Nang makarating sila sa hotel. Meron agad na tumawag sa cellphone niya. Hindi niya alam kung sino dahil wala naman nakalagay. Number lang. "Hello." nauna na sa kaniyang maglakad ang mga kasama niya.
"Sabi mo, babalik ka. Where are you? Are you okay?" nanlaki ang mata niya dahil sa narinig. Paano nakuha nito ang number niya?
Kinalma niya muna ang sarili niya. Dahil tumitibok na naman ng malakas ang puso niya. "Where did you get my number?" tanong niya dito sa kabilang linya. Isang tao lang naman ang kayang magpatibok ng ganoon sa puso niya. Ang may-ari ng kalahati ng kompanya. Tsk. Ay twenty five percent share lang pala.
"Huwag mo ng tanungin kung saan ko nakuha ang number mo. Ang sagotin mo ang tanong ko. Are you okay? Nabalitaan ko ang nangyari sayo kahapon at ngayon. Gusto kitang makita." anito.
Grabe! Umiinit na naman ang dalawa niyang pisngi. "I want to see you Elaiza." anito. "Please. I want you here. Kahit saglit lang." anito sa kabilang linya. "Nag-aalala ako sa'yo, alam mo ba 'yon?"
"N-nope." sagot niya sa nauutal na boses.
"Couz! Faster!" sigaw ni Harold. Naglalakad kasi sila papunta sa suite nila.
"Nandiyan pala sila. Oh by the way, I set up a meeting with your lawyer this afternoon. I want you there, dito lang naman sa sa hotel sa baba sa may restaurant." anito.
"Ah. Ano kasi, may plano ako this afternoon pupunta akong kompanya niyo. I will visit." aniya na may pag-aalinlangan. She wanted to see Shino but, nakaplano na ang gagawin niya.
"Really? Sige, after the meeting." anito na parang masaya.
"Sino ba ang kausap mo Couz?" tanong ni Harold na siyang nagbukas ng suite niya.
Binaba niya agad ang cellphone niya pero, hindi niya pinatay ito. "Ah." sasabihin niya ba? "A friend of mine." aniya.
Sina Caleb at Edzel naman ay pumasok na kwarto na katabi lang ng sa kaniya. "Are you sure? Why are you blushing by the way? Kanina ko pa iyan napapansin nang sagotin mo ang tawag. Aha! I think I know. A friend of mine ka diyan." sabay agaw ng cellphone sa kaniya.
"Kuya huwag!" sigaw niya.
"Hello! Hoy! Ikaw ha! Sinaktan mo na ang pinsan ko. Tapos, ngayon magpaparamdam ka sa-. Ay bastos iyon ah!" anito sabay balik ng cellphone sa kaniya.
Nakahinga siya ng maluwag. "Kuya talaga!" aniya sabay irap dito.
"Sorry. Pero, nang sagotin ko siya. Wala na iyon cancel na ang call niya." anito. "Wala naman talaga akong kausap no'n." inirapan niya ito ulit.
"Nga pala. Kailangan ko ng maligo tapos kayo din." aniya sabay pasok sa loob ng suite niya.
May kumatok. Nang buksan niya ay binigay sa kaniya ni Harold ang key card niya. "Salamat." sabi niya rito na may ngiti sa labi. Isinarado niya ang pinto.
Napadausdos na lang siya sa likod ng pinto. Grabe ang kaba niya. Paano kung sinagot din iyon ni Shino sa kabilang linya? Nayari na!
Nang may kumatok na naman. Naiinis niyang binuksan ang pinto. "Ano ba!?" pero, nang makita niya kung sino ang nasa harap niya. Hindi na siya nakapagsalita.
Natameme na siya. "A-anong g-ginagawa mo d-dito?" tanong niya sa nauutal na boses.
"Gusto kitang makita tapos, hindi na ako makapaghinatay na masilayan ka." anito sa kaniya.
Napatango na lang siya sa wala sa oras.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong nito. Nilakihan niya ang bukas ang pinto. Nakakahiya naman diba kung tatanggihan niya ang may-ari ng kompanya.
Nang makapasok na si Shino ay agad niyang isinarado ang pinto. Sana walang nakakita sa pagpasok ng taong ito. Dahil kung hindi lagot siya sa mga kasama niya na nasa kabilang kwarto lang din naman.
"Big time kana pla talaga." anito sabay tingin paligid.
"Ah. Ano, si Caleb ang nagbayad ng suite na 'to." aniya.
Tumingin si Shino sa kaniya na madilim ang mukha. Patay! May nasabi ba siyang mali? Wala naman yata diba?
"Diba siya iyong lawyer mo? Nanliligaw ba iyon sa'yo?" tanong nito.
Ano ba ang dapat niyang isagot dito? Oo or hindi? Pero, masama ang magsinungaling. Tumango siya. Mas lalong dumilim ang mukha nito. "I think mali ang pagpunta ko dito. Aalis na ako." anito sa kaniya.
Mukhang kinakalma ni Shino ang sarili niya. Nakita niya kasing huminga ito ng malalim. Pero, bago ito umalis ay niyakap siya at naamoy na naman ang buhok niya. Wala pa siyang ligo. Nakakahiya naman. "Cherry blossom." banggit nito.
Gusto din sana niyang yakapin ito pabalik pero, nahihiya siya tapos, umiinit na naman ang pisngi niya. "Oh.. My cherry blossom." sabay taas ng baba niya at nagtitigan sila sa mata. "Your blushing again hah." tapos bigla siyang hinalikan sa labi.
Tulala siya. Nang marinig niyang bumukas Sara ang pinto. Iyon din ang time na nahimasmasan siya. Napahawak siya sa labi niya. Totoo ba 'yon? Totoo dahil naramdaman niya ang init. She's wet down under. God!
I think kailangan niya ng maligo. Kaya dali-daling siyang pumunta ng banyo at naligo.
Nang matapos siya sa maligo. Ay nagbihis na siya. May kumatok sa pinto kaya binuksan niya. "Kuya." sambit niya kay Harold.
Nang makita ni Harold na basa na ang buhok niya pero, wala pa itong suklay. Nang tingnan naman niya ang mga kamay nito. Malinis na dahil sa pagligo pero, klaro na ang sugat dahil maputi ang pinsan niya.
Binuksan naman ni Elaiza ng malaki ang pinto at pumasok si Harold. "Akala ko tulog ka." ani ni Elaiza sa kanya.
"May tulog bang nakatayo dito at nakakausap ka?" pilosopo nito sa kaniya. "Sige na, umupo kana sa may sofa at gagamotin natin iyang mga sugat mo. Nako! Lagot tayo kina nii-chan nito eh at okaasan pati na din kay Otosan." anito sa kaniya.
Tumango nalang siya at ngumiti ng mapait. Kasalanan niya ba na sinagad siya ng husto ng walangyah niyang pinsan? Mabuti nga at hindi sa mukha ng pinsan niya binuhos ang lahat ng galit ede baka na-comatose na iyon ng wala sa oras. Tsk.
Umupo siya sa sofa at si Harold naman kumuha ng first aid kit sa may cabinet. Nang makabalik dala na nito iyon. Inilapag ni Harold ang kit sa gitna nilang dalawa at agad niyang nilahad ang kanang kamay niya dito.
"Next time. Control your temper." paalala nito sa kaniya.
Gustuhin man niya kaya lang sinagad siya ng husto eh. Mga mukhang pera kasi ang mga pinsan niya. Tsk. Akala naman ng mga ito, ikakayaman nila iyon. Hindi sila yayaman dahil hindi malinis ang pera na pinapasok nila sa bulsa nila. Tsk.
"Nga pala. After this, matulog ka na. Babantayankita kapag hindi natulog isusumbong kita kay tita." panakot nito sa kaniya.
"Okay. Huwag mo lang akong isumbong kay nanay. Hindi ako sesermunan no'n pag-uwi kundi palo na talaga." aniya na may ngiti.
