CHAPTER 26

2687 Words
Nang makarating siya sa kwarto na inuukupaniya. Hindi siya napansin nung tatlo. Tiningnan niya lang ang mga itong hindi mapakali. "Hoy!" sigaw niya. Napailingon naman sa kaniya ang mga ito. "Anong nangyari sa inyo?" tanong niya. "Bakit ba kasi ang tagal mo?" tanong ni Edzel. "Kanina pa kami kumakatok sa pinto mo. Akala namin nandito kana. Saan ka ba galing?" Hindi nila pwedeng malaman na kasama niya si Shino kanina. "Sa baba." pagsisinungaling niya. Pero, mukhang hindi nabenta sa mga ito. Dahil nakita niya sa mga mukha ng tatlo ang mga kunot na noo at seryoso na nakatingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim. "Okay na." aniya. Elaiza slide her key card. Tapos, bumukas ang pinto. Kailangan niyang magbihis muna. Pumasok siya at dali-daling binuksan ang bag niya at kumuha ng mga damit na gagamitin niya. Naramdaman din niyang pumasok ang tatlo. Wala siyang pakialam sa mga ito. Ang gusto niyang gawin ay matapos na ang lahat. Makaharap ang pinsan niya. Kinakalma muna niya ang sarili niya. Pumasok siya sa banyo at doon nagbihis. Nang matapos siya sa pagbibihis ay bumalik na siya agad. Ganoon pa din ang kwarto. Tahimik ito. Mukhang alam na niya kung bakit. "Tell me the Truth couz. I know your lying. So, don't expect me to believed that reason of yours." ani ni Harold sa kaniya. Huminga siya ng malalim. Nakatingin sa kanya ang tatlo at naghihintay ng sasabihin niya. "Okay. Kahit magsinungaling ako, alam ko malalaman niyo iyon dahil hindi ako magaling sa field na iyon. Sorry okay. Ah. Paano ko ba sasabihin.. Ganito, may nakita akong kakilala ko tapos, ayon kaya ako natagalan. Tapos, pumunta kami sa kwarto niya." sagot niya. Eh. Totoo naman diba. Kaya lang, friend ba sila ni Shino? Ex-friend yata. "Who is this friend of yours?" tanong naman ni Edzel. "Nako! Simula bata kilala kita Elaiza. Kaya huwag akong pagsisinungalingan mo. Nako! Lagot ka sa akin." "Ano kasi, ah. Sige na nga..wala pa din pala akong takas sa inyo." aniya na walang magawa. Hindi eh. Mahirap magsinungaling lalo na sa tatlo dahil kilala siya ng mga ito. Si Caleb din sinasabi nagsisinungaling siya. Sa totoo naman. Hay nako! "Nakita ko siya. Si Shino..tapos, ayon pumunta kami sa kwarto niya." "Ano!?" sigaw ng tatlo. Napatakip tuloy siya sa dalawang tenga niya at napapikit dahil sa lakas ng sigaw. Magkasabay pa talaga. "Nahihibang kana ba Elaiza!?" sigaw ng pinsan niya. "Alam mo kung anong ginawa ng lalaking iyon sa'yo. You know that! Pero, bigla ka na lang sumama sa kaniya? Hah!" sigaw nito. Hay nako! "Here he comes. The protective cousin of me." aniya sa mahinang boses. "I know okay!" sigaw din niya pabalik. Tsk. Tiningnan niya ang tatlo na napapailing. They are disappointed. "Paano mo na mabibili ang share nila?" tanong ni Caleb. "Pwede ba..I am old enough. I know what I am doing this time. Siyaka, hindi ko nakakalimutan ang bagay na iyon. I will buy their shares in a soft or hard way." aniya sa mga ito at lumabas ng kwarto niya. Sumunod naman sa kaniya ang tatlo. Sinarado naman ng huling lumabas ang kwarto na inuukupa niya. Tsk. Ngayon, ang pinsan niya na naman ang pagtutuunan ng pansin. Tumakbo na ang tatlo dahil hindi nila maabutan si Elaiza. Ang bilis kasing maglakad. Naabutan nila ang dalaga sa may elevator na. "Where are we going?" tanong ni Harold sa kaniya. "In my cousin's house." sagot niya. Nang makasakay na tatlo pinindot na niya ang lower number. Humanda ka, lintik lang ang walang ganti. "So, we're going back in that place again? Hindi ba uso ang magpahinga sa'yo Elaiza?" tanong ni Caleb sa kaniya. Napalingon naman siya dito. "Oh. So, gusto mong magpaiwan  dito? Ganoon? Madali lang naman akong kausap eh." aniya. "Maiiwan ka dito." aniya sa binata. Namutla agad ang binata sa sinabi ni Elaiza. "Joke lang 'yon Elaiza." ani ni Caleb. Nagbibiro lang din naman siya sa sinabi niya eh. Hindi niya pwedeng iwan ang lawyer niya dito sa hotel. Nako! Mahirap na! Gwapo pa naman ang lawyer niya baka, magahasa  ng wala sa oras. Marami pa naman itong pangarap sa buhay. Makapag-asawa  at magkaroon ng mga anak. Iyan ang goal ni Caleb. Pero, si Elaiza ang gusto niya eh. Kaya lang, ang dalaga walang pakialam sa kaniya. Trabaho lang walang personalan. "Nagbibiro lang din ako. Nako! Mahirap ka ng iwan dito baka mambababae ka lang dito eh. Maganda pa naman ang mga nakikita kong mga staffs dito." ani ni Elaiza sa kanya. Nang huminto ang elevator. Agad silang lumabas at dumiretso. May dumaan agad na taxi sa harapan nila. Pumasok silang apat. Same ang posisyon nila. Kung anong posisyon nila kanina nang papunta sila sa bahay ng lolo niya, ganoon din ang set-up ulit nila. Si Edzel ang nasa may katabi ng driver. "So, ayos na." aniya sa mga ito.  "Tara na manong." Tumango ang driver at agad na pinaandar  ang taxi. Habang nasa biyahe sila. Marami siyang naiisip na gawin. Nang tingnan niya ang relo niyang pambisig  ay ala-dos na pala. Hala! Hapon na pala. Mukhang late na kaming makakabalik nito sa hotel. "Gisingin  niyo na lang ako kapag nandoon na tayo." sabi niya sa mga ito. Walang sumagot sa sinabi niya. Tsk. Hinilig  niya ang ulo niya sa balikat ng pinsan niya. "Iidlip  muna ako." aniya sabay pikit ng mata. Habang nakapikit si Elaiza. Napapatingin naman ang driver sa rearview mirror na nakaharap sa tatlo sa likuran. Nagtataka siya kung bakit tatlong lalaki ang kasama ng dalaga. Siguro. Siguro, nobyo  nitong lahat ang tatlo at okay lang sa tatlo na may iba't-ibang lalaki ang kasama ng babae. Grabe naman ang babae. Mukhang nabasa naman ni Harold ang tingin ng driver. Hindi din naman siya nag-iisip ng masama, kaya lang iba talaga ang tingin ng driver sa pinsan niyang babae. "Anong iniisip mo, manong?" tanong niya dito. Namutla naman ang driver sa tanong ng binata. Baka nahulaan  nito ang iniisip niya? Kaya nag-concentrate na lang siya sa pagmamaneho. Sasagotin ba niya ang tanong ng binata or hindi? "Nobya niyo  ba ang babaeng iyan?" Humagalpak ng tawa si Harold. "Psst." sabay pigil ng tawa. Naramdaman kasi niya na gumalaw  ang pinsan niya. Pinipigilan din nina Caleb at Edzel ang matawa. "Manong." sabay lingon ng driver kay Edzel at balik ng tingin sa daan. "Magpapasalamat po ako kapag naging totoo iyang sinabi mo. Kaya lang, hindi eh. Hindi namin siya girlfriend. Best friend ko lang siya." anito sa kaniya. "Oo nga." sang-ayon naman ni Caleb. "Lawyer niya lang ako. Hanggang doon lang ang turing niya. Hindi lumalampas sa kung ano man iyang iniisip mo ngayon." dagdag ni Caleb. "Iba kasi kayo kung makatingin  sa dalaga. Parang may laman." ani ng driver sa kanila. Napag-isip-isip din Edzel iyon. Ang dalaga lang naman ang manhid  eh or sadyang manhid lang ito dahil may ibang laman ang puso nito. Alam niyang masasaktan siya kapag nag-confess siya sa dalaga. Mas mabuti ng mahalin niya ito ng palihim kesa naman, sinabi niyang mahal niya ito pero, nagbibingi-bingihan lamang ito sa lahat ng sinabi niya. Mas masakit sa kaniya iyon. "Ikaw naman." ani ng driver kay Harold. "Pinsan niya lang ako. Siyaka, may asawa na ako." anito. Tumango na lang ang driver. "So, ibig sabihin. Ikaw lang at iyong kasama mo ang may gusto sa dalaga?" tumango na lang si Edzel sa sinabi nito. "Ede ligawan  niyo siya." advice sa kanila. "Manong,  it's so hard to court her. She likes someone and that someone I think, he like her too." ani naman ni Caleb sa taxi driver. "Ah. like pa lang nama diba? Hindi pa love." ani naman ng driver sa kanila. "Paano kung Mahal na din pala niya ang taong iyon? Ede nagsasayang lang kami ng oras sa panliligaw?" aniya naman niya. "Paano naman kung wala siyang gusto sa taong iyon tapos, isa pala sa inyo ang gusto niya?" sabi ng driver sa kanila. Magsasalita pa sana ito nang magsalita si Elaiza nang tulog. "Shino." narinig nilang lahat iyon.  "Shino.." Mahina lang iyon pero, narinig nila. "Sino naman si Shino?" usisa ng taxi driver. Chissmoso din ito. "Para malaman mo. Iyon ang tao na sinasabi namin na mahal na niya kahit sa pagtulog  binabanggit nga ang pangalan diba?" ani ni Edzel na mukhang nagalit na dahil ng sa pagsambit ng pangalan ni Shino. "Ay. Pagpuyo mo uy!" sabi naman ng taxi  driver. Hindi nila naintindihan ang sinabi nito. Nag-focus na lang ang taxi driver sa pagmamaneho. Nang makarating sila. Ginising ni Harold si Elaiza. "Couz. Wake up." aniya sa pinsan. Unti-unting naman gumising si Elaiza at nag-unat  pa. Medyo mahaba ang biniyahe nila. Nang mapansin ni Elaiza na nasa labas na sila ng barrio nila. Agad siyang lumabas ng taxi. Nag-unat  ulit siya. Medyo mahaba din ang tulog niya. Nang tingnan niya ang relo niya. Alas -tres na ng hapon. Isang oras din pala ang biyahe. Binayaran naman ng pinsan niya ang pamasahe nilang apat. Ito na lahat sumagot dahil kapag pinaambag  pa nila si Caleb nako! Sumabog na galit nito. Napakuripot  pa naman ng lawyer niya. Parang hindi mayaman. Naiinis nga siya rito pero, mahal naman niya ito bilang kaibigan. Dali-daling tumakbo si Elaiza patungo sa may tindahan. Nandoon ang pinsan niyang chissmosa. Hapon na hapon. Chissmiss pa din ng chissmiss ito. Napapailing na lang siya. "Elaiza!" sigaw ng tindera. Nang mabanggit ang pangalan niya ay napalingon ang pinsan niya sa kaniya. Nginitian niya ito, pero, her cousin snob her. Ops! Siya pa may ganang mang-snob  sa akin? Lumapit siya. "Hi couz." bati niya dito. Huminga ito ng malalim at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "So, you look like a human now. What are you doing here?" tanong nito sa kaniya. "Oh. Never mind. Huwag mo ng sagotin, dahil  alam ko naman na hindi mo iyon naiintindihan." anito sa mataray na boses. "Really?" aniya na may ngisi sa labi. Napatingin tuloy sa kaniya ang kausap nito. "Hi Sheila." bati niya dito. "Kumusta?" tanong niya pa. "Maayos lang naman ako Elaiza. Ikaw? Mukhang big time kana ngayon ah?" anito sa kaniya na may ngiti sa labi. Pero, hindi niya iyon sinagot. Tiningnan niya muna ang pinsan niya mula ulo hanggang paa. Bago tumingin kay Sheila. "Ayos lang ako. Ah. Pwede umupo ka muna do'n. May pag-uusapan lang kami ni pinsan." aniya na diniinan  pa ang salitang pag-uusapan.  