CHAPTER 21

2401 Words
Nang makauwi sina Harold at Elaiza sa bahay ng Lola at lolo niya. Nakita ni Harold na tumutulo ang luha ni Elaiza. Kaya bumaba na siya at bumaba na din ng sasakyan ito. Nang makalabas ang dalaga ay agad niyang niyakap ito. "Okay lang yan pinsan. Ilabas mo lahat ng problema mo. Nandito lang ako para sayo. Hindi kita pagtatawanan at hinding-hindi  kita iiwanan." aniya sa pinsan niyang umiiyak. Ilang sandali  lang ay may biglang humikbi  ito at hindi niya alam kung paano aaluin. Nasa garahe pa lang sila ng bahay at hindi pa sila nakakapasok. "Bakit ganoon pinsan? Bakit ang sakit? Naramdaman ko naman na parang sincere siya pero, mahirap ulit magtiwala  sa kaniya. Nasaktan na niya ako  kaya ang hirap magtiwala. Mahirap ibigay  kasi alam ko na masasaktan din ako." anito sa kaniya. "Pinsan. Kapag nagmahal  ka masasaktan ka talaga. Hindi naman puro masaya eh." aniya rito. "Tara na sa loob. Maginaw  dito sa labas eh. Baka mahamugan  ka nako! Ako na naman pagalitan  ni dad nito. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ni Dad. Mas mahal ka pa kaya no'n kesa sa amin na anak niya dahil wala daw siyang anak na babae." anito. Narinig naman niyang tumawa ito. "Yeah. Tito loves me so much kasi nagseselos  siya kay nanay kasi daw may anak daw siyang babae tapos si nanay naman ganoon din sa kaniya kasi wala daw anak na lalaki. Kulang na lang ipagpalit  nila tayo." anito pagkatapos ay tumatawa na. Mukhang naibsan na agad ang problema nito dahil sa tumatawa na ang pinsan niya. Totoo naman ang mga sinabi niya at ng pinsan. Halos ipagpalit  na sila ng mga magulang nila dahil nagseselos  ang mga ito sa isa't-isa. Giniya niya ang pinsan niya patungo sa kwarto nito. Nang makapasok sila ay agad niyang tinurn-on  ang switch ng ilaw at pinahiga na si Elaiza. "Magpahinga ka na muna okay?" tumango naman ito sa sinabi niya at ngumiti siya. Lumabas siya g kwarto at sinarado  ang pinto nito. Nang magising si Elaiza. Gutom na gutom na siya kasi naman ay hindi sila kumain sa restaurant. Pumunta pa sila wala man lang kain. Gutom na gutom tuloy siya. Tsk. Kaya bumaba siya at nang makarating siya sa dining room nakita niya ang food cover na may nakasulat. *For our Elaiza* from Harold. Napangiti na lang siya. Ang pinsan talaga niya napakamaalaga  nito sa kaniya at sa ina niya. Mahal na mahal sila nito. Lalo na iyong kambal ng nanay niya. Kaya kumain na lang siya. Kumuha siya ng kanin at ulam. Napangiti siya ng adobo ang niluto. Nang matikman, alam na niya kung sino ang nagluto no'n. Ang nanay niya pero, masiyadong maalat  at alam niya kaninong timpla  iyon sa pinsan niya. Nakuha na nito kung paano magluto ang nanay niya ng adobo  kaya lang ang gusto naman nito sakit sa bato. Kinain na lang niya ng walang reklamo. Mahal na mahal niya ang mga pinsan niya. Ang mga pinsan niyang lalaki na siyang tumuring  sa kaniya na kapatid. Hindi Kagaya ng pinsan niya na babae na ang nais lamang ay sirain ang buhay nila mag-ina. Sawang-sawa  na siya na sinisira  ang buhay niya. Kaya ngayon tatayo na siya sa mga sariling paa. Kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas at magtutuos  sila ng babaeng iyon. Gabi na at hindi pa din nakakatulog  si Shino. Ang nasa isip niya ay ang mukha ni Elaiza. Mukha na nasasaktan, at ayaw na ayaw pa naman niya na nasasaktan ang babae. Napagdesisyonan  din niyang umuwi ng Pilipinas bukas. Nang may biglang kumatok sa pinto niya. Gabing-gabi na pero mukhang may gising pa sa pamilya niya. Kung hindi ang mga magulang niya ay ang mga kapatid niya. Ang kapatid niyang walang ibang ginawa sa kaniya kundi  bigyan siya ng sakit ng ulo. Bumangon siya at agad na lumabas ng silid niya. "Nani?" (What?) "Nothing." sagot ni Shimon. "I heard nagkita daw kayo ni Elaiza sa restaurant. Kasama niya ba iyong lalaking halos kasing tangkad  lang niya?" tanong nito. Bigla tuloy dumilim mukha niya. "Hai. Doshite?" (yes. Why?) Nakita niyang biglang huminga ng malalim ang kapatid niya.  "Pinsan niya iyon kaya huwag kang magselos. And I am feel guilty for what I did to her yesterday." anito. Kumunot ang mukha niya. "Anong ginawa mo?" tanong niya. Malaki na nga ang kasalanan niya kay Elaiza dagdagan  pa ng kapatid niya. Paano na siya mapapatawad ng dalaga. "Nanggulo ako sa building na pagmamay-ari niya. Akala ko kasi nagtatrabaho siya do'n at boyfriend niya iyong lalaking kasama niya. Pero, I was wrong and she said na ang kompanya daw natin ang malalagot." anito. Kumunot noo. "What do you mean?" "Pagmamay-ari daw niya ang kalahati ng kompanya natin. Hindi ko alam kung paano." anito. Realization dawn on him. "She what? Does it mean she buy the shares." anito. "Kaya nga eh. Hindi ko alam kung paano niya nabili ang shares. Kung hawak niya ang fifty percent share ng company ibig sabihin, wait, bininta  mo ba ang shares mo?" umiling ito. "So, ibig sabihin ay si Shikaya  ang nagbenta  ng shares niya." aniya. "Parang ganoon nga." anito. "Kaya siguro nakipagkita  si Shikaya kay Elaiza." aniya. "Anong sabi mo kuya? Nakipagkita  si Shikaya kay Elaiza? Anong ginawa ni Elaiza?" tanong nito na may nag-aalalang  boses. "Wala naman. Wala siyang ginawa. Shock na shock lang si Shikaya sa nakita niya. Pati nga ako. Hindi din makapaniwala sa nakita ko." aniya.  "Tara. Mabuti pa kausapin natin iyong babae mong kapatid. Malalagot iyon sa akin." Tapos, agad silang naglakad patungo sa kwarto ng nakakatandang  kapatid nila. Kinatok  nila ito. Malalakas na katok ang maririnig mo buong bahay. Pero, hindi pa din binubuksan  ang pinto. Nang pinihit ni Shino ang pinto ay naka-lock  naman ito. "Paki-kuha  nga ng susi dito sa mga maid." utos niya. Tumango naman si Shimon at dali-daling umalis. "Shikaya! Open the door!" sigaw niya sabay katok  sa pinto ng malakas. Hanggang sa nagising na lang ang mga magulang niya. "what's happening?" tanong ng ama niya. Napatingin siya dito. "Gusto ko lang makausap si Shikaya dad." aniya. Huminga naman ng malalim ang ama niya. "About the company?" tumango siya. "Oh. Iyong kapatid mo kasi, ayaw niya sa kompanya natin." anito. Speaking of Shikaya bigla na lang itong lumabas ng kwarto niya. "Bakit ba ang ingay niyo?" Nang tingnan niya ang buhok nito. Basa pa. Tsk. Naligo lang pala. "Dad. Matulog kana po at ikaw din mom." anito ni Shikaya sa mga magulang niya. "Gabing-gabi  na nambubulahaw  pa kayo ng iba. Dumating na din si Shimon. Tsk. Late. " dumating ka pa." aniya. "Mas magandang ma-late kesa hindi dumating diba?" pabalik na tanong nito sa kaniya. Nilagay na lang nito sa bulsa ang susi. Hindi na siya nagdalawang isip. Pumasok na siya sa kwarto ni Shikaya. Tsk. Binuksan niya lahat ng ilaw at nagliwanag  ng husto ang kwarto. "Anong problema niyo?" tanong nito. Pero, siya. Umupo sa sofa na nasa kwarto nito na nakaharap  sa TV. "Anong problema? Bininta  mo ang shares mo without informing us!" sigaw niya. "Hindi ko kailangan 'yon. Bakit ba?" sigaw din nito. "Alam mo ba kung sino ang nakabili?" tanong ni Shimon na nasa may pinto nakatayo. "Yes. Si Elaiza. Nagtaka nga ako kung saan siya nakakuha  ng pera? She said she is rich even before." anito. "Tapos, pinsan niya iyong lalaking bumili ng share ko sa company. Tapos, ililipat niya iyon kay Elaiza at ano na mangyayari sa atin?" anito. Huminga ng malalim si Shino. "Yeah. Kapag may ginawa siya sa kompanya natin madadamay