Naghihintay siya ng sundo niya. Hindi niya ito matawagan dahil wala naman siyang cellphone. Wala ding cellphone ang driver niya. Hay buhay! May pera naman siya at kaya niyang bumili ng cellphone. Kaya nga lang, bawal sa bahay nila. Ilang ang minuto ang lumipas ay dumating na din sa wakas ang ang sundo niya. Bumaba ito at agad na tumingin sa kaniya na may ngiti sa labi. Nagtaka siya dito, dahil minsan lang naman ito ngumingiti sa kaniya. Kaya nginitian na lang din niya ito pabalik. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver niya at same as usual, kung ano ang ginagawa niya sa tuwing sakay siya ng sasakyan nila at nasa passenger seat siya. "Jian." anito pagkapasok nito sa sasakyan at binigay muna sa kaniya ang isang paper bag. "Here is your request." anito. Nanlaki ang mata niya s

