Kakarating lang nila Elaiza sa bahay ng lolo niya. Nabili na nila lahat ng para sa lolo nila. Luma na din ang bahay nito. Bumaba sila ng sasakyan. Iniwan lang muna nila ang mga gamit nila sa loob ng sasakyan.
"So, is this your grandpa's house?" tanong ni Caleb. "Wow." anito na nakatingin sa dalawang palapag na bahay. "Nice place. Pero, bakit hindi nila naaalagaan ang bahay?"
"Si lolo lang kasi na lang kasi ang nakatira dito eh." aniya.
Nang may marinig silang sumisigaw. "Tulong! Tulong!" sigaw ng matanda na ang boses.
Lumaki ang mata ni Elaiza sa narinig. Kaya agad niyang iniwan ang mga pinamili niya at agad na tumakbo patungo sa loob ng bahay.
"Wala dito ang apo mong magtatanggol sa'yo. Iniwan kana niya!" sigaw ng isang babae.
At hindi siya nagkakamali na boses iyon ng tita niya. Agad siyang tumakbo patungo sa taas. Sa kwarto ng lolo niya at bigla na lang niyang tinulak pabukas ang pinto.
Nakita mismo ng dalawa niyang mata ang ginagawa nito sa lolo niya. Agad siyang tumakbo at tinulak ang tita niyang pinapalo nito ang lolo niya ng kawayan.
Hindi pa din makapaniwala ang tita niya ng makita si Elaiza. Agad niyang niyakap ang lolo niyang umiiyak at madami itong pasa sa katawan. Kaya agad niyang hinarap ang tita niya.
Tiningnan niya ito ng masama. "Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo." aniya rito na masama pa din ang tingin.
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ng tita niyang mukhang naka-recover na sa gulat.
"Ginagawa? Ikaw anong ginagawa mo sa lolo ko? Wala kang karapatan na saktan ang lolo ko!" sigaw niya.
Naramdaman naman niyang nakasunod ang pinsan niya pati ang kaibigan niya. Napatingin ang tita niya sa kakapasok lang na mga kalalakihan. "What happened? Why are you shouting?" tanong ng pinsan niya.
Pero, wala dito ang attention niya kundi nasa tita niya. "Sinabihan na kita noon na kapag sinaktan mo ang lolo ko magbabayad ka. Kaya wala ka ng kawala." aniya.
"Best." tawag niya sa best friend niya. Napalingon naman sa kaniya ang mga ito. "Tumawag ka ng pulis at ipakulong mo ang babaeng iyan." aniya.
"Caleb. File a case at siguraduhin mong makukulong siya habang buhay." tumango naman si Caleb sa sinabi niya.
Tumingin siya sa lolo niya at niyakap ito. "Ayos ka lang ba lolo?" aniya na nabasag ang boses.
"Apo. Apo." anito na umiiyak na din.
"Yes. Its me lolo. Are you hurt? May masakit ba sa'yo. Gusto mo dalhin kita sa hospital?" tanong niya habang tinitingnan ang buong katawan nitong may pasa at may mga bagong marka ng kawayan na pinapalo dito.
"Ayos lang ako apo. Ikaw ba?" Ngumiti siya. Kilala pa din siya nito kahit na matanda na. Paborito niya ang lilo niya dahil ito na din ang naging tatay niya mula pagkabata niya.
Nagyayakapan na naman sila. Parang ayaw maghiwalay dahil matagal na din kasi silang hindi nagkikita na dalawa. "Nga pala lilo may binili kami para sa'yo." aniya rito.
Tumango ito. "Salamat apo." anito sa kaniya. Marinig niya lang ang salita nito parang sobrang saya na niya. Ito din kasi ang isa sa dahilan kung bakit siya umuwi sa Pilipinas. Ang makita ulit ang lolo niya.
Gustuhin man niyang isama ito pabalik ng Japan pero, alam niyang hindi pwede dahil na din sa matanda na ito at hindi na kaya ng katawan na bumiyahe ng malalayo.
"Kumain kana po ba lolo?" tanong niya. Nasa kwarto pa din sila. Nakaupo siya sa kama nito at nakaupo din ang lolo niya. Pinagmamasdan siya at hawak nito ang kamay niya. Umiling ito. Kumunot naman noo niya. "Hindi pa kayo kumakain?!" aniya sa malakas na boses.
Tumayo siya. Agad siyang hinapit ng lolo niya. "Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Kukuha lang po ako ng makakain niyo. Bumili kami kanina ng pancit. Diba paborito mo 'yon? At spaghetti din?" tumango ang lolo niya na may maaliwalas na mukha.
Paborito kasi ng lolo niya ang mga pasta. Nang bumalik na siya dala niya ang spaghetti na binili nila sa Jollibee. Pati na din ang pancit. Binigay niya ito kaagad sa lolo niya pagkatapos niyang buksan.
Binigyan niya din ito ng tinidor. Nang tingnan niya ang pinsan niyang naka-upo malapit sa pinto at nakatingin na nakangiti sa kaniya ay ngumiti na din siya. Nang tingnan naman niya sina Caleb at Edzel ganoon din ang mga ito.
Natutuwa kasi ang mga ito dahil sa nakikita nila kay Elaiza kung paano nito alagaan ang lolo niya. Kaya nakangiti ang mga itong nakatingin sa dalaga. "Alam mo best. Lalo kitang minahal." ani Edzel kay Elaiza.
"Me too Elaiza. I love you so that much." Nang marinig iyon ng dalaga at ng lolo niya.
Agad sumeryoso ang mga mukha nito. "Hoy! Bata pa ang apo ko! Bawal pa itong magkaroon ng nobyo!" sigaw ng lolo nito.
Natakot naman ang dalawa kaya natahimik ang mga ito. "Nga pala lolo. Sila pala ang mga kasama ko pauwi dito sa Pilipinas. Si kuya Harold at si Caleb po. Kilala niyo na naman po si Edzel na makapal ang mukha diba?" ani ni Elaiza sa lolo niya.
Tumango naman ang matanda at tiningnan ang mga ito isa-isa.
Habang kumakain ito ay tumayo siya ulit para kumuha ng mineral water. Pagbalik niya may isang boses ng babae na sumisigaw sa babae. Kaya agad siyang tumayo pati na din ang mga kasama niya.
Tumingin sila sa may bintana at nang makita niya kung sino ang babaeng iyon agad siyang nagalit. Ang pinsan niya. Tsk. "Hoy! Lumabas ka diyan!" sigaw nito sa kanila.
Lumapit sa kaniya si Edzel. "Best. Nandiyan na naman ang bruha." anito sa kanya.
"Sino 'yan pinsan? Bakit ba ganiyan ang boses niyan? Ang sakit sa tenga." ani ng pinsan niya sa kaniya na tinatakpan pa nito ang dalawa nitong tenga.
"Iyan ang pinsan ko sa ama. Panigurado naman akong aakyat iyan dito eh." aniya at hindi nga siya nagkamali ng sabi dahil bumukas ang pinto at pumasok ito.
Elaiza imagining na may usok na nga sa ilong ng pinsan niya. Napatingin naman ang tatlong lalaki pati na ang matanda sa kakadating lang na babae. "Anong ginagawa mo dito sa bahay ni lolo?" tanong nito sa kaniya.
As if naman sasagotin niya ang tanong nito. Tiningnan niya lang ito at bumalik sa pagkaka-upo. Hindi niya muna papansinin ang pinsan niya. Ang mahalaga ang lolo niyang kumakain.
"Sige. Kain ka lang lolo. Tapos, pasyal tayo sa park." aniya rito na may ngiti sa labi.
"Sige hija. Tapos, maghahabulan tayo kagaya ng dati." Tumawa tuloy siya sa sinabi ng lolo niya. Binigyan niya ito ng tubig na nabuksan ang takip.
"Ito po oh. Tubig para sa'yo. Para hindi ka mabulunan. Kain ka lang. Marami pa akong dala para sa'yo." Aniya.
"Hoy babae! Huwag mo nga akong tatalikuran kapag tinatanong kita!" sigaw nito sa kaniya.
Kaya humarap siya na may wearing her serious face. "Oh. Nako! Si pinsan 'yan." Narinig niyang Sabi ng pinsan niya.
"Oh. The b***h. Your back. Bakit ka bumalik?" tanong nito sabay lakad pabalik.
Umabante din siya. Ayaw niyang madamay ang lolo niya sa away nila ng pinsan niyang babae "bakit? Sayo ba ang Pilipinas para pagbawalan akong bumalik dito? Diba hindi. Kaya huwag mo akong pagsasabihan na bakit pa ako Bumalik. Dahil kahit Kailan. Hindi naging sayo ang Pilipinas!" sigaw niya sabay tulak sa pinsan niyang babae.
Lumagapak ang pwet nito sa sahig kaya tiningnan niya ito ng masama. "Akala mo hindi ko alam ang ginawa mo?" aniya. "Pwes girl. Alam ko at sisiguraduhin kong magdudusa ka." aniya.
Iniwan niya ito at bumalik sa Lolo niya at umupo sa tabi nito. Kumakain pa din ito. "Pasensiya kana lolo kung nakita mo pa kung ano ang ginawa ko kay Diana." aniya.
"Ayos lang 'yon. Siyaka believed nga ako sa'yo kasi marunong kanang lumaban." anito at hinawakan ang pisngi niya. "Kung buhay lang ang ama mo. Sigurado proud din siya sa'yo." anito sa kaniya.
"Pinsan. Pwedeng pakilabas ng babaeng iyan dito. Kumukulo kasi ang dugo ko kapag nakikita siya. Isa pa Diana hindi pa tayo tapos. Baka akala mo. Hindi ka lang sa akin may kasalanan. Pati sa ibang tao." aniya at Nakita naman niyang masama ang tingin nito sa kaniya.
Tiningnan niya si Edzel. "Ayeii. Ang galing talaga ang best friend ko." anito.
"Ay. Anong case ba ang isasampa natin sa kaniya Elaiza?"tanong ni Caleb habang kumakain. Kahit hindi na maintindihan ang sinasabi. Salita pa din ng salita.
" ikaw na ang bahala sa kaniya. Maltreating the old man?" aniya. "Kahit ano. Makulong lang ang pamilya ng bruha na 'yon. Magsama-sama sila mag-ina. May San pa akong problema." aniya rito.
"Tama pala best. Si San din." ani Edzel.
Tiningnan niya ito ng masama. "Ikaw. Lumalapit ka din sa San na 'yon. Gusto mo sipain kita?"
"Hala! Hindi naman ako ang lumalapit kay San ah. Siya naman. Palagi nga niyang sinasabi na mas Gwapo pa daw ang boyfriend niya. Tsk. Pakialam ko naman do'n. Wala akong paki kasi wala naman talaga akong dapat pakialaman." anito.
"Wow. Haba ng paliwanag. Sinabi ko ba?" aniya. Mainit pa kasi ang ulo niya. Naririnig pa din niyang sumisigaw ang pinsan niyang babae. Tsk.
Pambihira! Hanggang sa ikalawang palapag naririnig pa din niya ito. "Magbabayad ka Elaiza! Tandaan mo yan!"
"Grabe best. Ikaw pa daw magbabayad. Wala ka naman utang sa kanila diba? Siyaka paano ka naman magkakaroon ng utang kung sila naman ang may kasalanan sa'yo." anito.
"Pabayaan mo na nga lang 'yan. Sino ba ang magkakasakit ng goiter ako ba?" sabay turo ni Elaiza sa sarili. "Ako ba?" ulit niya. Umiling naman ang dalawa. "Oh. Hindi naman pala ako ang magkakasakit ng goiter. Poproblemahin ko ba 'yan. Bahala siya sumigaw ng sumigaw diyan. Sasakit lalamunan niya." aniya sa mga ito.
Hindi naman kasi siya ang sumisigaw kaya wala siyang pakialam. Kung mag-eskandalo ang pinsan niyang si Diana. Wala talaga siyang pakialam.
Hindi siya ang magkakaproblema sa lalamunan kundi ang pinsan niya. Tsk. Tumingin siya sa lolo niya niyang umiinom ng tubig. Mukhang busog na ito. "Okay ka na ba?" Nang tingnan niya din ang binigay na spaghetti. Naubos nito iyon pati ang pancit na binili niya.
"Pampahaba ng buhay. Pancit at spaghetti." aniya.
"Oo nga apo. Puro pasta, paborito ko." anito sa kaniya na may ngiti sa labi pagkatapos uminom ng tubig.
"Ay. Lolo. Meron akong binili na gatas mo, mga vitamins, gamot at mga Karne at isda. Ilagay ko lang sa ref iyong Karne at isda baka kasi masira hah." aniya sabay tayo.
"Oh sige." sabay tango. Lumapit naman si Elaiza sa kay Caleb.
"Patulong Caleb." aniya. Nang biglang dumating ang pinsan niya galing sa baba.
"Ang ingay niya pinsan." anito. Tumango lang siya. Ganoon talaga ang pinsan niya. Maingay! "Ay. Ako na ang tutulong sa'yo pinsan. Tapos, Caleb. Balik kana do'n bantayan mo ang lolo ni Elaiza." utos nito kay Caleb.
Tumango naman ito at sinunod ang inutos ng pinsan niya. Kaya dinala na lang nila iyong mga Karne at isda na nakalagay sa cellophane na binili nila sa mall.
Nang matapos sila sa paglalagay ng mga Karne at isda ay agad silang bumalik sa taas. "Okay lang kaya iyong dalawa?" tanong ng pinsan niya.
Paakyat na sila ng hagdan. "Yeah. I think so." aniya.
"Tawagan ko muna si Edzel na sila muna ang bahala kay lolo dahil may pupuntahan tayo. Pero, the truth is we are just hiding." aniya.
"Tama. Wait. Ako na ang tatawag." anito sa kaniya.
"Sige." sang-ayon naman niya.
Agad naman na dinayal ng pinsan niya ang number ni Edzel at tinawagan ito. "Yes. Ah.. Kayo muna bahala sa lolo ni Elaiza. May pupuntahan lang kami." anito.
Nag-thumbs up naman sa kaniya ang pinsan niya. Kaya ngumiti siya at nag-thumbs up din. Nang binaba na nito ang cellphone ay dahan-dahan silang lumabas ng bahay. "Sana ba tayo pupunta?" tanong nito sa kaniya sa mahinang boses.
"Basta. Sumunod kana lang." aniya. Agad naman silang pumunta sa likod bahay ng matanda. Sa pagkakaalala niya. May lagusan dito patungo sa kwarto ng lolo niya.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ulit nito sa kaniya.
"Pss." sabay lagay ng hintuturo sa labi. Tumango naman ito at dahan-dahan silang naglakad na walang kahit anong ingay kang maririnig.
Nang may makita silang pintuan. Agad silang pumasok pero, dahan-dahan pa din. Isinarado agad ni Elaiza na walang ingay. Nang makita nila ang hagdan patungo sa taas ay umakyat agad sila.
Nang makarating sa taas. Ay nadinig nila ang ingay galing sa loob ng kwarto ng lolo niya. May pintuan din do'n. Pero, nakinig lang sila.
"Ano ba kayo ng apo ko!?" sigaw ng lolo niya.
Lagot kayo kay lolo. ani ni Elaiza sa isip niya.
"Mga manliligaw po." sagot ni Caleb. Kilala na niya ang boses ng dalawa.
"Opo. Mga manliligaw po kaming dalawa ni Caleb lolo." sagot naman ng best friend niya.
Si Elaiza naman pinipigilan ang matawa. Si Harold naman ganoon din. Naririnig kasi nila na takot na takot ang mga boses ng dalawa. "Hindi ko pa pinapayagan ang apo ko na magkaroon ng boyfriend!" sigaw ng lolo niya.
Nakarinig sila ng may hinampas na kahoy. Panigurado ang tungkod na naman iyon ng lolo niya na hinahampas sa pader. "Elaiza! Nasaan kana." hingi ng tulong ni Edzel.
"Where are you Elaiza. Please. Help us." ani naman ni Caleb.
Tumatawa si Elaiza pero, walang sound dahil ayaw niyang malaman a ito na nakikinig sila sa usapan. Ganoon din si Harold. "Elaiza please. Come back here. Faster! Help us." ani pa din ni Caleb.
Kaya napagdesisyonan nila na bumalik na. Agad -agad silang bumalik sa taas. Nanag makarating sila. Nakita nilang nakaluhod sina Caleb at Edzel sa may pinto tapos ang lolo niya may hawak na tungkod.
"Oh. Apo. Nandiyan kana pala." ani ng lolo niya.
"Opo lolo."
"Elaiza." tawag ni Caleb.
"Best." ang Best friend naman niya.
Tinaasan niya lang ang mga ito ng kilay. Dumaan pa siya sa gitna ng mga ito. Nasa bawat gilid kasi sila ng pinto pinaluhod.
Sumunod naman sa kaniya ang pinsan niya. "Bakit mo naman ginawa sa kanila iyan lolo?" tanong niya sa lolo niya pagkalapit niya.
"Aba! Dapat lang! Mga manliligaw mo pala itong mga ungas na'to?" tumango na lang siya. "Kailangan nila na dumaan sa akin." anito.
"Lolo naman eh. Sige ikaw bahala!" aniya sa lolo niya na may sinusupil na ngiti.
Tumayo na si Edzel. "Aba! Hoy! Sinabi ko bang tumayo ka?!" sigaw ng lolo niya.
Tiningnan niya lang best friend niyang may sinusupil na ngiti ang dalaga. "H-hindi po lolo." sagot ni Edzel sa utal na boses. Sabay luhod. "Best naman. Masakit na ang tuhod ko." anito sa kanya.
Feeling nga niya parang iiyak na ang best friend niya. Nang tingnan niya si Caleb may namumuo na ding luha sa mga mata nito. Nang tingnan niya ang pinsan niya. Tumatawa na ito pero, in silent way.
Tumingin siya pabalik sa lolo niya. "Lo. Si kuya Harold po oh. Tumatawa. Hindi niyo po ba siya paluluhudin?" tanong niya. Umiling naman ang matanda. "Bakit po?"
"Aba! Kay bait na bata iyan. Nakita ko na siya kasama ng mama mo dati dito." Kumunot ang noo niya.
"Nakita mo na po siya dati?" tumango ang matanda. "Paano po?"
"Ah. Matagal na iyon hija. Bata pa siya noon. Sabi ng mama mo pamangkin daw niya iyong bata. Kaya ibig sabihin. Pinsan mo siya. Oh diba. Tama ako. Siyaka, magkamukha kaya kayong dalawa."
"Lo naman eh."
Humagalpak pa ng tawa ang pinsan niya. "Akalain mo 'yon he remember me. Ang tagal na kaya no'n." ani ng pinsan niya.
"Pumunta pala kayo dito dati? Bakit hindi ko alam?" tanong niya sa pinsan niya.
Tumigil na ito sa pagtawa.
"Kasi po sabi ng nanay mo. Secret daw 'yon. Kaya ayon. Sorry." anito.
"Okay lang." aniya na may ngiti. "Lo. Akin na 'yang tungkod niyo." aniya rito.
"Hindi pwede!" sabi nito sa malakas na boses.
"Okay. Sige na nga paluin niyo na po sila. Matigas ang mga katawan niyan eh. Lalong-lalo na iyang si Edzel. Nako! Batak 'yan sa gym." aniya sa lolo.
"Talaga?" mukhang naniwala naman ang matanda sa sinabi niya. "Sige subukan natin." anito.
Lagot kayo!
"Lolo! Hindi po totoo 'yon!" sigaw ni Edzel.
"Pati din po iyang si Caleb lolo. Batak din po." ani niya. Sinungaling talaga siya kapag kalokohan ang naiisip.
Si Harold at si Elaiza may sinusupil na tawa sa labi. Gusto na nilang tumawa pero, pinipigilan nila. Si Edzel at Caleb naman namumutla na sa takot. Palapit na palapit ang lolo niya at bigla na lang tumayo ang dalawa at tumakbo pababa..
Kaya Humagalpak ng tawa ang tatlong naiwan sa kwarto. "Apo! Takot pala 'yong mga iyon sa pala eh. Hindi sila bagay sayo." anito sa kanya.
Tumatawa pa din siya. "Takot nga ang dalawang iyon sa akin lolo. Sayo pa kaya. Haha." aniya na tumatawa.
"Iyong mga mukha nila pinsan. Grabe! Putlang-putla." ani ng pinsan niyang tumatawa din.