Naalimpungatan si Elaiza dahil sa isang babaeng boses sumasambit ng pangalan niya. Nang tingnan niya kung sino, ang secretary pala niya at putlang-putla na ito. Isa pa, hindi lang ang boses nito ang maingay kundi pati ang telephone ng opisina. "Pakisagot nga iyan." aniya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa sofa. Nasa tabi pa ang pamangkin niya at tulog na tulog. Agad naman na sinunod ng secretary niya ang inutos niya. "Yes, this Hanazono's Company. Yes, and yes. Okay." narinig niyang sabi ng secretary niya. Kinusot-kusot muna ni Elaiza ang mata. Anong oras na ba? Ang sarap ng tulog niya. Feeling niya kasi, wala siyang tulog kagabi. "Ma'am." sambit nito. Tumango siya at tumayo na at tinungo ang desk niya. Binigay sa kaniya ang telephone. "Hello." sagot niya dito. "nandiyan ba si Sh

