CHAPTER 27

2904 Words
Nang magising si Elaiza. Naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa braso niya. Namanhid na din ito sa dahil sa nakadagan sa kanya. Nang tingnan niya ang ulo ng pinsan niya. Ano kayang nangyari? Ginalaw-galaw niya pero, wala siyang maramdaman. Ginamit niya ang kaliwa niyang kamay para naman yugyugin ang ulo ng pinsan niya. Masakit din buong katawan niya. Ano bang nangyari sa kaniya? "Psst. Couz. Wake up!" tawag niya. Nang marinig naman ng ibang nasa paligid. Nagsilapitan ang mga ito kay Elaiza. Nagtaka pa siya dahil nga ang dami. Nasaan ba siya? Nang tingnan niya hindi naman pamilyar ang bahay. "Bakit kayo nandito? At nasaan ako?" tanong niya. "Hija. Nandito ka sa bahay ko." ani ng tindera sa kanya. Napapikit na lang siya at inalala ang nangyari pero, wala talaga siyang mahalukay eh. Paano ba siya napunta sa bahay na'to. Wala naman siyang matandaan. "Ah. Okay po." aniya at bumangon ng pilit. Napaigik na lang siya dahil sa sakit ng katawan niya. "Salamat pala." aniya. "Ayos ka lang hija?" tanong sa kanya. Umiling siya, sa totoo lang hindi siya maayos dahil masakit talaga ang buong katawan niya. "Magiging maayos ka din. Nagugutom ka ba?" tumango siya. Anong oras na ba? Kumulo na din ang tiyan niya. Grabe! Bakit parang gutom na gutom siya? "Hoy! Couz! Gising!" sambit niya ulit sa pinsan niya. Dahan-dahan namang tinaas ni Harold ang ulo niya at tumingin sa kaniya. "Okay ka na ba?" tanong nito na may pag-aalala sa boses. "Maayos na ako. Nasaan pala si Edzel at si Caleb?" tanong niya. Nilagyan naman ng unan ang likod niya ng ibang nandoon. Nang makaayos siya ng upo. Umayos na din ng upo si Harold at minamasahe ang braso niyang namamanhid. "Si Edzel nasa bahay ng lolo mo at si Caleb naman dinala nila iyong pinsan mo sa presinto." anito sa kanya. "Presinto?" tanong niya. "Tsk." "Oo. Sa presinto. Mahirap na baka ilagay mo siya sa menagerie na sinasabi mo." Napangiti tuloy siya sa sinabi ng pinsan niya. Oo nga naman. Kulungan ng mga hayop na nag-e-exhibition. Iyon sana ang gusto niyang mangyari kaya lang, hindi din natuloy. Tsk. "Kailangan ko siyang makita." aniya rito. "No way in hell!" sigaw nito sa kaniya. "Baka ano pa gawin mo sa kaniya." sabay pakita nito sa kamay niyang may benda pala. "Oh. do you remember this don't you?" umiling siya. Huminga siya ng malalim. "Couz. Ayaw ko na makita ulit ang side mo na iyon. Nakakatakot." anito. "Anong side?" tanong niya. "Teka! Sino ba may gawa niyang pasa mo?" Marami kasing pasa sa mukha ang pinsan niya. "Hay nako! Wala ka talagang maalala?" umiling siya. Kung may naalala lang siya ede sana hindi niya na tinanong. "You're enraged kanina. So much!" "Maiwan muna namin kayo Elaiza." sabi ng iba nakatingin lang sa kanila. "Salamat po." "All I can see is red and my eyes focus in one person only." aniya rito. "Because you hate that person. Ayaw ko na makita ka ng ganoon kagalit. Masama iyon couz. Pwede kang makapatay. Muntik mo ng mabugbog ang pinsan mo. Kung hindi lang kita niyakap kanina at pinalayo ko sayo ang pinsan mo. Sigurado bugbog sarado na siya. Caleb saw that too. Your so fast and furious at the same time. Pwede ka ng maging gangster." Biro nito sa kaniya. Natawa tuloy siya dito. "Sorry." aniya. Niyakap siya ng pinsan niya. "I forgive you. By the way, anong gagawin natin sa mga mag-iinang iyon?" tanong nito sa kaniya.  Kumalas naman si Elaiza at tiningnan si Harold sa mata. "Mabubulok sila sa kulungan. Isa pa, may mga tanong pa akong hindi nasasagot ng mga taong iyon." aniya rito. Tumango na lang si Harold. "I want to eat kuya. I'm hungry." aniya na naka-pouted lips pa. "Para kang pato." anito na may ngiti sa labi. Hinalikan siya nito sa may noo. "Okay. Kakain kana. Dahil kanina ko pa naririnig na tumutunog ang tiyan mo then after eating magpahinga kana okay. Bukas na natin asikasuhin ang kaso na isasampa mo sa mga mag-iina na iyon." ani ni Harold bago lumabas ng kwarto na hindi sa kanila. Napailing na lang siya at nagpapasalamat dahil pinigilan siya ng pinsan niya. Iyon ang side na tinatago niya. Ang side na hindi niya kayang kontrolin. Ang side na nakakatakot. Kaya hangga't maaari tinatago niya ito. Dahil alam niyang kapag sinagad pa siya ng husto hindi na niya alam kung anong mangyayari sa susunod lalo na kapag wala ang pinsan at mga kaibigan niyang pipigil sa kaniya. Kapag sinagad pa siya, huli na ang lahat. Dati kasi, kapag nagagalit siya ang Best friend niya ang kasama niya. Ang Best friend niya ang labasan ng hinanakit niya ito din ang gumagawa ng paraan para mailabas niya lahat ng galit niya sa katawan. Lalo na sa puso niya. Dahil alam ng best friend niya na nagtitimpi lang siya. Kaya masaya siya dahil nandoon ang mga ito para pigilan siya. Kinabukasan.  Maagang gumising sina Caleb, at Harold. Tulog pa din si Elaiza. Nang puntahan nila si Elaiza sa kwarto na pinahiram muna sa kanila ng kapitbahay ay nakita at narinig niya pa itong humihilik. Grabe! Pagod na pagod siguro ito sa ginawa niya kapahon sa pinsan niya. Lumingon siya kay Caleb na nakasunod lang sa kaniya. "How's everything?" tanong niya dito. "Fine." sagot nito na may hikab pa. Inaantok pa yata. Tiningnan din ni Caleb ang natutulog na dalaga. Napangiti na lang siya. "I'm scared of her but at the same time worried." anito sa kaniya. "Yeah. Me too but don't worry she can handle herself. Huwag lang siyang galitin baka maging beast mode yan. Mahirap na. Baka next time we can't handle her." sabi niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto. Nang makalabas sila. Binabati sila ng may-ari ng bahay. "Magandang umaga sa inyo. Tulog pa ba si Tarzarina?" tanong nito. Naglingunan naman ang dalawa. Hindi nila kilala si Tarzarina. Sabay silang lumingon sa may-ari ng bahay. She just smiling at them but at the same time confused. " sino si Tarzarina? " tanong ni Caleb na siya ang una na naka-recover. Wala naman talaga silang kilala. Ang alam nila ang natutulog ay si Elaiza at hindi Tarzarina ang pangalan ng dalaga. "Ay. Si Elaiza ang tinutukoy ko mga hijo." sagot nito. "Teka. Magkape muna kayo. Umiinom ba kayo ng kape?" tanong nito sa kanila. Sabay giya sa may kusina na at the same time dining area na din. Sumunod na lang sila. "Opo. She still sleeping." sagot ni Harold. Naintindihan naman ng may-ari ang sinabi niya. Samantala sa bahay ng lolo ni Elaiza. Tulog pa din si Edzel. Nasa lapag siya natutulog. Binigyan lang siya ng banig at mga kumot at unan. Binantayan niya ang matanda kagabi. Nang magising ang matanda, ay dahan-dahan siyang bumangon para hindi marinig ng naghihilik na si Edzel ang ingay at agad siyang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Isang pitsel ng tubig na malamig. Nang makita niyang medyo nakabuka ang bibig nito ay binuhusan niya agad ng tubig. Si Edzel naman ay agad na bumangon. Ang sarap pa naman ng tulog niya. Hindi siya makahinga kanina. Umuubo pa siya at giniginaw sa lamig. Narinig niyang tumatawa ang lolo ni Elaiza. "Ayan! Gising kana din." anito sa kaniya. "Mas nauna pa akong nagising sa'yo. Hala! Iligpit mo na iyang ginamit mo at isampay dahil basa. Umihi ka siguro no?" anito sa kaniya na may ngisi pa. Huminga na lang ng malalim si Edzel nang makita niya ang lolo ni Elaiza na lumabas ng kwarto at may dalang pitsel. Langyah! Isang pitsel binuhos! Nilalamig pa din siya. Nang makita niya ang labas mainit na. Tanghali na ba? Nang tingnan niya ang oras alas-sais emedya na. Nako! Gising na sila. Kailangan na niyang makapunta sa may tindahan. Dito kasi siya pinapunta ni Harold para daw may makasama ang matanda. Dali-daling niyang niligpit ang ginamit niya pati na din ang kama ng matanda. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot ito ng hindi man lang tumitingin sa call register. "Hello." sagot niya. "Where are you?" tanong ni Caleb sa kabilang linya. "You need here. We have to go. We will go to the jail this morning. We will visit those mother and her daughters." anito sa kanilang linya. "Okay. Wait lang okay?" aniya sa kabilang linya tapos, pinatay na niya agad. Lumabas na siya ng kwarto nang matapos siya sa pagliligpit. Nang makababa dumiretso siya sa kusina para tingnan ang matanda kung ano ang ginagawa. Nang makita niya itong nagsasaing napangiti na lang siya. Lumapit siya dito at magbubulontaryo sana siya, na sana siya na lang magsaing. Kaya lang, bago pa siya makapagsabi naunahan na siya nito. "Sige na Edzel. Kailangan ka ng apo ko. Nabalitaan ko ang nangyari kahapon sa apo ko at ako'y nalulungkot. Mukhang sinagad nila ng husto ang apo ko. Sana hindi na ito mauulit pa." anito sa may malungkot na boses. Pati din siya ay nalulungkot. "Sana nga po 'Lo. Sana nga. Iyon din ang ayaw ko na mangyari sa kaniya. Mukhang sinagad nila si best. Sige po. Ayos lang ba kayo dito? Aalis muna kami. Pupunta daw kaming jail eh." aniya. Tumingin ang mata ng matanda sa mata niya at ngumiti ito. "Ingatan mo siya Edzel. Alam kong mahal mo siya noon pa." anito sa kaniya. "Sige po 'Lo. Salamat pala. Ingat din kayo dito hah. Don't worry may makakasama kayo dito." aniya at tumalikod na't naglakad palabas ng bahay ng matanda. "Wake up, couz! Wake up." ani ng isang boses. Unti-unting minulat ni Elaiza ang mata niya at tumingin kay Harold na niyugyog din ang balikat niya. "Bakit ba!?" aniya na may naiiritang boses. Panira naman ng panaginip oh! Nandoon na eh. Malapit na! Malapit na malapit na! Hay! Huminga siya ng malalim at bumangon. Kinusot-kusot pa ang mata niya. "Bangon na couz! We have to go." anito. "Papunta na din dito si Edzel." ani ni Harold sa kaniya. Bumangon siya at niligpit ang mga hiniram ni Harold upang makatulog siya. Bakit masakit ang ulo niya? "Maliligo sana ako. Kaya lang, wala pala akong damit na dala." aniya sa pinsan niya habang nagliligpit ng mga unan at kumot. Tinupi niya ng maayos ang mga ito. "Nah. Sa hotel ka na lang maligo. Remember, pupunta tayo sa jail ngayon dahil may gusto kang malaman?" anito sa kaniya. Nang matapos siya ay tiningnan niya lang na nakakunot ang noo ang pinsan niya. May sinabi ba siyang pupunta sila sa prisohan ngayon? Wala naman siyang maalala. Pero, hindi niya na lang ito inisip. "Okay." aniya. "Maghihilamos lang ako tapos, magsisipilyo." aniya. Kaya lang wala siyang sipilyo. May binigay na hindi pa bukas na sipilyo ang pinsan niya pati toothpaste. Tinanggap naman niya ang binigay nito. "Ayan. Magsipilyo kana, tapos, magkape or kumain ka na ng agahan. Dahil naghanda talaga ang may-ari ng bahay para sa'yo. Masiyado ka daw kasing pa-importante pero, hindi naman talaga niya sinabi iyon. Ako lang talaga ang nagsabi no'n." tumango na lang siya. Tsk. Tatlong-pung minuto ang nakalipas ay tapos na din si Elaiza. Dumating na din si Edzel at nagpaalam na din si Elaiza at nagpasalamat sa may-ari ng bahay. Pupunta sila sa prisohan ngayon. "Paano tayo pupunta do'n? Wala naman tayong sasakyan." ani ni Caleb. "Medyo malayo pa naman iyon." anito. Hinihintay nila si Elaiza at Edzel na magkasabay na naglakad patungo sa kanilang dalawa ni Harold. "Ede, magko-commute tayo." anito sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha ni Caleb dahil sa narinig na sagot mula kay Harold. "Seriously? We have to commute?" "Yes!" sigaw ni Elaiza. Narinig kasi niya ang reklamo ni Caleb dahil magko-commute sila. Anong masama sa commute? Wala naman diba? Isa pa, mas maganda nga iyon para maranasanan naman ni Caleb ang magko-commute kahit paano. Parati na lang nakasakay sa sasakyan niya. Tsk. Huminga ng malalim si Harold. "Pare! Parang hindi ka naman sanay ah. Nag-commute na tayo kahapon. Ilang beses pa nga." ani ng pinsan niya kay Caleb. "Oo nga. Kaya lang, nasa city tayo that time but now, we are here in this place called barrio." sagot naman ni Caleb kay Harold. Inakbayan na lang niya si Caleb. "Ano ka ba!? Nakaka-excite nga eh. Maglalakad tayo papunta doon then, exercise na din natin sa ating katawan. Kaya mo kayang maglakad patungo hanggang highway man lang?" tanong niya kaibigan na lawyer. Huminga ito ng malalim at tiningnan siya. Kumunot tuloy noo niya. Bakit ganito ito makatingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha. "Please. Elaiza my love. Don't come near me. I won't promised you that I can restrained myself to kissed you." Nang marinig niya ang sinabi nito, agad niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa balikat nito at tinulak ito ng malakas. "Langyah ka! May pagnanasa ka pala sa akin!" sigaw ni Elaiza. Si Caleb naman muntik ng mapasubsob sa lupa. Mabuti na lang nakakapit kay Harold na nasa tabi niya lang. Nagpipigil naman na matawa sina Harold at Edzel. Tinulungan namang makatayo si Caleb ni Harold. "Sorry.. Matagal na kitang gusto." anito sa kaniya. Huminga naman ng malalim si Elaiza at kinalma ang sarili. "Tara na nga!" aniya at nauna na sa paglalakad. Langyah! Langyah! Si Shino pa siguro iyon baka kinikilig na siya kaya lang si Caleb. Hindi niya kaya! Magkaibigan silang dalawa. Pero, bakit ganoon ang naiisip ng kaibigan niya sa kanya. Maraming ibang babae naman ah. Sa kaniya pa talaga. Inakbayan siya ng kung sino. Naamoy niya ang pabango nito kaya agad niyang nakilala. Ang Best friend niya. "Mabuti na lang at hindi mo binigwasan si Caleb." ani ni Edzel sa kaniya na may sinusupil na ngiti. "Elaiza sorry na!" sigaw ni Caleb sa likuran niya. Nakasunod lang ito sa paglalakad sa kanila. Humabol naman si Harold dahil mabilis talagang maglakad ang dalawang mag best friend. Hindi naman pinansin ni Elaiza si Caleb. Bahala siya diyan! Napapagitnaan naman si Elaiza ng dalawa. Nakaakbay pa din si Edzel sa dalaga. "Pabayaan mo yan best." ani ni Edzel. Napapailing naman si Harold sa mga pinagsasabi ni Edzel sa best friend nito. Nakasunod naman si Caleb sa kanila na parang pagod na pagod na kakalakad. Tsk. Parang hindi lalaki. Ang daling mapagod sa paglalakad or Sadyang tamad lang talaga siya sa paglalakad. Anak mayaman kasi ang mokong kaya hindi sanay maglakad ng malalayo. Medyo malayo pa kasi ang lalakarin nila. May biglang naisip si Elaiza. Malapit na sila sa daanan na lubak-lubak, maputik at mabato. "Alam niyo? Paunahan tayong makarating sa may punong mangga do'n sa unahan.." aniya sa mga ito, sabay turo sa daan. Tumango naman sina Harold at Edzel. "Ayaw ko. Baka, may pustahan na naman. Ayaw ko na magbayad ng ganoon kalaki na pera." anito sa kanila. "Hoy Caleb!" sigaw niya dito. "Kahit kailan ang kuripot mo." dagdag niya. Lumukot na lang ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. "Oo na. Ako na ang kuripot. Sa hindi ko malamang dahilan. Where did I get this habit by the way?" tanong nito sa kanila. "Aba! Bakit hindi mo tanungin nanay mo?" tanong niya. "Kami ba makakasagot diyan?" "Hindi." sagot naman nito sa kaniya. Dapat lang. Hindi naman siya ang nanay nito. Hindi niya alam kung saan nagmana si Caleb. Her great lawyer. "Hay." aniya. "Sige na nga. Huwag ka ng sumali. Pero, dahil mabagal ka. Maiiwan ka." aniya sabay takbo patungo sa may mangga. Habang tumatakbo ng patalikod dahil nakaharap siya sa tatlo. Nang makalayo sumigaw siya ng. "May ahas diyan Caleb! Malaking ahas!" aniya rito. Kumaripas naman ng takbo ang dalawa. As usual, huli na namang tumatakbo si Caleb pero, putla na ang mukha dahil sa sumigaw siya ng may malaking ahas. Takot kasi sa ahas ito. Humarap na siya sa tatakbuhan niya at mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Nang makarating siya sa may punong mangga ay huminto siya. Ang lupa ay may mga tubig na-stock ng ulan. Parang naging lamak na nga iyon. Batuhan din. Dahil mas naunang umabot sa may mangga sina Edzel at Harold. Tapos, medyo malayo pa si Caleb.  Kumuha siya ng maliit na bato at binasa niya sa tubig na madumi. Nang makita ni Edzel ang ginawa niya kumuha din ito ng maliit na bato at binasa nito sa tubig na madumi sa may lupa. Si Harold naman gusto din sana kaya lang umiling sila pareho ni Edzel. Napatikom na lang ito ng bibig. Lumapit na lang si Harold sa kanilang dalawa ni Edzel. Malapit na ding marating ni Caleb ang pwesto nilang tatlo. Ang bagal talaga. Paano ba naman kasi, takbo ang ginawa nila tapos, ang binata lakad lang ginawa parang binibilang pa ang bawat foot step na nagagawa. "Bakit ba ang bagal mo?" tanong ni Elaiza sa kaniya. "Ang layo naman kasi," sagot nito. "Tapos, itong daan maalikabok pa." Reklamo nito. "Bakit sa Japan wala bang alikabok?" tanong niya sa may naiiritang boses. "Sorry." aniya. Lumapit siya kay Caleb bitbit ang bato na madumi. Hindi naman nakita ng binata ang dala niya. Niyakap niya ito at pinahid sa likod nito iyong bato. Tapos, tinapon naman niya agad ang bato sa malayo. Hindi naman nahalata ni Caleb ang ginawa niya. Hinalikan pa niya ito sa pisngi. Tapos, ay kumalas na din. Sumunod si Edzel at ganoon din ang ginawa nito. Hinalikan din ni Edzel si Caleb. Kaya tatawa ng tawa si Elaiza. Paano ba naman kasi, ang mukha ni Caleb putla na nga mas lalo tuloy namutla. Si Edzel naman ay tumakbo ng mabilis patungo sa may kanto. Hinabol naman siya ni Caleb na hirap na hirap sa pagtakbo. Sila naman ng pinsan niya ay tawa ng tawa. Kailangan na niyang maranasan lahat habang nandito pa siya sa Pilipinas dahil babalik na siya next week ng Japan. Pero, nakadepende pa din sa kaniya ang lahat. She wanted to stay but paano ang nanay niya? Napangiti naman siya ng mapait ng maalala ang nanay niya. Napansin naman ni Harold ang biglang pag-iba ng ngiti sa labi ng pinsan. Kaya agad siyang lumapit dito at inakbayan. "It will be fine soon." aniya kahit hindi niya alam kung ano ang iniisip ng huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD