Nang matapos silang kumain ay hindi pa sila tumayo. Relax muna sila marami pa silang pag-uusapan eh. Ang kuripot na si Caleb ay kinuha na niya ang kaniyang credit cards para magbayad. Tinaas niya ang kaniyang kamay.
Nang makita ng waiter ang kamay niyang nakataas. "The bill." aniya rito.
"Sige po." sabay tango ng waiter. Umalis ito at pumunta sa counter.
"So, anong balak mo ngayon Elaiza?" tanong ni Edzel sa kay Elaiza na nakatingin sa labas.
Napalingon naman ang dalaga kay Edzel. Narinig naman niya ang sinabi ng best friend niya eh. "Balak? Ang balak ko ay bilhin ang shares." aniya dito.
Tumatango lang si Edzel sa kaniya. "What if we will visit the company?" suggestion ni Harold na nakikinig lang ng usapan.
"Pwede." sang-ayon niya rito. Kaya lang biglang lumungkot ang mukha niya. "Kaya lang, hindi pa natin nabibili ang share nila eh. Kahit one percent share ng kompanya nila." Napalingon si Elaiza kay Caleb. "Do something to buy a share. Kahit magkano ang offer niya sa share na iyon babalik din naman sa atin iyon eh." aniya rito.
"Yeah. I will do my best but you forgot we are here in the Philippines. The Yamamoto brothers are in Japan right now." ani ni Caleb. Tumango lang siya.
"So, anong gusto mong gawin ko? Bumalik ng Japan?" ngumiti siya sa binata.
Si Edzel naman may pinipigilan na tawa. Lagot ka Caleb! Pababalikin kana ni Elaiza sa Japan.
"What do you mean?" tanong ni Caleb dito.
"Nothing." ani ni Elaiza. "Ah. Basta. Do your job. Buy their shares okay?" tumango na lang si Caleb. May magagawa ba siya? Malaki ang pera na binabayad sa kaniya ng dalaga.
Gusto sana niya na libre. Kaya lang, ayaw naman ni Elaiza iyon. Dahil trabaho ko daw iyon at ayaw niyang maging libre lang ang mga ginagawa niya sa kaniya. Dahil pangit daw kapag ang isang tao nagpapalibre palagi.
Sapat na sa dalaga na may lawyer siyang maaasahan sa oras ng pangangailangan. Hindi lang isang lawyer si Caleb sa kaniya. Isa na din itong kaibigan na maasahan kapag sa oras ng kagipitan. Mahirap na maghanap ng isang katulad ni Caleb. Kahit palagi niya itong kinakawawa mabait pa din ito sa kaniya. Dahil ang tunay na kaibigan kahit sampalin ka man ng pera sa mukha para traydorin ka niya. Hindi niya iyon gagawin sa'yo dahil mahalaga ka at higit pa sa pera.
Wala naman siyang pakialam sa kompanya niya eh. Ang gusto niya lang ay share. Para matupad ang mga plano niya. To get revenge? Siguro oo. Siguro din hindi. Hindi niya alam ang sagot sa tanong.
Nang nakabayad na ng bill si Caleb. Ay tumayo na si Elaiza sa kinatatayuan niya. "Saglit lang guys. Punta muna ako sa restroom." ani ni Elaiza sa kanila. Tumango naman ang mga kasama niyang lalaki.
Habang naglalakad patungo sa restroom ay may nakabangga siya. "Sorry." aniya rito. Napatingin si Elaiza sa lalaki. Laking gulat niya kung sino ito. Lumaki ang mata niya. Itinikom niya ang bibig na nakanganga.
"Cherry blossom." ani ng binata. "How are you?" tanong nito.
Of all people na pwede niyang makita sa restaurant. Si Shino pa. "A-ayos lang." aniya sa nauutal na boses.
Pero, nagtaka siya. Bakit may mga pasa sa mukha ang binata? "A-anong nangyari sa'yo?" tanong niya. Hinawakan niya ang mukha nito na may pasa. Napangiwi naman ito. "Sorry." aniya. "Teka. Diyan ka lang. Punta lang akong restroom." Paalam niya.
Kahit naman nasaktan na siya ng lalaki noon. Bumibilis pa din ang t***k ng puso niya para dito. Hindi pa din ito nagbabago. Heartbeat fast. She heard him chuckled. Hindi na niya iyon pinansin. Kasi, nag-iinit na din ang pisngi niya.
Napailing na lang si Shino habang nakamasid sa dalagang nagmamadali sa pagpunta sa restroom. Hindi niya din akalain na nandito ang dalaga sa Pilipinas. Kasi sa pagkakaalam niya nasa Japan pa ito. Pero, napansin niyang namumula na ang dalawang pisngi ng dalaga.
Hindi niya alam kung ano 'yon. Sana nandoon pa din ang pagmamahal ng dalaga sa kaniya. Sana tama iyong nakita niya. Napalingon siya sa paligid.
Hinahanap niya kung may kasama ang dalaga pero, wala siyang makita. Nag-iisa lang ba ito? Ibig sabihin pinabayaan lang ang dalaga?
Samantala sa restroom.
Naghilamos ng mukha si Elaiza. Tapos, na siyang umihi. Nakapaghugas na din siya ng kamay. Nang tingnan niya ang mukha sa salamin pulang-pula pa din ito. Hindi niya alam kung anong gagawin sa mukha niya para hindi na pumula.
May mga ibang babaeng nakatingin sa kaniya. Nagtataka din ang mga ito kung Bakit namumula ang dalaga. Ang iniisip ng iba ay baka may sakit ito. Baka may lagnat or allergy.
Pero, ang totoo. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ni Elaiza. Nang biglang tumunog ang cellphone niya at dali-daling niyang kinuha iyon sa bag niyang dala. Tumatawag pala ang pinsan niya. "Hello kuya." sagot niya dito.
"Mauna na kami sayo sa hotel room. Sumunod ka kaagad. Alam kong pagod ka."
"Sige po."
Nagpunas si Elaiza ng mukha gamit ang panyo na dala niya. Huminga siya ng malalim bago lumabas ng restroom. Nang makita niya si Shino na naghihintay pala sa kanya sa labas ng restroom. "Hai cherry blossom." bati sa kaniya ni Shino.
Puso! Maghunos-dili ka! Si Shino lang yan! Aniya sa utak niya. Ngumiti lang siya kay Shino ng pagkatamis-tamis. "Teka nga." sabay hingang malalim para pakalmahin ang sarili. Kanina pa kasi bumibilis ng t***k ang puso niya nung makita niya si Shino.
Lakas pa din ng tama niya dito at nararamdaman din niya na ang pisngi niya umiinit na naman. Dahil kay Shino. Pambihira naman oh!
Biglang lumapit si Shino sa kaniya sabay yakap. "I miss you so damn much." bulong nito sa kaniya sabay amoy sa buhok niya. "I love your smell. Hindi pa din nawawala ang bango. Ganoon pa din. Amoy cherry blossom. God Elaiza! You're making me crazy." anito sa kaniya sabay kalas sa yakap pero, hawak ni Shino ang kamay niya.
Mainit na masiyado ang pisngi niya. Nangangatog na din ang mga kalamnan niya sa tuhod. Tinitiningnan sila ng mga taong dumadaan patungo sa restroom. Kaya mas lalong namula ang pisngi niya. Magkakasakit pa yata siya dahil kay Shino.
"Ah. Eh. Ano? G-gamutin natin i-iyang mga p-pasa mo." aniya rito na nauutal. Sino bang hindi eh. Kinakabahan siya na parang natatae na ewan. Hindi niya maintindihan ang sarili.
Tumango lang si Shino sa kanya at inakbayan siya. "Alam mo cherry blossom. Mas lalo kang gumanda sa paningin ko." ani ni Shino sa kanya.
Juskoday! Kung torture po ito. Please tama na! Dahil hindi ko na kaya.
Yumuko lang siya habang ginigiya siya ni Shino sa hindi niya alam. Napansin lang niya na huminto sila sa isang elevator. Oh no! Mali! Mali 'to! Dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin para sa binata. Akala niya naibaon na niya sa limot ang feeling niya para sa binata.
Pero, nang makita niya itong may pasa kanina. Naawa siya. Sino kaya may gawa sa kaniya no'n? "Nga pala. Saan tayo pupunta?" tanong niya.
Medyo kumalma na din ang Puso niya. Nasa elevator pa din sila. Nang makita ang nakailaw na numero, mas lalo siyang kinabahan. Paano ba naman kasi, kung saan ang room na kinuha nila. Nandoon din sa pala sa palapag na iyon ang inukupa ng binata. Oh no! This is hell! Lagot ako nito!
"Tara na." ani ni Shino sa kaniya. Nakaakbay pa din ito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya naiilang. Mas ginaganahan siyang akbayan ng binata. Kaya lang, kinakabahan naman siya.
Paano kung makita siya ng pinsan niya? O di kaya nina Caleb or Edzel. Nako! Hindi lang ramble ang magaganap. Sigurado siyang mapupunta sa demandahan. Huwag naman sana.
Naglalakad sila patungo sa kwarto nito. Shino slide his key card. Tapos, bumukas na ang pinto. Kaya pumasok na sila. Mayaman talaga ang mokong. Oo nga naman. Kalahati ng kompanya ay pag-aari nito. Tsk. Nakalimutan niya ang tungkol sa kompanniya niya dahil lang sa isang lalaki na sinaktan siya noon.
Matagal na niyang pinatawad ito. Pero, she needs the company. Iyon lang ang hinihiling ng kaniyang Lola at lolo na mabalik dito ang kompanya na dapat ay sa kanila naman talaga. Kaya lang, mas malaki ang hawak nitong shares kaya walang laban ang mga ito kina Shino. Kaya ngayon ay siya na ang gagawa ng paraan para sa mga ito.
Malaki din ang kwarto na inukupa ni Shino. "Ah." aniya. Gusto niyang itanong sa binata kung asan ang first aid kit nito. Alam niya kasing sa mga high class na mga hotel may ganoon sa bawat kwarto.
Napansin naman ni Shino na nakatingin lang sa kaniya si Elaiza. "Halika dito." aniya sa dalaga Tumango naman si Elaiza at sumunod.
Kinuha niya ang first aid kit na nasa loob ng cabinet. Tinungo niya ang balcony at binuksan ang sliding door. Sumunod lang sa kaniya ang dalaga. May upuan sa balcony at umupo siya. Kasunod niyang umupo ang dalaga.
Nilagay niya sa mesa ang first aid kit. Pwede kang mag-work dito. Dahil may glass table at may apat na upuan. Katabi niya ang dalagang umupo sa katabing upuan. Humarap siya dito at ngumiti.
Kumuha ng cotton si Elaiza at nilagyan niya ng betadine at dahan-dahan niyang pinahidan ang mukha ni Shino. "Anong nangyari sayo at bakit ka nagkaroon ng pasa?" tanong niya habang dahan-dahan na ginagamot ang mga pasa nito.
"Ah. Wala iyan." anito sa kanya.
"Anong wala. Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin?" tanong niya. Sa pasa lang siya naka-focus. Ayaw niyang tingnan ang mga mata ng binata. Mahirap na! Napapalunok na lang siya.
Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na siyang lumunok eh. Ilang beses na ba?
Ilang minuto ang lumipas tapos na siya paglalagay ng gamot. Mabuti at nairaos niya ng maayos. Siya itong nag-offer na gamotin ang binata dapat siya din itong manatili sa huwisyo pero, mali pala siya. Kasi ang puso niya ang bilis ng t***k eh.
"Salamat." ani ni Shino sa kaniya.
"Walang anuman. Sige ah. Balik na ako sa kwarto ko." aniya kay Shino.
"Pwedeng dito ka muna? Please. Samahan mo muna ako." ani ni Shino sa kaniya.
"Ah. Hindi pwede eh. Baka hanapin na kasi ako ni kuya Harold." aniya.
"Please.. Please.. Kahit sandali lang Elaiza." Shino pleaded her. Nagsusumamo ang boses nito. Hindi niya kayang tanggihan. Huminga siya ng malalim at tumango. "Yes!" napatalon pa si Shino sa inuupuan nito.
Napangiti na lang siya sa nakita. Kaya niya bang maghiganti sa lahat ng sakit na gawa ng binata sa kaniya? Umupo ulit si Shino na may malaking ngiti sa labi kaya ngumiti din siya dito na may pagkatamis-tamis.
Bigla siyang niyakap ng binata at nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. Sino bang hindi. "Salamat talaga Elaiza." anito sa kaniya.
She can't restrained herself too. Niyakap na din niya si Shino. She wanted to cry for so much happiness. Masaya nga ba siya? Kumalas na siya sa yakap ng binata. "Ano. Kailangan mo ng magpahinga." aniya dito.
Umiling ito. Kumunot naman ang noo niya. Tumayo ito at hinawakan ang kamay niya. "Tara dito tayo sa sofa." ani ni Shino sa kaniya.
Nang tingnan niya kung saan ang sofa na tinutukoy nito ay tumango din siya. May magagawa ba siya? Hawak ni Shino ang kamay niya at sa pagkakakilala niya sa binata ay may pagkamakulit ito. Kahit sabihin niyang ayaw niya pipilitin siya nito hanggang sa umu-o na lang siya.
Kaya tumayo siya at tinungo nila ang sofa na nakalagay sa gilid ng sliding door. Bakit kaya hindi niya nakita ang sofa kanina? Bakit hindi niya din ito napansin nang makalabas sila? May problema ba sa mata niya? Naalala na niya. Nakatingin lang kasi siya sa mga pasa ng binata. Kahit may pasa Gwapo pa din. Tsk.
Kailan ba magiging pangit ang isang Shino Yamamoto? Kahit hindi kailan. Ewan ba niya. Nang naka-upo na silang dalawa. Magkatabi sila. Gusto niyang kalasin ang pagkakahawak ng kamay ni Shino sa kamay niya pero, ang higpit ng hawak nito.
Naramdaman din niyang parang nanlalamig ito. Kaya tiningnan niya si Shino. Nakatingin ito sa malayo. Nakikita din niya ang ganda. Nakikita din niya ang ibang mga buildings na naglalakihan. Napangiti na lang siya ng mapait.
Biglang tumingin sa kaniya si Shino kaya agad siyang tumingin sa ibang direction. Bakit naman siya tumingin sa ibang direction eh hindi naman siya ang tinitingnan ko? ani ni Elaiza sa utak.
"Cherry blossom." tawag sa kaniya ni Shino. Isa pa ang cherry blossom na iyan. Sa tuwing naalala niya iyon napapangiti siya. Lumingon siya dito. "Namiss kita ng sobra. Sorry sa lahat. Sorry dahil sinaktan kita. Sorry kasi, tanga ako. Sorry kasi, akala ko iyon ang totoo. Pero, Elaiza. Sinundan kita ng araw ding iyon. Para sana pigilan ka. Kaya lang , nakita kita sakay kana ng motor ni Edzel that time." anito sa kaniya.
She saw tears from Shino's eyes. Ngumiti siya dito at pinunasan niya ang mga luhang naglalaglagan. "It's okay. Past na 'yon. Siyaka, nandito tayo sa present." sagot ni Elaiza kay Shino.
"But I want to say sorry for hurting you. I love you Elaiza. Hindi iyon nagbago. Mula noon hanggang ngayon. Ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok nito." sabay turo sa puso.
"Thank you for loving me Shino but this isn't the time for us. May kailangan pa akong gawin. Kailangan ko pang malaman kung sino talaga ang may gawa ng chissmiss na iyon?" aniya sa binata.
"I know who did." sagot ni Shino sa kaniya.
Naging seryoso agad ang mukha niya. Huminga siya ng malalim. "Sino?" tanong niya.
"Ang pinsan mo." sagot nito.
"Paano mo nalaman na siya?" tanong niya. Hindi pa din kasi nagsisink-in sa utak niya ang sagot ni Shino. "Paano?" tanong niya.
"Pumunta ako sa bahay niyo tapos, nakita ako ng mga taong taga doon tapos, kaya ako nagkaroon ng pasa dahil binugbog nila ako. Tapos, sabi nila hindi daw ako pwedeng magpakita sa kanila kapag hindi mo pa ako napapatawad dahil sa ginawa ko. I'm sorry." anito na may malungkot na boses.
"It's okay. Wala na 'yon. Ang gusto kong malaman kung bakit? Paano mo na ang pinsan ko ang may kagagawan ng chissmiss na 'yon?" tanong niya na may nakakunot na mga noo.
"Iyon ay dahil sa pera at inggit." Ani ni Shino sa kaniya.
"Pera? Inggit? Bakit naman siya maiinggit sa akin? Anong meron sa akin? Mahirap lang naman ako. Sila nga iyong may kaya sa buhay at palagi na lang kaming inaapi ni nanay. Bakit naman sila maiinggit sa amin aber!?" aniya sa medyo malakas na boses.
Hindi na din kasi niya maintindihan eh. Anong meron sa kaniya kung bakit naiinggit ang mga pinsan niya? Mahirap lang naman sila noon. Naghahanap lang siya ng trabaho at housekeeping pa. Janitress pa nga siya. Eh. Ang mga pinsan nga niya ang may magandang trabaho dahil nasa opisina ito nagtatrabaho. Eh, siya tagalinis nga lang ng building.
Hindi niya maintindihan ang mga ito. "She was jealous because your grandpa loves you so much. He always protect you and guide you. He always give you a thing that she never ever had in her life." Ani ni Shino.
"Paano naman siya bibigyan ni lolo eh. Suwail naman sila. Palagi silang pinagsasabihan ayaw naman nilang makinig and then they treat grandpa as an animal. Palagi nilang pinapalo ito. Malalagot na silang lahat sa akin. Sinasagad nilang pasensiya ko! Sumusobra na talaga sila." aniya sabay tayo.
"Where are you going?" tanong ni Shino. "You said your staying." ani ni Shino na may malungkot na mukha.
She wanted to stay pero, ang galit niya ang nagsasabi na lumabas at sumugod sa pinsan niya. Kailangan niya ding bumalik do'n at bisitahin ulit ang lolo niya. Baka kasi, gising na iyon. Hahanapin siya no'n panigurado. Hindi pa naman sila nakapag-paalam sa lolo niya.
Ngumiti siya dito. "I'm sorry pero, kailangan ko ng umalis. Baka hinahanap na din ako ng pinsan ko pati na din nina Caleb." aniya.
Nang banggitin niya ang pangalan ni Caleb. Nagdilim agad ang mukha ni Shino. Hinawakan niya si Shino sa kamay. "I swear. Magkikita pa tayo." sabay ngiti dito.
"Lagi mong tatandaan Elaiza. Mahal na mahal kita." anito. Bumilis na naman ang pintig ng puso niya. Bakit ganito? Huminga siya ng malalim at ngumiti na lamang sa binata. "Maghihintay ako sayo. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko sayo."
"Ano ka ba!? Okay lang iyon. Matagal na iyon. Napatawad na kita. Kung tayo para sa isa't-isa tayo talaga. Huwag kang magmadali Shino." aniya sabay lakad palabas ng inuukupa ni Shino na kwarto.
Nang makalabas siya. Tumunog naman ang cellphone niya kaya dali-daling niyang kinuha sa bag niya ito at agad na sinagot ng hindi tinitingnan ang call register. "Hello." aniya.
"Where are you?" tanong ng nasa kabilang linya. Patay! Ang pinsan niya.
"Papunta na ako sa kwarto ko." sagot niya sabay patay ng phone.