siya dahil may Share siya do'n." aniya. "Nope kuya. Kapag inipit niya tayo. At may balak siyang kunin lahat BG share niya pati ang kita no'n. Magkakaproblema  tayo dahil kalahati no'n ay sa kaniya niya. So ibig sabihin, kailangan hindi natin ibebenta  ang share natin. Dahil kapag nangyari iyon. Siya na ang mamahala." ani ni Shimon sa kanya. "Tama ka nga diyan." Lumingon siya kay Shikaya. "So, saan mo naman gagamitin ang pera?" aniya. "Modelling agency." sagot nito sabay higa. "Geh. Oyasumi." Tapos nakita niyang pinikit na nito ang mga mata. Isang linggo ang lumipas. Umuwi si Elaiza ng Pilipinas kasama ang pinsan niyang lalaki pati na din sina  Edzel at Caleb. Nababaliw na nga siya kakapigil sa dalawa. Palagi na lang nagbabangayan. Kesyo  mas Gwapo daw si Edzel at hindi naman nagpapatalo si Caleb. Ewan ba niya kung bakit Sumama si Caleb sa pauwi ng Pilipinas eh. Sandali lang naman sila do'n. Habang nasa NAIA airport sila. Kinuha niya ang backpack niyang dala. Tama! Iyon lang ang dala niya at konti lang ang dinala niyang mga damit. Ang pinsan naman niya pati sina Edzel at Caleb ay mga maleta  ang dala. Feel niya ang bigat na ng mga iyon. Mapapakinabangan din niyang may mga lalaki siyang kasama. Bukod sa pagiging alalay  niya may instant bodyguard pa siya. Isa pa kailangan niyang pang pumunta ng mall para bumili ng pasalubong para sa lolo niya. Ang lolo niyang matanda na din at uugod-ugod  na. "Teka. Kailangan natin na pumunta ng mall." aniya. Palabas na din sila ng airport. Nakuha na kasi ng mga ito ang mga maleta nila. Napalingon naman ang mga ito sa kanya. "What?" mataray niyang tanong. Umiling lang sina Caleb at Edzel. "Teka nga Caleb. Bakit ka ba sumama sa amin?" tanong niya. "Bawal ba akong sumama?" tanong nito na may slang. Hindi pa kasi masiyadong marunong magtagalog. Tinuturuan siya nito minsan magsalita ng English kaya tinuturuan din niya ito ng tagalog. 'Yon nga lang hindi pa masiyado. Si Caleb din ang naatasan  niyang bumili ng Share nina Shino at Shimon. Kung hindi niya makuha ang buong share kahit sino man sa kanila Shino at Shimon. Bibilhin niya ang ten percent share no'n. "Caleb. Kumusta na ang pinapagawa  ko sa'yo?" tanong niya dito. Lumapit ito sa kaniya. Nag-aabang  kasi sila ng taxi. "Yes. Malapit na silang mamapayag  dalawa. Ang laki kaya ng offer ko sa kanila." sagot nito. Napangiti na lang siya sa narinig mula kay Caleb. "Good." aniya na hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi. "Five percent share one of them. Kapag nakuha natin kahit 1 -5 percent share ng company sayo na mapupunta  ang company at ikaw na ang magiging CEO and President nito." ani Caleb sa kaniya. Inakbayan siya ng pinsan niya. "Mukhang makukuha mo pa din ang company nila pinsan. Nice one. Ang talino mo talaga. Tutal nalipat ko na sa pangalan mo ang twenty five percent share na binili ko kay Shikaya Yamamoto at twenty five percent share din na nabili mo sa tatlong board. A total of fifty percent. Tapos, kapag nabili ni Caleb kahit one percent share lang nito ibig sabihin mas malaki na ang share na makukuha mo. So, ikaw pa din ang may-ari nito. Your so brilliant my dear cousin." anito sa kaniya. "Yeah. Kapag naisip nilang hindi ibenta  ang kompanya. Don't worry. Magpapameeting  tayo together with the board. Opps! Nakalimutan ko ako na pala ang may hawak ng fifty percent share so, ako lang pala ang aatend  sa meeting." aniya. "Hey. Tama na nga yan. Ito na ang taxi oh." ani Edzel. "Tsk. Panira ka ng moment eh." aniya sa kaibigan niya. "Sorry." anito sa kanya. "Tara na. Naisakay  ko na ang mga gamit niyo eh." anito at sumakay  ng taxi sa unahan. "Teka. Huwag mong sabihin na kakasya  tayo diyang apat?" tanong niya sa mga ito. "Oo naman. Ako dito sa tabi ng driver tapos kayo diyan sa likod. Tara na. Ang tagal niyo eh." anito. "Kita na namin kasi nakasakay  kana diyan eh." binaba kasi nito ang bintana ng taxi. Ngumiti lang si Elaiza at pumasok na. Kasunod  nito si Harold tapos si Caleb. Sa gilid siya malapit sa bintana. Napapagitnaan  nila Harold. Habang nasa biyahe sila. Tinanong niya si Edzel. "Best. Buti nakalabas ka pa?" "Because I am the best." sabat naman sa usapan nila ni Edzel si Caleb. Tsk. Mga mayabang talaga. "Tumahimik ka nga. Hindi ikaw ang kausap ko." aniya. "Ay. Ganiyan talaga best basta Gwapo." anito. "Isa ka pa." aniya. Tahimik lang na nakikinig ng usapan si Harold. Wala siyang pakialam sa mga ito kung magbangayan man. Palagi naman kasi itong nagbabangayan  eh. "Alam mo best. Ang Gwapo mo eh. Crush nga kita eh." aniya na may ngiti sa labi. "Talaga best?" anito na biglang nagliwanag  ang mukha. Tumango naman siya. "How about me Elaiza? I'm handsome too." anito na naman na may nguso pa. Tsk. Sarap tapyasin  ng labi eh. "Oo. Crush din kita. Gusto mo crush kita?" aniya kay Caleb. "Oo naman." anito agad. Humagalpak ng tawa si Harold at Elaiza. Pati ang driver ng taxi tumawa din. "Anong nakakatawa sa sinabi mo Elaiza?" tanong ni Caleb. "Manong driver. Anong nakakatawa sa sinabi ni Elaiza?" tanong naman ni Edzel sa driver. Tumatawa at napapailing pa ito. "Nice one ma'am." ani ng driver sa kaniya. Nagets pa ng driver ang sinabi ko kesa sa dalawang ugok. "Manong huwag mong sabihin. Gusto mo i-crush din kita?" Tumatawa at tumango lang ito. "Okay po." anito. "Ikaw naman Harold. Walang nakakatawa sa sinabi ni Elaiza ha. Ang saya kaya sa pakiramdam kapag crush ng taong crush mo din." Tumatawa pa din silang tatlo kasama ang driver do'n. Mukhang hindi pa din kasi nakukuha nito ang ibig niyang sabihin sa salitang crush. "Hay. Huwag na nga lang natin tanungin sila. Basta ang mahalaga crush ako ni Elaiza." ani ng best friend niyang si Edzel. Tsk. "Maiba  tayo. Bakit ba kapag nasa police station ang bilis mong makalabas. Dapat pala ako ang gumawa no'n para kasuhan  ka ng rape." aniya kay Edzel. "Tsk. Grabe ka naman sa akin best. Ako talaga. Sa Gwapo kong 'to. Rapist?" ani ni Edzel. "Malay mo sir. Sa Gwapo niyong yan rapist ka talaga." sabat ng driver ng taxi. Humagalpak ng tawa ang apat. "Wahh!! Rapist ka daw. Sabi na nga ba. Rapist ka. Rapist ka talaga." Aniya dito habang tumatawa. "Oy. Manong! Hindi kaya." depensa ni Edzel sa sarili. "Ang dahilan kung Bakit ako nakakalabas  agad sa kulungan  dahil sa lalaking iyan. Binula-bola niya ang babaeng police sa station. Tapos ang mukha ng police na iyon palaging pula. Kaya ayon napapakiusapan niya." anito sa kanila. "That's me." pagmamayabang  nito sa kanila. "Sa Gwapo ako eh anong magagawa ko? Alangan naman na hindi ko gagamitin itong kagwapuhan ko para sa mga chikas  diba?" Pagmamayabang  ni Caleb sa kanila. "Tsk. Walang obra  yang kagwapuhan mo sa akin." aniya rito "Oy. Sabi mo crush mo ako." "Oo. Crush nga kita. Ika-crush  kita diyan palabas ng taxi." "Ay. Huwag." anito. Sabay zipper sa kaniyang bunganga. "Ay.  gets ko na best. Hindi na po." anito sabay zipper din bunganga nito. "Naintindihan din nila pinsan. Haha." ani ni Harold. Tumango siya at hinilig ang ulo sa balikat ng pinsan niya. "Tulog ka muna. Medyo malayo pa tayo eh." anito. "Thank you." aniya sabay pikit ng mata. Iniisip niya na sana maging okay na ang lahat. Mananagot  ang mga taong may kasalanan. Kung sino man iyon. Malalaman niya din. Dahil lang sa selos nagawa iyon. Tsk. Mga tao talaga. Ayaw makontento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD