Isang oras na ang lumipas at lasing na si Elaiza. Paano ba kasi, nagustuhan ang alak na binigay sa kaniya ng secretary. Ayon, tinungga ang isang bote. Nasa gilid lang si Shino at nakaalalay sa kanya. Ngayon lang uminom ng marami si Elaiza. Siguro dahil na din sa dami ng problema niya. Hindi sa pera, pero, sa ibang bagay. Problema niya kay Rin. Kung sino ang may pakana. Sino ba talaga si Mr. Tan? Anong kailangan nito sa kanila? Iniisip din niya ang mga papers na pinermahan ng nobyo. "Stop it. Your drunk already." saway ni Shino sa kaniya. Tumingin siya dito ng masama. Akala niya nawala na ang galit niya dito. Wala naman itong ginawang kasalanan. Pero, bumabalik ang sakit at alaala niya ng araw na iyon. Umiyak siya dahil dito. "Hu...wag mo.. Akong paki.. Alaman.." aniya dito. Pati

