CHAPTER 31

3012 Words
"Where have you been?" bungad na tanong sa kaniya ni Harold. Kakauwi niya lang sa hotel galing siyang opisina. Natagalan  kasi siya dahil sa pagbabasa ng mga offers ng ibang client na sila lang naman ang nakikinabang. Kaya nainis  siya kaya ginunting  niya ang mga iyon. "Answer me!" sigaw ng kuya Harold niya. Naka-upo siya sa sofa at tinanggal ang sandal na suot niya. Tumingin siya sa pinsan niya na hindi na maipinta ang mukha. Kasama nito sina Caleb at Edzel na gano'n din ang mukha. They're so worried about Elaiza whole day. "We're knocking your door. Akala namin tulog ka. Tapos, 'yon pala lumabas ka, without telling us." Oh. Ayaw niyang pinapagalitan siya ni Harold kasalanan din naman niya hindi siya tumawag dito eh. Ayan tuloy. Ayaw niyang makipag-sagutan  dahil kasalanan naman niya. Tatanggapin  niya. "Sorry." aniya dito. Nakatayo ang mga ito sa harap niya. Nakapamaywang pa..tsk. "Sorry na. Hindi na po mauulit." nunkang  gagawin niya iyon. Pero, mas mabuti ng sundin na lang niya ang pinsan niya kesa, umabot pa sa Japan baka umuwi sila ng wala sa oras. Nako! Hindi pa niya nahahanap ang bruhang si Rin. Lumapit si Harold sa kaniya at umupo sa tabi niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. "Sorry na please. Huwag kana galit." Niyakap din siya nito pabalik. "We are so worried. Akala naman napano  kana dito sa loob. We're contacting  your cellphone but out of reach." anito sa kaniya. "Teka." sabay kalas at  tingin sa kaniya suot. "Saan ka ba talaga galing?" Huminga siya ng malalim. "Sa opisina." sagot niya. Totoo naman sinabi niya na sa opisina siya galing ah. "Opisina?" tanong ni Edzel. "What do you mean? Wala tayong opisina dito diba? Huwag mong sabihin na-  no way!" sigaw nito. Tiningnan niya lang ng masama ang best friend niya kung maka-react daig pa siya. "Yes way best. Yes way." sabay irap dito. Kainis. "Don't tell me, pumasok ka ng opisina without telling us. Sana nag text ka man lang or tumawag ka gamit ang telephone do'n." ani ni Harold sa mahinahong boses. Tiningnan niya ito. "Sorry na kuya. Hindi talaga mauulit." sabay ngiti. Huminga ng malalim si Harold. Kaya ba niyang tiisin  ang nag-iisang  pinsang  babae? He scolded her because she has a fault. Hindi man lang sila tinawagan or tinext  nito. Nag-aalala lang naman siya eh. Paano kung may nangyari nga sa dalaga? Anong gagawin niya? Paano kung napano  na ito sa labas? Nagahasa or nadisgrasya? Paano niya sasabihin sa mga magulang niya, sa tita niya pati na sa lolo at Lola niya. Hindi lang siya lagot sa mahal niyang pamilya pati sa asawa niya panigurado bugbog sarado siya. Mahal na mahal pa naman nito ang pinsan niya. "Teka, kung galing ka do'n pinapasok  ka ba nila? Sinong kasama mo?" tanong niya dito. Tumingin si Elaiza kay Caleb. Mukhang alam na niya kung sino. Napailing na lang siya. He need to talk that man. "So, anong ginawa mo do'n?" usisa  niya sa pinsan na nasa tabi niya. Sinusuklay naman niya ang buhok nito gamit ang kamay niya. Alam niyang hindi marunong magsinungaling ang pinsan niya. "I cut all the papers there. Sila lang naman ang nakikinabang." napangiti siya. "You did that?" tumango ito. "Good job. So, anong ginawa niya?" umiling lang ito pero, namumula ang pisngi. Nang tingnan niya sina Edzel at Caleb madilim ang mga mukha. Napapailing na lang siya. Wala ng pag-asa. Tumayo ang pinsan niya at dinampot  ang bag nito. "Where are you going?" tanong niya dito. Tumingin ito sa kaniya at naghikab. "Sige na. Tulog kana, change clothes first." paalala niya dito. "Thank you. Love you." sabay takbo patungo sa kama nito. "Nga pala kuya. I hired some people to find that bītçh." anito sa kanila. Narinig nilang tatlo iyon. Nagkatinginan pa kami. "What do you mean best?" tanong ni Edzel. "Ah. Si Rin ang tinutukoy ko." "Okay. Sino namang tao ang ni-hired  mo? Huwag mong sabihin na-?" hindi na tinuloy  ni Edzel ang sasabihin niya dahil narinig nilang humihilik  na si Elaiza. Napailing na lamang si Harold at ngumiti sa dalawa. "She's tired." tumango naman ang mga ito. "So Caleb. How's the job?" "Five percent share ng kay Shino ay nabili ko na. So, okay na. Pwede tayong magpatawag  ng meeting anytime." ani ni Caleb. "Good, but the finals decision is all up to my cousin." aniya sa mga ito. "Pero sa ngayon, we need to rest. Dahil kapag hindi pa ako nakatulog nito baka mabaliw na ako." aniya. Nang makita niya ang cellphone ng pinsan niya na nasa ibabaw  ng center table ay kinuha niya iyon at he tried to open but failed. Low bat talaga. "Sige. Mauna na kayo. Charge ko muna itong phone niya hanggang sa mapuno." aniya sabay taas ng cellphone ni Elaiza. Tumango lang ang mga ito at lumabas ng silid ng dalaga. "Hay." sabay hingang malalim. Nang tingnan niya ang air-conditioning hindi pa na-oopen. Mukhang pinatay nito kanina bago siya umalis. "Nako pinsan! Kapag talaga may nangyari sayong masama ewan ko na lang! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." aniya sa sarili habang tinungo ang air-conditioning para i-on. Kinumutan din niya ang pinsan niya. Nang makita niyang hindi pa nagbibihis ay napailing na lang siya. Kahit kailan talaga. Alam naman niyang bawal itong matuyuan  ng pawis eh. "Couz!" tawag niya dito. Pero, ang dalaga humihilik  pa. "Couz!" tawag niya ulit. Hindi na lang niya ginising ito. Hindi naman siguro ito natuyuan  ng pawis doon diba? Naka- air-conditioning naman ang opisina ng mokong na 'yon diba? Pinatay niya ang ilaw at ini-on niya ang lampshade sa gilid ng kama. Sinaksak niya din  ang cellphone ng dalaga upang i-charge  ito. Nang matapos, tinungo niya ang sofa at doon na humiga. Kinabukasan nagising si Elaiza dahil sa ingay. Nang tumingin siya sa side table ay nakita niyang full charge na ang cellphone niya at hindi na din nakasaksak. "Bakit ba ang ingay!"  sigaw niya. "Sorry po ma'am. May tao po kasi sa labas na gustong pumasok." anito ng isang babae. Nang tingnan niya ito mula ulo hanggang paa ay ngumiti siya. Namiss niya tuloy ang pagiging janitress. "Anong pangalan?" tanong niya sa isang housekeeping staff. "Caleb and Edzel po ma'am." sagot nito. Nasa rules kasi ng housekeeping na bawal magpapasok  ng mga tao na hindi nila kilala. Lalo na ngayon na may tao dito sa loob. Tumayo siya at naglakad patungo sa may pinto. Sino ang nag-charge  ng cellphone niya? "Buksan mo please. Papasukin  mo sila. Kilala ko sila." aniya rito. Tumango naman ito sa sinabi niya at binuksan ang pinto ng malaki. Dahil nakaharang  pa din sa may pinto ang cart nito. Tinulungan na lang niyang mag- unlock ng cart ang babae naka- assign   na maglinis sa kwarto niya. Tapos, pumasok na ang dalawa na parang namumutla pa. "Anong nangyari sa inyo? Kumain na ba kayo? Gutom na ako? Nasaan si kuya Harold?" tanong niya. "Nasa kwarto." sagot ni Caleb. Tiningnan naman niya ang babae naglilinis. "Miss. Ah. Unahin mo muna iyong kwarto namin sa kabila. Sabi ko naman sa'yo kanina akin ang room na 'to. Ayaw niyong maniwala." anito sa babae. "Sorry po sir. Pero, ginagawa lang po namin ang trabaho namin." sagot nito. Suplada. Gusto niya ang babaeng ito. "Sige po sir. Sorry po ulit. Kasalanan ko ba kung wala kang maipakitang  katibayan? I.D man lang wala kayo?" anito sa kaniya sabay labas ng kwarto niya. Tumawa tuloy siya. Nakita niyang natameme  ang kaibigan niyang gwapong  lawyer. "Problema mo?" tanong niya nang makarecover sa pagsasalita ng babae. "Empleyada ba talaga iyon?  Alam mo kaya ko siyang patanggalin  sa trabaho niya." ani ni Caleb na umuusok ang ilong sa galit. Tumawa ulit siya. May nakalaban  babae pa talaga. Mukhang maganda 'to. "Nga pala. Bakit ba ang aga niyong pumunta dito sa kwarto at mambulabog?" tanong niya. "Kasi naman best." ani ni Edzel na tahimik lang sa isang tabi. "Pupunta daw, I mean your mom she's here." anito sa kaniya. "Okay. Ano naman kung uuwi si mama dito sa Pilipinas." aniya. "Baka nakalimutan mong pinakulong  mo ang mga mag-iina." Inirapan lang niya ito. Wala siyang pakialam sa mga mag-iina na iyon. Dapat lang sa kanila iyon. "Wala akong pakialam. Tsk. Mabuti nga pinakulong  ko lang sila." aniya sa mga ito. "Oo nga. Pinakulong  mo lang sila. Alam ba ito ni nanay mo? Baka magbugbog  ng nanay mo ang tita mo dahil kapag nalaman nito ang ginawa sa lolo mo." "Oo nga pala. Baka hikain iyon. Nako! Hindi pala pwede." aniya  sa mga ito. "Teka, relax nga lang kayo okay. Wala ng magagawa si nanay dahil pinakulong  ko na silang lahat." aniya. "Yeah. Wala na nga. Kumain na nga lang tayo. Bakit ko ba iniisip ang bagay na 'yon?" anito. "Tama." aniya. Tsk. May mas mahalaga akong gagawin kesa sa bagay na iyan. "Tama!" ani naman ni Caleb na naka-upo na sa sofa at kumakain na. Langyah! Nauna pang kumain ang isang 'to. "Tama ka!" aniya dito. Napatingin naman si Caleb sa kaniya. "Tamaan ka sa akin. Kinain mo ang pagkain ko!" sigaw niya. "Sorry." anito at uminom pa ng juice niya. Tsk. Bakit hindi niya iyon napansin? Hay bahala na nga. "Kunin ko lang ang pagkain sa kwarto at dalhin ko dito." ani ni Edzel sa kaniya. Tumango na lang siya. Nasaan kaya ang pinsan niya? "Si Harold?" tanong niya. "Naliligo nga eh. Ilang beses ko bang sagotin." anito. "Ah. So, ganoon. Teka, tawagan ko ang housekeeping department nila at ipapadala ko ang babaeng iyon." aniya rito na ang tinutukoy ay ang supladang  staff. May nakatapat ang lawyer. "Huwag!" anito. "Ayaw ko siyang makita. Kahapon pa ako naasar sa kaniya. Nang maglinis siya ng kwarto." anito. "So, magkakakilala na kayo?" tanong niya. "Hindi pa." sagot nito. "Hindi pa? So, may balak kang kilalanin  siya? Akala ko ba nagbago kana?" "Walang pag-asa." anito sa malungkot na boses. Tsk. Panira ng araw. "Anong walang pag-asa ba ang pinagsasabi mo diyan?" tanong niya dito. Narinig niya eh. Hindi naman siya bingi. "Walang pag-asa sayo." anito. "Ah. Ganoon ba. Okay. Tsk. Kumain ka na nga lang diyan at ako'y maliligo na muna." aniya tapos iniwan si Caleb na kumakain. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaya inuna  muna niya ang cellphone niyang nag-iingay  din. Bakit kaya uso ang ingay?  Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay uminit ang dalawa niyang pisngi. Ang boyfriend niyang palaging nagpapatakbo  ng puso niya. Sinagot niya ito. "Hello." tsk. Walang silbi  kahit pa mag-japanese  siya, naiintindihan  naman ng mga kasama niya. Kaya tagalog na lang. "Good morning my cherry blossom. How's your sleep?" tanong nito sa mahinahong boses. "Ito. Okay lang, hindi na ako nakapag- goodnight sayo kagabi dahil low bat ang cellphone ko tapos, isa pa, nakatulog ako kaagad." paliwanag niya. Mahirap na. Magalit na naman ang mokong niyang boyfriend tapos, baka saan pa humantong. "Okay lang. Alam ko naman na pagod na pagod ka kahapon eh. Salamat pala." anito. Mas lalong uminit ang pisngi niya. "Ayeii." aniya sa mahinang boses. Umupo siya sa pabalik sa kama niya at nang hindi niya na matiis ay humiga siya at gumulong-gulong na parang bola. Hindi niya mapigilan ang  sarili. Ang puso niyang halos tumakbo na. Gusto niyang makita ang binata pero, kailangan muna niyang maligo bago makipagkita  dito. Isa pa, nandito daw sa Pilipinas ang nanay niya. Paano niya sasabihin dito na may boyfriend na siya? Hindi pa nga umabot ng isang buwan may boyfriend na siya agad pagka-uwi ng Pilipinas. Ang daming tanong sa isip ni Elaiza. Matatanggap kaya ng nanay niya ang boyfriend niya? Matatanggap ba ng pamilya niya si Shino? Hindi niya namalayan na may isang lalaking nakamasid lang sa kaniya. Nagpipigil ng galit ito. Naiinis sa nakikita ngayon. "Sige. Ah. Mamaya ulit ligo muna ako." aniya rito. "Pwedeng sumabay?" tanong ng sa kabilang linya. Ang halay pakinggan kapag sa iba pero, para sa kaniya ang sexy. Mas naging triple tuloy ang init ng pisngi niya sa sinabi nito. "Heh! Tumahimik ka nga! Sige paalam na." aniya dito at agad na pinatay ang cellphone at nagtungo  sa banyo para maligo. Nako! Ang mahalay na iyon! Lagot iyon sa akin kapag nagkita kaming dalawa. aniya ng isip niya. Pero, iyong puso niya hindi pa din humuhupa sa bilis ng t***k. Iisang pangalan lang din ang tinitibok no'n. Iyon ay Shino. Nang kumatok si Harold sa pinto ng suite ni Elaiza. Bumukas agad iyon at pumasok siya. Ang nagbukas ng pinto ay si Edzel.  Nakita ni Harold ang kalat ng kwarto ng dalaga. Diba may inutusan  siya kanina na maglinis? Lumapit siya sa dalawang kumakain na ngayon. "Si Elaiza?" tanong niya. "Nasa banyo naliligo." malamig na sagot ni Edzel sa kaniya. Problema ng best friend ng pinsan niya? "Teka nga!! Iyong isa kumain na ba iyon?" tanong niya sa mga ito. "Indi  pa." sagot ni Caleb na puno ang bunganga. Tsk. "Lunukin  mo kaya iyan, bago sumagot." sinunod naman nito at uminom ng tubig. "Hindi pa." inulit  nga ang sagot sa kaniya. Napailing na lang tuloy siya at umupo sa upuan at kumain na din. Dahil libre ito ng hotel kaya pwede silang magpadagdag. Kapal ng mukha! aniya sa isip. Habang Kumakain. Madilim ang mukha ni Edzel. Parang hindi nito gusto ang pagkain. Hindi tuloy mabasa ni Harold ang binata. Pero, mukhang may alam na din siya. Nagkakaganiyan  lang naman si Edzel kapag best friend nito ang tapiko. Love life na naman problema nito at sigurado siya doon. Hindi na lang niya pinansin. Ilang sandali lang ay lumabas na ang pinsan niya galing sa banyo. Nakapag-blower  na din ito ng buhok niya. Mukhang ready na nga ito. "Where are you going couz?" tanong niya dito. Nang tingnan siya ng pinsan niya ngumiti lang ito. " sa opisina po. Sama ka?" tanong nito. Gusto niyang sumama kaya lang paano na si tita niya? "How about your mom couz? Hindi mo ba siya susunduin sa airport? Hindi mo man lang itatanong  kung bakit pumunta siya ng Pilipinas?" tanong niya dito. "Don't worry. Makakapunta ako ng airport. Pero, I need to go to the office first. May pepermahan  akong papeles. Oh by the way kuya. Pakilinisan  ang kwarto ko at ang gusto kong maglinis iyong babaeng kilala ni Caleb." pagkasabi  ng pinsan niya ay ngumiti ito ng nakakaloko sa kaniya at  kay Caleb. Napatingin naman siya kay Caleb na nakatingin kay Elaiza ng masama. Tsk. Hanggang tingin lang iyan dahil alam niyang kung anong klaseng  babae ang pinsan niya kapag galit ito. "Okay. Ano pa?" tanong niya sabay labas sa cellphone niya pero, hindi niya iyon tatawagan  gamit ang cellphone niya dahil may telephone naman ang hotel. "We need to set up a meeting with the board of directors. Tomorrow. 11am sharp. Kasi, busy ang scheduled ko this day hanggang bukas. Tapos, babalik tayo sa barrio dahil walang mag-aalaga kay Jinggo at I will process the papers para isama ko siya sa Japan pagbalik  ko. Kung iyon ay papayag siya." anito sa kanila. She always like that. She always has  a soft heart pagdating sa mga taga barrio nito. "Copy! Sige na. Kain kana. Kapag natapos kana diyan sa pagsusuklay  mo." aniya at bumalik na sa pagkain. "Okay po. Thank you and I love you always kuya." tapos nakita niyang nagsusuklay na ito. Nang matapos kumain si Elaiza ay tumingin siya sa mga lalaki ng buhay niya ngayon, except sa boyfriend niya. "Anong problema niyo?" tanong niya sa mga ito. "Anong problema namin? Tinatanong mo talaga kami Elaiza?" ani ni Edzel na madilim ang mukha na nakatingin sa kaniya. "I'm jealous best. So jealous and led  to craziness. I'm in love with you for goddamn years now!" sigaw nito sa kaniya. "Bakit hindi mo ako kayang mahalin?" anito sa mahina na nitong boses. Siya naman napalunok  at natulala sa sinabi ng best friend niya. Kailangan niyang iproseso  ang sinabi ng Best friend niya. "Me too Elaiza. I'm in love with you." ani naman ni Caleb. Parang hindi siya makahinga hanggang sa nawalan ng malay si Elaiza. Agad naman siyang sinalo ni Edzel upang hindi ito matuluyang  matumba. Tsk. Sana pala hindi niya na lang sinabi iyon sa dalaga. Sana nilihim  na lang niya ito sa sarili niya. Mukhang maling  idea pa ang ginawa niya. Agad naman na tumayo sina Caleb at Harold. "Kasalanan niyo 'tong dalawa." ani Harold sa kanila. "Ihiga niyo siya sa kama niya." agad naman na pinangko ni Edzel si Elaiza patungo sa kama nito at dahan-dahan nitong ihiniga  ang dalaga. Binuksan naman ni Caleb ang mga kurtina  at bintana ng kwarto para sa ventilation. Pinapaypayan  naman ni Harold ang dalaga. "Ayan." ani Harold habang sinisinat  nito ang noo ng dalaga. "Ang lamig ng pawis niya. Kasalanan niyo 'to talaga. Mga baliw kayo. Binigla  niyo 'to eh, alam niyo naman kung sino laman ng puso niya. Sana hindi niyo na lang sinabi. Dalawa pa talaga kayo." Si Caleb naman sa  may gilid ng bintana. May malungkot na mukha. Nahimatay tuloy ang dalaga dahil kagagawan  nila. Bakit niya pa kasi sinabi dito ang tunay niyang nararamdaman? Pero, naging bukal  lang naman siya sa nararamdaman niya eh. He needs to say that words to the he love for years now. Para hindi na siya sumabog. Si Elaiza ang dahilan kung bakit nagbago siya. Si Elaiza din ang dahilan kung bakit hindi na siya babaero ngayon.  Ito din ang dahilan kung bakit pumayag siya na ipagkasundo  silang dalawa. But, he will never ever force Elaiza to marry him. Okay lang sa kaniya na magkaibigan silang dalawa. Hindi niya hawak ang puso ng dalaga at ayaw niyang ipilit dito ang nararamdaman niya. "Paano na ngayon iyan?" tanong ni Harold. "Sabi niya papasok siya sa opisina nito at may pepermahan. So, what are we going to do now?" tanong ni Harold. "Hinatayin siyang magising then, sunduin  natin si Tita Erina  na airport." suggests ni Caleb sa kanilang lahat. "Pwede ding isa sa atin ang sumundo kay tita sa airport. Ako na ang magbabantay  sa pinsan ko." ani Harold. "Ako na ang susundo kay nanay sa airport." ani ni Edzel tapos hinalikan si Elaiza sa noo at nagpaalam sa kanila at umalis na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD