"Bakit mo ba ako pinipigilan sa gusto ko?" Narinig niyang tanong ni Shino sa kay Elaiza. Madilim pa din ang mukha nito na nakatingin sa kaniya. Wala naman siyang pakialam dito eh. Ang importante sa kaniya ay maging ligtas si Elaiza. Ang mahal niyang si Elaiza. Tumalikod na siya at umalis. Pinulot niya kanina pa ang camera niya. Mabuti na lang at hindi ito nasira. Maraming kasing bagay ang nasa camera na hawak niya. Nasa labas na siya ng convention. May bodyguard agad na lumapit sa kaniya. "Let's go." aniya dito at agad na tumango ito at pinagbuksan siya ng pinto. Agad naman siyang pumasok. Nang maisara na ng bodyguard niya ang pinto ng sasakyan ay tiningnan niya agad ang camera at tumingin sa mga pictures ni Elaiza. Napapangiti na lang siya dahil dito. Naalala niya noon. *F

