Habang naglalakad pabalik ng opisina. Si Elaiza ay nakayuko lamang. Inaakbayan niya ito at tiningnan ang mukha na namumula. Sarap ng labi. Pwede ko pa kaya siyang halikan ulit. Nakadalawa na ako sa araw na'to.
Hindi din mapuknat ang ngiti ni Shino habang naglalakad at binabati niya pa ang mga nakakasalubong niyang babae. Pero, wala man iyong epekto sa kay Elaiza, at naiinis siya, gusto niya magalit ito. Gusto niya mabaliw din ito ng kagaya sa kaniya.
Dinidilaan niya nga ang labi niya. Kasi, feeling niya nandoon pa ang labi ni Elaiza. Nalalasahan niya pa ito at ramdam niya ang lambot non.
"B-boss." napatingin siya kay Elaiza. "Bakit mo i-iyon ginawa u-ulit?" tanong nito na nakayuko. Agad siyang huminto, napansin din niya na nasa harap na pala sila ng elevator. Kaya pinindot niya iyon at pumasok sa loob kasabay ni Elaiza.
"Kasi hindi ko mapigilan Elaiza. Kung baliw na ako, pakidala ako sa mental na sinasabi mo." aniya rito sabay kindat. Mas lalong namula ito.
Hinawakan niya ang baba ni Elaiza at
Pinaharap niya ulit ang mukha niya kay Elaiza para magpantay silang dalawa. Hinawakan naman ng isang kamay niya ang likod nito.
Si Elaiza kasi ang nagdala ng pagkain. Inaagaw sa kaniya kanina. Agad niya namang hinalikan ulit. Pagkatapos ay lumapit siya sa tenga nito. "Akin ka lang Elaiza at wala kahit sinong pwedeng umagaw sa pagmamay-ari ko." bulong niya rito sabay halik sa tenga.
Nang tingnan niya si Elaiza. Lumaki ang mata nito na nakatingin sa kaniya. "Gusto kitang halikan dahil sa gusto ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko." sabi niya.
Nang tumunog ang elevator ay giniya niya ang tulala pa ding si Elaiza. Wala man lang reaction ito. Kaya dinala na lang niya ito sa opisina niya.
Nang makarating. Pina-upo niya ito sa inupuan ni Rin kanina. "Earth to my Elaiza." aniya.
Nagkikisap ang mga mata nito at tumingin sa kaniya. "Bo-boss." Lumunok ito "hindi ko na kaya." aniya.
Naguluhan din siya sa sinabi ni Elaiza sa kaniya. "Anong hindi mo na kaya?" tanong niya.
"Yung puso ko, ang bilis tumakbo." anito sa kaniya. Kaya napatawa na lang siya sa sinabi nito sa kanya.
"Kaya ayaw na kitang pakawalan eh. Dahil ikaw lang ang gusto ko Elaiza. Ikaw lang. Naintindihan mo?" tumango lang si Elaiza sa kaniya. Parang natakot. "Don't be scared." lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito't hinalikan.
Tumango-tango lang si Elaiza habang may sinasabi ang boss niya. Hindi niya din maintindihan ang puso niya kung bakit ang bilis ng t***k.
Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito? May mali ba sa puso niya? Yung pisngi din niya ay lalong umiinit kapag tinitingnan siya ng boss niya na matiim. Hindi niya din ito maintindihan kung bakit siya hinahalikan ng boss niya. May nakain or nainom ba itong druga?
Gulong-gulo pa din ang isip niya pati ang puso niya naghuhurumentado. Parang nagpapaligsahan sa pagtakbo. Kung kaya lang lumabas ng puso niya sa dibdib niya baka nakalabas na ito sa sobrang tulin.
Gusto na sana niyang lumabas kaya lang, hinawakan ng boss niya ang braso niya. Hindi din siya makapalag dahil nanghihina din ang mga kalamnan niya sa sitwasiyon. Kung nababaliw na siya, pakidala siya sa mental.
Dinala niya ang baon niya pero, inagaw ng boss niya pati ang kutsara't-tinidor. "Ako ang kakain nito at ikaw ang kakain niyan." sabay turo sa binili nito sa canteen na inilapag niya sa desk ng boss niya. "Teka, sinu-sino ang gumagamit nitong kutsara't-tinidor mo?" tanong ng boss niya sa kaniya.
"Ako lang ang gumagamit niyan. Walang iba." nang sagotin niya ang tanong ng boss niya ay nakita niya itong malaki ang ngisi.
"So, ako lang ang nakagamit nito?" sabay pakita sa kaniya. Tumango siya. "Swerte ko pala. Akin na'to." anito sa kaniya.
"Hah? Nahihibang kana ba? Anong gagamitin ko sa bahay namin kung kukunin mo yan?" tanong niya sa gulat na gulat ang mukha. Nababaliw na yata boss niya eh.
"Oo, akin na 'to. Akin lang. Teka, ilang taon mo na 'tong gamit?" tanong nito ulit. Bakit ba ang kutsara't-tinidor niya ang tinatanong.
"Matagal na din." sagot niya. Sabay hingang malalim. Nakita naman niyang binuksan ng boss niya ang baon niya. "Boss. Akin na yan." aniya. Pero, inilayo nito sa kaniya ang baon niya.
Nang tingnan ng boss niya ang baon niya, lumaki ang mata nito. "Tortang talong?" tanong nito. Tumango lang siya. "Masarap." sabi nito sabay tikim sa ulam niya. "Sabihan mo sa mama mo na palagi magluto ng baon dapat dalawa para sa tayo."
"Kapal naman ng mukha." aniya sa mahinang boses. Pero, narinig naman iyon ni Shino. Narinig na lang niyang bigla itong tumawa. Napailing na lang siya. "Boss, paano ako makakain ng maayos kung hawak mo naman ang braso ko? Isa pa, wala man lang tayong plato? Anong gagamitin ko, alangan naman na kamayin ko 'to? Eh, boss ipapaalala ko lang sabaw 'to." sanay turo sa mga binili ng boss niya.
Ang baon kasi niya ay nilagay sa desk at iyong isang kamay nakahawak sa braso niya. Ang isa namang kamay iyon ang ginamit upang makakain ito.
"No. Susubuan kita. Baka bigla ka na lang tumakas eh." aniya ng boss niya. "Tutal isa lang naman ang kutsara't-tinidor natin eh." Mas lumapad ang ngiti nito sa kaniya at kinindatan pa siya.
Puso ko. Diyan ka lang ha. Huwag kang lalabas. Bakit ba ganito ang boss niya sa kaniya? Kung niloloko lang siya sana tigilan niya na. Kasi, hindi na niya kaya pa.
"Say ah." anito.
"Hah?" sabay buka ng bibig pero, bago pa siya makapagtanong eh, nasubuan na siya ng pagkain gamit ang kustsara niya. Wala siyang ginawa kaya nginuya na lang niya. Pero, sa isang iglap naramdaman na naman niya ang malambot na labi ng boss niya.
Nakakarami na ito ng halik sa kaniya. Itutulak sana niya pero, huli na. Napakawalan na ang labi niya. Nang tingnan niya ang boss niya ang lapad ng ngiti sa labi.
"Ang sarap ng labi mo." anito ng boss niya na may kasamang taas baba ng dalawang kilay. Mahihimatay na yata siya dito sa boss niya eh. Konti na lang talaga mawawalan na siya ng puso.
Kapit lang puso, kapit lang. Malapit na kaming matapos kumain. Huwag ka munang lalabas. "B-boss." tawag niya. Kanina pa kasi ito nakamasid sa kaniya. Tumango ito, "ano, ahh. Pwede mo na ba akong bitawan?" tanong niya. Umiiling ito. "Bakit naman?" tanong niya.
"Ayaw ko, gusto ko hawak kita palagi. Pwede na ba tayong magpakasal?" tanong nito. Nabulunan tuloy siya. "Sorry." sabay bigay ng tubig kay Elaiza. Agad naman niyang ininom iyon at huminga ng malalim pagkatapos.
"Boss! Papatayin mo ba ako?" tanong niya.
"Pasensiya na my Elaiza." sabay lapit sa kaniya at hagod sa likod niya. Huwag sa baywang. Huwag! Pero, hindi naman umabot do'n ang kamay humahagod sa likod niya. Nakahinga siya ng malalim.
Isa pang my Elaiza. Kanina pa yan. Sabi niya, mine! mine! Tapos naging My na! Ano ba talaga? "Ahh. Boss okay na ako." tumango lang ito. "Tapos na din ako, busog na huwag mo na akong susubuan." aniya rito.
Tumango lang at niligpit ni Shino ang pinagkainan. "Ahh. Boss, kailangan mo akong bitawan para maligpit mo ng maayos ang pinagkainan natin." kasi, sa nakikita niya hindi maayos ang pagkakaligpit eh.
"Baka aalis ka? Tatakbuhan mo ako?" tanong nito. Umiling siya. "Pangako?" tumango siya rito at tinaas ang kaniyang kanang kamay parang nanunumpa. Binitawan nito iyon at hinalikan siya sa labi, pisngi at tenga. "Kapag umalis ka, sigurado akong masusundan pa din kita. Kaya huwag ka ng magtangka pa My Elaiza dahil akin lang." tapos, hinalikan siya nito tenga at sunod sa balikat.
Nanlambot na naman ang mga tuhod niya. Tumango lang siya. Grabe talaga ang epekto ng boss niya sa kanya. Anong nakain nito at siya ang natripan? Umiinit din ang dalawa niyang pisngi.
Niligpit nito ng maayos ang mga ginamit at tinapon sa basurahan ang mga cellophane na galing sa canteen. Siya naman ay pinagmamasdan lang ang likod nito. Ano kayang hitsura ng likod nito? May mga biceps at triceps kaya ito?
Kagaya ng mga sinasabi ng pinsan niya sa kanya? Na may boyfriend itong gwapo at mayaman. Na may abs din ito. Teka, anong abs? Yan ba yung nakikita niya sa malaking billboard na nadadaanan niya kapag nakatingin siya do'n?
Wahh!! Kasalanan! Isang napakalaking kasalanan ang ginawa niya. Pero, mas lalong umiinit ang pisngi niya at patungo na iyon malapit sa tenga niya sa isiping may ganoon din ang boss niya.
Makikita niya kaya ito? Wahh! Bawal 'yon Elaiza. "Ayos ka lang ba My Elaiza?" tanong ng boss niya. Napatingin tuloy siya. "Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Pulang-pula ka na oh." sabay sundot sa mukha niya.
Lumaki tuloy ang mata niya tumayo siya. "Saan ka pupunta?" tanong nito.
"M-magbabanyo lang ako boss." sagot niya sa nauutal na boses. Kinakabahan kasi siya na baka malaman ng boss niya na pinapantasyahan niya ito. Binigyan siya ng daan ng boss niya.
Humakbang siya patungo sa pinto. "Saan ka naman magbabanyo? May CR ang opisina ko." aniya ng boss niya at tinuro pa nito sa kaniya.
Huminga siya ng malalim at dumaan siya sa gilid ng boss niya. "Bango." narinig niyang sabi bago pa makalayo ng husto.
Habang nasa CR si Elaiza. Si Shino naman ay uminom ng gamot. Kaninang umaga pa kasi siya huling uminom ng gamot niya para sa allergy niya.
Iniisip niya si Elaiza kung anong nangyari. Pulang-pula ang mukha nito. Baka may sakit iyon tapos, hindi man lang sinasabi sa kaniya. Humanda sa akin ang babaeng iyon.
Marami pa naman siyang naiisip na gawin kay Elaiza bago man lang matapos ang araw.
Nang makalabas si Elaiza. Tiningnan niya ang orasan na nasa wall. Alas kwatro na pala ng hapon. Hindi man lang nila alam. Ilang oras pala silang kumain? Ilang minuto din pala siya sa CR?
Hindi niya kasi, alam kung ilang oras siya do'n. Eh, paano, kapag lumabas siya nandiyan ang boss niya. Kaya medyo nagtagal din siya sa loob.
Siguro, kung bibilangin niya. Halos, isang oras din pala siya do'n. Nang pagkapasok niya kasi sa CR. Agad niyang tiningnan ang mukha niya. Pulang-pula iyon parang kamatis.
Lalo na at maputi siya kaya mas nalalantad talaga ang mapupula niyang pisngi. Parehas sila ng kaniyang ina. Nang tingnan niya ang boss niya, nakatulog na ito sa sariling mesa.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pinto. Lalabas na sana siya nang marinig niya ang boses ng boss niya. "My Elaiza." sambit nito.
Nakonsensiya naman siya sa kaya ang ginawa niya. Bumalik siya ginising ito. Baka marami pa itong gagawin at ayaw naman niyang baka nang dahil sa kaniya eh, hindi na magawa pa ni Shino ang mga gagawin niya sa araw na ito.
"Boss! Boss!" sambit niya.
"Hmm.." anito habang natutulog at ginawang unan ang kaniyang mga braso. Kawawa naman ng boss niya. Baka pagod na ito.
"Boss! Malapit na mag-alas singko gising na po kayo. Uwian na."aniya rito.
Gumalaw muna ito at umayos agad ng upo. Kinusot-kusot ang dalawang mata at agad na tiningnan siya. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kaniya. Niyakap agad nito ang dalawang braso sa baywang niya. Kaya yung mukha ni Shino nasa tiyan niya na.
" B-boss! A-ano sa p-palagay mo ang ginagawa mo?" tanong niya sa nauutal na boses. Ito na naman ang puso niya tumatakbo na naman. Pakiramdam niya may starting line ang puso niya at may mga nagkakarera do'n.
"My Elaiza. Akala ko iniwan mo na ako." anito.
"B-boss. Kakalabas ko lang po ng CR." sagot niya.
"Hay salamat naman." anito sa mahinang boses.
"Boss. Kailangan niyo na pong umuwi at magpahinga dahil nakatulog na kayo dito oh. Siyaka, isa pa, nagawa niyo ba ng maayos ang trabaho niyo po?" wala naman siyang pakialam sa trabaho ng boss niya pero, baka mapagalitan ito ng mga kanegosiyo sa trabaho nito.
Ayaw niyang mangyari iyon. Ewan ba basta nag-aalala din siya para rito. "Ayaw. Gusto ko kasama kita." sabi nito sabay tayo at yakap pa din siya.
"Hug me back My Elaiza." anito.
"Hah?" anong hug?
"Yakapin mo ako please. Giniginaw ako." ginaw? Hindi naman masiyadong malamig ang air-con. Nang hindi pa din niya ginagawa ang gusto nito. Ito na mismo ang gumawa nun.
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya at kinuha ang kamay niya at pinayakap nito iyon sa likuran. Nang mayakap na niya ang boss niya. Niyakap din siya nito ng mahigpit na mahigpit.
Hindi pa nakontento ito. Hinalik-halikan pa ang balikat at leeg niya. Ang kaba niya ay hindi lang doble kundi naging triple na. "B-boss. Masama." aniya.
Tinulak niya ito pero, hindi man lang ito natinag. "Akin ka lang Elaiza." anito ng boss niya nakayakap pa din sa kaniya. "Tara na nga,"
"A-ano ba kasing gi-ginawa mo?" tanong niya. Kumalas na ang boss niya sa yakap at kinindatan lang siya.
"I am marking my territory." sagot nito at hinawakan siya sa kamay at sabay silang lumabas ng ng opisina.
Habang nasa twentieth floor pa sila, naalala ni Elaiza ang cart niya. "Boss. Saan ba tayo pupunta? Ang cart ko nasa labas ng opisina niyo pa."
"Okay lang yun." sabay akbay sa kaniya. "Akong bahala do'n. Tara, uwi na tayo. Gusto ko sa bahay niyo magpunta." anito ng boss.
"Bakit? Anong gagawin mo sa bahay namin?" tanong niya sabay lingon dito. Nang makasakay sila ng boss niya ng elevator. Panay ang amoy nito sa leeg niya.
"Bakit ang bango mo? Amo'y sakura flower." sabi nito at hinahalikan din ang noo niya. Ganito ba ang boss niya. Yung puso niyang nagkakarera pa rin.
"Gustong-gusto ko."
"Hala!" sigaw niya.
"Bakit?" tanong nito. "May masakit ba? " Umiling siya. Nakahinga naman ng malalim ito. "Akala ko kung ano na."
"Yung baunan ko boss pati ang kutsara't-tinidor ko." aniya rito. "Naiwan sa kusina."
"Okay lang, bibilhan kita ng bago. Siyaka, iyong kutsara't-tinidor mo. Diba sabi ko sa'yo akin na iyon? Ako lang ang pwedeng gumamit niyon. Siyaka isa pa, tinago ko na iyon eh para hindi mo makuha ulit sa akin." sagot ng boss niya na may kindat at malapad na ngiti sa mga labi.
Grabe talaga itong boss niya. Saang mental hospital ba pwede itong dalhin. Juskopo! Ilayo niyo ako sa mga makasalanang tao. Sabay sign of the cross.
"Anong ginagawa mo?"
"Ay makasalanan." sabi niya at iyon din ang pagbukas ng pinto ng elevator at
lumabas na sila. "Yung gamit ko po boss nasa department quarters pa." sabi niya rito.
"Pupuntahan natin iyon. Akong bahala." Iginiya siya ng niya boss niya patungo sa department quarters ng mga housekeeping.
Nakita niya doon ang head na ang laki ng ngiti. Kumunot tuloy noo niya. Anong nangyari sa head nila't nakangiti ito? "Hai miss head." bati niya.
"Hello din. Shino-sama." sambit nito sa taong nakaakbay sa kaniya.
"Ah. Head. Pwede ba na ikaw muna ang bahala sa cart ni Elaiza? Pakikuha please." sabi nito at kumalas ng akbay sa kaniya. Lumapit ito kay head at ito naman ang inakbayan.
May binulong dito si Shino at hindi niya alam kung ano iyon. Tumango lang head at nag- thumbs up ito sa kaniya. Siya naman takang-taka pa din.
Kinuha na lang niya ang kaniyang bag. Nakita niya ang boss niyang naghihintay sa kaniya. "Tara na. Gusto ko ng makapunta sa bahay niyo." anito at kagaya kanina, inakbayan na naman siya patungo sila ngayon sa parking lot ng building.