Nang magising si Elaiza na tumutunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Hello." sagot niya.
"Anak." sabi ng nasa kabilang linya. Napabalikwas tuloy siya ng bangon. Ano bang nangyari? Ang huli niyang alam ay iyong nanginginig ang buong kalamnan niya at nanlalamig din ang mga kamay niya and after wala na siyang alam dahil madilim na ang paningin niya.
"Nay." sambit niya sa kabilang linya. "Nandito na po kayo sa Pilipinas?" tanong niya. Sabi kasi ng pinsan niya susunduin nito ang nanay niya.
"Opo. Kasama ko si Edzel. Nahimatay ka daw kaya ka hindi nakasama sa pagsundo sa akin. Ayos ka lang ba? Ano palang nangyari sa'yo? Nang sabihin ni Edzel iyon nag-alala talaga ako." ani ng nanay niyang may pag-aalala talaga sa boses nito.
"Ayos na po ako nay." aniya. Hindi na lang niya sinagot ang ibang tanong nito. Kung malalaman ng nanay niya. Hindi niya alam ang gagawin.
Magiging masaya kaya ito? Or she become disappointed. "Couz." sambit ng pinsan niya. Napalingon siya dito at ngumiti. "Thank God. Your awake." anito.
She just smiled and mouthed thanks to her cousin.
"Sige nay. Nandito na si kuya Harold. Nga pala, ingat kayo sa biyahe." aniya dito.
"Sige anak. Paalam na."
"Paalam din po." aniya at narinig niyang kinansela na ng nanay niya ang tawag.
Nakita niyang lumapit ang pinsan niya at binigyan siya ng tubig. Tinanggap naman niya ito. Umupo ito sa kama at tumingin sa kaniya. "Anong nangyari kuya?" tanong niya dito. Matapos uminom ng tubig.
"Oh. Nahimatay ka lang naman dahil sa kagagawan ng mga iyon. Pero, ayos ka na ba?" tanong nito. Tumango siya. Huminga ito ng malalim. "Salamat naman."
Nang maalala niya ang pepermahan niya. "Patay! Dapat pala akong pumunta ng opisina ngayon anong oras na ba?" tanong niya at tiningnan ang cellphone. "10:30 na pala? Ilang oras pala akong nawalan ng malay?" tanong niya dito.
Pero. Hindi sinagot nito. Kaya hindi na lang niya kinulit pa. "Huwag ka ng pumunta ng opisina. Pinadala na namin dito sa secretary ni Shino ang mga pepermahan mo." tumango lang siya.
Good. Para naman, hindi na siya babiyahe pa. Tsk.
Ilang minuto ang nakalipas ay may kumatok sa pinto. "Ako na ang magbubukas." presenta ni Harold.
Tumayo ito at tinungo ang pinto siya naman ay umalis sa kama. Umupo siya sa may sofa. Nang makabalik ang pinsan niya may mga dala na itong mga papel.
Mukhang dumating na ang mga pepermahan niya. "Ito na." sabay bigay ng pinsan niya. Tinanggap niya ito at agad na tumayo sa kinauupuan niya para kumuha ng ball pen. "Diyan kana. Ako na ang kukuha ng ball pen para sa'yo. Basahin mo iyang maige. Kung wala kang maintindihan okay lang, ibigay mo sa akin." anito.
Tumango na lang siya sa sinabi at bumalik sa pagkaka-upo. Binasa niya ang mga papel. Bumalik ang pinsan niya na may dalang dalawang ball pen para sa kaniya.
Tinanggap niya ito at binalik ang mata sa pagbabasa. "Couz. Alis muna ako. Isasama ko si Caleb. Are you okay here?" tanong nito.
Tumingin siya at ngumiti. "Okay lang ako dito mag-isa kuya. Nga pala, si Caleb sabihan mo na I'm awake already. Baka nag-aalala iyon sa akin. May pagka- OA pa naman ang isang iyon." aniya.
"Okay. Sige na. Alis muna ako." anito at hinalikan siya sa ulo. "Paparating na din naman sina tita at si Edzel eh. Isa pa, alam ko ang nangyari sayo kanina. Pero, sana naman hindi masira ang pagkakaibigan niyong tatlo. Lalo na ni Edzel. He's your Best friend from childhood. Sana hindi mo siya iiwasan dahil sa sinabi niya."
Parang nalungkot siya bigla. Tumango lang siya at ngumiti ng mapait. Ang best friend niyang iyon at nagtapat sa kaniya. Nakita naman niyang naglakad na ito palabas ng kwarto.
Naiwan siyang mag-isa sa suite at inilapag niya sa center table ang mga binabasa na mga papelis hawak niya pa din ang ball pen. Humiga siya sa sofa at nilaro-laro ang ball pen na hawak niya.
Tumingin siya sa kesame at nag-iisip. Ayaw niyang magkalamat lang ang pagkakaibigan nila ni Edzel. Best friend pa din niya ito. Aaminin niya sa sarili na, crush niya ang binata noon.
Noong nag-aaral pa lang sila. Noong mga high school siya. Gwapo naman kasi ito at campus crush ng lahat. Pero, nilihim niya ito. Dahil ayaw niyang lumayo ang best friend niya sa kaniya.
Kaya lang, nag-iba na ang lahat magmula ng makapag-trabaho siya bilang janitress ng kompanya ni Shino. Nag-iba siya, nahulog siya sa boss niya. Kaya nalipat ang lahat ng atensiyon niya sa boss niya na palaging nagpapakilig sa kaniya.
Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad siyang bumangon at tinungo ang side table na kung saan niya nilagay ang kaniyang cellphone. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, agad niya itong sinagot.
Kakalagay pa lang ng cellphone niya sa tenga niya ay tinanong na siya ng tinanong ng nasa kabilang linya. "Where are you? Bakit hindi ka pumasok ng opisina? Sabi ng secretary ko may sakit ka daw? Kaya pinakuha na lang ni Harold ang mga pepermahan mo. Ayos ka lang ba talaga? Pupuntahan kita diyan." anito sa kabilang linya na may pag-aalala sa boses.
Hindi niya alam kung kikiligin siya or hihimatayin na naman sa boyfriend niya. "Sumagot ka kaya." anito. "Pupunta talaga ako diyan kapag, hindi ka sumagot." narinig niyang huminga ng malalim ang nasa kabilang linya.
"No need. I'm okay. May iuutos ako sayo." aniya.
"Grabe! Boyfriend mo ba ako or utusan lang?" Napa-isip niya na nakanguso na naman ang boyfriend niya. Napailing na lang siya.
"Boyfriend s***h utusan." sagot niya. "Sige na. Makinig ka. Teka nga, uminom ka na ba ng gamot?"
"Opo. Bago ako umalis. Sorry nga pala, nag-check out na ako sa hotel. Mas mabuti ng medyo malayo tayo sa isa't-isa ngayon dahil baka hindi ako makapagpigil sayo." sabay tawa ng nasa kabilang linya.
"Okay. Sige na. Nga pala, linisin mo ang opisina ko s***h mo. Dahil wala ako diyan ikaw muna ang bahala. Ang gusto ko linisin mo. Okay. Love you." aniya para naman sumunod sa utos niya.
Kailangan niyang iutos iyon. Dahil ayaw niyang masanay na lang ang boyfriend niyang may taga linis ng kalat nito.
"Opo. Love you. Ano pa?" tanong nito.
"Kapag may tumawag na ang pangalan ay-" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil may kumatok sa pinto. "Sige. Iyon na lang muna. Kung may kailangan ng approval ko pakisuyo na lang sa secretary mo." aniya at pinatay ang cellphone.
Nang marinig niya ang boses ng nasa harap ng pinto. "Housekeeping!" sigaw nito sabay katok.
Nakalimutan niya na dapat naglagay siya ng DND sign sa labas ng pinto. Nang buksan niya ay ang ang bumungad sa kanya ang babae na tagalinis. Nginitian niya ito at binuksan ng malaki ang pinto para makapasok.
"Thank you po." sabi nito. Hindi niya alam kung ngumiti ito or hindi dahil nakamask ito. Nasa patakaran ng lahat ng hotel ang proper hygiene ng housekeeping staff. "Sorry for disturbing you ma'am." anito sa kaniya.
"It's okay. Pwede ka ng maglinis." aniya dito.
Tumango ito at pinosisyon ang cart sa harap ng pinto niya. Tinungo na lang niya ang sofa at binasa ang lahat ng mga nakalagay do'n.
"Alam mo, bagay kayo ni Caleb." aniya dito. Tutal siya naman ang mag-a- approved ng lahat ng binasa niyang documents.
Napalingon tuloy sa kaniya ang babae. "Po?" tanong nito. Mukhang hindi siya narinig.
"Bagay kayong dalawa. Pwede ba kitang dalhin sa Japan?" sa sinabi niyang iyon parang namutla ang kausap niya. May mali ba siyang masabi dito? "What's wrong?"
Hindi makapagsalita ang tagalinis dahil sa narinig mula sa kaniya. Gusto nitong tumanggi pero, hindi makasagot. Caleb? Iyong gwapong hapon na sarap sapakin dahil sobrang mahangin. Lintik! Tapos, sinasabi pa ng kaharap niyang si miss maganda na bagay sila?
Ano siya baliw para pumatol sa loko-lokong iyon! Hindi pa siya nababaliw no! Anong gagawin niya do'n sa Japan kapag pumayag siya sa sinabi nito? Aalipinin lang siya ng bagyong iyon! May tsunami pa naman do'n. Tsk. Baka mamamatay siya sa bagyo ng lalaking iyon.
"T-thanks but no T-thanks. I'm happy with my work here." aniya.
"Okay. Mas malaki sana ang sahod mo. Don't worry, mabait naman si Caleb eh." pang-eenganyo pa nito sa kaniya.
"I'm sorry but I am happy with my work here." aniya. Kinakabahan pa din siya.
Nang may biglang kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Elaiza. Sumunod naman sa kaniya ang tagalinis ng suite kaya pinakiusapan niya itong papasukin ang mga bagong dating.
Nang makita ng staff na hindi si Caleb ang tinutukoy nito ay nakahinga siya ng maluwag. Malawak din ang ngiti ng mga bagong dating. Maganda din ito kagaya ng babae. Nang makapasok na ng tuluyan ang mga bagong dating ay nagyakapan ang dalawang babae.
"Nay! Namiss ko kayo." anito habang yakap nito ang isa't-isa. Napatingin naman siya sa isang lalaking gwapo din.
Siguro ito iyong boyfriend ng babae. "Namiss din kita anak." ani naman ng may kaedaran na babae.
Tahimik lang siya at hindi na pinansin ang mga tao sa paligid niya at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Palagi siyang humihingi ng sorry. Nasa patakaran iyon ng housekeeping.
Always say sorry. Kaya iyon ang ginagawa niya. Nakita naman niyang kumalas na ito sa pagyayakapan at umupo sa sofa.
Samantalang si Elaiza naman hindi makatingin kay Edzel at napansin iyon ni Erina. "Nag-away ba kayong dalawa?" tanong niya sa anak at sa best friend nito.
"Hindi po ma. Ano kasi." hindi makasagot ang anak niya sa tanong niya.
"Edzel." tawag niya sa binata. "May problema ba?" yumuko lamang ito at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Mukhang may problema nga ang dalawa. "May pinag-awayan ba kayo or ano?"
Hindi pa din nito sinagot ang mga tanong niya. Nasa harap nila si Edzel at tahimik lang ito. "Kasi nanay." umpisa nito. "I confessed what I feel for her." anito.
Napatingin naman siya kay Elaiza. " is that true?" tumango ang anak niya. "So what's the problem?"
Napatingin na ito sa kaniya. "Nay naman eh. Okay, I confess too. Crush ko siya when I was in high school okay pero, nagbago na ang lahat. Iba na ang tinitibok ng puso ko ngayon at kami na." anito sa kaniya. Napayuko pagkatapos. "I'm sorry."
Akala niya hindi lumaking normal ang anak niya. Akala niya manhid ito. Iyon pala nagkaroon din naman pala ito.
Kaya lang, huli na ang lahat.
"Crush mo ako no'ng high school pa tayo?" parang di makapaniwalang tanong ni Edzel sa anak niya.
Naramdaman ni Edzel na bumilis ang t***k ng puso niya. Dapat alam niya ang bagay na iyon. Dahil best friend niya ito at malapit sila sa isa't-isa. Parehas lang pala silang manhid. "Teka. Paano mo naman nasabi na crush mo ako No'ng high school eh. Manhid ka pa sa lahat ng manhid." aniya dito.
Tumingin ang dalaga sa kaniya. Sa mga mata niya mismo. "Someone give me paper at may mga tanong doon in tagalog. Tapos, nasagotan ko iyon halos lahat. Tapos sabi ng kaklase ko crush daw kita. Hindi naman ako naniwala that time kasi, ang pagkakaalam ko ng crush iyong dinudurog pero, may iba pa palang meaning iyon." anito sa kaniya.
Halos mahulog siya sa kinauupuan niya sa narinig sa dalaga. Ang saya niya sobrang saya niya ngayon. Crush din pala siya nito noon. Akala niya siya lang ang nagmamahal dito ng palihim. Okay na siya.
Sana alam niya ito noon palang baka may anak na sila ng best friend niya ngayon at nabubuhay ng matiwasay.
Habang nag-uusap ang mga ito. Hindi na nagkaka-ilangan sina Edzel at Elaiza. Siyaka, hindi papayag si Elaiza na magkasira sila ng Best friend niya. Ito lang ang Best friend niya at walang iba.
Hindi niya hahayaang mawala ito sa tabi niya. Kahit maging matanda na sila. Mananatili iyon dahil si Edzel lang ang kaibigan na handang tumulong sa kaniya at ganoon din siya dito.
Naglilinis pa din si iyong babae sa kwarto nila. Pero, ang totoo dapat kanina pa ito tapos, kaya lang pinipigilan niya. Panigurado lagot iyan sa head ng housekeeping mamaya.
Hindi naman niya gustong mapagalitan ito kaya lang gusto niyang makita ulit ng dalawang mata niya kung paano mag-away ang babae at si Caleb. Ang saya siguro.
Nang may kumatok. Tumayo ang best friend niya at binuksan ito. Dahil nga nakaharang ang cart kaya ini-unlock ni Edzel iyon. Alam na niya kung sino ang dumating.
Ang pinsan na niya siguro at si Caleb. Nagbabasa lang si Elaiza ng mga documents na kailangan niyang permahan at ibasura ang iba.
"Hai Couz." bati sa kaniya ni Harold.
Tumingin siya dito saglit at ngumiti. "Hello." sabay bati. "Nga pala, Kumusta ang lakad niyo?" tanong niya.
"Nakita na namin siya couz." sagot nito.
"So, Tara na. Huhulihin na ba natin?" tanong niya dito. Nae-excite na siya sa mangyayari. Nahanap na rin nila si Rin. Huli ka b***h! Lagot ka sa akin kapag nakita kita. Sinira mo buhay ko. Sisirain ko ang pagmumukha mo.
"Huwag atat couz. Relax. Patungo tayo do'n. By the way, where is auntie?" tanong ng pinsan niya sa kaniya. Si Caleb naman umupo sa sofa na katabi ni Edzel ngayon.
"Natutulog iyon. She's tired." sagot niya at binalingan ang mga papelis.
"Okay." ani ni Harold. Nang may biglang lumabas sa galing sa CR. Ang tagalinis.
Pagkakita ni Caleb dito agad itong tumayo. Napasimangot naman ang babae. "You again!?" singhal nito.
Pero, ang natanggap lamang ni Caleb ay irap galing dito. Hindi nito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. I think the girl done with her assignments. Natapos, na din itong mag- replenish ng mga gamit sa banyo. Na-change na din nito ang bed sheet ng kama bago humiga ang nanay niya.
"Halika." tawag niya dito. Lumapit naman ito sa kanila. Pero, sa tuwing napapatingin ang mga mata nito kay Caleb. Isang irap ulit ang matatanggap. "You know what. Kaya kitang patanggalin sa trabaho mo ngayon din."
"Subukan mo lang! Sisipain kita palabas ng kwarto na ito!" banta din ng babae.
"Palaban." ani ni Harold na naka-upo na ngayon sa tabi niya.
"Sige nga subukan mo. Baka hanggang salita ka lang?" hamon ni Caleb.
"Talaga?" tinanggal ng babaeng staff ang mask niya at ngumisi kay Caleb. Lumapit ito sa kay Caleb ng dahan-dahan at agad na kwenilyuhan. Kinaladkad pa ito sa may pinto. Nang buksan ng babae ang pinto ay agad na sinipa nito sa tiyan. Kaya si Caleb ayon sa labas nga mg kwarto.
Tumawa sina Harold at Edzel si Elaiza naman pinipigilan pa niya hanggang sa ayon humagalpak na siya ng tawa. "Goodbye my work. Goodbye." ani ng dalaga sa kanila.
"Aray!" Sigaw ni Caleb na kanina pa namimilipit sa sakit ng tiyan dahil sa sipa. "Humanda ka sa aking babae ka! Sisiguraduhin kong mawawalan ka ng trabaho ngayon!" sigaw ni Caleb mula sa labas ng pinto.
"Don't worry." aniya sa babae na naging malungkot na ang mukha. "Hindi ka mawawalan ng trabaho." Pag-a- assure niya dito.
Ngumiti lang ito ng matamlay. "I love my work. Paano kung mawalan ako ng trabaho? Paano na ang mga kapatid ko na umaasa sa akin? Paano na ang mga magulang ko na umaasa din sa akin?" anito na malungkot pa din.
"Ede, sa akin ka magtrabaho. Okay lang sa akin. Doble pa ang sahod na matatanggap mo sa akin. Ano na? Gusto mo?" tanong niya dito. Kailangan niya ng secretary or assistant. Dahil sa ngayon ay mas lumalaki na ang hinahawakan niyang kompanya.
"Kaya lang, ayaw kong mawalay sa sa mga magulang at kapatid ko eh. Nakakalungkot kasi iyon." anito.
Tumango lang siya. Pero, pwede naman siguro na dito lang sa Pilipinas. Pero, bago niya pa masabi ay may dumating na mga tao sa suite. Mukhang ang may-ari or manager yata ng hotel ang dumating. "Sorry for disturbing all of you." ani ng isang manager.
"Manager." ani ng dalaga.
"You did it again. May nagrereklamo na naman sa ginawa mo. Ang special guest pa natin." napayuko na lang ito.
"Sorry po."
Tumayo si Elaiza. "Excuse me. Don't scold her. She's innocent." aniya.
"But ma'am, Mr. Caleb said our staff kick him." anito.
"Oh. Where is he?" tanong niya.
Nagpakita agad si Caleb sa likuran ng manager at nanginginig ang buong katawan. "Caleb!" mahina pero, mariin na boses ni Elaiza. Tiningnan niya ng masama ito.
"Okay Fine. Hindi ko na siya ipapatanggal dito." anito sa kanila. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa binata. Hinarap nito ang manager. "Sorry sa abala, you may all leave." dagdag na sabi. Lumabas na din ng suite ang mga staff. Kasama ang babae.
Ngumiti lang siya dito. "Ahh!" sigaw ni Caleb na parang nababaliw na. Tsk. Sakit sa ulo ng mokong. Sarap sipain.