-kun." aniya dito na may paawa  pa na mga mata. Huminga ng malalim ito at ngumiti na lang din. "Kanojyo  wa  imasuka? (Do you have a girlfriend?)" tanong niya dito. Umupo ito ulit at siya naman ay umupo sa harap na upuan. Hinarap niya ang pulis.  "Hai.  Kanojyo  ga imasu. (yes. I have a girlfriend.)" sagot nito sa kaniya.  "Naze? (Why?)" Umiling siya. Tumango ito. "Kareshi  wa imasuka? (do you have a boyfriend?)" tumango siya sa tanong nito. "Hontou  ni? (Really?)" Ganoon na ba siya kapangit  upang hindi siya magkaroon ng boyfriend? Kasi sa tanong nito parang hindi makapaniwala na may boyfriend siya. "Hai.(yes)" "dare desuka? (Who?)" "Yamamoto Shino-kun." sagot niya. "Ang tagal naman ng dalawa." aniya. Nganga lang ang sinagot ni Tadashi-kun sa kaniya. "Hey!" sigaw niya. Natulala na kasi ito. Problema nito? "Daijyobu desu ka? (Are you alright?)" tumango ito sa tanong niya. Napapapikit  na ito. "Hontou  desu ka? (Are you sure.)" "Hai. (yes)" "Okay." tumango siya at ngumiti dito ng pagkatamis-tamis. "Anata  wa  totemo utsukushii desu. (you are so very beautiful)" anito. "Arigato Gozaimasu (thank you) " tapos hindi pa din nawawala ang ngiti niya. Ngayon lang ba nito alam na maganda siya? Ay. Ang sakit. Huminga siya ng malalim. Si Tadashi-kun naman ay ayon, pinagpatuloy ang ginagawa pero, may panaka-nakang  tumingin sa kaniya. Naiilang  na tuloy siya. Maganda kasi daw siya. Tiningnan niya ang relo na pambisig  ay nakita niyang alas singko na. Kumain ba siya kanina?  Gutom na siya. "Yamamoto Shino-kun." anito na may mahinang boses. Napalingon agad siya kay Tadashi-kun. "Nan desu ka? (What?)" "Your boyfriend namae (name) Yamamoto Shino. Right?" tumango siya. "His life is at risk." napalunok  siya sa sinabi nito. "ki wo  tsukete. (Take care of yourself)" "Thank you for your warning." aniya. Kinakabahan na siya. Paano kung may mangyari nga kay Shino? Paano na siya? Magsasalita pa sana siya nang dumating na sina Rhea at Shimon. Nang tingnan niya ang mga mata ng dalaga ay pulang-pula na dito. Agad siyang tumayo at nilapitan ito. Niyakap niya si Rhea. "Alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Nandito lang ako para sayo. Pwede mo akong maging hingahan  ng lahat ng problema mo." aniya at hinahagod  ang likod nito. "Let's go. Dinner time na. Sa bahay tayo kakain." aniya. Kumalas na siya sa yakap nito. Hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. "Don't smile at me. Baka hindi na si Caleb ang magustuhan ko kundi ikaw na." "Hoy! Tumigil ka nga. Ano ka tomboy or bisexual?" tanong niya. "Kung palagi mo akong ngingitian  ng ganiyan. Baka maging bisexual na ako." anito at tumawa. Tumawa na din siya.  Alam naman niya kung sino ang gusto nito eh. Ang lawyer niyang gwapo. Kinaladkad na lang niya si Rhea para makalabas na sila ng police station. Si Shimon naman ay naiwan at nakipag-usap pa sa police na kausap niya kani-kanina lang. Nang nasa labas na sila ay nauna na siyang pumasok sa may driver seat. Tapos, si Rhea ay nasa katabi niyang upuan. Mabuti ng ganito dahil ayaw niya pang mamatay. Baka hindi na niya kayanin pa. Nagsuka na siya kanina at muntik na siyang mahimatay. Baka ngayon ay  kabaong na talaga ang naghihintay sa kanya. "So, Kumusta na kayo ni Shino?" tanong ni Rhea na nagkakabit ng seatbelt nito.  Siya naman ay katatapos lang sa pagkakabit  ng seatbelt niya. "Okay lang naman kaming dalawa." sagot niya. "Ikaw, okay ka lang ba?" tumango naman ito sa kaniya at ngumiti. "Alam mo ang ganda mo. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Caleb sayo. May ginawa ka ba sa kaniya?" "Secret." anito. Tiningnan niya ito sa mata at ang huli ay hindi makatingin sa kaniya ng deritso. "May secret ka pang nalalaman." aniya. "Pero, alam mo. Bagay kayo ng gwapo kong lawyer. May number ako niya gusto mong hingin? Ayeii." siya yata ang kinikilig sa dalawa eh. "No need." anito may ngiti sa labi tapos namumula ang dalawang pisngi. "Alam ko kung paano ihahack  ang sss niya. Isa pa, alam ko na ang number niya. Nakuha ko noong una ko siyang nakita." "Okay. Mukhang hindi na pala ako kailangan." aniya. "Ang problema. Paano ka niya papansinin  na hindi kayo nagkakasagutan?" "Hindi naman ako nababaliw sa kaniya. Naiinis na ewan. Hindi ko maintindihan." anito. Magsasalita pa sana siya. Nang pumasok na si Shimon sa passenger seat. Kaya ini-on  na niya ang ignition ng sasakyan at inabante  ang sasakyan patungo sa bahay nila. "Anong pinag-usapan  niyo ni Tadashi-kun?" tanong niya kay Shimon na nasa likuran.  Tumingin si Shimon sa rearview mirror at siya din pero, saglit lang dahil nagmamaneho siya. "Ah. Sinabi ko lang na bantayan  nila ng husto si Rin. Baka kasi makatakas na naman ang bruha na iyon." anito. "Ah. Akala ko kasi, kung ano na." aniya. Malapit na din sila sa bahay nila. "Nga pala, bakit sa bahay niyo kami kakain?" tanong ni Rhea na nakatingin sa kanya. "Dahil iyon ang gusto ko? Isa pa, sinamahan  niyo ko na kausapin  si Rin, so, siguro naman hindi niyo ko tatanggihan?" "Nope. Basta ikaw ang magluto. Sabi kasi ni Caleb. Ang sarap mo daw magluto." ani Rhea  na ngayon ay namumula na naman ang pisngi. "Rhea. Halata ka masiyado." sabi ni Shimon sa kaniya. "At least ako, alam ko na kung sino ang gusto ko. Ikaw? Alam mo ba?" tanong nito na may sinusupil na ngiti. "Tsk. Aminin mo nga sa akin. May gusto ka naman talaga kay Kisses eh. Kaya lang, snob si ateng  secretary sayo. Wapaki!" sabay tawa. "Tumahimik ka nga." anito na may malakas na boses. Pati siya nagulat sa sinabi ni Rhea. May gusto si Shimon sa secretary niya? "Maganda naman kasi siya. Anong masama do'n. Isa pa, hindi ko na siya gusto ngayon no. Nalaman ko kasi, disgrasyada  daw iyon." "Ano!?" napasigaw  tuloy siya. Dahil sa gulat ay napahinto niya ang sasakyan. Mabuti na lang ay naka seatbelt silang tatlo. "Ano ka ba!? Dahan-dahan lang!" sigaw ni Rhea sa kaniya. "Sorry." humingi lang siya ng tawad dito. "Paano na kami ni Caleb kapag namatay ako." anito na nakanguso pa. Gusto niya tuloy matawa. Nang bigla itong binatukan ni Shimon. "Aray!" napasigaw  tuloy ito. "Ano ba!?" sabay lingon kay Shimon. Siya naman ay nakatingin lang din sa dalawa. Namiss niya tuloy ang Best friend niya. Siyempre pati na din ang boyfriend niya. Kumain na kaya sila? "Ang OA mo kasi." anito. "Okay lang maging OA." sabay ngisi nito. Nang biglang sumeryoso  ang mukha nito. "Or gusto mong maging wild ako?" tanong nito. Lumaki tuloy ang mata niya. Ang bilis magpalit ng emosiyon ni Rhea. Halos isang segundo lamang ang pagitan. "Hoy. Best friend mo ako, kaya kilala kita. From head to toe." ani Shimon dito. Hindi na lang niya pinansin ang dalawa. Nagmaneho na lang siya ulit. Baka mabaliw siya sa dalawang kasama niya.  Gutom na siya. Ang bulate kailangan na ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD