Nasa Pilipinas na si Shino. Papunta siya sa lugar kung saan ang bahay ni Elaiza. Gusto niyang maka-usap ang pinsan nito. May nais lang siyang itanong dito.
Pero, nang makita niyang may mga pulis. Nagtaka siya. Kaya agad siyang bumaba sa sasakyan niya at pinarada ito kagaya ng dati. Nakita niyang may dinadakip ang mga pulis. Hindi lang isa kundi dalawa. Mag-ina siguro ang mga ito.
"Anong nangyari?" tanong niya sa sarili. Lumapit siya sa mga pulis at nagtanong. "Chief. Anong nangyari?" tanong niya sa isang pulis na Nakita niya.
"Ah. Ito kasing babae na 'to. Nahuli sa akto na pinapalo iyong matanda. Ang ama yata nito. Iba na talaga ang mga tao ngayon." ani ng pulis sa kaniya.
"Eh. Iyong kasama naman po niya?" tanong niya ulit. Kilala niya ito dahil nakita niya na ito sa bahay ng dalaga noong magpunta siya dito.
"Siya? Ah. Sinampahan din siya ng kaso ng babae din dahil nanggugulo daw iyan do'n." Tumatango na lang siya sa mga sinabi nito.
"Salamat chief." aniya at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa bahay nina Elaiza. Alam niyang malapit lang ang bahay ng dalaga at may kalayuan din sa pinsan nito. Kaya lang gusto niyang matingnan muna ang bahay nito bago man siya pumunta sa bahay ng pinsan ng dalaga.
Marami siyang itatanong sa dalaga kung bakit nagawa nitong siraan Elaiza. Eh pinsan naman pala nito. Bakit kaya may mga ganiyang tao sa mundo?
Hindi ba nila alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao? Bakit nila sinisiraan eh magkadugo naman sila? Dahil lang sa inggit? Naiinggit ang iba dahil wala silang pera? Tapos ang iba meron? Bakit hindi sila magsikap? Para magkaroon sila ng pera?
Nagsusumikap naman ang dalaga. Oh hindi kaya may nagsabi talaga sa mga ito. Upang siraan ang dalaga sa kaniya. Dahil sa tanga siya naniwala agad siya. Dahil din sa mga iyon nasira ang buhay ng dalaga at ngayon ay bumabangon na ito.
Nakikita naman niyang masaya ito kaya masaya na din siya. Pero bakit ga'nun? Bakit nasasaktan siya? Lalo na kapag may kasama itong iba? Lalo na ang Best friend nito?
Napangiti na lang siya ng malungkot Habang naglalakad. Nang makarating siya sa bahay ng dalaga. Walang tao. Obvious naman dahil nasa Japan ang pamilya nito. Kaya bumalik na siya at naglakad patungo sa kabilang parte. Malayo pa din kasi ang bahay ng pinsan nito.
Kalahating oras ang lumipas ay nakarating na siya sa bahay nina San. Nakilala niya ang dalaga nang magpunta ito sa building na tinatrabahuan mismo ni Elaiza.
"Tao po!" sambit niya. "Tao po!" pero walang tao. Saan kaya ang mga tao sa bahay nito?
Lumingon siya sa paligid at nakita niya iyong lasinggo na palaging sinisermunan ni Elaiza noon. "Sir." sambit niya. Napatingin naman agad ito sa kanya.
"Bakit?" tanong nito. Lumapit siya dito. Hindi na din ito lasinggo mula noon. Mukhang nagbago nga ito. Lahat naman nagbabago eh. Pati si Elaiza nagbago na din.
"May itatanong lang po ako. Nasaan po ang mga tao diyan?" sabay turo sa bahay ng pinsan ni Elaiza.
"Ah. Diyan? Nasa presento hijo. Bakit?" tanong nito.
"Salamat." aniya. Tumalikod na siya at naglakad paalis.
"Teka Sandali!" Lumingon siya pabalik. "Kilala kita ah. Ikaw 'yong lalaking nakita ko sa YouTube. Ikaw iyong tumulak sa Elaiza namin." lumaki tuloy ang mata niya. "Tama! Ikaw nga iyon." sabay lapit sa kaniya at sinuntok siya. "Langyah ka pala eh! Dahil sayo. Wala na sina Elaiza dito." sabay suntok ulit sa kaniya.
Hindi lumaban si Shino dahil totoo naman ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Dahil sa kaniya umalis na sina Elaiza at ang ina nito.
"Sorry po." aniya. Sinuntok ulit siya sa mukha at tapos sa tiyan. Napaubo tuloy siya at namimilipit sa sakit ng suntok.
May mga taong nakakita sa ginawa ng lalaki kaya agad silang pinaghiwalay na dalawa. "Tama na!" sigaw ng isang lalaki.
Siya naman ay nasa lupa na at humihiga sa sakit ng tiyan at mukha. Pero, mas masakit ang ginawa niya kay Elaiza. Nalaman kasi ng buong mundo ang ginawa niya sa dalaga.
"Ikaw hijo. Bakit ka pa bumalik dito. Alam mo bang mainit ang mata ng mga taong nakakita sa ginawa mo kay Elaiza. Hindi naman iyon totoo eh. Sinisiraan lang siya. Kung totoo man iyon pwes kami na mismo ang humihingi ng tawad. Pero, imposibleng gawin iyon ni Elaiza dahil mabait siya. Sobrang bait na bata." anito sa kaniya.
Alam niya din naman iyon pero, nang makita niya kasi ang pangalan ng dalaga at may nabasa siya doon. Parang biglang dumilim ang paningin niya. Kaya. Nagawa niya ang mga iyon sa dalaga. Hindi naman niya iyon sinasadya eh.
Hihingi sana siya ng tawad dito kaya lang huli na. Nakita na niya itong nakasakay ng motor ni Edzel. Lalo pang dumilim ang paningin niya dahil nakayakap ang dalaga sa baywang ng best friend nito.
Ayaw na ayaw pa naman niyang may ibang humahawak dito. Pero, may magagawa ba siya? Wala siyang magagawa dahil siya mismo ang may kasalanan ng lahat. Siya ang may kagagawan kung bakit naging gano'n na ang dalaga ngayon.
Kung mapapatawad man siya ng dalaga. Masaya na siya, kahit na hindi na maibabalik ang dating sila na ang lapit nila sa isa't-isa. Masaya siya kapag masaya ang dalaga. Mapapanatag na siya sa ganoon.
"Tulungan niyo na nga iyan. Tapos, dalhin niyo sa bahay." ani ng isang lalaki na sa isa pang lalaki. Pinatayo naman ng mga ito si Shino. Nasa mga anim na lalaki ang mga nakapalibot kay Shino.
May mga babae din at mga bata. "Kuya!" sigaw ng isang batang lalaki. Napalingon silang lahat do'n. Nang makita niya si Jinggo ang batang nakita niya noon sa may parke. "Kuya Shino?!" sigaw nito sa kaniya.
"Jinggo." sambit niya.
"Kuya Shino!" sigaw nito sabay takbo at yakap sa kaniya. Napaigik tuloy siya sa sakit. Agad naman na kumalas ang bata. "Kuya. Bakit ka po nandito?" tanong nito.
"Hoy! Jinggo!" sigaw ng isang lalaki dito.
"Tsong! Anong ginawa niyo diyan? Kapag nalaman iyan ni ate Elaiza po lagot na naman kayo." anito ng bata sa tsong nito.
"Tsk. Hindi ako may gawa nito. Kundi ito." sabay turo sa isang lalaki.
"Hala ka po!" sabay baling nito sa lalaking nambugbog kay Shino. "Isusumbong kita kay ate Elaiza. Nakita ko pa naman siya kanina." balita nito.
Napalingon tuloy lahat ng tao sa bata. Pati si Shino, nagulat sa sinabi ng bata. "Anong ibig mong sabihin na nakita mo si ate Elaiza mo" Tanong ng Isang lalaki. "Saan siya?" tanong nito.
"Ahh. Biro ko lang 'yon para Hindi niyo na bugbogin si Kuya Shino." anito sa kanila.
Nalungkot naman ang mukha ng mga taong nakarinig sa kanila.
"Huwag na po kayong malungkot." ani ng bata sa kanila. Mabuti pa ang bata. Pinapalakas ang loob nilang lahat. Napangiti na lang si Shino. "Kapag nakapunta dito si ate Elaiza. Sigurado akong ang una niyang pupuntahan ay ang lolo niya." napakunot naman sila lahat ng noo.
"Oo nga. Mahal na mahal ni Elaiza ang lolo niya." ani naman ng isa.
"Tama!" anito.
Tumingin naman lahat ng tao kay Shino. "Dapat ikaw. Sa susunod na pumunta dito. Kailangan napatawad ka na ni Elaiza." ani naman ng isa.
"Hindi ko nga alam kung nasaan siya eh. May gusto lang talaga akong malaman sa pinsan niya." aniya sa mga ito.
"Tara na. Dalhin niyo na yan sa bahay." Ani ng lalaki.
"Sige." sabi naman ng iba. Inalalayan si Shino ng mga taong nandoon.
Samantala. Sa bahay ng matanda nandoon pa din sina Elaiza at ang mga kaibigan niya. "Habang nandito tayo sa Pilipinas. Pwede ba tayong pumunta sa sementeryo?" tanong niya sa mga ito.
"Sige best. Para mapuntahan mo si tatay at mabisita mo din siya." tumango lang siya. Tiningnan niya ang lolo niyang natutulog na. Mukhang napagod yata ito.
Kaya kinumutan niya ito at dahan-dahan na naglakad palabas ng kwarto nito. Ang mga kasama naman niya ay ganoon din ang ginawa.
Nang makalabas sila ng bahay ng walang maingay. "Ayos lang bang iiwanan natin ang lolo mo pinsan?" tanong ng pinsan niyang may malungkot na mukha.
Tumango lang siya. Malungkot man isipin na iiwanan niya ang lolo niya na walang kasama ni isa. Pero, mabilis lang talaga sila. Pupunta lang sila sa puntod ng yumao niyang ama.
"Ayos lang iyon. Dahil sa susunod magha-hire na ako ng taga alaga niya tapos, palagi akong mag-e-skype sa kaniya kapag nasa Japan na tayo. Tapos, matutuwa si nanay no'n." aniya naay ngiti sa labi.
"Tara na?" ani naman ni Edzel. Tumango lang siya.
"Tara." sabi naman ni Caleb na pinapanood lang silang dalawa.
"Ganito. Kung sino ang unang makakabalik sa sasakyan siya ang panalo." aniya na may ngiti sa labi.
"Sige ba." ani naman ni Caleb.
"Sige. Tapos, ang talo siya ang manlilibre ng lunch at dinner natin mamaya pati sa hotel." ani naman ng pinsan niya.
Lumiwanag agad ang mukha ni Elaiza sa narinig. Libre! Lahat! "Ready! Get set go!" sabay takbo ni Elaiza.
Nauna siya sa pagtakbo. Sumunod sa kaniya si Caleb tapos si Edzel at ang huli ay si Harold. Habang tumatawa ay si Elaiza sa pagtakbo. Nakita niyang may mga maraming tao.
Nang makita siya ay lumingon lahat sa kaniya. "Elaiza!" sigaw ng mga ito. Pero, ngumisi lang siya sa mga ito at kumaway. Dahil mamaya na lang niya ito i-entertain dahil may kalaban siya na humahabol sa kaniya.
Hanggang sa makarating siya sa may tindahan. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Marami ang tumatawag sa pangalan niya pero, hindi niya ito pinansin. Nang makaabot siya sa sasakyan ay grabe ang hingang malalim niya.
Akala niya hindi na niya kaya ang tumakbo pero, kaya pa din pala niya. Sumunod ang pinsan niya at si Edzel. Ang nahuli ay si Caleb. Tawa siya ng tawa. "Paano ba yan si Caleb ang magbabayad ng lahat. Wahh!! Ang saya." aniya na hindi mapuknat ang ngiti sa labi.
Humagalpak ng tawa si Edzel at Harold nang makita ang mukha ni Caleb na hindi maipinta.
"Ang daya niyo naman eh." ani ni Caleb sa kanila na hindi pa din nawawala ang pagkabusangot ng mukha. Pero, walang magagawa si Caleb dahil natalo siya. Kaya ang pustahan ay pustahan. Kailangan niyang manlibre ng lunch at dinner pati ang hotel ng mga Kaibigan at ni Elaiza ay siya mismo ang magbabayad.
"Dahil talo ka. Hindi kami nandaya ah. Sadyang mabagal ka lang talaga tumakbo Caleb." sabi ni Elaiza sa kaniya. Mas lalong bumusangot ang mukha nito. "Diba tama naman ako? Mabagal lang talaga siyang tumakbo kaya siya natalo."
"Tama. Oo nga pala Caleb. Nakalimutan namin na sabihin. Si Elaiza ay runner yan noong nasa high school pa siya. Kaya wala ka talagang panama kapag takbuhan na. Ang bilis eh." ani ni Edzel sa kay Caleb.
"Daya niyo talaga. Eh Bakit ka sumali. Mas lamang ka pala sa amin eh." ani ni Caleb sa kay Elaiza. "Dapat hindi ka sumali."
"Sumali man ako or hindi talo ka pa din dahil mabagal kang tumakbo. Tsk. Tara na nga. Basta ang pustahan ay pustahan pa din. Talo ka kaya libre mo kami. Kapag hindi mo ginawa iyon. Isang sipa ka lang sa akin." banta ni Elaiza sa kanya.
Natakot naman si Caleb kaya tumango naman ito. Humagalpak na naman ng tawa ang dalawa. Namely. Harold at Edzel. Dahil sa putlang-putla na ang mukha ni Caleb sa takot.
Alam kasi ng binata na marunong ang dalaga na sumipa. Nakita na din niya ito kung paano sumipa noong nandoon pa sila sa Japan.
Nang makapasok sila sa sasakyan ay agad pinaandar ng taxi driver ang taxi nito. Hinintay talaga sila ng taxi driver. Dahil hindi pa kasi nila nababayaran eh. Palaki ng palaki ang babayaran nilang pamasahe pero, wala silang pakialam do'n.
Aalis na sana ang taxi kaya lang lumabas ulit si Elaiza. Sumunod naman sa kaniya ang mga kasama nito. Kaya naiwan na naman ang taxi driver. "Bayad." aniya sa mahinang boses.
Dumiretso si Elaiza sa may tindahan at nakita niya ang mga taong agad na lumapit sa kaniya. "Elaiza. Ikaw na ba 'yan?" tanong ng isang lalaking dating lasinggo.
Ngumiti siya at tumango. "Opo. Ako na po ito." aniya. "Kumusta na po?" tanong niya sa mga ito.
Ang mga kasama naman niya ay nanonood lamang sa kanila. "Ay nga pala. Ito nga pala ang pinsan ko na si Harold." sabay lingon at kapit kay Harold. "Ito naman si Caleb." pagpapakilala niya sa mga ito. "Siguro naman kilala niyo na siya." sabay turo kay Edzel.
"Oo naman." ani naman ng isa. "Si Edzel. Kumusta na pala ang tatay mo?"
"Ayos naman po siya. Gusto nga no'n na pumunta dito. Kaya lang, hindi pinayagan ni mommy dahil daw may mga meetings." sagot naman ni Edzel.
"Kumusta na ang nanay mo Elaiza?" tanong ng tindera sa may tindahan.
"Ayos naman po siya aling Celia." tumango naman ito at ngumiti.
"Mabuti naman kung ganoon. Nga pala. Kumain na ba kayo?" umiling si Caleb pero, siniko siya ni Edzel at Elaiza.
"Bawal Caleb. Dahil may pustahan tayo at sisiguraduhin kong mauubos ang pocket money mo." sabay bulong niya sa binata.
Natakot naman si Caleb. Paano na siya makakauwi ng Japan kung wala siyang pera? Kung uubusin ng dalaga ang pera niya? Ngumiti na lang siya sa mga ito tumango ng alanganin. Akala pa naman niya makakalibre siya ng lunch man lang. Kaya lang hindi pala.
"Tapos na po kaming kumain aling Celia. Ah. Nga pala.. Pakisabi kay Manong Kanor na dumaan ako dito. Sigurado miss na miss na miss na ako no'n. Para na din kasi siyang tatay sa akin." tumango naman ang mga ito.
"Kayo!" sabay turo sa mga dating lasinggo. "Dapat tumino na kayo." aniya.
"Eh. Matino na kaya kaming lahat. Hindi na kami palaging umiinom ng alak. Sa isang buwan. Isang beses na lang. Oh. Diba may improvement kaming lahat." ani naman ng isang lasing.
"Sige. Ganyan nga. Babalik na lang kami dito mamaya or bukas. Okay. Pupunta pa kasi kami ng sementeryo eh. Dadalawin namin ang puntod ni tatay." aniya na may lungkot sa mga mata.
"Sige Elaiza. Ingat ka ha. Basta balik ka dito ah. Welcome na welcome ka." ani ng tindira. Tumango siya at tumalikod na paalis. Pabalik sa taxing naghihintay sa kanilang apat.
Nang makaalis sina Elaiza. Kakarating lang din ni Shino sa may tindahan. Kasama ang mga ibang lasinggo. Napatingin naman sa kaniya ang mga tao. "Hala!" sigaw ng tindira kay Shino. "Sayang! Hindi mo naabutan si Elaiza."
Nang mabanggit ang pangalan ng dalaga agad siyang lumapit dito kahit masakit ang katawan niya. "Anong sabi mo po? Si Elaiza?" tumango ito. "Saan na siya? Nasaan siya?" sabay linga-linga sa paligid.
"Wala na siya eh." sagot ni Aling Celia kay Shino. "Kakaalis lang hijo. Kasama niya si Edzel." anito.
Nang mabanggit ang pangalan ng binata nainis siya agad. "Oo nga. Kasama ang pinsan niya at ang isang gwapong lalaki. Caleb ata ang pangalan. Tama. Caleb nga." ani naman ng isang lalaki.
"Caleb?"
Tumango ang mga nakarinig sa tanong niya. "Saan daw sila nagpunta?" tanong niya. Baka sakaling mapuntahan niya at makita niya ulit ang dalaga. Kahit humingi lang siya ng tawad dito.
Pero, his mission is to asked her cousin for saying those words sa investigator na ni-hire ni ate niya tsk.