Isang oras na ang lumipas ay mga bisita pa din na dumadating. Tumingin siya sa likod niya at nakita niyang nag-uusap ng seryoso sina Caleb at Rhea. Ang nanay naman niya at ang dating CEO kasama ang asawa nito ay nag-uusap din at may konting tawanan. Kanina pa siya hindi mapakali dahil sa sinabi ni senior inspector Salvacion. Si Shino ay inutusan niya na kuhanan siya ng maiinom. Sinunod naman ng huli. Nasa pabilog na mesa siya at nag-iisang umupo. Wala ni isa na magtangka na umupo sa mesa or bumati sa kaniya dahil kay Shino na todo bakod sa kaniya. Nang may isang waiter ang dumaan. Asa na ba kasi si Shino. "Waiter." tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kanya at ngumiti. Lumapit ito na hindi nawawala ang ngiti sa labi. Nakita niyang may dala itong alak na nakalagay sa tray kay

