CHAPTER 24

2417 Words
"Saan na po tayo ngayon sir. Ma'am?" tanong ng driver. "Sa sementeryo  tayo ngayon manong. Diretso  lang po tapos liko kayo diyan sa kanan." ani ni Edzel. Alam kasi niya kung saan ang sementeryo  dahil every November 1 or 2 bumibisita  sila doon sa puntod. Minsan naggigitara  sila. Do'n din kasi nilibing  ang lolo niya sa side ng kanyang ina. "Malayo pa ba tayo?" tanong ni Harold sa kanila. "Oo. Malayo pa tayo kapag naglakad. Pero, kapag nakasakay  tayo ng sasakyan malapit lang naman." ani ni Elaiza sa kaniya. Si Caleb naman tahimik lang na nakikinig sa usapan nila. Nagkwekwenta  kung magkano  ang magagastos  niya sa kain pati na din sa hotel nila. Limit lang kasi ang dala niyang pera. "Guys. Mamaya tawagan niyo secretary ko please. Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko.." aniya sa mga ito. Tinaasan lang siya ng kilay ni Elaiza. "At Bakit?" ani nito. "Para padalahan  tayo ng pera dito. Konti lang dinala kong pera. Hindi ko naman alam na magpupustahan  tayo kanina eh. Automatic din kasi kayo eh. Akala ko kasi mananalo  ako sa pustahan na 'yon. Bakit pa kasi ako sumali?" tanong niya. Tinawanan lang siya ng mga ito pati driver tumawa na din. "Manong huwag mo nga akong tawanan. Hindi ka namin babayaran  ng pamasahe." banta niya dito. Mas lalo tuloy tumawa ito. "Manong huwag kayong mag-alala babayaran  namin iyong parte namin sa kaniya hindi. Hati  kaming apat sa bayad eh. So dapat magbabayad siya diba? Dahil kung hindi siya magbabayad saan siya pupulutin?" tanong ni Edzel sa driver. "Sa pulis station." ani ng driver "dahil hindi siya nagbayad sa akin ng pamasahe." "Manong. Wala kayo kasi may lawyer ako." anito sa driver. Si Elaiza at ang pinsan nito ay nakikinig lang sa usapan ng dalawa. "Sino naman ang lawyer mo? Lawyer daw. Baka LOW-YEAR." "Lawyer nga manong. Ako lawyer ako." aniya rito. "Hindi nga ikaw lawyer dahil isa kang LOW-YEAR." sagot "Oo nga lawyer nga ako." giit talaga ni Caleb.. Sina Edzel, Elaiza, at Harold nagpipigil ng tawa. Hindi pa din kasi nakukuha ni Caleb ang salitang LOW-YEAR kaya sila ganiyan. "Diba tama naman ako? Lawyer ako diba?" tumango lang ang mga kasama nito pero, napansin niyang  nagpipigil ng mga tawa ang mga ito. "Oo. Slow-year  of the year." ani ni Harold sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Caleb. "Hindi mo gets ang sinabi ni manong? Ang slowyear  mo talaga." ani Edzel kay Caleb. "Tsk." "Manong." sabi ni Caleb. "Anong sinabi mo?" tanong niya. Umiling lang ang driver ng taxi na sinasakyan nila. "Malapit na tayo." ani ni Elaiza habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Dito na tayo." aniya habang nakatingin sa mga pansiyon. "Dito?" tanong ni Caleb. Hindi kasi siya makapaniwala na ganoon ang mga pansiyon  na nakalagay. Patong-patong  lahat. "Saan nakalibing  ang tatay mo Elaiza?" tanong niya sa dalaga. Lumabas na sila ng taxi. "Hintayin mo   kami manong ha." ani ni Elaiza sa driver ng taxi. Tumango naman ito. "Doon pa sa taas." aniya. "Huwag mong sabihin na aakyatin  natin ang bundok na iyan?" tanong niya rito. "Bundok? Bundok na iyan sayo?" tanong ni Harold. Tumango naman siya. Tinawanan na naman siya ng mga kasama niya. Anong nangyayari Bakit siya tinatawanan ng mga kasama niya? "Tara na nga. Kung ayaw mong sumama maiwan ka dito." ani ni Elaiza. "Ay. Ayaw kong maiwan dito baka makakita ako ng multo dito." aniya. "A ghost is a ghost." ngumiti lang si Elaiza sa kaniya at tinalikuran na siya. Nang matapos sila sa pagbisita sa puntod ng tatay ni Elaiza ay umalis agad sila. Nagugutom na din si Elaiza kaya naghanap siya ng makakainan. Kahit karenderya  lang. "Kain na tayo kuya Harold." ani ni Elaiza. Narinig ni Caleb ang sinabi ni Elaiza. Kinabahan na siya dahil mawawala na ang pocket money niyang dala. Oh my poor money. Sayōnara. Napansin naman ni Elaiza na medyo lumungkot ang mukha ni Caleb. Ano kayang problema nito. Kaya kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang secretary ni Caleb. "Konnichiwa." bati niya sa kabilang linya. "Hello. Who's this?" tanong ng nasa kabilang linya. Tama pala. May patakaran  nga pala si Caleb sa secretary niya. English speaking pala ito. "Elaiza Recuelles. Caleb who wants to talked to you." sabay bigay niya ng cellphone kay Caleb. Tinanggap naman agad ni Caleb ang cellphone. "Yes. Send money to me. Now." ani ni Caleb sa kabilang linya. Pero, hindi na nakinig  si Elaiza sa mga pinag-uusapan  ng iba. Dahil gutom na gutom na talaga siya. Gusto na niyang kumain. Ang nasa isip niya ay puro pagkain lang. Konti lang kinain niya No'ng nasa jollibee  sila kanina. "Pwede na tayong mag-check  in sa hotel. Nagpadala na ng pera ang secretary ko. So, pwede na at mababayaran  ko na ang share ko sa pamasahe." ani ni Caleb sa kanila. Pero, walang paki si Elaiza do'n dahil gusto niyang kumain. Hindi naman niya makakain ang pera ni Caleb eh. Ibibili pa nito. Gutom na talaga siya. "Kain na tayo kuya Harold." aniya sa mga ito. "Yeah. Kakain na tayo. Saan ba may malapit na restaurant dito or kainan?" ani ni Harold sa driver. "May alam ako bossing. Karinderya nga lang. Kumakain ka sa lugar na iyon?" tanong ng driver. "Wala bang eat all you can?" tanong ni Harold. "Tama! May alam akong eat all you can dito mga bossing." ani ng driver na tumitingin din sa rearview mirror at sa kalsada. "Masarap doon." anito. "Okay. Dalhin mo kami please." ani Edzel na nakikinig lang sa usapan nila. "Oo nga. Mabuti iyan dahil mura." ani ng kuripot na si Caleb. Tsk. Kuripot  talaga kahit na kailan. "Malapit lang ba iyon sa hotel?" tanong niya. "Opo." sabay tango. "Good. Mag-check  in muna tayo tapos, kain tayo pagkatapos." anito sa kanila. Pero, walang sumagot sa sinabi niya. Even the taxi driver. Nagmaneho  lang ito wearing a serious face. Wala din siya sa mood para sumagot sa mga sinasabi ni Caleb. Kawawa talaga ito parati sa kanila kapag sila ang kasama ng binata. Nang makarating sila sa hotel. Binayaran nila ang taxi driver na nakuha nila. Malaki din ang nabayad  nila dito. Dahil na din sa paghihintay ng taxi driver sa kanila kanina kaya dinagdagan  nila ang bayad. Siyempre ang dumagdag  si Caleb. Kaya busangot  na naman ang mukha. Ten thousand lang naman ang binayad  nila tapos, hinati  pa nga nila sa apat 'yun dahil malayo naman iyong bahay nila tapos, nagpahatid  pa sila sa kung saan-saan. Inimbitahan nga nilang kumain ang driver pero, umayaw ito dahil sa sama makatingin  ni Caleb kay Edzel at Harold. Pero sa kaniya ay ngumiti ito. Ang nag-imbita  naman sa driver ay si Edzel ede si Edzel ang magbabayad ng parte na 'yon. Pero, dahil sa kuripot  si Caleb kaya binigyan na lang niya ng isang libo ang taxi driver. Naawa naman si Elaiza kaya dinagdagan  niya ng dalawang libo. Binigyan  din nina Harold at Edzel ang driver ng tag limang libo ang driver. Malaki na ang pera nito. Tinanong naman ni Elaiza kung may mga anak itong nag-aaral at sumagot naman ito na may tatlo siyang nag-aaral na anak kaya binigyan  niya ito ulit ng limang libo. Si Caleb busangot na busangot  ang mukha. May naisip na naman si Elaiza at Edzel at sisiguraduhin  niyang ang pera na napadala  ng secretary nito ay uubusin  nila. Napangiti na lang sa isipan  si Edzel. Napangiti din sa isipan  si Elaiza. Dahil mag-checheck-in  sila sa hotel at sisiguraduhin  niyang ang pinakamahal  na suite ang pipiliin  niya. May pera na pinadala  sa kaniya eh ang secretary nito kaya marami pa itong pera. "Good afternoon ma'am. Sir. Welcome to deluxe hotel." Bati sa kanila ng nasa front desk.  "Good afternoon." bati din ni Elaiza dito. "Bakit tayo nandito? Eh. Very expensive 'to." Bulong ni Caleb kay Elaiza. Napalingon naman ang dalaga at ngumiti. "Gusto ko dito eh." aniya. Nasa isip niya ang pinakamahal na suite ang pipiliin  niya. "Mag-checheck-in  kami." aniya. "Okay po. How many days?" "Five days." sagot niya. "Gusto ko magkalapit lang ang mga kwarto namin okay?" tumango naman nasa front desk sa sinabi niya. "Seventy five  thousands per night." anito sa kanila. "Okay." sabay lingon kay Caleb. "Card." aniya sabay lahad ng kamay rito. Huminga ng malalim si Caleb bago niya binigay ang kaniyang card. "Ito na miss. Ahh. 'Yong sa seventy five per night avail na ba doon ang breakfast?" "Nope ma'am. Makaka-avail po kayo kapag 'yong kinuha niyong suite ay one hundred thousands per night." Nang marinig iyon ni Caleb ay namutla agad siya. Grabe! Ubos na ang pera ko! Aniya sa isip. "Hindi ko na kaya. Sobrang parusa  na 'to. Gaano ba ako kasama para ubusin  niyo ang pera ko?" tanong niya sa mga kasama niya. Bigla siyang siniko ni Elaiza sa tagiliran at nginitian pa din ang nasa front desk. "Okay miss. Change niyo po ang suite na kinuha namin kani-kanina lang. Gusto ko 'yong may free breakfast." aniya. "Okay po. Bali dalawang suites po ang kukunin niyo?" tumango siya. "Iyong akin ay hindi gaanong malaki dahil ako lang naman. Single suite lang. Itong sa mga kasama ko ay double." aniya. "Okay po." tapos nakita niyang may tinatap  ito. "May dalawa pa pong available suite para sa inyo. Iyon na lang talaga ang maibibigay namin dahil ang request mo ay magkalapit." tumango lang siya. Si Edzel naman pinapanood lang si Elaiza. Habang nakikipag-usap sa attendant. Napapailing na lang siya. Kinakawawa  na naman kasi ni Elaiza ang kuripot  na si Caleb. Ayan kasi sumama pa sa Pilipinas. Nang tingnan niya kasi si Caleb nako! Halos mahimatay na. Nakita din niyang siniko nito kanina ng dalaga. Sadista talaga kahit kailan. "Grabe!" ani ni Caleb habang papunta sila sa room na inuukupa nila sa hotel. Nasa twentieth floor pa ang room nila. Nakasunod din sa kanila ang bellboy na nagdadala sa mga gamit nila. Nakasakay  sila ng elevator. "Anong grabe Caleb?" tanong ni Elaiza. "Sabi ko grabe! Grabe dahil ubos ang one million ko in just five days." sabi niya rito. "Wow! So nagrereklamo  ka? Buti nga one million lang nagastos  mo. Baka gusto mo kwentahin  ko lahat ng pera na binibigay mo sa mga babae mo?" ani ni Elaiza sa kanya. Natahimik  tuloy siya. "See? Hindi makapasalita  dahil totoo." sabi naman ni Harold kaniya. "Oo nga." ani naman ni Edzel. Mga ulol  kaibigan niya. "Ay best." sabay lapit ni Edzel kay Elaiza na katabi ni Harold. "Hindi na pala babaero si Caleb." balita nito. "Himala nagbago kana ngayon Caleb hah?" ani ni Elaiza sa kaniya. Babaero naman kasi siya dati nung mga panahong hindi niya pa kilala si Elaiza. May pinakita lang sa kaniya na picture ang ama niya at apo daw ng  kasosyo nito. Nang tingnan niya iyon. Tumibok agad ang puso niya. Hindi niya alam pero, gusto niyang makita ang dalaga sa personal. Kaya hinanap niya ito sa buong Japan pero, hindi niya makita. Until one day bumisita siya mismo sa bahay ng kasosyo  ng dad niya at doon niya nakita ng personal ang dalaga. Nahumaling  agad siya sa mga ngiti nito. Alam niya din na hindi ito plastic kung ngumiti. That day nakita niya itong may kayakap. Nagselos  siya, until he found out na iyong kayakap pala ng dalaga ay si Edzel they are best friend. Kaya lumapit siya kay Edzel at nakipagkaibigan  dito hanggang sa nakilala niya ng husto at pinakilala na din nito si Elaiza sa kaniya. Nang mga panahon na 'yon  habang magkahawak  kamay sila dahil nakipagkamay ang dalaga upang magpakilala. Nanlambot ang mga tuhod niya.  Ngumiti din si Elaiza sa kaniya ng pagkatamis-tamis. Sa buong buhay niya noon lang niya naranasan na ngitian ng isang dalaga na walang anumang masamang intention sa kaniya. Lahat kasi ng babaeng nakilala niya pera lang habol sa kaniya. Pero, iba si Elaiza sa paningin niya that time. Nang mabitiwan  nga niya ang kamay nito nalungkot agad siya.  Gusto niya na palaging hawak ang kamay ng dalaga. Kahit tapos na sila sa pakikipagkilala  sa isa't-isa ay naisip niyang mag-offer  dito. Nag-offer  siya na maging lawyer nito and the rest are history. "Hoy Caleb!" sigaw ni Elaiza kay Caleb na nakatayo pa din sa loob ng elevator. Nakalabas na lahat ng sakay si Caleb tulala pa din. Kaya agad niyang kinurot  ang tenga nito. "Aray! Ano ba!?" sigaw ni Caleb sabay hawak sa tenga. "Saang lupalop  ka ba galing at tulala ka?" tanong ni Elaiza. Lumabas agad ang dalaga ng elevator. Nang lingunin niya ang paligid wala na ngang tao. Siya na lang pala ang hinihintay ng lahat. Kaya dali-daling lumabas siya. Ang haba pala ng nilipad  ng utak niya kanina. Kasalanan 'to ni Edzel eh. "Bakit ka nga pala tulala kanina?" tanong ni Elaiza kay Caleb. Nasa restaurant sila. Ang balak sanang eat all you can ay hindi natuloy dahil kay Caleb. Langyah talaga! Pero, okay na din dito. ani ni Elaiza sa isipan. Napatingin tuloy si Caleb sa kaniya. Binaba nito ang kubyertos at umiling lang. Tinaasan niya ito ng kilay. Ano kayang nangyari sa mokong na 'to? "Bakit nga? Bakit ka tulala?" tanong niya pa din. Hindi niya titigilan  si Caleb hanggang hindi ito magsasalita. "Ano kasi, wala. Naalala ko lang no'ng una nating nagkakilala  'yon." sagot nito. Tumatango lang siya. Napangiti siya. "Ah. Iyong time na nakipagkamay ako sayo?" ani ni Elaiza kay Caleb. Napaubo  tuloy si Edzel sa narinig. Tumawa naman si Harold at ngumisi lang si Elaiza kay Caleb na ngayon ay pulang-pula na ang mukha. "Uy.. Nagba-blush siya." tudyo  niya. Hahawakan sana ni Elaiza ang dalawang pisngi nito kaya lang pinigilan agad ni Caleb. "Hindi ako nagba-blush." anito sa kanila. "Anong hindi! Eh. Ano iyang mukha mo?" sabay pindot  sa dalawang pisngi. Dahil nakawala sa mga kamay ng binata. Tumawa lang ng husto sina Edzel at Harold. "Tama! Naalala ko din. Diba best 'yon din ang time na 'yon nag-offer  siya na maging lawyer ko?" ani ni Elaiza kay Edzel. Tumango naman ang huli. "Tama! Tapos iyon din ang time na nakipagkamay si Caleb sayo tapos, Sabi mo sa akin na malamig ang kamay niya parang ice." ani naman ni Edzel. Humagalpak tuloy ng tawa si Harold at Elaiza. "See. Hindi ko makakalimutan 'yon Caleb. Teka nga! Bakit pala malamig ang mga kamay mo that time? Humawak ka ba ng yelo  bago ka nakipagkamay sa akin?" tanong niya na may pagtataka sa mukha. Ang ibang mga tao sa restaurant sa kanila na lang tuloy ang attention. Paano ba naman kasi, ang lakas nilang tumawa. Tapos, napapansin din ng iba ang pamumula  ng mukha ni Caleb. Kaya yumuko tuloy ang huli. Dahil nahihiya  na siya sa mga kasama niya. "Alam mo best. Kain na lang tayo." ani ni Edzel sa kaniya. Tumango siya at kumain. "Ikaw Caleb. Kain kana din. Sayang ang pera mo. Kuripot  ka pa naman." dagdag sabi nito. Pinigilan na lang ni Elaiza ang tawa. Ganoon din si Harold. Napapailing pa ito dahil sa turan  ng huli. Grabe talaga bunganga ni Edzel. Hindi mapigilan. Kung babae lang si Edzel nako maraming kaaway  dahil bungangera  din. Pero, saludo  siya dito dahil minamahal nito ng palihim ang pinsan niyang may pagkamanhid din minsan. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD