CHAPTER 6

2922 Words
Kalahating oras ang lumipas ay nagpaalam na si Shino. Pero, bago siya umalis ay uminom muna siya ng gamot niya. Hinatid siya ni Elaiza sa sasakyan niya. Medyo malayo kasi ang nilakad nila. Iniwan kasi niya ang sasakyan sa unahan. Hindi kasi pwedeng makapasok ang sasakyan niya papunta sa bahay ni Elaiza. Dumaan kasi sila sa masikip na daan. Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad. Gusto niya sana mag-open dito pero, huli na ang lahat dahil ay nasa may rin tindahan na sila at nando'n pa din ang mga taong nag-iinuman. "Salamat sa paghatid boss." sabi ni Elaiza sa kaniya. Ngumiti siya dito at tumango. "Salamat din sa pagkain. Ang sarap mong magluto. Hindi lang pala sa paglilinis ka okay eh, pati din pala sa pagluluto." aniya. Kung pwede lang kitang pakasalan. Gagawin ko na agad. aniya sa isip. Nang makarating sila sa sasakyan ay agad niyang ini- unlock ang sasakyan niya at agad na pumasok dito. Binaba niya ang bintana ng sasakyan at tiningnan ang dalaga. "Pwede kang ma-late bukas. Maiintindihan ko dahil medyo malayo pala ang bahay niyo." "Sabi ko naman kasi sa inyo boss eh. Huwag niyo na akong ihatid." Pero, ngumiti na lang siya at nagpaalam dito. Itinaas niya ulit ang bintana ng sasakyan at agad na nagmaneho pabalik kung saan siya uuwi. Hindi pa din mapuknat ang ngiti niya sa mga labi. Grabe talaga ang babaeng iyon. Kanina pa ako tawa ng tawa sa kaniya. aniya ng isip ni Shino. "Bakka." (Stupid) Pero, may chance pa si Elaiza na magbago ang ugali nito. Mas maganda siguro kung palagi itong ganiyan pero, baka abusuhin ng iba. Kapag masiyado ka kasing mabait ay inaabuso na nila ang kabaitan mo. Ayaw niyang may nang-aabuso kay Elaiza. Dahil masakit iyon. Naranasan na niya kasi ang maabuso. Nang makarating siya sa bahay nila ay agad niyang pinark ang sasakyan niya sa parking lot ng bahay nila. Nang makapasok siya. "Tadaima!"(I'm home!) sigaw niya. "Konbanwa Shino-sama." (Good evening sir. Shino.) "Konbanwa. Where's Otosan and Okaasan?" tanong niya sa maid nilang sumalubong sa kaniya pagkasigaw niya ng Tadaima. "Upstairs. Shino-sama." sagot naman nito sa kaniya. "Arigato." (Thank you) "Shikaya-san and Shimon where are they?" "They're not home yet." sagot nito.  Tumango na lang siya at sa umakyat sa taas. Ang daming nangyari sa araw na ito. Nakilala niya si Elaiza Recuelles. Ang janitress niya na saksakan ng talino. Kabaliktran nga lang ng talino. Hay nako! Pero, she's beautiful inside and outside. Even if she's not using any kind of make-up, she's still beautiful. Nalaman din niya na may lahi pala iyong hapon. Hay nako! Nang makarating siya sa kaniyang kwarto agad siyang nagtungo sa closet niya at kumuha ng tuwalya. Tapos, ay nagtungo siya sa banyo at naligo. Kalahating orasang lumipas ay natapos na din siya pagligo. Agad niyang tinuyo ang basa niyang katawan gamit ang tuwalyang dala niya. Tinakpan nito ang masisilan niyang katawan at lumabas siya ng banyo. Dumiretso siya sa closet niya at he grab a shirt and pants and undergarments too in the dresser. Nang matapos siyang magbihis ay agad siyang humiga sa kama niya. Pinikit niya ang mata at nakatulog na siya dahil na din sa pagod. Alas kwatro palang, gumising na si Elaiza dahil papasok siya sa trabaho ngayong araw at ayaw niyang ma-late. Nakita niya ang ina na nagsasaing na. "Nay. Maliligo po muna ako, okay lang po ba kayo diyan?" tanong niya sa ina na nagpapaypay ito sa kalan. "Okay lang ako anak." sabay harap nito sa kaniya. "Maligo kana, malayo pa naman ang tinatrabahuan mo baka ma-late ka. Mas maganda kapag maaga kang makapunta do'n. Baka maabutan ka ng traffic mahirap na." aniya ng ina niya sa kaniya. "Sige po." pagkasagot niya non ay agad siyang kumuha ng tuwalya. Nagtungo siya sa banyo, kumuha ng timba at nag-igib ng tubig sa kapitbahay nila. Nakatatlo siyang balikan at pagkatapos ay naligo na siya. Sampung minuto ang lumipas tapos na rin siya at nakalabas ng banyo na nakatapis ng tuwalya. Siguro luto na ang kanin. Pumunta siya sa kwarto niya at nagbihis siya tapos, nagsuklay. Nang natapos ay agad siyang lumabas at dumiretso sa kusina nila. Nang makita ang ina ay ngumiti siya. Gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang ina niya kaya lang paano niya iyon gagawin? "Nay." sambit niya. Napatingin ang ina niya sa kaniya. "May baon na po ba ako?" nagbabaon kasi siya at ayaw niya naman na kumain sa canteen dahil na din magastos masiyado. Wala siyang pera para do'n. Ang dala na lang niya palaging pera ay 'yung pamasahe niya sa araw-araw.  Iyon lang, 'yung iba niyang pera, tinatabi niya para sa kaniyang ina. "Tapos na po. 'Yung mga damit mo sa bag. Napalitan ko na din. Lima iyon." tumango siya at lumapit sa ina. "Kaya nga Mahal na mahal kita eh." aniya. Niyakap din siya ng kaniyang ina ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita anak. You're my everything. Your my world." aniya ng ina. "Nay. Alam ko marunong kayong magsalita ng English. Pero, sana naman huwag sa akin. Dumudugo ilong ko sayo kahit wala naman." aniya sa ina na nakakunot ang noo habang yakap ito. "Sige nay. Kain muna ako." pagkatapos ay kumalas siya rito. Nang matapos lahat ng ginawa niya ay lumabas na siya ng bahay at nagpaalam sa ina na aalis na siya. Nakahanda na lahat ang gamit niya. Ang pamasahe niya kompleto na. Ang baon at mga damit niya nasa bag niya na. Habang naglalakad ay may nakita niya ang kaniyang pinsan na patungo sa bahay nila. Ang aga naman, babaeng alien pa ang papunta sa amin. "So, where are you going?" tanong nito sa kaniya na may ngisi sa labi. Kaya huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. "Catching someone?" tiningnan niya lang ng walang emosiyon ang pinsan niya. "I heard, may lalaki kang kasama kagabi? Siya ba ang bagong mong syota? Narinig ko din, mayaman siya. So, kaya pala lumapit ka sa kanya. Babaeng mutshasha." aniya ng pinsan niya. Huminga siya ng malalim at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Tsk. "Alam mo, masasagap mo talaga ang balita eh no. Kasi, chissmosa ka. Sa sobrang chissmosa mo kahit ang layo na lumilipad patungo sayo. Grabe na yan. Malala na iyang pagka-chissmosa mo teh. Umagang-umaga chissmiss inaatupag mo. Bakit hindi mo atupagin iyong bahay niyo na mabaho dahil hindi mo nililinisan? Kadiri ka! Kababaeng tao, hindi marunong maglinis ng bahay." aniya rito. Alangan naman na hindi niya papatulan ang pinsan niya? Sumusobra na kasi ito. "Siyaka, bakit ka ba napadpad dito sa amin? Babaeng mababa ang lipad na puro higad ang katawan. Tsk. Makaalis na nga, baka hindi ako makapagtimpi sipain kita diyan." at nagpatuloy siya sa paglalakad. Natameme ang pinsan niya sa sinabi niya. Ngayon lang siguro ito nakakita ng katapat. Noon kasi, hindi niya pinapatulan ang mga pinsan niya. Wala siyang pakialam sa mga ito pero, sumusobra na din kasi ang mga ito kaya hindi na niya natiis pa. Maganda sana ang umaga niya kaya lang biglang nawala nang dumating ang pinsan niya. Nang makaabot siya sa may tindahan. Naroon pa din ang mga lasing nag-iinuman. Sigurado siya, may pustahan ang mga ito. Lumapit siya dito. "Hoy!" lumingon naman ang isang lasing sa kaniya na may namumungay na mga mata. "Hanggang ngayon ba naman iyan pa din ang inuuna niyo? Kaya kayo walang mga asawa eh." aniya sa mga ito. "Tarzarina. Ikaw nga di-n eh washa kang ashawa." aniya ng lasing sa kaniya. Ay sarap iumpog sa pader para matauhan. "Aba. Ako pa?" sabay turo sa sarili niya. "Wala iyan sa bokabularyo ko mga tsong! Kaya kayo magtino kayo!" sabi niya at tumalikod. Nang makarating sa building na pinagtatrabahuan niya. Ganun pa din ginagawa niya, nagbihis ng damit at kumuha ng mga kagamitan para sa paglilinis. Lalabas na sana siya nang makita niya ang head. "Magandang umaga miss Ulo." Aniya rito. "Anong ulo?" tanong ni miss head sa kaniya. Ngumiti lang siya. Hindi siguro alam ni miss head ang tagalog ng head. Mabuti na lang ako alam ko. Kahit na kinasusuklaman ko ang paksa na iyon. Naiinis ako. "Sige po miss head. Alis na po ako at akoy maglilinis na." aniya at lumabas na ng housekeeping department quarters. Habang papunta siya sa nineteenth floor ay sumakay siya ng elevator. Akmang isasara na niya ito, nang may biglang humarang na kamay. Nang tingnan niya ang babaeng si Rin pala. "So, looks who's with me? The bitch." aniya ni Rin sa kaniya. Kumunot lang noo niya dito at binaling na lang sa harap ang kanyang tingin. Wala siya mood para makipag-usap sa babae. Siyaka isa pa, hindi naman niya alam kung anong pinagsasabi nito sa kaniya. "I'm talking to you b***h!" sigaw nito. "Are you deaf!?" sigaw nito sa kaniya. "Tsk!" sabay tulak sa kaniya at natumba siya sa sahig. "Aray!" sigaw niya. Tiningnan niya ng masama ang babaeng gumawa nun sa kaniya. Kanina pa may nambubuwisit sa kaniya. "What? Lalaban ka?" tanong nito. Tumayo siya at tinulak din ito. Tumama ang likod nito sa may elevator. "Opps. Napalakas yata?" tanong niya rito. "Huwag mo akong uunahan ha! Wala ako sa mood makipag-usap sa mga taong kagaya mo. Kung may problema ka sa akin sabihin mo. Sa pagkakaalala ko wala naman akong kasalanan sayo ah." Pagkasabi niya sa huling salita ay bumukas ang elevator at agad siyang lumabas. Hindi niya tinulungan ang babae. Dirediretso lang siya sa paglalakad. "Ako pa kinakalaban niya. Kanina pa ako hindi maganda ang araw dahil sa babaitang pinsan ko." kausap niya sa sarili. Nagsimula na siyang maglinis ng mga bintana at nagwalis ng sahig. "Ohayo minna." (good morning everyone.) "Ogenki desu ka minna?" (How are you, everyone?) bati ni Shino pagkababa niya. Napatingin tuloy ang mga kasambahay niya sa kaniya. Katatapos niya lang kasi, maligo at magbihis ng office attire. "Shino-sama. We're not done yet cleaning the house." sabi sa kaniya ng isang kasambahay. "It's okay. I'm done taking my medicine so, don't worry okay?" tumango na lang ito at iniwan siya. Nakita naman niyang bumalik na ito sa trabaho niya sa pagmumunas ng hagdan. Nagtataka siguro ang mga kasambahay nila. Nang makarating siya sa dining area ay wala pang tao dun, pero, may mga pagkain ng nakahanda. Agad siyang umupo at kumain. Habang kumakain panay pa din ang ngiti niya. Hindi iyon mapuknat sa mga labi niya. Hindi niya din kasi alam kung bakit palagi siyang nakangiti. "Shino-sama." sambit ng kanilang kusinira. "Your smiling while you are eating. What is that?" tanong nito sa kaniya. Umiling lang siya. "Last time I saw you that smile your in love." Nabilaukan tuloy siya sa sinabi ng kusinira nila. "Water." aniya. Agad naman siyang binigyan ng tubig ng kusinira. Nang matapos ay tiningnan niya ito ng masama. Ngumiti lang ng nakakaloko ang cook nila. "What!? I'm not in love." aniya rito. "Okay. If you said so. Sayōnara." (goodbye.) aniya ng cook na may pailing-iling pa. "Hindi daw in love. Eh, sa ganoon siya makangiti no'ng palaging nandidito ang bruhildang Rin na 'yun." aniya ng cook sa mahinang boses habang naglalakad patungo sa kusina. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Habang kumakain, ay may naririnig siyang bulungan. "Alam mo ba kahapon nakita ko si Rin at may kausap siyang tao sa cellphone niya. Ang sabi niya, pupunta daw siya sa opisina ni Shino-sama at siya na daw ang maghahanap." aniya ng isang katulong. Napalingon tuloy si Shino sa pinanggagalingan ng boses. "Anong sabi niyo po manang?" tanong niya dito. "Kasi po, narinig ko po si miss Rin kahapon may hahanapin daw siya sa opisina mo po." anito sa kaniya. Ang masayang araw niya napalitan ng hindi maganda. Humanda talaga sa akin ang babaeng iyan. Hindi porke't kaya kong patawarin ang ginawa niya sa akin non na pagnanakaw ay gagawin niya ulit ito sa akin? Pwes diyan siya nagkakamali. Habang naglilinis si Elaiza, may mga nakatingin na naman sa kaniyang mga empleyada. Pero, hindi niya ito pinapansin. Hanggang sa may lumapit sa kaniyang may katangkaran na babae. "Oh. Hai miss." bati sa kaniya nito. Lumingon siya at tiningnan ito. "Bakit?" tanong niya. "May kailangan po ba kayo? May nakaligtaan po ba akong linisan?" tanong niya rito. Umiling ito sa tanong niya. "Salamat naman." sabay hingang malalim. "Kasi po, nakita ka po namin kahapon na kiniladkad ni sir. Yamamoto, okay lang po ba kayo? Palagi kasing nagsesesante si sir ng mga kagaya niyo ang trabaho. Pero, sa nakikita ko naman. Maayos naman ang trabaho mo." sabi nito sa kaniya. "Alam mo miss, masesesante talaga ako sa kagagawan mo." sabi niya at tumalikod. Pinagpatuloy na lang niya ang ginagawa. Tutal hindi naman siya ang lumapit dito kundi ang empleyada mismo ng ibang departamento. Kapag siya nasesante sa trabaho, kilala na niya kung sino ang sisisihin niya. Kundi ang babae mismo. Nakita niyang naglakad ito paalis, dahil na din sa replika na nakita niya sa salamin na pinupunasan niya ng glass cleaner. Tsk. Kay aga-aga chissmiss inaatupag nila. Hindi ba nila alam na sinasahuran sila para magtrabaho hindi para mag-chissmiss. Kung sinasahuran sila mag-chissmiss ede sana mayaman na iyong mga chissmosa niyang kapitbahay. Ay tama pala, mayaman ang pinsan niya, kaya siguro naging mayaman iyon dahil sa chissmosa ito at ang mga chissmiss na nasasagap nito'y may kapalit na pera. Pwede naman nilang itikom ang mga bunganga nila para naman makatipid sila, Ng laway. Pinagpatuloy lang niya ang kaniyang paglilinis hanggang sa matapos siya at tinungo niya ang twentieth floor. Nang makarating siya sa elevator at sumakay. Akmang pipindutin na niya. Nang may ibang kamay ang pumindot do'n. "Mukhang wala pa si Shino-sama." Aniya ng isang babae. Pamilyar ang boses nito kaya napalingon siya. "Head." sambit niya. "Saan po kayo pupunta head?" tanong niya. "Sa opisina ni Shino-sama." sagot nito. "Maglilinis ako do'n." aniya. "Samahan mo ako, dahil ikaw ang maglilinis kapag wala ako." sabi nito sa kaniya. Tumango lang siya. May magagawa ba siya? Yung head mismo ang nag-utos sa kaniya. "Bilisan mo." anito, Nang huminto ang elevator at lumabas sila. Dali-daling sumunod siya dala ang mga kagamitan niya sa paglilinis. Ang troller mismo ang dala niya. Ang bilis naman maglakad ng head na 'to, buti na lang nakakasabay siya. Nasa harap na sila ng pinto ng opisina na sila ng boss niya.  Nang buksan ng head ang opisina gamit at pumasok sila. Nakita mismo nila si Rin na may hinahalughug sa mga drawer ng boss nila. "Hoy!" sigaw ni Head dito. Napalingon ito sa kanila at gulat na gulat ang mukha. Namumutla din ito. "Magnanakaw!" sigaw ng head kay Rin. Agad na lumapit ang head kay Rin at hinawakan ang pulsuhan nito. Siya naman ay agad na sinarado ang pinto gamit din ang cart. Ini-lock niya iyon sa may baba para hindi makatakas si Rin. Sinarado din niya ang pinto. So, ibig sabihin kapag tumakbo ang babae mababangga ito sa cart niya na nasa labas ng pinto. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis mukhang baliktad yata ang pagtuturo sa kaniya noong nag-aaral pa siya. Kasi, ang mga magnanakaw nandito sa loob mismo. "Anong ginagawa mo matanda ka!? Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Rin kay miss Head. Lumapit din siya sa babae at hinawakan ang braso nito. Lumingon si Rin kay Elaiza at sinamaan siya ng tingin. "Ikaw! Isa ka pa! Bitiwan mo ako!" sigaw din nito sa kaniya. Ngumisi lang siya at agad na pinaikot ni Elaiza ang kamay ni Rin sa likod. Kaya namimilipit na ito sa sakit. "Aray!" sigaw nito. "Miss head, pakikuha nga ako ng tape. Ako na po ang bahala sa kaniya." aniya sa head at nang bitawan ng head ang kamay ni Rin ay agad niya itong hinawakan. So, dalawang kamay na ni Rin ang hawak niya. "Magagamit ko din pala ang mga tinuro sa akin noon. Akalain mo 'yun." aniya sa kay Rin. "Bitawan mo ako! Bwisit ka!" sigaw nito. "Tumahimik ka!" sigaw din niya. "Akala mo hindi masakit yung ginawa mong pagtulak sa akin kanina. Pwes, sasabihin ko sayo. Masakit siya. Kaya pipilipitin ko din ang mga braso mo." aniya na nasa likuran ni Rin. Nang makakita na si Head ng tape ay agad itong lumapit sa kaniya at tinalian ang kamay nito gamit ang tape na kuha nito. "Ayan. Para hindi ka makatakas." aniya ng head dito at pina-upo ito sa bakanteng upuan na nasa harap mismo ang desk ng boss nila. "Salamat Elaiza." "Walang anuman head." aniya rito tapos, tumingin kay Rin na masama ang tingin sa Kaniya. "Bakit? May ginawa ba ako sa'yo? Opps! Meron pala. Ginapos ka. Huwag na huwag kang magtatangkang tumakas habang nandito ako, dahil kaya kitang sundan kung saan ka man. Nakalimutan kong sabihin, runner at tae kwon do player pala ako noong high school." aniya. "Hah?" nagulat din si Head dahil sa sinabi niya. "Anong sabi mo? Tae kwon do player at runner ka?" tanong nito. Napalingon tuloy si Elaiza sa kaniya. "Opo. Kaya magaling ako sa akyatan, at takbuhan. Hindi ko lang siya palaging ginagamit dahil ayaw ko naman na ipagmayabang na marunong ako sa larangan na iyon. Sumali lang ako para pang depensa." aniya rito. "Wow." manghang-mangha ang head dahil sa sinabi niya. "Secret lang po natin iyon ha?" tumango ang head sa sinabi niya. "Salamat." tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Tara na po, maglilinis na po tayo. Huwag nating intindihin si Rin dahil hindi din naman iyan makakatakbo ng maayos." aniya. Tumango lang ang head sa sinabi niya at inumpisahan ang paglilinis. Siya ang nawawalis at ang head ang nag-pupunas pero, hindi nila pinakialaman ang drawer na hinalughug ni Rin. Dahil ayaw niyang magkaroon ng finger print do'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD