Nasa hospital na sina Harold at Elaiza. Nasa private room na ang pamangkin niya at natutulog ito. Ang kasama niya ay ang lolo at Lola niya pati ang Tito niya at ang dalawa pa niyang pinsan. "What happened?" Tanong niya sa kakambal ni Harold na si Harry. Ang sabi kasi ng pinsan niya sa kanya ay, nadisgrasiya. Ang itatanong niya sana, ay kung bakit nadisgrasiya ang pamangkin niya? Pero, hindi na nito nabuka ang bibig.
"Lumabas kasi iyan kanina sa mansion. Tumakas na naman at iyak ng iyak dahil miss na miss kana niya at ang papa niya." sagot ni Harry sa kanya. "Kahit ako miss na kita." ani naman nito at ngumiti.
Agad siyang tumayo at niyakap ito. "Hey. Sali kami." ani naman ni Hanrich. Ang nakakatandang kapatid ng kambal. Nagyayakapan silang apat. Pero, nakisali din si Harold so, lima na sila.
Ilang minutong yakapan. Nang biglang bumukas ang pinto. Nabigla silang lima kaya at agad na kumalas sa mga yakap ng mga pinsan at tito niya.
Tiningnan nila kung sino ang pumasok at laking gulat na lang niya kung sino ang pumasok. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito sa Japan. Akala niya kasi bumalik na ito ng Pilipinas kasabay ng kuya nito. Pero, mukhang nagkamali siya sa hinala niya. "What ate you doing here?" tanong niya dito.
Nagsialisan nanan ang mga lalaki na pinsan niya at pati ang Tito niya. "What are you doing here?" She asked him again.
Lumapit ito sa kanya at nakita niyang lumuhod ito sa harap niya. Ano siya Diyos, para luharan ng taong nasa harap niya? Hinawakan nito ang kamay niya at lumuluha ang mga mata. "I'm sorry. Hindi ko iyon sinasadya. Sorry dahil nasaktan kita sa sinabi ko." hingi nito ng tawad sa kaniya.
Tumingin lang siya sa mga mata nitong nagsisisi na sa lahat ng kasalanan. Sino ba naman siya para hindi patawarin ito? Ang Diyos nga kayang magpatawad siya pa kaya? Tumango siya at pinapapatayo ang lalaking nasa harapan at lumuluhod. "Okay na iyon. Matagal na iyon. Nakalimutan ko na iyon." aniya dito.
Agad siya nitong niyakap at wala siyang ginawa kundi yakapin na din ito.
Habang yakap nila ang isa't-isa ay, naramdaman ni Elaiza na basa na ang damit niya. Napailing na lang siya. "Sorry talaga. Sorry sa lahat ng sinabi ko sa'yo noon. Hindi ko iyon sinasadya. Sorry talaga. My cute girl." ani ni Shimon sa kaniya.
She miss that endearment. Si Shimon lang ang tumatawag sa kaniya ng Cute girl. "I'm sorry, cute girl. Sorry talaga." nako! Kung hindi lang ito kapatid ng boyfriend niya, baka nasipa na niya ito eh. Tsansing masiyado.
"Ano ka ba! Ayos lang. Kalimutan mo na iyon. Matagal na iyon. Isa pa, hindi naman ako nagtatanim ng galit sa kapwa ko. Basta huwag lang saktan ang mga mahal ko sa buhay." aniya dito.
Kumalas na siya sa yakap ni Shimon. Nilingon niya ang pamangkin na nasa hospital bed. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito.
Nilingon niya din pagkatapos si Shimon. "By the way, why are you here?" tanong niya.
Tumingin naman sa kaniya ito at binaling sa pamangkin niya. "Nabalitaan ko kasi na, nadisgrasya itong makulit kong inaanak kaya dali-dali akong pumunta dito." anito.
Umupo siya si Elaiza sa hospital bed. Hawak niya pa din ang kamay ng bata. May mga pasa ito sa siko at sa mukha. Hindi naman malala sabi ng doctor nito. "Auntie." sambit nito habang natutulog. "I miss you, auntie. Where are you?" tanong nito sa kaniya.
Napatulo na lang ang luha niya. Hinalikan ni Elaiza ang kamay ng pamangkin. "Baby. Tita is here. Wake up." sambit niya habang nanginginig na ang boses niya.."wake up baby. I'm so sorry. Tita left you. Tita is back na. Wake up." sambit niya.
Hinahagod naman ni Shimon ang kaniyang likod. Wala na siyang pakialam kung nakikita ng kapatid ng nobyo niya na umiiyak siya. Wala siyang pakialam kung hindi na siya cute sa paningin nito. Kanina pa siya gustong umiyak pero, pinigilan niya lang dahil makikita siya ng kaniyang mga pinsan at Lola , lolo at pati na din ng Tito niya.
Pero, ngayong wala na ito sa tabi niya at sila lang ni Shimon at ang pamangkin niyang tulog pa din hanggang ngayon. Hindi na niya kaya. Kaya nailabas na niya ang sakit.
Ang sakit para sa kaniya na makita ang pamangkin na may mga galos sa katawan. May pasa sa mukha at mabuti na lang ay wala itong bali. Motor lang kasi ang nakabangga dito.
Hindi niya kakayanin kapag nawala ang pamangkin niya. Mahalaga ito sa kaniya dahil nag-iisa lang niya itong pamangkin. Wala siyang kapatid at ama. Only her mother, mabuti nga nandiyan ang mga pinsan niya pati ang Tito niya at ang mga lolo at Lola niya. Siyempre kasali do'n ang Best friend niya at ang Gwapo niyang lawyer.
Mahal niya mag mga iyon. Mababaliw siguro siya kapag isa sa kanila ang nawala. Baka sumunod siya dito eh. Pinunasan niya ang mga mata niya na ngayon ay pulang-pula na. Dahil sa kakaiyak.
"Okay lang 'yan. Ilabas mo lahat. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." ani ni Shimon na ngayon ay hinahagod pa din ang likod niya. "Ako nga may kasalanan sa'yo. I'm sorry."
"Wala 'yon." aniya at hinalikan naman ang kamay ng pamangkin.
Tulog pa din ito. She miss this kid that much.
Samantala.
Sa opisina ni Elaiza. Ngisi ng ngisi si Edzel dahil napaalis niya ang co-owner ng best friend niya. Hindi ba nito alam na siya muna ang mamamahala? Alam naman ng secretary nito ah?
Tinawagan niya sa intercom ang secretary ni Elaiza. "Pumunta ka dito sa opisina ko. Now."
"Yes sir." sagot nito.
Ilang sandali pa ay pumasok na sa opisina niya ang temporary secretary. Tiningnan niya ito. Mula ulo hanggang paa. Maganda ito pero, mas maganda talaga ang best friend niya. Para sa kanya.
Maganda ito, matangkad at makinis ang balat. "Nasabi mo na ba kay Shino na hindi na ito ang opisina niya?" Umiling ito.
"Sorry, sir Tanaka. Sasabihin ko naman talaga sa kaniya kaya lang, nagmamadali siya eh." Anito sa kanya. Huminga tuloy siya ng malalim. Kaya naman pala. "Tinatawagan po kasi siya ni ma'am Elaiza kanina pero, hindi daw po siya makontak." dagdag nito.
Tumango lang siya. Bakit kaya hindi siya makontak nito? "Where is he now?" tanong niya.
"Nasa twenty first floor po, sir Tanaka. May vacant office po do'n. Nakikita ko po sa mukha niya na galit na galit po siya." anito na parang takot.
"Pabayaan mo siya. Sa totoo lang, hindi na naman talaga ito office. Kay Elaiza na ito." tumango lang ito.
Tiningnan niya ang nameplate nito. Kisses. Nice name. Kaya lang, bakit parang may kilala siyang Kisses dati? Hindi niya lang maalala. "Do I know you?" tanong niya dito.
Ngumiti lang ito sa kaniya. "Yes. Sir." sagot nito. Kumunot ang noo niya.
"How?" tanong niya.
"Secret." Anito na may sinusupil na mga ngiti sa labi. "May kailangan ka pa po ba sir? Iyan lang po lahat ang kailangan ng perma mo po. Don't worry, miss Elaiza knows you well. She know that you can handle her company while she's in Japan." anito sa kaniya.
Tumango na lang siya. "Sige po. Kung wala na po kayong itatanong or ihahabilin sa akin. Pwede na po ba akong umalis?" tanong nito.
"Okay. Leave." aniya at yumuko ng konti ang secretary niya. Niya kasi, siya muna ang maghahandle ang kompanya ng Best friend niya. May sarili naman siyang kompanya ah. Bakit nandito siya sa kompanya na hindi naman sa kaniya. Pambihira!
Bakit ba siya pumayag sa sinabi ng Best friend niya? Dahil hindi niya matiis? Hay nako.
Ilang minuto ang lumipas ay tumunog ang cellphone niya. Nang tiningnan niya ang call register ay ang number ng best friend niya. Ang number na ginagamit nito kapag nasa Japan.
"Hello best." sagot niya dito.
"Hello. Nandiyan na ba si Shino best?" tanong nito.
"Oo." sagot niya. "Pero, nasa twenty first floor siya ngayon eh. May vacant office kasi do'n." aniya. Sinabi na niya baka ano na naman sabihin ng taong iyon sa Best friend niya. Akala naman nito na kinakawawa ko ang nobyo niyo. Tsk.
"Ah. Ganoon ba? Okay. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya. Out of coverage pa din ang cellphone. Humanda sa akin ang mokong na iyon." ani ni Elaiza na seryoso ang boses. "So, Kumusta?"
"Ako ba ang tinatanong mo or ang kompanya mo?" tanong niya dito. "Ayos lang naman ako. Ang kompanya mo, ayos pa naman sa ngayon. Don't worry. Binabasa ko nga ng maayos ang mga documents na kailangan ng perma at maglalabas ng pera. Don't worry, sent ko sayo sa e-mail mo iyong mga napermahan ko at denied ko." aniya dito.
"Thank you, Best!" sigaw nito sa kabilang linya. Napangiwi tuloy siya sa boses nito pero, may ngiti sa mga labi niya. "Kaya nga love kita eh." anito.
"Love din kita. So, sige na mamaya ulit. Mahal ang tawag." aniya dito.
"Heh! Nagiging kuripot ka na din. Huwag kang tumulad kay Caleb uy! Kuripot iyon! Sige na. Bye. Asikasuhin ko muna sila. Bye. Ingat ka diyan. okay?" Tapos, binabaan na siya ng tawag.
He miss his Best friend. Ang mga ngiti nito, ang tawa at ang walang hanggang kakulitan.
Tinawagan ni Shino ang telephone ng kanilang bahay. Kanina pa siya hindi mapakali dahil, hindi man lang siya sinabihan ng kaniyang girlfriend tungkol kay Edzel. Hindi siya galit dito. Ayaw niyang magalit dahil baka kanina pa siya tinatawagan at hindi man lang matawagan ang cellphone niya.
Baka nga tinawagan na noon telephone ng bahay nila. "Hello po. Yamamoto residence." ani ng nasa kabilang linya.
"Manang. Thank you. Please, pakikuha ng cellphone ko po sa kwarto ko." aniya.
"Sir Shino? Diba po, bawal kami do'n?" anito. Napatampal na lang siya sa noo.
"Yes it's me. Please. Naka-charge kasi iyon. Tapos, dalhin mo dito sa opisina. Okay?"
"Yes sir." anito at binaba na ang telephone. Wow. Siya pa ang binabaan ng telephone. Pero, wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay ang cellphone niya.
Ini-open niya ang laptop niya. Tiningnan niya kung online ba ang girlfriend pero, hindi ito online. Kaya bagsak ang mga balikat niya. Nasaan na ba ang girlfriend niya? Lagot talaga ito sa kaniya.
Dumating ang kaniyang temporary secretary. Yes. Temporary secretary dahil ang kaniyang secretary ay na kay Edzel. Paano kaya kung magkatuluyan ang dalawang iyon?
"Yes?" tanong niya.
"Sir. You need to sign all of this." sabay lagay nito sa mesa niya.
Napatingin siya sa kaniyang temporary secretary. "Seriously?" tumango ito.
"Yes sir. Kay sir. Tanaka po. He's done reading and signing all those papers he need to sign." anito. "You need anything sir?" tanong nito. Napailing siya. "Okay." tapos tumalikod na ito at umalis.
Napatingin siya ulit sa mesa. Ang daming documents. Tapos, ang haba pa. Mababaliw siya kakabasa nito. Wala din siyang tawag na natanggap mula sa girlfriend. He need his girlfriend, para naman maingganyo siyang basahin lahat ng nasa mesa.
Si Elaiza kasi iyong tipong binabasa ng maige ang bawat detail ng documents. Mabilis din itong magbasa. Konti lang din ang penepermahan nito at iyong iba, denied lahat.
He miss his girlfriend. Kumusta na kaya ito? Kumain na kaya? Ang mga labi nito na palaging laman ng isip niya. f**k! He's horny!
Napapikit na lang siya at niwala sa isip niya si Elaiza. Baka mabaliw siya eh.
Inis na inis na si Elaiza dahil kanina pa siya tawag ng tawag kay Shino. Hindi man lang ito makontak. Nag-aalala na din siya pero, sabi ng best friend niya nasa opisina daw ito. Tsk.
Nasa hospital pa din sila at kasama nila ngayon si Shimon dito. Nag-usap na sila, hindi na siya galit dito. Namiss nga niya si Shimon eh. Ang mg tawa nito. Kaya lang, hindi na ito kagaya dati kung tumawa.
Parang may pait. Anong nangyari dito?
"What happened to you?" tanong niya dito.
Tumingin naman ito sa kaniya. "I miss my Best friend." anito.
"Sino naman? Si Harold?" tanong niya. Si Harold lang naman ang kilala niyang Best friend nito eh.
"Nope. Si Rhea." sagot nito.
"Sinong Rhea?" tanong niya.
"Rhea Aquino." sagot nito.
Tumango lang siya. Bakit niya ba tinatanong? Hindi naman niya kilala ang taong iyon. Marami na sila sa hospital suite .
Napatingin siya kay Harold na nasa harap ng kama ng anak nito. Kalaro nito ang pamangkin niya. Napangiti na lang siya ng makitang tumatawa ang pamangkin at kumakain ng durian Candy.
Nagalit pa ito sa papa niya kasi, konti lang daw binili nila. Dapat daw maraming - marami dahil bibigyan niya daw ang mga kaklase niya. Napailing na lang siya. Mas inuuna pa nito ang mga kaklase kesa sa sarili nito.
Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang bisitang hindi niya inaasahan. Napatingin lahat sa may pinto. Napatayo siya sa kinauupuan. Kilala niya ang babaeng ito ah. Anong ginagawa nito dito?
Napanganga lang siya na nakatingin sa babae. "Rhea." sambit ng pinsan niyang si Harold.
Napalingon naman siya sa pinsan niya at tinikom niya agad ang kaniyang baba. "Siya si Rhea Aquino. Ninang ng pamangkin mo." ani ni Shimon sa kaniya.
Sinundan niya lang ng tingin ang nagngangalang Rhea. Lumapit ito sa hospital bed. "Ninang." sambit ng pamangkin niya. Tumayo naman ang pinsan niya at agad na lumapit sa kanya at inakbayan siya. "Ninang. I miss you." anito.
Napatingin siya sa pinsang nakaakbay sa kaniya. Kibit-balikat lang ang sinagot nito. "I miss you too." tapos hinalikan pa ang pamangkin niya sa noo.
Ilang minuto din nagkukulitan ang dalawa. Nang matapos ay lumingon si Rhea sa kanila. "Hi po. Long time no see." bati nito sa kanila.
Hinarap niya ito. "What are you doing here? Diba ayaw mong pumunta ng Japan?" tanong niya. "Tapos, magkakakilala pa kayo ni Harold? At hindi lang iyon. Ninang ka pa ni Shiro?"
Ngumiti lang si Rhea sa kaniya. "Ganito kasi iyan miss Elaiza. Ako po ay naatasan na maglinis ng hotel na iyon. Request po ni Harold na ako talaga." anito.
Kumunot noo niya. Hindi niya maintindihan. "Okay? Pero, bakit ka naman nandito?" tanong niya.
"Nalaman ko kasi kay Shane na nadisgrasya itong makulit kong inaanak." anito.
"Hindi po ako makulit." singit ni Shiro sa kanila.
"Shut up, Shiro!" ani naman ng ama nito.
Hindi na din nagsalita ito. Tahimik lang din ang ina ng bata at ang iba na nasa loob ng hospital.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin Harold?" tanong niya.
"Ah. Iyon kasi ang tamang gawin. Ang manahimik na lang." ani ng pinsan niya.
"Bakit galit na galit ka kay Caleb?" tanong niya.
"Ah. Iyong mahangin na iyon na puro bagyo ang nasa katawan. Naiinis ako kasi, no'ng time na nakulong si Edzel. Si Caleb naman talaga ang lawyer niya. Ang hangin niya po do'n." anito.
"Nakulong si Edzel? Ah. Alam ko na, iyan ba iyong time na si Caleb ang kumausap sa babaeng pulis? Nakwento yata sa akin iyan ni Best eh." tumango naman ito.
"Opo. Iyan 'yong time na nakita ko siya na-" sabay lapit sa kaniyang tenga. "Ang gwapo niya po. Kaya lang babaero po siya. Kaya naiinis ako sa kanya." anito at dumistansiya na din ng konti. Ngumiti lang siya dito.
"Ah. Kaya pala! Pero, paano ka napunta sa Pilipinas?" tanong niya.
"Ah. Do'n po sa tinatrabahuan ko po?" tumango siya. "Sa hotel po kasi na iyon. May-ari kami no'n. Kami talaga ang nagpapatakbo no'n. Kaya lang dahil sa makulit ako at suwail sa magulang ayon, pinarurusahan nila akong maglinis sa hotel. Kaya lang, nakita ko ulit si Caleb. Naiinis na naman ako." anito.
Sabi nga nila. The more you hate, the more you love. Maganda ito. Maganda ang magiging partnership nilang dalawa ni Caleb in the future.