Ang nasa isip pa din niya habang nasa byahe ang Lola niya. Ano na kayang nangyari dito? Sino ang may gawa? Nakatingin lang siya labas ng bintana. Nagsasalita ang driver niya pero, hindi siya nakikinig. Hindi niya din kasi mapasok sa utak ang mga sinasabi nito. Paano kung may nangyari na dito? Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari nga ang mga iniisip niya. Hindi niya kayang mawala ang lola niya. Habang tumatagal ang oras ay lalo siyang kinakabahan. Nanalangin din siya na sana hindi pa huli ang lahat. "Bilisan mo!" sigaw niya. Nanginginig na din siya kaba. Nakaupo lang siya pero, parang hihimatayin pa din siya. Nanlalamig na ang mga kamay niya. ***** Nang marating nila ang lugar kung saan ang sinasabi ng driver niya. Agad siya na bumaba kahit hindi pa humihi