"Ano ka ba naman? Hindi ka naman niya pinapalo eh. Kurot sa tagiliran na may sabay sermon." anito sa kaniya.
"Aray!" reklamo niyo. Diniinan kasi ni Harold ang paglalagay ng gamot. "Dahan-dahan naman." aniya na nakabusangot.
"Ngayon alam mo na masakit? Suntukin ba naman ang pader eh." anito.
"Sige! ayaw mo sa pader? Gusto mo ikaw ang suntukin ko?" aniya rito na may seryoso na mukha. Umiling ito. "Mabuti nga na pinigilan mo ako na masapak ko ang bruha na 'yon." aniya. "Pero, thanks talaga kuya. Kay love kita eh." aniya na may ngiti sa labi.
"Welcome." anito. "Kabila naman." Kaya agad niyang nilahad ang kaliwang kamay tapos ginamot na agad nito.
"Sorry din dahil nabugbog kita." aniya na ang tinutukoy ay ang mga pasa sa mukha ng pinsan niya. "Hindi ko kasi alam eh." na may malungkot na mga tinig.
"Ano ka ba!? Ayos lang iyon, ikaw pa, malakas ka sa akin." anito.
Konti lang naman ang sugat niya sa kaliwang kamay kaya mabilis lang natapos. Tapos, ang ginamot niya na lang ang mga paa niya may mga konting sugat din siya.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at pinahiga siya sa kama. Ang pinsan pa niya ang nagkumot sa kaniya. Nakita naman niyang ibinalik nito ang kinuha sa cabinet at humiga sa sofa. "Matulog kana." anito.
"Opo." tapos, ipinikit niya na ang mga mata.
Nagising si Elaiza dahil sa ingay ng tumatawag sa telephone. Agad niyang sinagot ito. "Hello."
"Where are you?" tanong ni Shino sa kabilang linya. Kumunot tuloy noo niya. Paano? Ay. Hindi na siya magtataka pa, panigurado tinawagan niya ang front desk para i-connect ang tawag.
"Nandito pa sa kwarto. Bakit ba? Kakagising ko lang dahil sa tawag. Kainis!" aniya sa naiiritang boses.
Kinusot naman niya ang mata niya at umupo sa kama. Nang tingnan niya ang sofa ay wala na ang pinsan. Umalis siguro dahil pupunta sa kabilang kwarto.
"Sorry. Nga pala, nag meet na kami ng lawyer mo kanina and I agree." Lumaki ang mata niya sa sinabi nito.
"What do you mean?" tanong niya rito.
"Yes. My cherry blossom. Bebentahan kita ng shares. Five percent shares ng kompanya. Dahil alam ko naman na kukulitin mo ako. So, are you happy now, my cherry blossom?"
"Yes po." sabay tango kahit hindi naman nakikita ng nasa kabilang linya.
Tumatawa si Shino sa kabilang linya. Malakas na naman ang t***k ng puso niya. "Kita naman tayo oh." anito sa kanya. Nai- imagine niya na naka-pouted lips ang loko sa kabila.
"Oo. Saglit lang magbibihis lang ako tapos, magkikita tayo sa opisina mo. Siguro naman hindi ka lumipat ng opisina?" tanong nito.
"Ayeii!! Excited na ako. Ikaw lang ba ang pupunta?" tanong nito.
"Unfortunately. No." sagot niya.
Biglang natahimik sa kabilang linya. Nadismaya siguro sa sagot niya. Pero, she can do what ever she wanted to do. "Ay. Sige okay lang." anito. "Magtitiis ako. Ako naman ang may kasalanan." Malungkot na ang boses nito. "Sige paalam na."
Bago pa mababa ng nasa kabilang linya ang telephone ay inunahan na niya. "Oo naman. Sige na nga. Ako na lang mag-isa." aniya rito.
"Talaga!?" sigaw nito. Napangiwi tuloy siya dahil sa sigaw.
"Huwag ka ngang sumigaw." aniya.
"Sorry. I'm so excited to see you. Kiss you and hug you." Namula tuloy siya sa turan ng nasa kabilang linya. Palakas ng palakas ang t***k ng puso niya. "Sige. Maghihintay ako sayo sa opisina tapos, iinom muna ako ng gamot ko. Bye. My cherry blossom." Anito. Tapos, narinig niyang nawala na sa kabilang linya.
Kaya binaba na din niya ang telephone.
Panigurado siya nakangiti ang mokong na 'yon. Siya naman umiinit ang puso niya. Parang may kabayong nagkakarera sa loob nito. "Wahhh!" sigaw niya dahil hindi na niya kayang pigilan ang kilig na nararamdaman.
Humiga siya sa kama niya at nagpagulong-gulong sa sobrang kilig. "Eiiii!!" aniya. Kailangan niyang ilabas ang kilig sa katawan, dahil hindi siya mahihimasmasan sa nararamdaman niya ngayon. Sobrang kilig at init din ng pisngi niya.
Mukhang kailangan niyang maligo ulit. Dahil ang init talaga ng pisngi niya. Kahit hilamos lang or suklay. Wala pa naman siyang suklay kanina. Dahil pinatulog na siya ng pinsan niyang si Harold.
Kaya dali-dali siyang pumunta ng banyo at naghilamos. Nararamdaman pa din niya ang init. Nang tumingin siya sa salamin kitang-kita niya ang dalawa niyang pisngi na pulang-pula na.
Bakit ang lakas pa din ng tama ng puso niya kapag si Shino Yamamoto ang pinag-uusapan? Ang lakas pa din nitong makapula ng pisngi. Pero, naging seryoso bigla ang mukha niya. Five percent share ng kompanya ay nabili na ni Caleb kay Shino. It means nasa kaniya na ang kompanya. Siya na ang may-ari nito. Magpatawag man siya ng meeting or hindi. Nasa kaniya pa din ang desisyon. Good job Caleb.
Agad siyang lumabas ng banyo nang matapos siya sa paghihilamos ng mukha.
Samantala.
Shino take his medicine for allergy. He needs to, dahil magkikita sila ni Elaiza sa office niya at magiging office na din ng babae soon. Nasa kwarto pa siya ngayon at katatapos niya lang ng meeting with Elaiza's lawyer.
Kailangan niyang pagbigyan ang dalaga na mabili nito ang shares niya dahil alam niyang kukulitin din siya nito kapag nagkita sila. Iba pa din ang epekto ng dalaga sa kaniya. Tumitibok din ng malakas ang puso niya kapag nadidinig niya ang boses nito kahit nasa cellphone or telephone man lang.
Ito nga at kakatapos lang din nila sa pag-uusap. Natapos na din siyang uminom ng gamot pero, ang puso niya lakas pa din ng t***k. Hindi niya kayang pigilan ang sarili niya sa tuwing nakikita ito. Kagaya na lang kanina.
Kinakabahan pa nga siya na baka sina Harold or 'yong Best friend niya ang makabukas ng pinto. He thanks God dahil si Elaiza ang bumukas at wala ibang tao na nandoon. Big time na talaga ang Elaiza niya.
Yes. His Elaiza. Dahil sa kaniya naman talaga ito noon pa. Kaya lang nasira dahil sa kapatid niya. Nasaan na ba ang babaeng iyon? She hired an investigator para lang maimbistigahan ang dalagang minahal niya.
Para saan ang mga iyon? Para siraan si Elaiza? Pero, hindi siya naniniwala na ang lahat ng iyon ay kagagawan ng pinsan nito may isang tao pa sa likod ng pinsan nito.
He will find it sooner or later.
Humarap siya sa salamin para tingnan ang postura niya kung ayos ba ang damit na suot niya or hindi.
Nang masiguro niyang okay na ang damit niya ay lumabas na siya ng kwarto niya.
Nang nasa elevator siya ay ang Swerte niya. Si Elaiza ang kasabay niya kaya agad niyang inakbayan ang dalaga. Sa amoy palang kilala na niya ito. Amoy cherry blossom ito.
Ang amoy na kinababaliwan niya noon hanggang ngayon. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Ano ba. Tumigil ka nga." anito sa kaniya.
Ngumisi lang siya. "Kasalanan mo kasi, binaliw mo ako ng ganito." aniya sabay halik sa leeg nito.
"May makakita sa atin. Ano ba!" sabay tanggal ng kamay niya.
"Tsk." aniya. Huminga ito ng malalim. "Bakit ba ayaw mo?" tanong niya. Humarap siya dito at nakita niyang namumula na naman ang pisngi ng dalaga. "Your blushing again my cherry blossom." aniya.
"Tumigil ka nga sa cherry blossom. Hindi ako cherry okay." anito na tumingin sa ibang direction.
Ayaw mo palang yakapin sa likuran pwes sa harapan pwede. Kaya walang tanong tanong niyakap niya si Elaiza ng mahigpit at inamoy ang ulo nito.
"Nakakaadik ka talaga." aniya rito.
Dahil malapit na sila sa ground floor ay agad siyang kumalas ng yakap. Gusto niya na yakapin siya pabalik ng dalaga pero, hindi nito ginawa. Hindi pa din ba siya napapatawad nito? He will do anything for Elaiza para lang patawarin siya nito. Siyaka, nagsisisi na naman siya ah.
Ayaw na niyang pakawalan ang dalaga dahil nararamdaman niyang nandoon pa din ang pagmamahal nito noon. Mahal ba siya nito noon? Noong panahon na wala pa itong alam?
Nang huminto ang elevator ay agad niyang inakbayan ang dalaga patungo sa parking lot. May isang bellboy na lumapit sa kaniya at binigay niya ang susi dito.
"Mahal kita Elaiza. Noon hanggang ngayon." aniya rito.
Napatingin tuloy ang dalaga sa kaniya. Tinaasan pa siya ng kilaya pero, ang dalawang pisngi nito pulang-pula na. "s**t!" mura nito ng mahina. "Why are you like this Shino?" tanong nito sa kaniya.
Dahil wala pa ang bellboy ay niyakap niya ulit ang dalaga. Ilang sandali ay kumalas siya at walang pagdalawang isip na hinalikan niya ito sa labi. Gusto niya na halikan din siya ni Elaiza pabalik. Gusto niyang ipakita ng dalaga ang tunay na nararamdaman nito sa kaniya.
Nang si Elaiza ay sumasabay na mismo sa mga halik niya. Ikinawit nito ang mga kamay sa leeg niya. Siya naman ay niyakap ang isang kamay sa baywang nito at ang isa ay sa likod para alalayan.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay kinapos sila ng hininga. "Aisheteru." (I love you) aniya sa dalaga.
"Kailangan ko bang sagotin ang mga iyan ngayon?" tanong nito sa kaniya na pulang-pula pa din ang mukha.
Umiling siya. "I will wait for you Elaiza. Kahit one hundred thousands years pa." aniya rito na nakangisi. "Sigurado, wala tayong anak no'n dahil buto na tayong dalawa."
Tinampal ni Elaiza ang dibdib niya. Dahil sa ginawang iyon ng dalaga ay lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Kaya kinuha niya ang kamay ng dalaga at tinapat sa puso niya. "Did you feel it Elaiza? My heart beating so faster because of you." aniya.
"Same." sagot ng dalaga sa kaniya.
Sasabihin sana niyang pahawak ya lang baka sipain siya nito. Bumusina na din ang sasakyan niya. Binigay agad ng bellboy ang susi sa kaniya at binigyan niya ito ng tip.
Pinauna niyang pasakayin si Elaiza at inalalayan ito. Siya naman ay umikot sa kabila and he secure the lock. Minaneho na niya palabas ng hotel ang sasakyan niya. "Nga pala. Bakit kailangan mo pang mag- hotel eh. May bahay kana diba?" tanong ni Elaiza sa kaniya.
Napalingon siya saglit dito at itinuon ang mata sa kalsada. "Mahabang estorya." sagot na lang niya. Tumahimik na din ang dalaga at hindi na nangulit pa sa kaniya.