Kinabukasan. Maagang gumising si Elaiza. Nang lingunin niya ang mama niya sa tabi niya tulog na tulog pa din ito. Kaya agad siyang bumangon at dahan-dahan na umalis sa tabi nito.
Kailangan niyang ibalik ng umaga ang mga penermahan niyang mga documents at iyong mga denied niya. Kailangan iyon ngayon eh. Naligo siya at agad na nagbihis. Kasi, kapag matapos na niya lahat ng kailangan niya dito sa Pilipinas babalik na siya ng Japan.
Nang may kumatok at bumukas na lang ang pinto. Nang tingnan niya kung sino, ang naghahatid ng breakfast sa umaga.
Tumango lang siya dito at ngumiti. Yumuko ng konti ang lalaki at lumabas na din agad. Kailangan niyang iproseso ang mga kailanganin para maisama si Jinggo sa Japan.
Gusto niyang ampunin ang bata na iyon. Kawawa naman, wala na itong taga pag-alaga dahil pinakulong niya ang mga mag-iina.
Isa pa, wala silang hawak na ebidensiya na anak ng tita niya si Jinggo. Dahil sa pagkaka-alam niya inampon lamang nito. Pero, minamaltrato naman ng masama.
Kaya naiinis siya. Minsan nga nakikita niyang maraming pasa ito. Mabait lang ang mga pinsan niya kapag may tao. Sa totoo lang mga plastic ito. Kagaya ng mga mukha nilang sagad sa plastic surgery.
Mga labi na pula daw tsk. Ang totoo eh, pina- tattoo lang pala. Mga plastic talaga. Kagaya ng ugali nila. Sarap sapakin eh.
Nauna na siyang kumain at hindi na muna niya ginising ang mama niya. Alam naman ni Elaiza na pagod pa ito. Hindi nga malayo ang Japan. Pero, nakakapagod pa din ang biyahe.
Ilang minuto ang lumipas ay nakita na niya ang nanay niyang may magandang mata.."Ohayou." (Good morning) bati nito sa kaniya.
Nilunok muna niya ang kinain niya at uminom ng tubig. "Ohayo, okaasan." (Good morning mother) "Kumain ka na po." aniya dito.
Tumango lang ito at ngumiti sa kaniya. "Magsisipilyo lang ako." anito. Tapos nakita niya ang ina niyang tinungo ang banyo.
Isa pa, nakapag replenish na naman ng mga gamit eh. Kinukuha nga ni Elaiza iyong mga toothpaste, toothbrush, soap, shampoo at iba pang gamit sa katawan. Dahil kasali ang mga iyon sa binayaran ni Caleb kuripot.
Kumusta na kaya ang tiyan ng isang iyon? Masakit siguro pagkakasipa ng housekeeping staff doon. Ngumiti si Elaiza. Mukhang may mas brutal pa sa kaniya at ayaw nito kay Caleb.
Anong problema niya kay Caleb? Gwapo naman ito, mayaman at kung pagbabasehan hindi na siya mamomoroblema sa pera kapag naging sila. Parang ginawa naman niyang gold digger ang babae.
Hindi naman ito gold digger eh. Dahil kung gold digger ito. Baka inakit na nito si Caleb. Pero, sa nakikita niya ay hindi. Dahil sinipa pa nga nito ang tiyan ng kaibigan niya. Natatawa lang siya dahil hindi na maitsura ang mukha ni Caleb kahapon.
Isa pa, kapag naproseso na nila lahat. Kailangan na nilang mahanap or mapakulong si Rin sa lalong madaling panahon.
Ang problema ay, kung sasama ba sa kanila si Jinggo? Kapag hindi nila nasama okay lang, ang bata na lang ang maging kasama ng lolo niya. Kumusta na kaya ang lolo niya?
"Couz!" sambit ni Harold na nasa labas ng kwarto niya. Agad niya itong binuksan. "Si auntie gising na ba?" tanong ni Harold sa kaniya.
Tumango lang siya at tinuro ang banyo. "Okay." anito at pumasok na sa suite nila. Mukhang tulog pa ang dalawang boys ah.
Nagkaayos na din sila ni Edzel. Okay na din na iyon kesa naman umasa pa ang Kaibigan niya sa kaniya. Hindi niya kayang nasasaktan ito dahil lang sa may relasiyon sila ni Shino.
Mahal niya ang best friend niya pero, bilang Kaibigan na lang ngayon. Nagbago na ang lahat. Mahirap ng ibalik ang dati. Iba na ang nagpapatibok ng puso niya ngayon.
Pero, alam ni Elaiza na may darating para sa kaibigan niya. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para dito. Nasisiguro niya iyon. Ayaw naman niyang ipilit ang sarili na mahalin ulit ang kaibigan. Hindi patas iyon dito.
Ayaw din niyang lokohin ang sarili. Dahil alam ng puso niya kung sino ang tinitibok nito ngayon.
"Kain na tayo Couz." yaya niya sa pinsan niya. Kanina pa kasi ito tulala at nakatingin sa cellphone. Medyo namutla din ito. "What happened?" tanong niya.
Huminga muna ito ng malalim. "I need to go back to Japan now." anito sa kaniya. Naguluhan siya. "Nadisgrasiya ang pamangkin mo." nang marinig niya ang sinabi ng pinsan niya.
Nanlamig ang buong katawan niya. Hindi! No! "H-hindi iyan totoo d-diba?" utal niyang tanong.
"Ito nga, kakatext lang ng asawa ko." anito sa kaniya.
Napaupo siya sa kinatatayuan niya. Hindi pwede!
Kakalabas lang ng mama niya galing banyo. "Auntie." sambit ng pinsan niya.
"Oh. Hai. What's with the face?" tanong ng mama niya.
Tumayo ang pinsan niya at agad na niyakap ang mama niya.
Umiyak ang pinsan niya. Agad siyang tumayo kahit nanginginig pa ang mga tuhod niya at namamawis din siya dahil nararamdaman na kaba na hindi niya maintindihan. Kinakabahan siya baka malala ang sinapit ng pamangkin niya. Nag-aalala siya para sa pamangkin.
Agad niyang niyakap din ito. "Auntie."
"What happened?" tanong nito. Hindi kasi makasagot ang pinsan niya.
"Si pamangkin nay. Nadisgrasiya." aniya dito. Namutla ang nanay niya sa sinabi niya.
"Auntie. Auntie." Tawag ng pinsan niya dito hanggang sa nawalan ng malay ang nanay niya.
"Nay!" sigaw niya.
Agad naman na binuhat ng pinsan niya ang nanay niya patungo sa kama. Siya naman ini-off ang air-conditioning at agad na binuksan ang mga bintana. Hindi na niya alam kung ano ang uunahin. "Couz. Calm down." pagpapahinahon sa kaniya.
Natataranta na kasi siya. Huminga siya ng malalim at tinungo ang ref ng hotel suite niya at kumuha ng tubig. Pinapaypayan naman ni Harold ang nanay niya. "Auntie. Wake up." Sambit ni Harold dito.
Nang maibigay niya ang tubig kay Harold ay medyo nanginginig pa rin siya. "Call Caleb and Edzel." utos sa kaniya.
Tumango siya at tumakbo patungo sa kabilang suite. Nang makarating do'n hindi na siya nagdalawang isip. Binuksan na niya ang pinto at nagtungo agad sa kama ng dalawa. Nakita niya ang dalawa na naghihilik pa at walang damit pang-itaas. Pero, wala siyang pakialam sa mga ito.
"Gising!" sigaw niya.
Agad naman napabalikwas ng bangon ang dalawa. Naglingunan pa ang mga ito at parang natataranta din. "Gising na kayo. May sasabihin si kuya Harold. Bilis!" sigaw niya sa mga ito. "Twenty second lang. Dapat nasa kwarto na kayong dalawa." aniya at lumabas na ng suite ng mga ito.
Bumalik na siya sa suite nila. Nang buksan niya ay dali-daling siyang pumunta sa kama. Nakita naman niyang gising na ang nanay niya kaya tumakbo na siya at niyakap ito. "I'm fine. Nabigla lang ako sa sinabi ng pinsan mo. So, we need to go back to Japan."
"Nay. Paano ang bakasiyon mo dito? Paano si Lolo? Miss na miss kana no'n. Kami na lang nina kuya Harold ang babalik sa Japan. Stay here. Okay? Kakauwi mo lang kahapon dito diba? Pagod ka pa sa biyahe. Kami na ang bahala sa lahat. Don't worry kapag okay na, dadalhin namin siya dito." aniya at hinalikan ang nanay niya sa pisngi.
Kakapasok lang din ng mga ungas. "What happened?" tanong ni Edzel.
"Naaksidente si pamangkin. Hindi namin alam kung malala ba or hindi." sagot niya sa Kaibigan. "By the way. Babalik kami ni kuya Harold sa Japan at kayo muna ang bahala kay nanay. Maaasahan ko ba kayo?" tanong niya.
Tiningnan niya ang mga ito at ngumiti. "Oo naman." Sabay sagot pa ng dalawa.
"Thank you. Nga pala Caleb. Pwede ba kayong bumalik sa barrio dahil may ipapasuyo ako sa inyong dalawa. Dahil wala ako dito, kayo muna ang bahala kay lolo. Isa pa pupunta si nanay doon. Tapos, mag-extend na kayo dito sa hotel. Ako na ang magbabayad okay?" Tumango ang mga ito.
Lumapit sina Caleb at Edzel sa kaniya at niyakap siya. Si Harold naman ay niyakap na din nila. Nagreklamo agad ang nanay niya dahil naiipit na ito.
"Sorry nay." aniya at ilang segundo lang ay nakisali na din ito sa yakap nilang apat. Pero, isang minuto din ang nakalipas ay kumalas na sila. "Tatawagan ko muna ang temporary secretary ko dito na magpapa-book ako ng ticket." aniya.
Kinuha na niya din agad ang cellphone tapos, agad niyang dinayal ang number sa opisina. "Hello." sagot niya. "Si Elaiza ito. Pwede mo ba akong i-Book ng dalawang ticket. Philippines to Japan. ASAP." aniya.
"Yes ma'am." anito at narinig niya sa kabilang linya ang pagtipa ng keyboard. Ilang saglit lang ay nagsalita agad ang secretary niya. "May available po na oras ma'am. Nine o'clock. Iyan na po ang pinakamaaga."
"Yes please. Pakibilisan lang." aniya. "Ang isang name under Harold Hanazono." sagot niya dito.
"Okay po." anito at nagtipa na naman. "Yan lang po ba?"
Tiningnan niya ang pinsan niyang si Harold. "Wait." aniya sa kabilang linya at tinakpan ang mouthpiece. "Bibili ba tayo ng pasalubong? Magpapabili ako." tanong niya sa pinsan niya.
"Oo nga pala. Mangga iyong hinog na hinog at hindi dilaw ang laman. Kundi may pagka- red orange." anito sa kaniya.
Nakalimutan niya ang tawag sa mangga na iyon. Sa dami ng mangga hindi niya alam ang mga pangalan. "Ano pa? Iyan ba iyong green ang balat tapos iyong laman ang red orange ang kulay?" tumango naman ito. "Durian candy? Alam ko paborito niya iyon eh." aniya na ang tinutukoy ay ang pamangkin.
"Tama." anito. "Iyan lang siguro. Damihan lang natin, wala naman chocolate. Ay oo nga pala. Pabili ka din ang chocolate na ang brand ay tango with almond." anito. Tumango lang siya.
Kinuha na niya ang kamay niya sa mouthpiece. "Bilhan mo din kami ng mangga na green ang balat pero, red orange ang laman no'n. Sampung kilo. Tapos, chocolate na ang name ay Tango with almonds. Bilhin mo lahat ng stock nila. Tapos, isa pa. Lahat ng stock ng durian Candy. Okay ba?" tanong niya dito.
"Okay po. Sige po. Bibilisan ko na." anito.
"Okay. Dadaan kami mamaya diyan dahil ibibigay ko din iyong mga napermahan ko na. Thank you and ingat ka." tapos binabaan na niya ng phone.
"Nga pala Caleb." Sabay tingin niya dito. "Process the papers para maging legal na ang pag-ampon ko kay Jinggo." tumango naman ang lawyer niya.
"Best." si Edzel naman ng binalingan niya. "Accompany nanay for me. Please." tumango naman ito. "Pati na din ang company. Don't worry hindi sila nangangain ng tao do'n." aniya na may sinusupil na ngiti.
Baka kapag nakita nito ang secretary niyang maganda at mabait pa baka gugustuhin na nitong tumira sa company niya.
"Thank you. Kaya love ko kayong dalawa eh." Aniya at matamis na ngumiti. "Sige na. Diyan muna kayo, mag-eempake lang ako." tapos ay tinalikuran na niya ang mga ito.
Maagang gumising si Shino para pumasok sa opisina. Kahapon pa siya nag-aalala kasi hindi pumasok si Elaiza at gustong-gusto na niya itong makita. Miss na miss na niya ito. Anong ginagawa nito ngayon?
Miss na niya ang mga labi nito. Ang amoy nito. Lahat. Miss na miss na niya lahat. Nang matapos siya sa pag-aayos ay bumaba na siya sa dining area nila.
He's wearing an american suit. Malaki ang ngiti niya habang pababa siya sa dining area nila. Binabati niya ang mga maid nila. "Ohayo minna." aniya.
"Ohayou Shino-sama." Bati din ng mga ito sa kaniya.
"Ogenki desu ka minna?" tanong niya sa mga ito.
"Ogenki desu. Arigato Shino-sama." sagot naman ng mga ito.
Nang nasa harap na siya ng kanilang dining area. May pagkain na sa mesa. "Ohayo Shino-sama." bati ng kanilang kusinera na kakalabas lang galing sa kusina. "Mukhang good mode ka yata ngayon?" tanong nito.
Nilagyan siya ng juice sa baso. "Ako na po." aniya at siya na mismo ang naglagay ng juice sa baso niya. Malaki pa din ang ngiti niya.
Dala-dala niya ang kaniyang laptop habang pababa siya at pati na din ang kaniyang briefcase. "Ohayou." bati ng naman ng nanay niyang kababa din.
"Ohayou. Okaasan." bati niya din dito at nagsimula ng kumain.
"How are you son?" tanong ng nanay niya na umupo sa harapang upuan niya.
"I'm fine mom. How about you? Where's Otosan?" tanong niya dito pagkatapos niyang uminom ng juice.
"Ah. Nasa gym. Pupunta nga ako do'n eh." anito. "I need to exercise my body to become healthy." tumango naman siya habang ngumunguya ng pagkain. "How about you son? Dapat magrelax ka din para naman hindi ka ma-stress sa trabaho mo. You need rest too, son." tumango na lang siya.
Uminom siya at nilunok ang pagkain sa bunganga niya. "Next time, mom. May gagawin pa ako. Isa pa, 20 percent na lang ang hawak ko ngayon. Si Elaiza na ang may hawak ng pinakamalaking share sa kompanya. Alam ko naman na kukulitin niya ako. Kaya binentahan ko na lang siya ng five percent share. So, hawak niya ang fifty five percent share ng kompanya. So, ibig sabihin magkasosyo kami. Si Shimon naman nasa Japan pa iyon. Ewan ko ba sa isang iyon bakit galit pa kay Elaiza." aniya sa ina.
"Son, hindi mo masisisi si Shimon dahil sa pinagdaanan natin kay Rin." anito na may malungkot na boses. "Naaawa din ako kay Elaiza. Ang bait niya na dalaga. Teka nga muna, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong nito.
"Ah. Kami na po ni Elaiza, ma." aniya sa mahinang boses.