Tumango naman ito at sumunod sa sinabi niya. "So, where are we?" tanong niya sa pinsan niya. Nakita niyang lumaki ang mata nito. "Oh. Are you shock? Yes! Yes couz! I can understand what you are talking about." aniya dito. "H-how?" tanong nito sa kaniya sa utal na boses. "Malamang. Nag-aral ako para naman kapag nagsalita ka ng English maintindihan ko naman. Bakit kayo lang ba ang marunong? Pwes! Ako din! Pero, hindi talaga iyan ang ipinunta   ko dito eh." aniya na hindi pa din nawawala ang ngisi sa labi. Evil smile kung evil smile. "By the way,  I have a news for you. I don't know if you knew this news already or not." "Anong b-balita?" tanong nito. Naramdaman naman ni Elaiza na takot na ang pinsan niya. Ang mga kasama niyang lalaki ay nasa likod lang niya. Pero, hindi niya pinansin ang mga ito. Ang ibang taong nakakakita sa kanilang dalawa ay tahimik lang na nakatingin. Pero, wala siyang pakialam sa mga ito. "Where's your mom and your younger sister?" tanong niya. Hindi sumagot ang pinsan niya kaya siya na ang sumagot. "Sige na nga. I will be the one who answered my own question. In the menagerie." sagot niya. "Menagerie? Saan i-iyon?" mas ngumisi pa siya sa tanong nito. "Really? Akala ko ba best in English ka? Why you couldn't understand the word menagerie? Sige na nga. I will give you the synonym of those word menagerie. J-A-I-L." aniya. "Oh. You don't get it don't you? Jail 'yon. Para maintindihan mo. Tsk." aniya. Nakita niyang nagalit ang mukha nito. "Walang yaka!" sasampalin  sana siya nito pero, nahawakan niya ang kamay nito at siya ang sumampal  gamit ang isa niyang kamay. Sinampal niya ito ng pagkalakas-lakas. Namanhid  ang kaniyang mga kamay. "Ang Kapal talaga ng mukha mo eh no!" aniya sa malakas na boses. Tinulak niya ito ng malakas at wala siyang pakialam kung nabangga man ang likod nito sa kahoy. Dahil sinagad  na talaga ang pasensiya  niya. Napasinghap  naman ang mga taong nakakita sa ginawa niya. "Alam mo. Huwag kang mag-aalala dahil mararanasan  mo rin ang menagerie na sinasabi ko. A real one. Ang kapatid at nanay mo ay sa prisohan  pero, ikaw sa menagerie mismo." aniya rito. Nilapitan  niya ang pinsan niya sinampal ito ng kaliwat-kanan. "Ayan! Mag-asawang sampal para naman hindi nag-iisa may anak pa ngang kasama." aniya. Lumapit sa kaniya si Harold at hinawakan ang braso para  pigilan siya. Lumingon naman siya dito. "Bitawan mo ako!" sigaw niya rito. Nag-uumapaw  na ang galit niya. "Kasalanan niya ang lahat! Kasalanan niya!" sigaw niya sabay turo sa pinsan niya. Dahil malakas si Elaiza kaya agad niyang inapakan ang paa ni Harold at nabitawan  nito ang kamay niya. Mananagot  ang dapat managot! "Aray!" sigaw ni Harold dahil sa sakit sa pag-apak ni Elaiza sa paa niya. Nilingon ni Harold ang dalawang lalaking kasama niya para tulungan siya na pigilan ang pinsan niya pero, umiling ang dalawa. Alam ng dalawa na hindi nila kaya ang Elaiza na nakikita nila ngayon. Hindi na ito kalmado  at ayaw nilang madamay sa away ng dalawang babae. "Mga walang kwenta!" sigaw ni Harold sa kanilang dalawa. Elaiza is so mad. She can see red. Naka-focus lang ang mata niya sa pinsan niyang takot na takot sa kaniya. She's wearing now her evil smile. Ito iyong ayaw niyang lumabas. Ang pagiging sadista niya. Dahil hindi niya ito makontrol. Kailangan niya talaga na ilabas lahat. Palapit na palapit na si Elaiza sa pinsan niya. May mga taong pumipigil at pumapagitna  sa kanilang dalawa. Pero, walang pakialam do'n si Elaiza. Hinawakan ni Harold ang dalawa niyang kamay patalikod  pero, nagawa niya itong alisin sa madaling paraan. Siniko niya si Harold sa tiyan at sinipa niya ito sa tiyan. Namimilipit na sa sakit si Harold dahil sa ginawa ni Elaiza sa kaniya. Napahiga na siya sa lupa. Nakita niyang tumakbo na din sina Caleb at Edzel para pigilan ang pinsan niya. Pero, laking gulat niya na bigla na lang tumalon ang pinsan niya at sinipa ang mga mukha ng dalawa. May mga taong pumigil din kay Elaiza pero, sinasaktan niya ang mga ito. Nakita niyang tumakbo ng tumakbo ang pinsan ni Elaiza. Mabuti nga nakatakbo  ito pero, laking gulat niya ng tumakbo ng mabilis ang pinsan niya. "Tama na Elaiza!" iyan ang sigawan ng mga tao sa paligid. Pero, hindi iyon pinapansin ni Elaiza. All she can see is red. Agad na bumangon si Harold at Caleb pati na din si Edzel. Sinundan nila si Elaiza na nasa isang liblib na lugar na at na-corner nito ang pinsan nito. Agad niyang inilayo ang pinsan niya sa pinsan nito. Matatamaan na kasi ng suntok eh. Mabuti na lang nakaiwas ito. Agad naman na inilayo ni Caleb ang pinsan nito at pinalapit nila si Elaiza sa may pader na nandoon at sinusuntok  at sinisipa nito ang pader. Pakiramdam nga niya parang nag-crack  ang pader dahil sa lakas ng suntok nito na may kasamang sipa pa. Napapapikit na lang si Edzel sa naririnig. "Ahhh!!" sigaw ni Elaiza habang sinisipa nito ang pader! "Kasalanan mo!" sigaw pa din nito. Niyakap ni Harold ang pinsan sa likuran. Natatamaan  pa siya ng siko ng dalaga sa mukha sa tuwing sinusuntok nito. Siya na lang ang umiiwas. "Ahh!" sigaw pa din nito. Ilang sandali lang. Nakita na nilang may pula na ang pader. Nanlaki  ang mata niya bigla na lang nawalan ng malay ang dalaga. Mabuti na lang at yakap niya ito dahil kung hindi matutumba ito sa may lupa. Tiningnan naman niya si Caleb at tumango. "Alam mo na ang gagawin mo sa babaeng iyan. Put her in the jail. Dahil kapag nakita pa iyan ni pinsan sigurado sa menagerie talaga iyan ikukulong." aniya sa mga ito. Tumango naman si Caleb at kinaladkad ang pinsan ni Elaiza patungo sa kung saan ang kulungan. Siya naman ay tinulungan na alalayan ni Edzel na nakatingin lang sa dalaga na may mga malungkot na mga mata. Ito ang Elaiza na ayaw niyang makita. Kaya gumagawa siya ng paraan noon para mailabas nito ang sakit na nararamdaman  nito. Lalo na kapag may isang tao na nasaktan lalo na ang nanay nito. Alam niyang nagpipigil lang ang dalaga noon pero, ngayon nakita na niya ang dalaga at kung gaano ito kalupit sa lahat. Iyon ang parte ng dalaga na iniiwasan niyang mabuhay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD