Habang nasa biyahe sina Elaiza at ang pinsan niya. Huminga siya ng malalim. "Saan daw kayo magkikita pinsan?" tanong nito na ang tinutukoy ay si Shikaya.
"Sa VenusFort Hotel and restaurant." sagot niya.
"Hmpf. Grabe ang mahal kaya ng mga pagkain do'n. Pwede naman kayong magkita sa Tokyo Skytree ah. Bakit do'n pa napili niya?" tanong nito.
Kibit -balikat lang ang sinagot niya sa mga sinabi nito. Iyan din ang tanong niya. Umuwi siya kanina sabay ang pamangkin niya pati na din ang ina nito't ang taga-alaga.
Nagbihis naman siya ng formal para sa pagkikita nila ni Shikaya. Pinaghandaan niya talaga ng husto. "Relax ka lang pinsan. Kaya mo yan." anito sa kaniya habang nakatingin sa daan.
Tumango lang siya. Ang pinsan niya kasi ang nagda-drive at sa pinsan niya din ang sasakyan na dinala. Hindi sana ito makakarating kasi may meeting buti na lang at dumating ang kapatid nito at hindi lang kapatid. Kakambal pa.
Nagmana sa mga magulang eh. "Ayos lang kaya iyong kambal mo do'n?" tanong niya. Nag-aalala kasi siya baka hindi nila makuha ang mga investors na nais nitong kunin para sa isang project.
"Ayos lang iyon. Isa pa, nag-usap naman kami siyaka kasama niya si kuya." sagot nito.
Tumango lang siya. Nandoon naman pala ang nakakatandang kapatid eh kaya ayos lang. Close naman kasi ang mga iyon. Magkakasundo silang magkakapatid. "Isa pa. Nandoon din si Caleb. Sa pagkakaalam ko may meeting kayong dalawa sa sabado."
"Oo nga eh. Naiinis nga ako." aniya. "Palagi na lang sinasabi na mahal niya ako. Mahal niya mukha niya. Sinabi ko na nga sa kanya na wala akong gusto. Ayaw pa din maniwala. Parehas lang sila ni Edzel. Isa pa iyong taong 'yon." aniya dito.
Natawa na lang ang pinsan niya sa mga sinabi niya. Anong nakakatawa sa sinabi niya? Wala naman diba.
"Binisita mo ba kanina si Edzel?" tanong nito.
"Oo. Ang baliw na 'yon ang saya dahil nakita ko siyang kausap niya iyong soon to be wife niya. Tapos, nang makita ako umalis iyong babae. Alam mo ba last sinabi no'n. *I don't want get married with you because you are crazy* ayon lalong sumaya. Nang hindi pa umaalis at nakikita niya pa ang babae. Ang Baliw niya lang kasi nga biglang tumahol at biglang umaakyat at tumatawa mag-isa sa police station." Kwento niya dito.
Mas lalong tumawa ang pinsan niya sa kwento niya. Pati siya natatawa na din sa kwento niya. Sa totoo naman talaga. Kulang na lang umalolong na parang baliw na aso.
Nang makarating sila sa VenusFort Hotel. Dahan-dahan na hininto ng pinsan niya ang sasakyan nito. Nakita naman niya may isang bellboy ang lumapit sa kanila. Binigay naman ng pinsan niya ang susi nito at iyong bellboy na mismo ang nag-parada ng sasakyan nito.
Sila naman ay pumasok na. Dumiretso sila sa restaurant. Nang makarating sila do'n ay may isang service crew na lumapit. "Table for two sir?" tanong nito sa pinsan niya.
"Nope. We reservation." sagot ni Elaiza.
"Name please."
"Shikaya Yamamoto." aniya. Ginamit niya ang pangalan nito dahil ito naman ang may kailangan sa kaniya at ito rin ang nagapa- reserve sa restaurant.
"Okay. This way please." anito sabay giya as kanilang dalawa ng pinsan niya.
"Kaya mo yan." narinig niyang sabi ng pinsan niyang nakaakbay na naman sa kaniya.
Kung hindi sila kilala ng iba. Mapagkakamalan talaga silang magkasintahan na dalawa dahil ang sweet nila sa isa't-isa. Dahil siya lang kasi ang babae sa pamilya kaya mahal na mahal siya ng mga ito.
Puro lalaki kasi ang mga kapatid ng pinsan niya.
Nang makarating silang dalawa sa table nila. Nakita nila si Shikaya na tumitingin sa relo. Tsk. Siya kaya ang atat na atat na makipag-meet.
Nang mapatingin si Shikaya sa gawi nila. Tiningnan niya ang service crew na gumiya sa kanila. "Thank you." aniya rito.
Ibinalik niya ang mata kay Shikaya. Napatayo ito at gulat na gulat ang mukha. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kaniya.
"Ako ba pinagloloko mo? Ikaw itong atat na atat na makipagkita sa akin. Tapos, ikaw pa ang magtatanong kung bakit ako nandito? Hibang ka ba?" aniya na may seryoso na mukha.
"Bakit kayo magkasama na dalawa?" tanong niya sa pinsan ni Elaiza. Nagtataka siya kung bakit ang isang pulubi paano nakapasok sa Isang hotel at paano nakapunta sa Japan.
"Bakit? Kasi nagpasama ako sa kaniya. By the way. What you want from me? Bakit kailangan mo pang mag-rescheduled ng meeting? Ikaw ba boss? Mabuti nga sinipot pa kita." ani ni Elaiza sa kaniya.
Mas nagulat siya nga magsalita ito ng English. Ang pinagtataka niya pa kung Bakit magkasama ang dalawa. Ang lalaki na bumili ng shares niya kompanya. Binenta niya iyon dahil wala naman siyang pakialam sa kompanya niya.
Ang gusto niya magtayo ng sariling modeling agency. "So, tatayo lang ba tayo dito Shikaya?" tanong nito sa kaniya.
"Bakit kayo nandito?" tanong niya ulit.
Huminga ng malalim si Elaiza. "Alam mo pinsan. We need to go. Wala naman pala tayong mapapala sa isang 'to. Bakit pa tayo nandito." Mataray niyang sabi.
"Oo nga." Sang-ayon naman ng pinsan niya. "I will asked you miss Shikaya. Pina-invistagate mo ang pinsan ko. Alam niyo din ba na mayaman siya? Alam niyo din ba na kalahati ng kompanya niyo ay pagmamay-ari niya? Tatanungin kita. Mukha ba siyang pera?" tanong ng pinsan niyang nakaakbay sa kaniya.
Halos malaglag ang panga ni Shikaya sa narinig. "What do you mean na she own the half of our company? You buy only my share so , does it mean twenty five percent lang 'yon." anito sa kaniya.
"Oh. My dear Shikaya. Yes. He buy your share and the twenty five percent share of the board ay binili ko. So, ibig sabihin ay ako na ang may-ari ng kalahati." sabay ngiti.
"Anong may-ari? Twenty five percent pa din iyon. Dahil nasa kaniya ang twenty five percent." ani ni Shikaya sa kaniya.
"Couz. Explain please." aniya sa pinsan niya. "Enlightened her."
Nakatayo pa din sila at mukhang wala silang balak umupo. Pero, kusang siya na ang umupo sa harapang upuan ni Shikaya. Tiningnan niya lang ito na nakangiti.
"Couz. Seat." aniya.
Wala siyang pakialam kung nakatayo si Shikaya. At wala din siyang pakialam kung magkaroon man ito ng mga varicose veins. Tsk. Pakialam ba niya sa buhay ng iba. Wala talaga siyang pakialam diyan.
"Okay." ani ng pinsan niya at pagkatapos ay umupo sa tabi niyang upuan. Nagtataka din kasi siya kung bakit apat ang upuan. Kung table for two lang naman. Dahil siya lang naman ang ka-meeting ni Shikaya right.
Wala na silang inaasahan na iba. Kung meron man siguro kilala ito ni Shikaya. "Oh. Ganito kasi iyon miss Shikaya. I buy your twenty five percent share in the company and I will transfer that share to her so, magiging fifty percent share na. So ibig sabihin. Kalahati ng share ng kompanya niyo ay pag-aari niya. But for the meantime dahil sinabi niyang hindi ko pa muna itatransfer sa pangalan niya ang nabili ko. Kaya twenty five percent share pa lang nakapangalan sa kaniya. Pero, isipin mo na na, pagmamay-ari niya ang kalahati ng kompanya niyo dahil sa kanya din naman mapupunta ang share na binili ko." anito.
"Hindi! Hindi ito totoo!" ani ni Shikaya sa malakas na boses.
Nagsilingunan tuloy ang mga tao sa kanila.
"Oh dear. That's the Truth." aniya na hindi pa din nawawala ang ngiti.
"Hindi ko naman kailangan ang twenty five percent share na binili ko eh. Alam mo kung bakit? Hindi kasi ako mukhang pera." aniya. "Pero, dahil sinabi mo sa buong mundo na mukha nga akong pera, pwes I don't care kasi naman, from the start we are rich. Pero, hindi ko pinagyayabang iyon dahil hindi ko naman pera iyon. Mas maganda kasi sa feeling kapag iyong pera pinaghirapan mong trabahuin. Hindi ko nga alam kung sino ang nagsabi sa'yo ng lahat ng iyon. Pero, may hinala na ako." aniya.
"What do you mean?" tsk. Palagi na lang iyan ang naririnig niya. Walang iba. Parang Justin Bieber lang. Kumakanta ng what do you mean.
"Oh dear. Sino ba ang nag-imbistiga no'n? Diba ikaw? Nagpa-imbistiga ka sa akin pwes, lahat ng sinabi ng investigator mo ay mali. Maling-mali dahil ang inin-terview niya ding tao iyong taong may galit at selos sa akin. Sa lahat ng ayaw ko ay iyon." aniya. "Alam mo kung sino? Ay huwag na pala." dagdag niyang sabi.
Nakatayo pa din ito at hindi man lang umuupo. Tiningnan niya lang ito wearing her serious face. Tahimik lang din ang pinsan niyang nakikinig sa kanila at may katext din ito. Mabuti nga at nung makita niya si Shikaya ay nakapagpigil pa siya. Muntik na niyang sasampalin ito kanina pagkarating nila.
Pero, ayaw niya ng gulo at lalong-lalo na ayaw niyang mag-eskandalo sa hotel. "So, mag-uumipisa na ba tayo? Ano pang tinutunganga mo diyan? Ano pala ang gusto mo? Bakit gusto mo akong makipagkita sayo?" tanong niya.
Nawala din kasi sa isip niya ang mga 'yon. Anong sadya ni Shikaya sa kaniya. Hindi pa din kasi ito halos makapaniwala sa mga nakikita niya.
"Hai my dear sis. Am I that late." ani ng Isang pamilyar na boses sa likuran nila. Kilalang -Kilala niya ang boses na 'yon at hindi siya magkakaila na namiss nga niya ito.
Napalingon si Shikaya sa nagmamay-ari ng boses at mas lalong lumaki ang mata nito pagkakita. "What are you doing here?" tanong nito.
Naglalakad ito palapit sa kanila at hinalikan nito sa pisngi si Shikaya. "Anong pinagsasabi mo? Ikaw ang nagpapunta sa akin dito. Tapos, tatanungin mo akong anong ginagawa ko dito?" anito sa kapatid.
Yumuko si Elaiza upang hindi mapansin ni Shino kung sino ang kameeting ni Shikaya.
Nang tumingin si Shino sa harapan na upuan ni Shikaya. Nagtaka siya kung Bakit ang dalawa ay naka-upo at ang panganay nila ay nakatayo pa din.
"Konbanwa." (Good evening)" bati ni Shino sa kanila. "Watashino namae wa Yamamoto Shino desu." sabay lahad niya ng kamay sa lalaki.
"Hajimemashite." (Nice to meet you) " watashino namae wa Hanazono Harold desu." sagot nito. Sabay tanggap ng kamay niyang nakalahad.
"Miss." sambit niya sa babae. Lumingon ng dahan-dahan ang babae. Si Shikaya naman ay kinakabahan siya ng husto.
Nang lumingon si Elaiza kay Shino ay agad siyang ngumiti. "Elaiza Recuelles." pagpapakilala niya sabay tanggap ng kamay ni Shino at agad niya itong binitawan.
Naramdaman niya na naman ang init ng palad nito. "Elaiza?" ani Shino.
"Yes. It's me. Elaiza Recuelles." sagot niyang hindi pa din nawawala ang ngiti.
"W-what a-are you doing here?" utal na tanong ni Shino. Gulat na gulat siya nakita. Ang babaeng mahal niya. Nakikita na niya ng harapan. Mahal niya pa din ito. Pero, malaki na ang pinagbago ng babae.
"Oh. Mukhang may meeting din kayo. So, we have to go." ani ni Elaiza.
Tatayo na sana siya. Pero, pinigilan siya ni Shino. "Sandali lang." anito. Napatingin ito sa katabi niya at biglang dumilim ang mukha ni Shino. Tsk. Possessive much.
Kilala na niya ang ugali nito. "What? Kailangan na namin na umalis. May magagawa ka ba? May kailangan ka pa sa akin?" tanong niya sa mataray na boses.
Ang Shino na kilala niya ay palaging madilim ang mukha at nakikita niya ang mga iyon ngayon. Lalo na at katabi niya ang pinsan niya. He's territorial before, I don't know now. "Yes? Bakit ka hindi makapagsalita? May kailangan pa kaming puntahan." aniya at tumayo na.
Tumayo na din ang pinsan niya at nauna na itong lumabas at hinintay siya. Nilahad ng pinsan niya ang kamay nito at tinanggap naman niya agad. Inalalayan siya upang hindi siya matumba.
"Are you okay?" tanong ng pinsan niya. Ngumiti lang siya at tumango dito. "Let's go."
"Okay." naglakad na sila. Pero, may isang kamay ang biglang humawak sa braso niya.
"Wait. Please." ani Shino na nakahawak sa braso niya. Tiningnan niya ang braso niya at tapos si Shino. Agad naman na binitawan ni Shino ang braso niya. "Please. Mag-usap tayo." anito na may namumutla na mukha.
Problema nito? Huminga siya ng malalim. "Magpa-appoinment ka sa secretary ko kasi, may pupuntahan pa ako." aniya at tumalikod na.
Pero, pinigilan ulit ni Shino ang braso niya. Hindi din nakaakbay sa kaniya ang pinsan niya. Bigla na lang siyang niyakap ni Shino at bumulong ng mga salita. "I'm sorry for hurting you. Sinundan kita at nakita ko na nakasakay kana sa motor ni Edzel. Sorry talaga. Sorry talaga Elaiza." anito na humihikbi na.
Si Elaiza naman, ay tulala lang. Gusto niyang magsalita pero, hindi niya magawa. "Sorry. Sorry for hurting you." Umiiyak pa din ito. "Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ko sa'yo pero, sorry talaga. Pinagsisihan ko na 'yon. Please. Maniwala ka naman sa akin."
Hindi niya alam kung maniniwala ba siya kay Shino. Mahirap ibigay ulit ang tiwala. Naniwala siya dati na hindi siya sasaktan nito pero. Nagawa nitong baliin iyon. Kaya mahirap na ulit itong pagtiwalaan.
Hindi niya ulit Ibibigay ang tiwala niya sa isang taong kaya ulit siyang saktan. Dahil kapag ginawa niya iyon ay nagiging tanga na siya. At ayaw niyang isipin na lahat ng tao ay ganoon ang iniisip sa kaniya na tanga siya.
Ilang ulit niyang tinatak sa utak niya na ayaw na niya. Ayaw na niyang maranasan ulit ang lahat ng sakit na pinaranas ni Shino sa kaniya. Mabuti na lang at nandiyan ang best friend niya.
Agad siyang kumalas sa pagkakayakap ni Shino sa kaniya. Tiningnan niya ito at sinampal sa mukha. "Alam mo ba kung anong nangyari pagkatapos no'n? Oh. Kung hindi mo pa nakita pwes bakit hindi mo e-search sa YouTube para naman alam mo." aniya sabay alis.
Inakbayan siya ng pinsan niya palabas ng hotel. Naiwan naman na na nakatulala si Shino at hindi niya inaasahan ang sampal na iyon.
"She change a lot." aniya sa mahinang boses.
Napatingin lang sa kanila ang ibang kumakain. Pero, wala siyang pakialam. Ang gusto niya mapatawad siya ng dalaga. Nang mayakap niya ito naramdaman niya na mahal na mahal niya ito. Hindi ito mawala sa isip niya.
Pumupunta siya sa opisina nito para magmasid pero, hindi niya nakikita ang babae. Dahil siguro nag-aaral ito at may negosyo din itong pinapatakbo.
Naka-usap na niya ang ina nito at humingi siya ng tawad dito dahil sinaktan niya ang dalaga. Okay lang naman sa ina nito kaya lang, ewan niya sa dalaga dahil mahirap daw itong magtiwala ulit sa isang tao na nanakit sa kaniya.
Gustuhin man niyang humingi ng tawad. Gusto niyang lumuhod para lang mapatawad siya ng dalaga pero, mahirap na.
"Tara na." ani Shikaya sa kanya.
Tiningnan niya ng masama ang kapatid niya. "Alam mo ba kung ano iyong ginawa mo? Pero, nagsisisi ako na naniwala ako sayo. Sa lahat na pwede mong imbestigahan siya pa. Oh. My dear sister. Napatawad na kita. Ang gusto ko lang gawin mo ngayon ay itama ang lahat ng mali mong ginawa." aniya rito at umalis na din nawala n siya ng ganang kumain.
Babalik siya ng Pilipinas at may gagawin siya do'n. Haharapin niya ang isang taong galit kay Elaiza. Ay babae pala iyon. Ang pinsan nito.
Nang malaman niya ang lahat ng iyon. Naghinala agad siya. Kaya pinuntahan niya ang bahay nina Elaiza pero, wala ng tao sa bahay nito. Nagtanong-tanong siya ang sabi umalis na daw ang mga nakatira sa bahay na 'yon.
Hindi daw nila alam kung saan sila papunta. Basta sumama daw sina Elaiza at ang ina nito sa isang lalaki na may sasakyan. Bigla nga dumilim ang mukha niya baka kasi bagong nobyo ni Elaiza. Dapat siya lang ang nagmamay-ari sa dalaga. Pero, huli na ang lahat.
Nasa huli ang pagsisisi ika nga.