Napatayo ang nanay niya at may malapad na ngiti sa labi. "Talaga? I want to meet here, son." anito at agad na tumakbo patungo sa taas.
"Mom. Calm down!" sigaw niya. Nako naman! Sa sobrang excited ng mama niya, sigurado matatakot si Elaiza dito.
"Magiging okay lang kaya si Best friend do'n sa opisina, kuya?" tanong ni Elaiza sa pinsan niyang nasa tabi na niya.
Nasa loob na sila ng eroplano. Hindi niya matawagan si Shino dahil out of coverage area ang phone nito. Wala din siyang text na natanggap galing dito. Inakala na lang niyang baka low bat ang cellphone nito. Baka busy lang.
"Nah. He'll be fine there. Don't worry about him. He's good too in business." anito sa kaniya. Tumango lang siya. Tama. Magaling ang Best friend niya pagdating sa business.
Hindi na din siya pwedeng gumamit ng cellphone or any gadgets. Dahil pinaalalahanan na sila.
Samantala.
Inis na inis si Shino dahil naiwan niya ang cellphone niyang naka-charge. Ang laptop lang niya at briefcase ang dala niya patungo sa opisina niya. Isa pa hindi na niya pwedeng balikan pa ang kaniyang cellphone sa bahay niya.
Tatawag na lang siya sa bahay nila gamit ang telephone sa opisina niya. Low bat na low bat kasi iyon kagabi at nakalimutan niya ding i-charge. Tapos, hindi na niya na-open dahil busy na din siya.
Isa pa, magkikita naman sila ni Elaiza sa opisina eh. Habang naglalakad patungo sa elevator. Nakita niya ang kaniyang secretary na papasok din ng elevator. Mukhang kakarating lang din nito.
Maganda ang kaniyang secretary. Matangkad, matangos ang ilong. Isa pa, maganda din ito katulad ng kaniyang Elaiza. "Good morning sir." bati nito nang makasakay silang dalawa ng elevator.
Pinindot ng secretary niya ang number twenty.
"Good morning." bati niya din.
Magkatabi sila sa loob ng elevator at mukhang bumubukas at sumasara ang bibig nito. "May sasabihin ka ba?" tanong niya.
"Kasi po-" Bumukas na ang elevator. Hindi na natapos secretary niya ang sasabihin nito dahil agad siyang tumakbo palabas, pagkabukas pa lang elevator.
Nakainom na siya ng gamot sa allergy kanina pagkatapos niyang kumain. Excited na siyang makita si Elaiza. Hindi mapuknat ang ngiti labi niya. Nang nasa harap na siya ng kaniyang opisina.
Agad niya itong binuksan. Laking gulat niya ng si Edzel ang nabungaran niya sa loob ng opisina niya at hindi ang nobya. Nilingon niya ang paligid pero, wala ang nobya niya. Tiningnan niya si Edzel na printing naka-upo sa swivel chair niya. "What are you doing here in my company?" tanong niya dito.
Dahan-dahan siyang pumasok. Wala itong karapatan na pumasok na lang bigla sa opisina niya without his permission. Labag iyon sa batas. Pwede niyang kasuhan ang taong ito ng trespassing.
"You." sabay tingin nito sa mga mata niya. "What are you doing here?" seryoso nitong tanong sa kaniya.
"Ako ang nagtanong, tapos ibabalik no sa'kin?" tanong niya. Konti lang ang pasensiya niya sa taong ito. "This is my office. Di'ba dapat wala ka dito?"
"Oh. I forgot to tell you." Tumayo ito at nilahad ang kamay sa kaniya. "I'm Edzel Tanaka. A substitute." anito. "Habang wala pa si Elaiza dito ibig sabihin, ako muna ang gagamit sa office niya. Peperma ng dapat permahan." ani ni Edzel na may ngiti na nakakaloko. "You may leave. This is not your office." anito at tinuro ang pinto.
Siya naman ay pinoproseso pa ang sinabi nito kaniya.