Habang lumilipas ang mga araw, buwan at taon. Nakabantay pa din siya sa malayo sa dalawang makulit, medyo masaya na sa paningin niya si Elaiza at minsan nakikita niya pa din itong umiiyak sa ibabaw ng puno. Nag-aalala siya dito baka mahulog ito, pero, sanay na sanay ang mahal niya sa akyatan eh. Ngayon alam na niya kung bakit TARZARINA ang tawag kay Elaiza , dahil para siyang bunsong kapatid ni TARZAN kung umakyat ng mga puno. Sino kaya nagturo sa Elaiza niyang umakyat? Ang galing lang, and he's so proud of it. Ngayon nga nakikita niya si Elaiza na tumatakbo sa field ng school nito at mabilis din ito sa takbuhan, alam niya ang bawat galaw nito dahil na din sa nagmamasid siya ng palihim dito, nalaman niyang sumali sa pagiging runner si Elaiza upang masustentuhan ang pag-aaral. Mayaman naman

