CHAPTER 30

2750 Words
Habang nasa biyahe ay tahimik na sila. Ayaw umpisahan ni Shino ang usapan nila. Mas mabuti na ang ganito kesa naman, kiligin na naman siya sa mga sinasabi ni Shino. Kalahating oras ang lumipas ay nakarating na sila sa building kung saan siya nagtatrabaho dati. Kumusta na kaya ang head ng housekeeping? Nang ma-ipark  na ni Shino ang sasakyan ay naghintay siya ng konti upang patayin ng binata ang makina ng sasakyan pero, isang minuto na lang ang lumipas ay hindi pa nito pinapatay. Problema ng isang ito? Tiningnan niya ang binata na may pagtataka. "What?" tanong nito. "Mamaya na tayo lumabas. Gusto ko pa na makasama ka dito sa loob ng sasakyan ko eh." Ganoon pala iyon? Huminga siya ng malalim. "You know what cherry blossom. Kanina pa ako nagtitimpi na halikan ka ulit." hinawakan ni Shino ang kaliwa niyang kamay at dinala nito sa labi at hinalikan. "Shino. Baka may makakita sa atin." aniya sabay bawi ng kamay. Ngisi lang ang sagot na natanggap niya. "Walang makakakita sa atin dito. Ano ka ba naman?" Tinanggal ni Shino ang seatbelt niya at ganoon na din ang ginawa niya. "Tara na." anito. She just nodded and Shino turn off the ignition. Kaya nakalabas na siya ng sasakyan nito. Ini- lock ni Shino ang sasakyan niya gamit ang susi. Nang magkasabay na naman sila pumasok ay inakbayan siya ng binata. Ito na naman ang puso niyang tumitibok ng malakas. Hinalik-halikan na naman ni Shino ang buhok niya at inaamoy, mas lalo tuloy siyang kinikilig kapag ginagawa ito ng binata. Ewan ba niya. Sa dami ng lalaki sa mundo. Si Shino pa ang minahal niya. Si Shino din ang nagpapabilis  t***k ng puso niya at nagpapainit sa dalawa niyang pisngi. Habang naglalakad silang dalawa ni Shino papasok ng building ay may mga taong nagbulung-bulungan  tungkol sa kanilang dalawa. Tsk. Kung alam lang mga ito. Kaya lang, hindi niya iyon ipagsasabi. "Don't mind them my Cherry blossom." tumango siya at pumasok na lang sa building. Nagulat pa ang guard na nagbabantay at lumaki din ang mata nito pagkakita sa kaniya. She just smiled at him. Iyong ngiting hindi plastic. "I'm jealous. Dapat ako din ngitian mo ng gano'n." ani Shino na madilim na naman ang mukha. Napangiti na lang siya sa isipan. Seloso talaga ang mokong! Kaya lalo siyang kinikilig eh. Mas dumami pa ang bulungan ng mga tao. "Di'ba si Elaiza iyan? Hala! Sila na ba ulit ni sir Shino?" tanong ng isang empleyada sa isa pa. "Baka! Pera na nama ni sir Shino ang habol ng babaeng iyan. Parehas sila ni ma'am Rin." ani naman ng isa. Nang marinig ni Elaiza ang pangalan ng bruha ay nilapitan niya ito. Napansin naman ni Shino ang paglapit ni Elaiza sa mga empleyada niya. Kaya agad humarang sa daraanan ng dalaga. Nako! Mahirap na! "Let's go." yaya niya dito. "Nope. Tatanungin  lang sila kung nakita ba nila si Rin." ani Elaiza. Napalingon naman ang mga empleyada sa kanila. Tiningnan ni Elaiza iyong babaeng nagsabi at tinawag. Nag-aalangan tuloy ito kung lalapit ba or hindi. Pero, si Shino na ang nagpatawag dito kaya walang choice ang empleyada kaya lumapit ito. "Anong sinabi mo kanina? Rin? Alam mo ba kung nasaan siya?" umiling ito. "Are you sure?" tumango ito. "H-hindi ko po alam." anito. "Okay." aniya sabay talikod at hinarap si Shino na nasa likuran na niya ngayon. Ang bilis naman ng galaw parang hangin lang. "Nga pala. Pwede mo akong samahan sa housekeeping department quarters?" tanong niya sa binata. "Oo naman. Ikaw pa. Malakas ka sa akin eh." tapos naglakad na sila patungo do'n. Nang makarating silang dalawa ay agad siyang pumasok do'n. Nakita niyang kumakain ang head. Nagulat pa ito ng makita siya. "Elaiza?" anito na may malaking mata. Tumayo ito at dahan-dahan na lumapit sa kaniya. Ngumiti siya at niyakap  ang head. "Miss na miss na kita head. Kumusta na po?" tanong niya habang yakap ito. "Sorry po, kung hindi ako nakapag-paalam sa'yo noon. Pero, I am here na babalik na ako." aniya habang hindi mapuknat ang ngiti pero, ang luha niya tumutulo na din. Niyakap din siya ng mahigpit ng head. "Miss na miss din kita Elaiza. Ang ganda mo na." anito tapos kumalas ng yakap sa kaniya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ang ganda." Nakasuot kasi siya ng dress ngayon na kulay pula na pinarisan niya lang ng flat shoes. Kaya mas lalong lumabas ang kulay ng balat niya. Ayaw niya naman magsuot ng sandals na may hells sumasakit ang paa niya. Next time na siya magsusuot  official na. "Kumusta kana hija?" tanong nito. Napalingon naman ang head kay Shino na nasa likuran niya lang. "Boss. Nandiyan ka pala." anito. Ngumiti lamang si Shino sa head. "Okay naman po ako. Ito busy nagpapasalamat nga ako nakapunta ako dito dahil kay Shino." aniya na may ngiti sa labi. "Ikaw po, Kumusta?" "Ayos lang naman. Ito, ko pa din ang naglilinis sa opisina ni boss." sagot nito na may malungkot na boses. "Bakit po?" tanong niya. "Kasi, wala ng ibang may kayang gawin ang trabaho mo sa twentieth floor. Lahat sila hindi marunong. Bumalik kana dito Elaiza." anito. "Opo. Babalik po ako at hindi po bilang isang tagalinis  dahil si Shino po ang maglilinis do'n." aniya na may sinusupil na ngiti. Nang marinig naman ni Shino ang sinabi niya. Agad siyang hinawakan nito sa braso. "Hell no!" sigaw nito sa kaniya. Pero, nginitian lang niya ito at kinindatan. "Are you serious?" tumango siya.  Kailan ba siya hindi naging seryoso? Huminga ng malalim si Shino at tiningnan siya ng masama. Ang head naman nagtataka sa kanilang dalawa. "Elaiza." sambit ng head. Napalingon naman si Elaiza dito.  "Ano sinasabi mo na si boss ang maglilinis?" tanong nito sa kaniya. "Siya ang maglilinis do'n dahil floor niya iyon." ani ni Elaiza sa head. "Hah? Paano naman? Hindi ko maintindihan." anito. "Sige po. Next time ko na lang po sasabihin. Punta muna kami sa opisina ni Shino." aniya sabay paalam at niyakap niya ito ulit. Si Shino naman parang binagsakan ng langit at lupa. Never in his wildest dream na maging tagalinis sa sariling kompanya. Nang tingnan niya ang mukha ng dalaga ang lapad ng ngiti at maaliwalas ang mukha nito. Inakbayan niya ito ulit. "Totoo ba iyong sinabi mo?" tanong niya dito. Tumango ito ulit at lumingon sa kaniya. Kaya napangiti na lang siya ng mapait. "Alam mo ba na may allergy ako?" tumango ito ulit sa kaniya at kinindatan pa siya. Nalaglag ba ang puso niya bakit hindi tumitibok? Mali! Hindi siya makahinga dahil piningot ni Elaiza ang ilong niya. s**t! Tumatawa ito at nang bitawan ang ilong niya ay habol niya ang kaniyang hininga. Langyah na babae 'to! Nakita niyang tumakbo ito kaya agad niyang hinabol. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanila. Nang malapit na ang dalaga sa elevator ay agad itong pumasok. Lintik hindi niya nahabol ang dalaga! Agad siyang tumakbo patungo sa may elevator. Pinindot niya ang isa pang elevator pero, hindi pa bumababa. Bakit ang tagal naman? Ang bilis tumakbo ni Elaiza. Parang hangin sa bilis. Nang makababa ang elevator ay agad siyang pumasok at pinindot ang twentieth floor. Humanda talaga sa kaniya ang babaeng iyon. Sigurado siyang nasa opisina ito. Ilang minuto ang lumipas ay  huminto ang elevator at lumabas na siya. Tumakbo na naman siya patungo sa opisina niya. Nang makarating sa opisina ay binuksan niya ito agad at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa upuan niya. Nagbabasa pa ito na nakangiti. "Ang bagal mo naman." anito. Napailing na lang siya kaya nilapitan niya ito at nakita niyang tumayo naman ito at hinarap siya ng may seryosong mukha. "Maglinis kana." utos nito sa kaniya. Napakurap-kurap pa siya dahil sa turan ng dalaga. "I am your boss now. Maglinis kana." hindi pa din siya nakagalaw. Biglang ngumisi si Elaiza sa harap niya at hinalikan siya sa labi. "Sige na. Maglinis kana." sabi nito between the kisses. Pero, dahil kanina pa siya nagpipigil ay pinalalim niya ang halik nito sa kaniya at hinapit pa ito palapit sa kaniya. Kumapit naman ang dalaga sa leeg niya at siya naman hinawakan ang likod nito. Pero, unang kumalas ang dalaga at habol nila ang kanilang mga hininga. "Maglinis kana." utos nito ulit. She's serious now. "Maglilinis ako, in one condition. Dapat may reward akong halik galing sayo." aniya dito. Hindi niya gagawin ang kalokohang ito kapag wala siyang natanggap. "Deal." ang lapad ng ngiti niya sa labi ng sinabi ng dalaga. "Deal." aniya sabay lahad ng kamay. Inilahad din ni Elaiza ang kamay nito at imbis na makipagkamay siya dito ay bigla na lang niyang hinapit ito at hinalikan ulit ang dalaga. Hindi naman nagreklamo ang dalaga. Tinugunan naman ang halik niya. Hindi pa sila kumakalas sa halikan ay giniya niya ang dalaga sa sofa na nado'n sa gilid. Dahan-dahan niyang pina-upo ito do'n. Kumalas ng halik ang dalaga at habol na naman nila ang kanilang mga hininga. "I love you Elaiza. I always will." aniya dito at hinalikan ulit. "Nakakaadik talaga ang labi mo." he said between the kissed. "I love you too Shino." sagot nito sa kaniya. Natulala siya sinagot ng dalaga sa kaniya. Totoo ba iyong narinig niya? Ang puso niya nagkakarera na naman. Nag-uunahan sa palabas. "Hoy! Tulala kana." Sinampal siya ni Elaiza sa mukha. Kumurap-kurap siya. Nang mahimasmasan ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga at umiyak siya. Literal na umiyak siya. Nagtaka tuloy si Elaiza kung bakit sumisingot  na si Shino. Matapos niya kasing sabihin ang mga katagang iyon sa binata. Natulala ito ng ilang saglit at namumula ang pisngi. Kaya sinampal niya ito. Nang matauhan naman ay ayon niyakap siya ng mahigpit at umiiyak. Problema nito? "Elaiza. I love you! I love you! I love you!" sigaw nito habang yakap siya. Kaya niyakap na lang din niya ang binata. Pipigilan pa ba niya ang puso niya? Ang puso niyang nagpahinga lang noong mga nakalipas na taon para  sa binata. Mahal niya pa din ito. Ginawa naman ni Shino ang sinabi ng dalaga sa kaniya. Nilinisan niya ang sariling opisina. Iyon ang utos ng dalaga. Dapat sundin  eh. Mahirap na magalit pa iyan nako! "Shino." tawag nito sa kaniya. "Yes. Cherry blossom?" Hindi ito lumingon sa kaniya nakaharap lang ito sa mga papel na nasa mesa. "Wala ka bang gunting?" tanong nito. "Gunting? Aanhin mo ang gunting?" tanong niya. Nagbabasa pa din ito. Siya naman bitbit na niya ang pamunas  at okay lang na maglinis siya dahil nakainom na siya ng gamot niya kanina bago siya umalis ng suite niya at may dala din siya. "Nasaan ang gunting mo?" tanong nito. "Nasa drawer. Diyan ko yata iyon nailagay." aniya. Tumango ito at agad na binuksan ang drawer niya. Nang makita niyang hawak na ng dalaga. Agad na ginupit nito ang mga papel na nakapatong sa mesa. "Anong ginagawa mo?" tanong niya rito. "Kailangan ko pa iyong permahan!" sigaw niya. Tumingin si Elaiza sa kaniya na may galit na mata. "Your shouting me?" sabay turo sa sarili. "Sorry, but what are you doing I need to signed  all that but you ruined it. Ang mas malala. You cut it." aniya dito na may malungkot na mukha. Tumayo nama ang dalaga at nilapitan siya. "Linisin mo ang mga iyon." sabay turo sa papel na ginupit nito. "Ayaw ko kasing madumi ang opisina ko." diin nito sa salitang Ko. Tumango siya. Kanina pa siya naglilinis at kanina pa din nagkakalat  ang dalaga. Wala siyang ginawa sundin  lahat ng utos ng boss. "Sige na. Linisin  mo 'yan may pupuntahan lang ako." "Iiwanan mo ako dito?" tanong niya. Mas lalong lumungkot ang mukha niya. "Look at me." anito. Sumunod naman siya, dahil magkalapit lang silang dalawa ay niyakap siya nito. Panigurado. Naririnig  ng dalaga ang pintig ng Puso niyang kanina pa tumatakbo ng mabilis. "Your hear beating so fast." anito. "Yes. For you. Ganiyan ginagawa mo sa akin." Tumingala ito sa kanya at nginitian siya ng matamis. "I love you, hundred thousands times." Hinalikan siya ng dalaga. "Love you too. Sige na nga, hindi na ako aalis. Tatawagan ko lang si Caleb at kuya Harold." Nang mabanggit agad ng dalaga ang pangalan ni Caleb. Nagdilim agad ang mukha niya. Akin lang si Elaiza. "What's with the face?" tanong nito. "Naiinis lang ako sa tuwing binabanggit  mo ang pangalan ni Caleb at Edzel. Dapat ako lang. Ako lang kasi, ako lang naman ang mahal mo diba?" aniya. Kumalas sa pagkakayakap ang dalaga. Hindi nga niya alam kung sila na ba. "Nagseselos ka? Tsk. Ikaw naman ang mahal ko eh. Ikaw lang." anito. "Talaga?" Balik na ulit siya sa mood. Paano ba naman kasi, sinabi na nito na siya lang ang mahal. Dapat lang dahil sa kaniya si Elaiza. Sa kaniya lang. Tumango ito at tumalikod sa kaniya. Kaya binitawan niya ang hawak na pamunas at niyakap ito mula sa likuran. Iniligay niya ang baba niya sa balikat nito. "Nga pala. Bakit mo ginunting ang mga papel na 'yon?" tanong niya dito. "I don't like it. Puro sila lang naman ang makikinabang eh. Binabasa mo ba iyon ng maige?" tumango siya. Pero, mas nababaliw siya sa amoy ng dalaga. "Mabuti at hindi mo pa pinermahan ang mga iyon?" "Pepermahan  ko na sana ang mga iyon." aniya. "Mabuti nabasa mo. Thank you." aniya sabay halik sa pisngi nito. Kung pwede niya lang itanan ang dalaga baka ginawa na niya. Ang sakit na ng puson niya dahil sa pagpipigil na maikama ito. "You know what my cherry blossom.. Your torturing me." aniya rito. Napalingon ito sa kaniya na may kunot ang noo. "What do you mean?" tanong nito. "I mean. S." aniya. "S?" Tumingala naman ang dalaga sa kisame. As if naman may makuha itong sagot do'n. "S." anito ulit ng mahina. "Hay." Sabay hingang malalim. "Teka. Tayo na ba?" tanong niya. Kailangan niyang masiguro iyon. "Yes. Ayaw mo? Babawiin ko." sabay tingin sa kaniya.  Hinalikan na lang niya ito sa labi. Tumugon naman ang mga labi nito. Stop torturing me please! sigaw niya sa utak. Bago pakawalan ang labi ng dalaga. "Maglilinis na ako. Baka hindi ako makapagpigil eh. Humantong pa sa 'S' na sinasabi ko." aniya tapos kumalas siya ng yakap at bumalik sa paglilinis. Bumalik din sa pagkaka-upo ang dalaga at siya naman tinapos na lang ang ginagawa. Ilang sandali lang ay may kausap si Elaiza sa cellphone nito. "Yes? Nope. Find her. Nakatakas pala ang babaeng iyon? Bakit niyo naman pinalaya  senior inspector Salvacion?" tanong nito sa kabilang linya. Wala siyang idea kung sino ang tinutukoy niyang senior inspector Salvacion basta sa pagkakaalam  niya ay pulis ito. Bakit naman tatawagan  ni Elaiza ang mga pulis? Sino na naman ang ipapahuli  ng girlfriend niya? Hindi na lang niya iyon pinansin. "Hindi pa ba sapat  iyon? What? Sino naman ang nagpalabas  sa bruhang iyon? Ah. Nakapiyansa  pala. Kailan pa? Ganoon na katagal!?" sumisigaw na ito. Nakakatakot talaga ito minsan. Napatingin naman si Elaiza sa kaniya. "Shino." tawag nito. Tumingin lang siya pero, hindi siya sumagot. "Alam mo bang nakapag-piyansa  ang bruhang si Rin?" umiling siya. Paano naman niya malalaman iyon? Matapos niya iyong ipahuli  wala na siyang balita na dahil nabusy na siya sa kompanya nila. Wala na siyang panahon sa babaeng iyon. "Wala ka man lang alam." malamig na turan nito sa kaniya. Kasing lamig ng yelo. Umiling ulit siya. "Tsk. Halika ka nga dito." tawag nito sabay pindot  ng cellphone nito at baba sa mesa. Kaya lumapit na siya sa dalaga. Nang nakalapit na siya ng husto ay bigla itong tumayo at piningot ang tenga niya. "Aray!" sigaw niya dito. "Aray! Aray! Aray! Ang sakit!" sabay layo ng konti pero, piningot pa din ng dalaga. "Ikaw! Wala ka man lang alam!" sigaw nito sa kaniya. "Ayan tuloy!" tapos binitawan nito ang tenga niya. Ang sakit talaga. Tiningnan niya ng nakasimangot ang dalaga. "Sumusobra  kana hah!" sigaw din niya dito. "Ah. Sinisigawan mo ako?" sabay turo sa sarili nito. Tinaasan pa siya ng kilay nito. "H-hindi  na sa ganoon." sagot niya sa nauutal na boses. Ilang segundo  lang ngumiti ito at hinawakan mukha niya patungo sa tenga na piningot nito. "Masakit." aniya na nakanguso. Tinampal  tuloy ni Elaiza ang braso niya gamit ang isa pa nitong kamay. Ang bigat ng kamay ng babaeng ito. Tsk. Kung hindi ko lang ito mahal nako! Tinapon ko na ito sa labas. Kaya lang lakas ng tama niya sa babae eh. "Kawawa naman ang Shino ko. Napingot  ang tenga." anito sa kaniya tapos, bigla na lang siyang pinalapit  pa nito sa mukha at Hinalik-halikan ang tenga niya. Ang sarap sa feeling parang rebisco  lang. "Hindi na ba masakit?" tanong nito. "Masakit pa." sagot niya na may sinusupil na mga ngiti sa labi. "Sus!  Kunwari ka pa." hinalikan din siya nito sa labi. Here we go again! Ang puson  masakit na naman. "Sige. Ah. Linis na ako." aniya sabay kalas  dito. Ngumisi lang ang girlfriend niya sa kaniya. Tumataas baba pa ang mga kilay nito  na nakatingin sa kaniya. "Baka, mabinyagan  kita ng wala sa oras." sabay talikod dito. "Okay." tapos nang lingunin niya ito. Nagbabasa na naman ng mga files. Mabuti ng alerto  siya baka hindi niya mapigilan eh. Madala  niya ng CR ang dalaga at doon ito lubusang  angkinin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD