CHAPTER 7

2708 Words
Dali-daling lumabas ng bahay si Shino at agad na sumakay ng sasakyan niya. Nagbaon siya ng gamot at tubig. Nang makalabas ang sasakyan niya sa gate nila ay agad niya itong pinaharurot. Nabalitaan at nakita niya mismo sa CCTV ang ginawa ng babaeng si Rin. Kung anong ginawa nito kay Elaiza at at kumulo talaga ang dugo niya. Wala namang kasalanan ang babae kaya bakit nito tinulak. Pero, nakita niya din sa CCTV kung paano din tinulak ni Elaiza si Rin. Nabangga ang likod nito sa pader ng elevator at napangiti siya sa isiping iyon. Ano na kayang nangyari? Matapos, makapasok ni Rin sa opisina niya. Hindi niya pa kasi pinalalagyan ng CCTV ang opisina niya at mukhang ngayon ay kailangan na niya. Dahil may tiwala naman siya sa head ng housekeeping. Nakita niya din sa CCTV na pumasok do'n ang head at si Elaiza. Nang makarating siya sa opisina niya ay nakaharang ang cart na gamit ni Elaiza kaya lumapit siya ng husto sa gilid at kinatok niya ito. Nang bumukas ang pinto ay agad niyang nakita ang mukha ni Elaiza na nakangiti sa kaniya. "Boss!" sambit nito. "Ah. Please. Paki-alis po ng cart na nakaharang sa daan." utos niya rito. Tumango agad si Elaiza at dali-daling ini-unlock ang cart at umatras siya ng konti. Agad na inibante ni Elaiza ito patungo sa gilid ng pinto at pinadaan siya. Binuksan ni Elaiza ng malaki ang pinto at pinadaan siya. Mas nagulat pa siya sa nakita niya nang mapadapo ang mga mata niya sa desk niya. Si Rin ay naka-upo lamang at hindi lang iyon, nang tingnan niya ang desk niya'y gulong-gulo na ito. Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya't tinawagan ang guard at tumawag din siya ng mga pulis, na papuntahin sa opisina niya. "Wala akong kasalanan Shino." anito sa kaniya. Tumayo ito at nagtataka siyang tumingin bakit nasa likod nito ang mga kamay nito. "Sila ang may kagagawan nito sa akin. Wala akong kasalanan." tiningnan niya lang ito ng walang emosiyon ang mukha. "Hindi mo na ako maloloko pa." aniya at lumapit dito. "Hmpf. Bagay sayo. Dapat posas ang nakalagay diyan at hindi tape but don't worry, the guard and the cops are coming." aniya rito. Habang hinihintay nila ang mga pulis at guard ay umupo na si Shino sa kaniyang upuan sa harap ng ni Rin. Tumingin si Rin sa kaniya at siya naman tiningnan ang mga magulong gamit. Nilalagay niya kasi sa drawer niya ang mga files niya. Nang tingnan niya iyon , wala ang isang USB niya na naka-ipit mismo sa mga folder niya. Tiningnan niya si Rin. Nilahad ang mga kamay, "akin na ang USB ko." aniya rito. Ngumisi lang si Rin sa kaniya. "Hindi ko alam." pagsisinungaling nito. Tiningnan niya si Elaiza na naglilinis ng mga glass window. "Elaiza." tawag niya. Lumingon naman ang dalaga sa kaniya. "Kunin mo ang bag niya at ibigay mo sa akin." utos niya. Tumango lang si Elaiza at agad na lumapit kay Rin sabay kuha ng bag na nasa upuan. Nilagay kasi ni Rin ito do'n, nung makapasok siya kanina bago siya naghalughug sa mga drawer ni Shino. Agad na binigay ni Elaiza ang bag kay Shino at bumalik na siya sa kaniyang ginagawa. Si Shino naman tiningnan ang bag ni Rin at wala siyang nahanap. Nilabas na niya lahat ng gamit pero, puro make-up kit lang ang nakikita niya. Napailing tuloy siya. Mukhang wala rito sa bag ang hinahanap niya. Binuksan niya lahat ng make-up kit. Inisa-isa niya. Hanggang mapadapo ang mata niya sa Lipstick nito. Agad niya iyong binuksan at nandoon nga ang USB niya. Maliit lang kasi ang USB niya, kaya napasok ito do'n. "Certified thief." aniya. "Nakaplano talaga." sabi niya rito. Kasi tiningnan niya ang Lipstick ay wala na iyon 'yong laman. Ang USB na lang laman. So, planado lahat, kaya tiningnan niya ito ng matalim. "Mabubulok ka sa kulungan at do'n ka na din mamamatay Rin. Certified thief!" aniya rito. Sampung minutos lang ay dumating na ang hinihintay niya. Nang dumating ang mga guwardiya at pulis agad nilang pinusasan si Rin. Nasa likuran pa din nito ang mga kamay. "Nakakahiya ang ginawa niya. Kaya pala galit na galit sina Shikaya at Shimon sa kaniya dahil ganiyan pala ang ginagawa niya sa opisina ni Shino.". aniya ni Elaiza sa mahinang boses pero, narinig naman iyon ni Shino na nasa likuran na pala niya. " yeah. Tama ka nga, kaya galit ang mga kapatid ko sa kaniya dahil ninanakawan niya kami." sabi ni Shino sa kaniya. "Ah. Boss." sabay harap niya. "Sige ha. Maglilinis muna ako." aniya rito. Kinabahan kasi siya agad nang marinig niya ang boses ng boss niya na nasa likuran niya. Naging uncomfortable siya bigla sa sitwasyon. Tiningnan niya ang mukha ni Shino at bigla na lang siyang mas kinabahan. Naaamoy din niya ang pabango nito kahit may ilang centre metro ang layo nila sa isa't-isa at hindi siya magsisinungaling na mabango ito. Agad siyang yumuko at dali-daling bumalik sa pagpupunas ng glass window ng boss niya. Nag-iinit kasi ang pisngi niya. "Hey." sinusundan siya ni Shino. Agad na kinabig ni Shino ang braso niya at niyakap siya paharap dito. Mas lalo tuloy niyang naamoy ito at mas lalo tuloy nag-iinit ang pisngi niya sa ginawa nito. "Salamat." anito sa kaniya. "W-walang a-anuman." sabi niya rito sa nauutal na boses. Dahil nagkakarera ang puso niya sa loob. Gusto na niyang kumalas sa pagkakayakap ng boss niya pero, hinigpitan masiyado ni Shino ang pagkakayakap sa kaniya. "B-boss." sambit niya dito. "Sorry, nadala lang." sabi niya kay Elaiza opero, ang totoo ay gusto naman talaga niyang yakapin ito. Napansin din niya na namumula ang pisngi nito. Mas lalo siyang natuwa, nagbla-blush kasi ito. Kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa agad niyang niyakap ito. Nang mayakap na niya ang dalaga ay naamoy niya ang sabon nitong gamit. Amo'y sakura flower, anong klaseng sabon kaya iyon at makabili para same na kami ng gagamitin. Ang bango niya. Gusto niya pang mayakap ang dalaga kaya lang, nandiyan na ang head kaya pinakawalan na niya ito at bumalik na sa kinauupuan niya. Bumalik naman si Elaiza sa trabaho niya. Pero, nakikita niya sa reflection ng salamin ng namumula pa din ang dalawa nitong pisngi. "Kawaii" (cute.) aniya sa mahinang boses. Nang mag-lunch  time ay pinatigil  ni Shino sa paglilinis sina miss Head at Elaiza. "Tama na yan. Alas dose na. Kumain na muna kayo. Tapos, ikaw Elaiza, bumalik kana sa trabaho pagkatapos mong kumain, I mean kapag one PM na. Dito sa floor kana ulit na 'to maglilinis." lumingon lang si Elaiza sa kaniya at tumango. Hindi kagaya kanina ay pulang-pula ang dalawa niyong pisngi ngayon ay, wala na. Ngumiti siya dito ng pagkatamis-tamis at kinindatan ito. Yumuko si Elaiza at agad na tumalikod. "Why? May problema ba? Bakit ka nakayuko?" tanong ni Shino. Napansin naman ng head na nakayuko si Elaiza na nakatalikod sa amo nila.  "Oo nga, bakit nakayuko at nakatalikod pa sa amo natin? May problema ba Elaiza?" tanong ng head. Hindi nakatiis si Shino kaya tumayo siya at tiningnan ang head na iwan silang dalawa ni Elaiza. Tumango lang head at agad na lumabas. Sasabay sana si Elaiza at humakbang na siya pero, bago pa siya makalabas ng pinto ay pinigilan na ni Shino ang braso niya.  "Saan mo balak pumunta?" tanong niya. Napalingon si Elaiza sa kaniya na may pagtataka. Ang labo namang kausap ng boss niya.  "Sabi niyo diba na kumain muna kami, kaya kakain muna kami." sagot niya. "Yeah. I said that, pero, nagbago na ang isip ko. Gusto ko sabay tayong mag- lunch." anito. Napataas tuloy ang isa niyang kilay. "Why? May problema ba kapag sabay tayong mag-lunch. Siyaka, hindi naman ito ang una nating dalawa na sabay kumain. Remember, kumain ka ng lunch sa bahay namin kahapon, tapos, kumain din ako ng dinner sa bahay niyo kahapon. So, we're quits." sabi nito. "Oo nga no. Pero, bakit ka mabait sa akin boss? Hindi mo naman ako kilala at hindi din kita kilala." sang-ayon niya sa sinabi ni Shino. Pero, kinakabahan na naman siya. Anong nangyayari sa puso niya. May nangyari ba sa  nanay niya? Umiinit din ang dalawa niyang pisngi. "Huwag kang mag-blush." sabi ni Shino sa kaniya. "Hindi naman ako nagbla-blush  eh." aniya rito. Pero, mas nagulat siya ng bigla siyang halikan ni Shino sa labi. Agad niyang tinulak ito "boss. A-anong ginagawa mo?" tanong niya sa nauutal na boses. Yung puso niya mas lalong dumoble ang kaba. Yung mga tuhod niya nanlalambot na. "I don't know Elaiza. I don't know. I like you so damn much! The way you smile." aniya ng boss niya. Hindi niya ito naintindihan. "Ayaw kong may ibang humahawak sa'yo. Even in my sister, I get jealous. Dahil alam ko kapag pumayag ako sa gusto niya hindi kana makakabalik pa sa building na 'to. Hindi na kita ulit makikita, ayaw ko no'n." aniya ng boss niya. "B-boss, mukhang kailangan ko ng resignation paper para mag-resign sa trabaho na'to." aniya sa boss niya. Medyo lumaki ang singkit na mata ng boss niya at umiiling pa ito. "No! Ayaw ko! Akin ka lang Elaiza. Akin lang! Hindi ka pwedeng magtrabaho sa iba dahil sa akin ka lang Elaiza." aniya. "I'm so possessive of you. I'm getting mad kapag hinahawakan ka ng kapatid ko. Dapat ako lang ang pwedeng humawak sa'yo ng ganun. Ako lang." "Boss. Baliw po ba kayo?" tanong niya rito. "Oo sa'yo." sagot naman. "Pamental po muna kaya kayo?" aniya. "Oo. Payag ako basta kasama ka." hinawakan siya ulit sa braso at kinaladkad  siya nito palabas ng opisina. "Kakain tayo ng sabay sa ayaw at sa gusto mo." hindi na lang siya nagprotesta pa. " saan mo ba gustong kumain?" tanong ni Shino sa kaniya, nang makasakay sila ng elevator. "Sa department." sagot niya. "Bakit ka do'n kumakain? May canteen naman." tanong nito. "Kasi, nagbabaon ako, siyaka sayang naman iyong baon na hinanda ni nanay para sa akin." sabi niya kay Shino. Ayaw naman niyang masaktan ang nanay niya dahil lang sa hindi niya kinain ang baon. Kahit ganoon lang ang baon niya, masarap na iyon para sa kaniya kasi, gawa iyon ng nanay niya. Pinaghirapan din iyon para lang sa kaniya. Ayaw naman niyang mapanis lang ang baon niya. "Ganoon ba. Sige, dalhin mo iyon. Sa canteen tayo kakain at ako ang bahala sayo." ani ni Shino sa kaniya. Tumango lang siya. Naramdaman niyang umakbay si Shino nang tumunog ang elevator. Nakita niya ang mga empleyada nito na nakatingin sa kanilang dalawa. Yumuko siya dahil ayaw niya sa atensiyon na nakukuha. Iyong iba gustong-gusto sa atensiyon ibahin mo siya. "Hala! Bakit siya inakbayan ni sir Shino?" tanong ng isang empleyada sa kapwa empleyada. "Oo nga, ano kayang relasiyon nilang dalawa?" tanong naman ng isa. "Saan kaya sila pupunta?" dagdag nitong tanong. "Swerte naman ng babaeng iyan. Tsk! Baka, ginayuma niya si sir Shino. Bakit kaya siya pinatulan ni sir Shino?" tanong naman ng isa. Huminga siya ng malalim at tinanggal niya ang kamay ni Shino na nakaakbay sa kaniya. "Don't mind them Elaiza." bulong ni Shino sa kaniya. Pero, sobra na din kasi ang mga sinasabi ng mga ito. Kung gusto nila sa pwesto niya ngayon ede mag-janitress din sila. Mga KSP lang talaga ang mga empleyada ni Shino. Mga Kulang sa Pansin. Pero, sana kaya niya pa, dahil kanina pa nangangatog ang mga tuhod niya. Kinabig siya palapit ni Shino at hinawakan ang kaniyang baywang. "Alam kong hindi ka komportable sa ginagawa ko. Pero, gustong-gusto ko ito." bulong ni Shino sa kaniya habang naglalakad sila patungo sa department. Nakahawak pa din ang kamay nito sa baywang niya. Hinahaplos nito pababa at pataas sa baywang niya. Putek! Agad niyang tinanggal ito nang makarating sila sa departmento ng housekeeping. "Huwag mo na akong hahawakan boss." aniya rito. Nakikiliti kasi siya kanina pa, pero, pinipigilan niya lang ito dahil ayaw niyang malaman ng boss niya na may kiliti siya sa baywang. Baka kapag kiniliti  siya ng boss niya humagalpak siya ng tawa at hindi niya na mapigilan pa. Sasakit na naman ang tiyan niya. Kinuha niya agad sa bag niya ang baon niya. "Tara na." ani ng boss niya at kinabig siya palapit dito. Sinamaan niya ito ng tingin. "What? Gusto ko lang naman na hawakan ang baywang mo. Masama ba 'yun? May iba bang humahawak sa baywang mo kaya ayaw mong magpahawak  sa baywang mo sa akin? Ha? Sabihin mo sino siya? Ako mismo ang puputol sa kamay niya para hindi ka na niya hawakan  diyan." Nakabuka lang ang bunganga niya dahil sa hindi siya makapaniwala sa nga naririnig galing sa boss niya. Napailing din siya. "Boss. Okay lang po ba kayo?" tanong niya. "Tsk. Sagotin mo ang tanong ko Elaiza. May ibang lalaki ba na humawak sayo?" tanong nito na may madilim na mukha. "Alam mo boss. Malala kana. Nakainom  ba kayo ng gamot niyo? O hindi kayo nag-agahan?" tanong niya. Parang sina Shikaya at Shimon din ito eh. Magkapatid nga silang tatlo. "Tara na nga boss. Gutom lang yata kayo eh. Kung anu-ano na iyang pinagsasabi niyo eh." aniya sa boss niya. Madilim ang mukha ni Shino habang papunta sila sa canteen. Tinanong niya si Elaiza pero, hindi nito sinagot. Naiinis siya dahil sa isiping may humahawak na iba sa babae. Sa kapatid nga niyang lalaki naiinis din siya dahil niyakap nito si Elaiza noong nandoon ito sa bahay nila. Siya lang dapat ang pwedeng humawak, yumakap sa dalaga. Pwede naman na hawakan si Elaiza ng kapatid niyang babae basta ibabalik  sa kaniya dahil sa kaniya naman talaga ito noon pa man. No'ng mag-apply  ito sa kanila bilang janitress. Nang una niya itong makita sa bahay nila, nagandahan  agad siya sa babae at gusto na niyang halikan ito sa labi. Kahit hindi ito gumagamit ng lipstick, pink pa din ang labi nito at naaakit siyang halikan ito. Kaya ang ginawa niya kanina ay hinalikan ang dalaga kaya lang, tinulak siya nito. Pero, ayos lang ito sa kaniya dahil ang sarap naman ng labi nito.   Kapag malaman niyang may ibang humahawak sa babae. Hindi niya kayang pigilan na hindi magalit. Call him possessive at wala siyang pakialam. Sa kaniya lang si Elaiza, walang sino man ang pwedeng umagaw sa pagmamay-ari niya. Naiinis din siya dahil ayaw din magpaakbay ng babae sa kaniya. Nang makarating sila sa canteen ay agad na napatingin ang mga lalaki kay Elaiza at mas lalo siyang nainis. Siya lang dapat ang may karapatan na tingnan ang babae ng ganiyan. Kaya wala siyang nagawa, inakbayan na niya ito at sinamaan ng tingin ang mga lalaking nakatingin sa dalaga. Hindi man  iyon pansin ng dalaga pero siya, alam na alam niyang pinagtitinginan ang dalaga at ayaw niya. Kumuyom ang isa niyang kamay na nakalagay sa bulsa. "Mabuti pa, sa opisina na lang tayo kumain." aniya kay Elaiza. Napatingin tuloy sa kaniya si Elaiza na may nagtatakang tingin. "Boss. Ayos lang po ba kayo? Teka lang ha. Order lang ako ng tubig." aniya dito. "Ako na." boluntaryo niya, ayaw niya ng may humawak ni kalingkingan ni Elaiza na iba. Lalaki kasi ang cashier at kapag nagbayad ibig sabihin mahahawakan ng lalaking iyon ang kamay ni Elaiza at hindi niya iyon gusto. Isipin pa lang na may humawak dito, kumukulo  na ang dugo niya. "Sige po boss." ani ni  Elaiza at siya naman ay agad na tinungo ang counter at umorder ng mga pagkain. "Pakibilisan." utos niya sa mga nagbabalot  ng pagkain. Tumango lang mga ito at binilisan ang pagbabalot ng pagkain. Kanina pa kumukulo ang dugo niya dahil pinag-uusapan na nila si Elaiza. "Ang ganda naman pala niya kaya siguro nagkagusto  si sir Shino sa kaniya. Akala ko ba usapan b***h siya? Bakit may b***h ba na ganiyan ang mukha? Maamong mukha." sabi ng isang lalaki. Naging mas kumulo ang dugo niya. Binayaran niya agad ang cashier at kinuha ang mga inorder niya. "Sir. Ang sukli niyo po." sambit ng cashier. "Keep the change." aniya sabay lakad ng mabilis at tiningnan niya si Elaiza na madilim ang mukha. "Tara na." aniya sa dalaga at kinabig ito palapit sa kaniya. Agad niyang hinalikan ito sa labi, para malaman ng lahat ng lalaki na nandito  sa canteen na sa kaniya lang si Elaiza at lumabas na sila ng canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD